Chapter 4
Beatrice PoV
"I hate them!" inis na inis na sabi ko nang makita ko sina Kia at Conor na magkasama. Pinapatunayan na ba ng magaling kong ex na pumapatol na talaga ito sa isang cheap na gold digger.
"I can't believe this," naasar kong sabi habang panay ng inom ng wine na nasa gilid ko.
Ano bang nakain ng babaeng iyon at gumaling bigla sa pagsasalita. Naawa lang naman ang mga tao sa kaniya dahil may pa-drama effect pa. That's bullshit.
Itinaya ko na ang pangalan ko para lang makaungos kay Kia. Naiinis ako kapag nakikita ko ito, gusto kong sampalin si Kia. Gusto kong ipahiya si Kia pero hindi iyon nangyari.
Kasalanan ni Harry ang lahat. Nakipagkasundo ako kay Harry para ipahiya si Kia pero hindi iyon ang nangyari at mukhang ako pa ngayon ang lumabas na kahiya-hiya. Patuloy ako sa pag inom ng wine at dahil medyo natamaan na rin ako ay inuudyukan ako ng aking sarili na lumapit kay Conor.
I want to kiss him. I want him.
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin.
Nakangiting nilapitan ko si Conor. "Hi sweetie." Niyapos ko ito sa ang leeg.
Nanatili namang nakatayo si Kia sa tabi ni Conor habang nakatingin din ito sa akin. Kasama pa nito ang bakla nitong kaibigan nakataas ang mga daliri sa kamay at nakatikwas ang mga kilay.
"Lasing ka na, Beatrice," sabi ni Conor na iniiwasan ang titig ko.
Hinawakan ko ang pisngi nito. "Why my dear? Hindi mo ba ako namis." Inilagay ko ang daliri sa tapat ng bibig nito.
"Beatrice, please nakakahiya sa mga tao rito. And please lang huwag kang mag-iskandalo." Mahigpit na hinawakan ni Conor ang braso ko at marahan akong itinulak.
Naiinis na ako sa sinasabi nito. Hinila ko ang batok nito at hinalikan ang mga labi.
"I miss you sweetie," sabi ko nang sandali itong nilayuan.
Inilayo nito ang sarili sa akin at narinig ko ang pagtawag nito kay Kia.
"I hate you all!" sigaw ko nang tuluyan niya akong iwan. Sinundan nito si Kia.
May araw ka rin sa 'kin, Kia. At pagsisihan mo ang ginawa mo sa 'king ito. Napansin kong pinagtitinginan ako ng lahat.
"Tapos na po ang palabas," mataray kong sabi habang pasuray-suray sa paglalakad. Nagsi-alisan ang mga tao sa paligid at tila nakikisimpatya kay Kia. That b***h, that gold digger.
Hindi ko maamin sa aking sarili na talo na ako dahil obvious na obvious naman na may gusto si Conor sa babaeng iyon. At hindi ako tumatanggap ng pagkatalo dahil ako si Beatrice Go. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko.
Hindi ko namalayan ang paglapit ni Harry sa tabi ko. Inagaw nito ang alak na iniinom ko.
"Look at you, Beatrice. Pinagmumukha mong kaawa-awa ang sarili mo!" malakas na sabi nito sa akin.
"Ano bang pakialam mo?" paasik kong tanong na inagaw muli rito ang iniinom kong alak.
Hindi man lang ito natinag sa sinabi ko. At muling inagaw ang alak na iniinom ko. Pagkatapos ay ito naman ang uminom niyon.
"Ano ba?" pagalit kong tanong.
"Kapag gusto mo talagang mabawi ang pagmamay-ari mo mag-isip ka ng magandang plano hindi iyong ginagawa mong kaawa-awa ang sarili mo." Tumaas ang boses nito.
Muli kong hinablot ang alak kay Harry. "Ikaw ang hindi nag-iisip dahil sa pagmamayabang mo natalo tayo. I expect millions pero walang nangyari. And who is that old man?" tukoy ko sa matandang lalaki na nagbigay ng halos fifty millon kina Kia.
"I don't know, hindi ko siya kilala baka baguhang businessman. Idea mo iyon Beatrice sinunod lang kita!" paasik nitong sagot sa akin.
"At pumalpak ka, okay fine, pumalpak tayo! But I have one more plan." Nangningning ang mga mata ko. "At sa gagawin ko nakakatiyak akong mawawala ka na sa buhay ko si Kia."
Umiling si Harry mukhang hindi ito sang-ayon sa mga plina-plano ko. Dahil alam kong may gusto si Harry kay Kia. At kapag nakuha nito si Kia. Wala na akong kaagaw kay Conor.
Nice idea of mine. Hindi ako papayag na maging talunan.
"At ano naman ang balak mong gawin kay Kia?" kunot-noong tanong nito.
"You will like it!" sabi ko na siniko ito. "Cheers to our coming sucess!" Tumawa ako habang nagkibit-balikat naman ito.
_______
Conor PoV
UMALIS si Kia pagkatapos nitong masaksihan ang biglaang paghalik ni Beatrice sa akin. Hindi ko alam kung bakit ito biglang umalis. Hindi ko rin malaman kung bakit naging over protective ako bigla sa dalaga.
Hindi ko nahanap si Kia hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya napagpasyahan kong bumalik sa loob para kausapin ang businessman na si Mr. Fuentes isa sa pinakamayamang investors. Siya ang nagma-may-ari ng Fuentes Empire at isang shipping lines.
Nakipagkamay ako rito nang makalapit.
"Mr. Mondragon, right?" tanong nito sa akin na tinanggap ang nakalahad kong kamay.
"Yes, sir. And you are the famous and well known businessman. The Great Mr. Fuentes," nakangiting sabi ko.
Tumawa ito nang marahan. "Where is, Ms. Reyes?" tanong nito sa akin na hinanap ito sa aking tabi.
"Shes---" Naputol ang sinasabi ko nang biglang may tumabi sa akin. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Kia sa amin habang nag-uusap kami ni Mr. Fuentes.
"I'm sorry, may kinausap lang ako sa labas kaya ako biglang nawala. "Thank you, Mr. Fuentes, for trusting our company hindi po kayo magsisisi," sabi ni Kia kay Mr. Fuente.
"Naantig ako sa story mo, naalala ko ang kabataan ko. Kagaya mo nangarap din ako and here I am today naging successful dahil nagtiyaga ako," sabi naman ni Mr. Fuentes.
"Maraming salamat, sir," nakangiting sabi ni Kia.
Binabaling ko ang tingin ko sa dalawa. Kia and Mr. Bryan Fuentes parang may similarities sila. Napailing ako at binalewala ang iniisip kong iyon.
"So I hope na magkaroon tayo ng matibay na relasyon." Ngumiti si Mr. Fuentes at nakipagkamay ulit sa akin.
"Thank you for trusting us, sir," magalang na sabi ni Kia.
Nakipagbeso si Kia kay Mr. Fuentes.
At maging ako rin ngunit binulungan ako nito pagkatapos. "Take care of her." Pagkatapos ay ngumiti ito.
Natawa ako. Yeah, I will. Sa tamang panahon at pagkakataon.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip ko. Marahil iyon ang tunay kong nararamdaman para sa dalaga. At gusto ko siyang ligawan pero natatakot ako sa puwedeng mangyari lalo na't hindi kami magkasundo ng Daddy ko.
Sinulyapan ko si Kia nakangiti ito pero bakas ang lungkot sa mga mata nito.
Gusto kong tanungin si Kia pero hindi ko magawa dahil wala naman ako sa katayuan para mag-usisa rito.
Nagsalita muli si Mr. Fuentes at doon ko ibinaling ang aking sarili. Nalulungkot ako dahil nakikita kong malungkot si Kia. Tumitibok na talaga ang aking puso sa kaniya.
"I will send my files and contract through email," sabi nito at tinawag ang secretary nito. "This is George my secretary isa siyang artist tulad mo, Ms. Reyes." Ngumiti ito kay Kia at ipinagpatuloy ang sinasabi. "Siya na ang bahala sa lahat ng kakailanganin ninyo dahil bukas hanggang weekend nasa Singapore ako for business matter."
Kinamayan ko si George. At si Kia naman ay yumakap dito. Kumunot ang noo ko. Magkakilala ba sila?
"Long time no see, Ash," sabi ni George kay Kia.
"Ash?" mahinang tanong ko.
Ngumiti si George sa akin. "Sir Conor, Ash is her name for being an unknown artist. Magkaklase kami noong college sa kursong Fine Arts pero hindi niya iyon itinuloy dahil mas pinili niyang piliin ang kusro na makakatulong sa mga parents niya. Sobrang masipag talaga si Kia, Sir. Siya ang bread winner sa family nila. Kaya nang makita ko siya kanina sa stage sinabi ko agad kay Sir Bryan na suportahan si Kia. She's good and excellent artist," paliwanag nito.
Alam ko iyon dahil sa bahay pa lang nila Kia nakita ko na ang mga gawa nito.
"Nasaan ba ang mga parents mo, Kia?"
tanong ni Mr Fuentes.
"Wala na po ang Tatay ko, Sir. Ang Nanay ko naman po ay nasa bahay hindi siya nakadalo dahil sinusumpong siya ng sakit niyang pneumonia. At may asthma rin po siya," malungkot na sagot ni Kia kay Mr. Fuentes.
Nalungkot si Mr. Fuentes sa narinig. "I'm sorry. Alam ko na proud na proud ang mga parents mo to have a daughter like you." Ngumiti si Mr. Fuentes kay Kia.
At ilang sandali pa ay nagpaalam na ang mga ito. Dinoble ni Mr. Fuentes ang alok nito kanina at ginawa iyong isang daang milyon. Malaki ang maitutulong niyon sa kumpanya bilang investments. At malaking tulong din iyon sa pamilya ni Kia.
______
Kia's Pov
HINATID ako ni Sir Conor sa bahay namin hindi ko alam ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil naging successful ang bidding. At nasasaktan din ako pakiramdam ko dinurog ang puso ko. Pakiramdam ko sinasasak ang puso ko nang paulit-ulit.
Akala ko okay sa akin ito. Hindi pala.
Masakit makita na mismong sa harap ko hahalikan ang taong lihim na itinatangi ng puso ko. Ang akala ko crush lang ito pero hindi pala. At ang sakit-sakit niyon. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ni Conor kahit na bumaba ito para pagbuksan ako ng pinto.
"Are you okay?" tanong ni Conor nang makababa ako.
Tumango ako at ngumiti ng peke rito.
"I'm not okay," sabi ng puso ko.
"Yes, Sir." Pilit akong ngumiti.
Hinawakan nito ang kamay ko pero hinila ko naman iyon kaagad.
"I'm sorry for what happen," malungkot na sabi nito.
Bumuntong-hininga ako. Bakit ba ito kailangang mag-sorry, lalo lamang akong nasasakatan.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad, sir. Salamat nga pala dahil naniwala kayo sa akin. So paano sir, papasok na ako sa loob," sabi ko rito at itinuro ang gate namin.
"Goodnight, Ms. Reyes," sabi nito at pumasok na sa loob ng kotse nito. Ako naman ay pumasok na rin sa loob ng gate namin at isinara iyon.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakatayo lang sa likod ng pintuan namin. Hanggang sa nalalaglag na ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko to inasahang mangyayari sa akin. Nasasaktan ako sa nararamdaman ko para kay Conor. At kailangan ko iyong kalimutan para hindi ako nagmumukhang tanga na nasasaktan. Napakaimpokrita ko naman kung magugustuhan ako ng boss ko dahil napakalayo ng pamumuhay namin sa isa'isa. Mayaman sila at kami mahirap lamang.
Tinungo ko ang kwuarto ko at inilock ang pintuan niyon. Tulog na si Nanay at mga kapatid ko. Alas onse na pasado ng gabi.
"Kia kalma ka lang." Tinapik ko nang marahan ang magkabilang pisngi ko. At ibinagsak ang sarili sa kama.
Ipinikit ko ang aking mga mata at inalala ang nangyari kanina.
Umalis ako sa harapan nina Beatrice at Conor nang matapos nitong halikan ang binata.
Sinundan ako ni Yumi at nagtago kami sa likuran ng building.
"Hey, Kia. Okay ka lang ba?" tanong ni Yumi sa akin. Umiling ako at nagkunwari ngumiti ngunit malakas makiramdam si Yumi kaya hindi ako nakapagsinungaling.
"Sabi ko na nga ba eh," sambit nito. "Hindi mo kailangang magtago kapag nasasaktan ka at Kia hindi ka dapat nage-expect nang higit pa sa isang tao dahil masasaktan ka lang." Pangaral nito sa akin.
Sumang-ayon ako sa sinabi nito ngunit umangal ang puso ko.
"Huwag mong personalin, Kia. Ang isipin mo trabaho lang yun. At saka ka na masaktan kapag alam mong mahal ka rin niya kasi mahirap umasa girl." Tinapik nito ang pisngi ko nang marahan.
"Hindi naman ako umaasa," mabilis kong sabi.
"Eh, Bakit ka nagkakaganyan?" Umirap ito sa akin.
Lumunok ako. "Nabigla lang ako."
"Liar!" Hinampas niya ako ng pouch bag sa balikat.
"Yumi, hindi ka ba naniniwala?" seryosong tanong ko.
"Nakikita kong nalulungkot ka... basang-basa ko naman sa mata mo. Oh, teary eyes ka girl."
Bumuntong-hininga ako pa-fall ka kasi Conor kasalanan mo ito, e.
Nakumbisi ako ni Yumi na pumasok muli sa loob ng event at magkunwaring hindi nasasaktan.
Dumaloy ang luha sa aking mga mata at bumangon sa kama dahil sa pag-alala ko sa mga nangyari kanina. Pagkatapos heto ako ngayon nagdradrama.
Hindi rin maalis sa isip ko ang mukha ni Mr. Fuentes para kasing nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung kailan at kung saan basta pamilyar ang mukhang iyon sa akin.
Bukas makikita ko na naman si Sir Conor. At hindi ko alam kung paano ito pakitunguhan sakabila ng nararamdaman ko para sa kaniya.
________
Conor's PoV
Maaga akong nagtungo sa office dahil marami akong aasikasuhin. May mga meetings na kailangan kong daluhan at may mga supplier na kailangan kong i-meet kasama ni Kia ngayong araw. Dahil naging successful ang bidding, maraming mga investors at businessman na gustong supply-an namin ng mga design ni Kia.
Nasa hallway pa lamang ako ng building ay may mga lalaki nang naghihintay roon na may mga hawak-hawak na kumpol ng bulaklak.
Kumunot ang noo ko at nilapitan si Yumi na nanunuod sa mga lalaking nakapila sa harapan ng building ko. Nakahawak si Yumi ng sketch pad ng mga designers ng company at nakatayo sa tabi ng security guard tila nag-uusisa ito.
"May namatay ba, Yumi.?" Inis kong tanong nagmumukha kasing tindahan ng bulaklak ang hallway ng kumpanya.
"Mga manliligaw po ni, Ms. Kia, sir," kinikilig pa nitong sagot. Lalo akong nainis at tinawag ang mga guard.
"Paalisin ang mga yan kung gusto nilang hintayin si Ms.bReyes at ligawan. Sabihin na magtungo sa bahay nina Kia. At palabasin nga silang lahat. At sa labas ng building ko maghintay!" pasigaw kong utos.
Napakamot ng ulo ang mga guard.
"Labas naman po ito, sir. Saan po bang labas?" tanong ni Manong Sedro, isa sa mga matagal ng security bodyguard ng kumpanya. Bata pa lamang ako ay naroon na ito at nagtratrabaho kay Daddy.
"Sa labas pa ng gate or 100 meters away basta ayokong nakikita ang mga iyan dito." Pagalit kong utos.
"Sir Conor!" tawag ni Yumi sa kanya.
"What?" Bulyaw kong tanong.
"Iyon gamit po ninyo, Sir, naiwan ninyo," mahinang sambit nito na natatawa pero mukhang pinipigilan.
"Okay thank you, Yumi." Hindi ko ito nginitian dahil sobrang asar na asar ako. In short badtrip ako ngayong araw.
Wala akong naging matinong tulog kagabi dahil iniisip ko si Kia. Pagkatapos ganito ang ibubungad ng umaga sa akin.
Nagbukas ako ng cellphone at nakita ko ang text messages ni Kia.
Hindi raw ito makakapasok dahil masama ang pakiramdam or she's trying to avoid me.
Binuksan ko ang internet at nakita ang kumalat na video mula sa event ng bidding.
Ang mga larawan ni Kia na sobrang ganda. Kaya pala may mga manliligaw sa labas because of this photos.
Damn! Pagmumura ko.
Agad kong ipinatawag si Yumi at mabilis naman itong pumunta sa office ko.
"Sir, bakit po?", tanong nito habang binubuksan ang pintuan.
"Sino ang administration ng page natin? Sabihin mo nga burahin ang mga kuha ni Kia, at magtira lamang ng isang picture iyong kasama ako!" utos ko rito.
Tumawa si Yumi na ikinakunot ng noo ko.
"Sorry, sir. Sasabihin ko na lang po sa marketing department." Tinalikuran ako ni Yumi.
Bumuga ako ng hangin at itinutok sa trabaho ang akin sarili. Ngunit hindi ko maiwasang sulyapan ang pintuang katapat ko. Ang office ni Kia, his beautiful secretary.
Nang matapos ko ang ginagawa nagpasiya akong puntahan ito pero nagdadalawang-isip ako baka isipin nito na napaka-OA ko.
Isinandal ko ang likod sa aking upuan at itinaas ang mga paa sa lamesa.
Ilang sandali pa ay nagbukas ang pintuan ng office ni Kia. Nagulat ako at agad na tumayo para pinuntahan ito.
May hawak-hawak itong mga files.
"Akala ko ba hindi ka papasok?" tanong ko rito. Biglang sumaya ang paligid ko na kanina lang ay walang kulay.
"May meeting po kayo, Sir with George Mr. Fuentes secretary," sagot nito sa akin na seryoso ang mukha.
"Hindi mo yata nasagot ang tanong ko, Kia." Sa unang pagkakataon tinawag na niya ang pangalan nito.
Tinignan niya ako at nginitian. "I'm okay, sir as I said kailangan kong magtrabaho lalo na't marami kayong schedules for today."
Umiling ako rito. "Mas importante ang kalusugan mo, Kia. You can go home I will take care of everything. Nariyan naman si Yumi, siya na lang ang sasama sa akin sa mga meeting tutal siya naman ang leader sa Team Micro."
Bumuntong-hininga ito at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Okay lang po ako, sir," seryoso nitong sagot.
Hindi na ako tumutol pa." Pagkatapos ng meeting natin kay George i-cancel mo na lahat ng iba pang meetings ko." Seryoso kong utos.
"Sir?" takang tanong nito sa akin.
Nginitian ko si Kia. "Ako ang boss mo, kaya ako ang masusunod. May pupuntahan tayo pagkatapos ng meeting kay George. And thats final." Mariin kong utos rito at saka tumalikod na nakapamulsa ang magkabilang kamay sa slacks na suot.