Chapter 8 - flashback padin po ito.
"HAAAYYY..." Pang ilang buntong hininga ko na ba ito ngayong araw? Sobrang nabo bother ako sa sinabi ni Ate Darlyn kagabi eh.
*****
"I really like Arlan, Baby Ann, tulungan mo naman akong mapalapit sa kanya oh.." Si Ate Darlyn na kase yung naghatid sakin sa kwarto ko pagkatapos gamutin ni nanay yung mga sugat ko. Nakahiga na kami sa kama ko nun, ayaw niya pang umalis dahil hindi pa daw siya inaantok. baliktad eh, kung kelan uminom ng gatas saka sinusumpong ng insomnia.
Wow lang ha?! torture eh.. Hindi ko na nga alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya, nauubusan na nga ako ng ikwe kwento wag lang kaming bumalik dun sa topic tungkol kay Arlan pero dun at dun parin kami bumabagsak. Ang masaklap pa neto balak pa atang mag sleep over sa kwarto ko tong babaeng 'to.
"Pero ate, hindi mo na naman kelangan ng tulong ko para mapalapit sa kanya eh.. kayang kaya na ng charms mo yan." sabi ko nalang pero labas sa ilong ko yung mga salitang yon.
"You think so? pero para kaseng uhmm.. I don't know.. parang may restrictions kase siya eh. Parang ilang na ilang siya sakin.. Na parang napipilitan lang siyang samahan ako dahil inutusan siya ni Daddy." nakapout na sabi niya habang iniikot ikot yung buhok niya sa daliri niya.
Napangiti naman ako ng lihim sa mga sinabi niya. So ibig sabihin talaga, hindi gusto ni Arlan yung mga nangyayari ngayon?
"Tingin mo ba, may girlfriend na si Arlan kaya hindi niya ako napapansin?" sabi niya pa saka niya inangat yung ulo niya para makita yung mukha ko.
"Uhmm wala pa.." Hindi ko alam kung bakit yun yung lumabas na salita galing sa bibig ko.. nagkusa eh.
Bigla naman siyang ngumiti saka humiga ulit tapos kinuha niya yung unan sabay takip sa mukha niya saka tumili.
"KYAAAAHHHHHHH!!! OH MY GOD!!! AND I THOUGHT IKAW ANG GIRLFRIEND NI ARLAN!!! OHMYGOD KINIKILIG AKO!!!! I'M GONNA MAKE HIM MINE!" natahimik na lang ako.
Kung pwede ko lang sabihing "BACK OFF, HE'S MINE!" ginawa ko na.. kaya lang ayokong magkatampuhan kami ni Ate Darlyn eh, kahit naman inaaway away ko siya sa utak ko, mahal ko naman yan.. Isa pa, hindi naman ko pa naman talaga boyfriend si Arlan diba? May mutual understanding kame, oo. Pero hanggang dun palang yun. Ayokong mamaga ang singit ko sa kurot ni nanay.
Isa pa,hindi naman ako yung kontrabida sa storyang ito kaya bait baitan ako. Mukha namang crush lang ni Ate Darlyn si Arlan eh.. Parang pasko lang naman yang pagsintang pururot niya kay Arlan, Lilipas din.
"Ano ba yung gusto ni Arlan pagdating sa babae?" tinukod ulit ni Ate Darlyn yung ulo niya sa may kamay niya para nakaangat yung ulo niya.
Tipo ni Arlan sa babae? Hmmm malamang ako. Ahihiihi landi! "Ahmm, gusto niya yung simple lang, walang kolorete sa katawan. Mahaba yung buhok, medyo malaman daw para huggable, gusto niya din yung magaling mag drawing saka kumanta." sobra akong nadala sa mga sinasabi ko na hindi ko na narealize na dine describe ko na pala yung sarili ko.
"Wait... You're not talking about yourself, do you?"
"H-huh?! o-of course not.." hindi talaga ako marunong magsinungaling. Kaya kayang kaya akong basahin ni arlan eh. Masyado daw akong visible sa kanya. Malamang kung invisible ako edi dapat sumali nalang ako sa justice league.
"Hayyy! buti naman.. Ayoko kasing dahil sa kanya mag away tayo eh, you know how much i love you diba?!" Napabuntong hininga nalang siya. Muntik na ako dun ah.
Maganda naman si ate Darlyn eh.. kung tutuusin, she's prettier than me, matangkad, slender saka bobcat yung style nung buhok niya na kulay chestnut brown pa. samantalang ako, medyo chubby ako saka straight yung hair ko na color black.
******
Umagang umaga, wala na namang tao sa bahay maliban kay nanay Minda. Nasa palayan na naman sila. Ang masaklap neto, si Arlan kasama na naman ni ate Darlyn mamasyal pero pinagpaalam naman siya ni nanay Minda sakin. may ginawa pa mga siyang sulat na pinabigay niya kay nanay kaya yung ngiti ko umabot na hanggang kabisera eh.
Naglalakad lakad nalang muna ako papuntang dagat.. Mula ng dumating dito si Ate Darlyn, lagi nalang akong naiiwan mag isa. buti na nga lang pasulpot sulpot pa din si Hans kaya kahit papaano medyo naaaliw ako eh. Pero ngayon ni anino ni Hans hindi ko makita eh. Saan kaya naglalagi yung tao na yun?
Umupo ako sa may buhangin.. kahit hindi ko naman aminin, hinahanap hanap ng sistema ko yung presensiya ni Hans. i like him actually, but not in a romantic way. Siguro, gusto ko siya as a friend. Magmula kasi noon, si Arlan lang talaga yung lagi kong kasama kaya nasanay na ako na hindi na baleng kami lang dalawa, ang importante kami lang dalawa.
Nagulat nalang ako nung may tumakip na kamay sa mga mata ko. Kahit hindi naman siya magsalita, alam ko naman kung sino yun eh. Hindi si Arlan yun dahil malambot yung kamay na nakatakip sa kin.
"Hans ano ba! ang baho ng kamay mo!" Tinanggal niya agad yung kamay niya saka inamoy. Masyado siyang maarte para maging lalaki. Mas maarte pa nga siya sakin eh.
"Kapal mo Rhoanne! nag hand sanitizer pa ako bago lumapit sayo noh!" Sabi niya sabay kuha nung alcohol.
0____________________0
Saan niya kinuha yung alcohol na yun? Wala naman siyang dala nung nagpunta siya dito eh,
"Alam mo Hans, ang arte mo talaga.. Kaya hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang naliligo ka nung nakaraan sa may sapa. siguro naninilip ka talaga sakin nun anoh?" Ngumiti siya ng pilyo. Sabi ko na nga ba eh! Ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya sa may cheekbones. Maputi din siya, pero mas gusto ko padin yung kulay ni Arlan, hindi siya ganun katangkad pero mas matangkad sa kanya ng konti si Arlan.
"Lagi mo nalang akong chine check sa isip mo.. Aano may nabago ba?" Naka smirk na sabi niya.
Para akong batang nahuling kumukuha ng candy. namumutla ako, hindi namumula. "Para sabihin ko sayo.. Dalawang beses ko palang chineche----" hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko. ang lawak na ba naman ng ngiti ni Hans eh. "I-i mean, hindi kita chine check! feeling mo talaga noh!!"
"HAHAHAHAHAHAH!" tawa niya, hala lang? baliw na ba siya?
"Nalipasan ka ba ng gutom?"
"Huh?!"
"Nababaliw kana eh. baka kako, nalilipasan ka ng gutom kaya ka nagkakaganyan." Kinurot niya yung pisngi ko saka niya ako hinila para mapasandal sa kanya saka niya ako inakbayan.
"HOY! ano ba! bitawan mo nga ako! tyansing ka eh.."
"Nakaakbay lang, tyansing agad?! ang advance ng utak ha!"
Natahimik nalang ako. Hahaba na naman yung usapan na yun eh. Pinabayaan ko nalang.
"Bakit mo ginagawa 'to" Bigla nalang niyang sinabi. Napalingon ako sa kanya.
"Ang alin?"
"Bakit mo pinapayagang kasa kasama ng boyfriend mo si Darlyn?" Wow Darlyn lang? close sila?
"Sa totoo lang, hindi ko naman kase talaga boyfriend si Arlan eh.. M.u lang kame kaya wala naman akong karapatang pagbawalan siya, lalo na kung utos yun ni Tito Dante sa kanya.
"Pero kung ayaw niya naman diba, pwede naman siyang tumanggi?"
Sabagay may point dun si Hans.
"Tumatanaw lang siguro siya ng utang na loob kay Tito.. Alam mo naman siguro na si Tito Dante yung nagpapaaral sa kanya eh."
"Pero kahit na.. Pwede naman akong tumanaw ng utang na loob sa ibang paraan eh. Kung ako yug nasa kalagayan niya, hindi ko gagawin yung utos na yun, Ayaw ko kasing makitang nasasaktan ka eh."
"Hindi naman kase niya nakikitang nasasaktan ako eh."
"Syempre, dahil ako yung nakakakita kung pano ka masaktan eh. Ilang araw pa lang yan, pano pa kaya pag mas tumagal pa?"
Hindi ko na napigilan yung luha ko. Naisip ko na rin yun eh, dumadami na yung mga what if's habang tumatagal. Kaya lang, kahit naman kase gusto kong sabihin kay Arlan na ayoko yung ginagawa niya, hindi naman pwede eh. Gusto ko kaseng magkusa siya. Gusto ko kusa niyang maramdaman, gusto ko kusa siyang umayaw.
Lqlo akong kinabig palapit ni Hans, nakayakap na siya sakin ngayon. "Dalawang beses na kitang nakikitang umiiyak ng dahil sa kanya. andito lang ako Rhoanne, sabi ko naman sayo dati diba, okay lang akong maging kabit mo, basta bigyan mo ako ng karapatan para mahalin ka." Itinulak nya ako ng bahagya palayo sa kanya. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko, Pinunasan niya yung luha saka..
0________________________0
Hinalikan niya ako sa lips. habang ako mulat na mulat yung mata, siya naman nakapikit.
-------