Hans x Darlyn part 2

2556 Words
Chapter 7 - Hans Christian Pag ibig & Darlyn Canaria part 2 Kinaumagahan, wala ako sa mood.. sino ba namang gaganahan? yung swimming na dapat inenjoy mo, kinainisan mo pa ng todo. hayyy Hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang inis! nakailang close open na yung mga mata ko ni hindi man lang ako dinalaw ng antok eh. Kada ipipikit ko ba naman kase yung mga mata ko, yung paglalandian nila Arlan at Ate Darlyn yung nakikita ko. Yun namang lalaking yon mukhang nag eenjoy pa walanghiya! Idagdag pa yung si Hans na walang ibang ginawa kundi asarin ako. Mabuti nalang kasama namin si Pam, siya nalang yung inatupag ko. Gumawa kami ng madaming sand castle. Hindi ko nalang sila pinansin. Hindi kame bate. Pag uwi namin ine expect kong mag sosorry at magpapaliwanag man lang si Arlan pero wala! NGANGA ako! sawi.durog.basag. "Nanay Minda nasaan po sila?" tanong ko kay Nanay. siya lang kase yung nakita ko sa paligid eh. "Kuhh.. nasa taniman na sila.. maaga umalis, anong gusto mong kainin, ipaghahanda kita?" "yung masarap mong tapsilog na may sawsawang suka at bawang nanay!!! yummy!" sabi ko kay Nanay Minda sabay yakap. Oh bakit?! close nga kame diba? magiging nanay ko naman din siya in the near future. "Napaka lambing mo talagang bata ka.. O siya, halika sa kusina para maipag luto kita." sumunod ako sa kanya hanggang sa kusina. nagkwentuhan din kame habang nagluluto siya. "Nay, si Ate Darlyn po pala?" "Maaga umalis nak, mamamasyal daw siya." ah okay, hindi man lang ako niyaya? sabagay, kung niyaya ba niya ako sasama ba ako eh tinotopak nga ako sa kanya. "sino pong kasama nay?" bigla nalang lumabas sa bibig ko yan, instinct baga.. "Mag isa lang siya kanina nak, sinabay nung Daddy niya pag alis." tignan mo tong si Nanay Minda, sabi mag isa lang daw, tapos sinabay nung Daddy niya pag alis. kuh! kung hindi ko lang mahal ang anak niya (pati na din siya) nabara ko na siya. hihihi Pero okay na din.. atleast, hindi niya pala kasama si Arlan mahal. Kaso lang hindi ko parin nakikita eh. Baka nasa palayan na din yun. Pagka pananghalian naboring na naman ako sa bahay kaya, dala yung sketch pad ko saka pang meryenda, sa may tulay na naman ang destinasyon ko. ang ganda ganda talaga nang lugar na to, kahit pa masyado ng na vandalize yung mga pader sa ilalim ng tulay, yung ilog sa dulo tapos yung mini falls sa kabilang dulo yung nakakapag parelax sakin kapag andito ako. Nilapag ko yung mga gamit ko sa tuwalyang dala ko. Magpi picnic akong mag isa. Alone ang peg ko hihihi, nag drawing ulit ako tapos nagtampisaw ako dun sa may sapa pero hindi na dun sa madulas na part. ang lamig ng tubig! sarap maligo. Lumingon lingon ako sa paligid. hmmm wala namang taong napapadaan dito sa may ilalim ng tulay kaya wala naman sigurong makakakita sakin.. Hinubad ko yung t-shirt at saka shorts ko. buti nalang terno yung color pink na panty at bra na suot ko. bumaba ako sa may falls saka nahiga sa may batuhan. ahehehe nag su sun bathing ako ng walang sun. Medyo matagal tagal na din akong nandun nung biglang may pumito, yung pang sexy na pito. Lumingon lingon ulit ako hanggang sa nakita ko si Hans na nakaupo na dun sa may damuhan malapit sa gamit ko. "ANONG GINAGAWA MO DITO?! MANYAK KA NANINILIP KA!!!" sabi ko sa kanya habang naka cross yung dalawang braso ko sa dibdib ko. "Makapag takip ka naman diyan kala mo napakalaki niyang tinatakpan mo eh parang santol nga lang yan." naka ngising sabi niya pa. "AHHH!!!! MANYAK KA!!! BASTOS! BASTOS!" nakalapit na ako sa kanya nun, hindi na nga ako aware kung anung itsura ko nung lumapit ako sa kanya eh. napansin ko nalang na nakatitig siya sa katawan ko saka lunok ng lunok. tinignan ko kung ano yung tinigtignan niya. 0_______0 "AHHHHH!!! BASTOS KA! MANYAK! WAG KA NGANG TUMINGIN DIYAN!!!" tinulak tulak ko siya patalikod saka ko hinila yung tuwalya. tumapon tuloy yung mga pagkain. Sayang! "BAT KA BA SIGAW NG SIGAW DIYAN? KASALANAN KO BANG NAKITA KITANG NALILIGO DIYAN NG NAKA.. NG NAKA GANYAN!" tinignan niya ulit ako sabay lunok saka umiwas ng tingin. "PWEDE KA NAMAN KASENG MALIGO DIYAN NG NAKA DAMIT TAPOS AKO YUNG SISISIHIN MO!" "HOY! PARA SABIHIN KO SAYO! KANINA PA AKO NANDITO! NAUNA AKO SAYO DITO AT WALA AKONG NAKITANG IBANG TAO DITO KANINA! ANG SABIHIN MO MANYAK KA TALAGA!! SINISILIPAN MO AKO! MAGKAKULANI KA SANA SAKA BULUTONG!!!" "HOY! PARA SABIHIN KO DIN SAYO! KANINA PA AKO DUN SA MAY SAPA. AT PARA DIN MALAMAN MO, YUNG BAHAY NA YUN! *tinuro niya yung bahay na malapit sa sapa* AKIN YON! SAKA HINDI SAYO 'TONG LUGAR NA ITO KAYA WAG KANG ANO DIYAN!!!" "ahhhh!!! bwisit!!!" naupo nalang din ako sa tabi niya habang nakabalot nung tuwalya. nakakainis! lagi nalang sumusulpot itong kabuting to. "Pero seryoso.. mukha talagang santol yung boobs mo. Bubot pa eh." sabi niya sabay tumawa ng malakas. "ahh! Manahimik ka nga! letcheng to! kakalbuhin kita diyan eh!!" sabi ko sabay sabunot sa kanya. "Aray naman Masakit!!! pero seryoso na ito, Bakit ka nga pala mag isa dito?" tanong niya maya maya. Lumingon ako sa kanya. "Bakit anong tingin mo sa sarili mo, hindi tao? sabi ko na nga ba, masamang espiritu ka eh." pinitik niya ako sa ilong. "Baliw! ibig kong sabihin bakit hindi mo kasama yung nobyo mo?" "Kasama ata siya ng tatay niya sa palayan eh.." nakapout kong sabi. "Ha?! eh nakita ko siya kanina kasama si----" "BABY ANN!!!" lumingon ako sa nagsalita. nakita ko si ate Darlyn.. at nasa likod niya si... ARLAN??? "Ayan yung sasabihin ko.. kaninang umaga ko pa sila nakitang magkasama." bulong ni Hans sa may tenga ko., hindi ako nakatingin sa kanya, sa dalawang taong papalapit samin ako nakatingin. Nakakunot at magkasalubong na magkasalubong yung kilay ni Arlan na nakatitig sakin samantalang si Ate Darlyn nakangiti naman. "Hinahanap ka namin sa bahay eh, sabi ni Nanay Minda andito ka nga daw, hindi naman niya nasabing may kasama ka pala." makahulugangg sabi niya pa sabay ngiti. "Ahh hindi, nagkataon lang na dumating yang bwisit na Hans na yan dito at ginuloyung pananahimik ko.. ikaw, mukhang nag enjoy ka Ate Darlyn ah.." sarcastic na sabi ko sa kanya saka ako tumingin kay Arlan na nakatingin din sa akin saka lumipat ang tingin kay Hans. "Ah oo.. sinamahan ako ni Arlan mamasyal. Ang saya nga eh." sabi niya pa sabay lambitin sa braso niya. "Mukhang nagswimming kayo dito ah, nabitin ba kayo sa swimming natin sa dagat kahapon?" "hind---" "Ah, oo Ate eh.. Maalinsangan kase kanina kaya ayun." pinutol ko na yung sasabihin ni Hans dahil may naisip ako. "Actually tapos na nga kami eh, magbibihis na ako." tinanggal ko yung tuwalyang nakabalot sakin habang nakaharap kay Arlan, kitang kita ko kung pano siya lumunok ng ilang beses habang nakatingin sa akin. narinig ko ding pumito ulit si Hans pero hindi ko yun pinansin. sinuot ko yung t-shirt saka yung short ko saka ko tinanggal yung bra ko. pinatong ko nalang yung tuwalya sa balikat ko. "Ehem.. ehem.. Ang sexy mo naman pala baby ann eh.. bakit hindi ka nag swimsuit kahapon?" sabi ni Ate Darlyn. Oo naka two piece siya kahapon. Sa dagat lang kami nagswimming pero naka two piece siya. Sayang hindi siya kinapitan ng linta o kaya dikya. Masyadong makati eh. "Wala naman akong two piece Ate Darlyn eh.. Uhmm kita mo nga, panty saka bra yung suot ko ngayon." sabay pang tumikhim yung dalawang lalaki pagkatapos kung sabihin yon. nilingon ko si Hans na nakangisi. "Mauna na ako sa inyo.. Gabi na din naman kase eh." sabi niya "Sama ka na muna samin, sa bahay ka nalang maghapunan tutal wala ka namang kasama sa inyo diba?" sabi ni ate Darlyn kay Hans. silang dalawa lang yung nag uusap dahil kaming dalawa ni Arlan nag uusap sa tingin. Inirapan ko lang siya. Bwisit siya. Malandi siya. "Uhmm okay lang ba sayo Rhoanne?" "H-huh?! ahh, oo naman." sabi ko nalang kahit hindi ko alam kung ano yung tinatanong niya. "Yehey!!! oh, tara na." nauna na silang dalawa ni Arlan umalis, malamang hinatak ba naman niya si Arlan palayo eh. Tumingin pa ulit sakin si Arlan bago siya tuluyang nagpahatak kay ate Darlyn. Naikuyom ko nalang yung mga kamay ko. nangangati yung mga palad ko gusto kong manabunot. Naramdaman ko nalang na may nagtakip sa mga mata ko. Si Hans yun, dahan dahan niya akong ihinarap sa kanya. tinanggal niya yung kamay niya sa mga mata ko saka pinadausdos yun sa braso ko papunta sa kamay ko para tanggalin yung pagka kuyom nun. "Wag mo na lang tignan yung mga bagay na alam mong makakasakit sayo." nginitian niya ako sabay pinunasan yung mukha ko. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako nun. "Samahan mo muna ako sa bahay.. magpapalit lang ako ng damit." Sabi niya ng naka ngiti parin. Tumango nalang ako saka niya ako hinila papunta sa kanila. "Alam mo Rhoanne, Mas bagay pa sayo yung galit kesa sa umiiyak.. Ayokong nakikita kitang ganyan, hindi bagay sayo yung iyakin." Sinapak ko siya saka ako natawa. Nung nakapag bihis na siya, magpunta na kami sa bahay ni lola Aura. Kumpleto na sila dun, kami nalang pala yung hinihintay. nandun na nga din sila Arlan at Ate Darlyn na nagtatawanan sa isang tabi eh, nag excuse lang muna ako na magbibihis sandali saka ako tumakbo papunta sa kwarto ko. Kumuha lang ako ng pamalit na damit saka ako pumasok sa c.r saka umiyak ng saglit. Bawal mag emote ngayon ng matagal kase baka makahalata sila. Naligo lang ako ng saglit para hindi mahalata yung mata ko saka ako lumabas ng cr pagkatapos. Nagulat nalang ako nung may humila sakin pagkalabas ko ng c.r. "AAHHH----" "Sssshhhhh! Ann-Ann.." Tinakpan niya agad yung bibig ko para hindi ako makapagsalita. "Lan-Lan anong ginagawa mo dito baka mahuli ka nila tatay?!" sabi ko lang yun pero kahit papaano natuwa naman ako sa ginawa niya. "Miss na kita eh." sabi niya saka ako niyakap. "Saka bakit kasama mo si Hans maligo sa may tulay, ganun pa yung suot mo?" himig nagtatampong sabi niya pa. "nagkataon lang naman na nandun din siya kanina. Ikaw nga eh, akala ko kasama ka nila tatay sa anihan, yun pala iba yung inaani mo." humiwalay ako ng yakap sa kanya saka ako naghalukipkip. Sinandal niya ako sa may pader saka niya hinawakan yung chin ko para mapatingin sa kanya. "Pinakiusapan lang naman ako ni Mang Dante na samahan mamasyal si Darlyn eh, hindi naman ako makatanggi kase syempre trabahador niyo lang naman kami dito diba." bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita "nagseselos ako kay Hans.. nakita niya yung mga bagay na dapat ako lang ang makakakita." tumingin ako sa kanya pero nagtatampo padin ako. maya maya lang, hinalikan niya naa ako sa lips. nagulat ako sa ginawa niya, nanlaki yung mata ko at hindi agad ako nakarecover. ang lakas lakas ng pintig ng puso ko, daig ko pa yung nagkakarerang kabayo sa sobrang bilis, tapos para pang bumabaliktad yung sikmura ko sa kaba. "Wag ka ng magselos ha? at wag mo na ulit akong pagseselosin ha." tumango tango nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko na maintindihan yug mga nangyayari sa paligid ko eh, daig ko pa yung naka katol. sobrang lutang ako. "Mauna na akong lalabas ha.. kay Lola Aura lang ako nagsabing papasukin kita sa kwarto mo eh, mahirap na baka may ibang makakita satin na magkasabay lumabas ng kwarto mo.. Bawal pa naman tayong magpakasal kahit gustong gusto ko na kase bata ka pa." Kinurot niya yung pisngi ko saka ulit ako hinalikan sa lips bago siya lumabas. pakisampal nga ako. Totoo ba yung mga nangyari? nag blink blink pa muna ako ng ilang beses bago uminit yung pisngi ko. hala! late reaction yung kilig? hahaha nagsuklay muna ako saka nakangiting pumunta sa hapag kainan. "oh, baby, bakit namamaga yang mata mo?" napansin pala ni nanay na medyo namamaga yung mata ko. "ah wala po nay, mapasukan siguro ng dumi, naligo po kase ako sa may tulay eh." "Naku, totoo yun Tita Erin, magkasama nga sila ni Hans eh." tumingin ako kay Ate Darlyn na nakangiti pang asar. si Arlan naman seryosong nakatingin lang sakin habang si Hans kakamot kamot ng ulo habang tumatawa. "Nagkataon lang po yun ma'am." sabi ni Hans. "Naku wag ng ma'am, hindi naman ako teacher eh, Tita Erin nalang o kaya Nanay." sabi ni nanay.. ang bait ng nanay ko noh? ngayon alam niyo na kung saan ako nagmana? wahihihih Nung matapos kaming kumain, nagpaalam na din si Hans, madilim kase dun sa dadaanan niya eh, si Arlan naman, hinihintay pa si Nanay Mindang matapos kaya nakapag kwentuhan pa kami. magkatabi kami dun sa duyan na isinabit sa dalawang puno ngniyog. naka akbay siya sakin habang nakahilig ako sa dibdib niya. "Lan, san kayo nagpunta ni Ate Darlyn?" "Gusto mo ba talagang malaman?" tatawa tawang sabi niya. Inangat ko yung ulo ko. "Bakit naman hindi? Wala naman siguro kayong ginawang masama diba? imposible namang ipasok mo sa bahay na walang kusina si Ate Darlyn eh fifteen lang siya ikaw fourteen." "praning ka talaga Ann! bahay na walang kusina ka diyan! sinamahan ko lang siya sa may palayan saka sa may manggahan! Ang dumi talaga ng utak mo kahit kelan." "Hehehe sorry naman." "Arlan, tara na.. gagabihin na tayo masyado." sabi ni Nanay Minda. "Sige po nay, magpapaalam lang ako kay Ann. *tumingin siya sakin* una na kami Ann-Ann ha. Bukas nalang ulit." sabi niya sabay kiss ulit sakin. "Kotang kota ka na ng kakahalik sakin ah." Napakamot nalang siya ng ulo niya. Puro ata may kuto yung mga lalaki sa storyang ito. Kamot sila ng kamot ng ulo. "sige na, bye bye." Nag wave na lang ako sa kanya saka humalik sa pisngi ni nanay Minda. Nung nakalayo na sila saka lang ako pumasok sa bahay. Nag punta muna ako sa may kusina para kumuha ng tubig pero andun din pala si Ate Darlyn. "Hindi ka pa inaantok Ate Dar?" sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng tubig. "Uubusin ko lang muna itong gatas ko." tumango nalang ako saka uminom. "Ahh, Ann.. matagal na ba kayong magkaibigan ni Arlan?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. "uhmm, medyo matagal na din teh,.. Bakit?" hindi ko alam pero kinakabahan ako sa takbo ng usapan naming ito eh. "Gusto ko kase siya." sabi ni Ate Darlyn. Nabitawan ko namanyung basong hawak ko sa sobrang shock. Ano ba naman nang mga tao ngayon. pati ba naman feelings, instant na din? agad agad nag go grow? si Hans gusto daw ako. Si Ate Darlyn gusto si Arlaan.. my god ha! ang complicated... "BABY ANN!" niyugyog pa ni Ate yung balikat ko. "H-huhh?!" "Ano bang nangyayari sayo.. Bigla kang natulala diyan, tignan mo nagdudugo yung binti mo oh! natalsikan ng bubog!" "Huh?!" saka ko nalang napansin na ang dami ko ngang sugat sa may binti. "Tita Erin!!! may sugat si Baby Ann!!" tulala pa rin ako. hindi ko alam kung dahil ba nakakot ako dun sa mga sugat sa binti ko oh dahil dun sa sinabi ni Ate Darlyn na gusto niyasi Arlan kaya namanhid ako. Eto na yung kinatatakutan ko eh,.. eto na.. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD