Chapter 3
Kia PoV
Ipinakita ko sa lahat ng mga designs ko na ibinigay ko kay Sir Conor. At hindi ko inaasahang magugustuhan nila ang gawa ko marahil sa suporta ring ginawa ni Sir Conor sa akin na-impress ang mga directors at stockholders ng kumpanya. Maliban na lang kay Beatrice na nagpakilalang ex ni Sir Conor.
Sa paraan nang pagtingin nito sa akin mukha itong kumakain ng tao. Hindi ko rin maintindihan ang maarteng pagsasalita nito sa akin na para bang ito ang boss ko.
Hindi ako nagpatalo sa kay Beatrice bahala na kung masisante man ako pero hindi ko hahayaang tapak-tapakan ako ng kahit sino ang pagkatao ko.
"Ang cheap ng mga designs mo. Walang class at ano ang mga ito, joke lang. Mag-aaksaya tayo ng malaking pera para sa mga ito. At okay lang iyon sa inyo? Well, hindi ako approve sa low class designs." Ibinagsak nito ang files sa harapan ko.
"Ma'am, hindi po cheap ang designs ko... at dahil pinaghirapan ko pong ginawa ang mga ito. At alam ko pong ito ang magugustuhan ng market dahil old designs na po ang mga ito na sa ngayon wala na sa listahan ng mga furnitures na uso ngayon," sabi kong mahinahon dito.
Naglakad ito sa harap ko. "Isa ka lamang hamak na secretary. Anong alam mo sa mga designs!" mataray na sabi nito.
Nakita kong lumapit si Sir Conor sa tabi ko.
"Hindi po porket secretary ako ay wala na akong alam, lahat ay natutunan basta nagsisikap na pinag-aaralan," mariing sabi ko na nakipagtigasan ng titig dito.
"So you mean sinikap mong sumipsip sa boss mo. Oh come on, Ms.Secretary. Be reasonable... and act professional!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Beatrice sa akin.
Pinamumukha ba nito na nakikipagmabutihan ako kay Sir Conor o di kaya'y nagpapansin para lang sa project.
"Stop your nonsense words, Beatrice," maawtoridad na sabi ni Sir Conor.
Pumagitna si Sir Conor sa kanilang dalawa ni Beatrice.
"So ipinagtatanggol mo ang secretary mo, Conor. Well ganyan talaga kapag may nangyayaring hindi tama hindi ba?" nanunuyang tanong ni Beatrice kay Sir Conor.
"Mawalang galang na ma'am pero nagkakamali kayo." Gustong-gusto ko itong sabunutan sa mga oras na yun at baka makalbo ko ang babaeng yun.
Nilingon ko si Sir Conor. "I'm sorry," mahinang sabi ko bago umalis sa harapan ng mga ito.
Napahiya ako sa lahat. At nanggigigil ako sa babaeng iyon.
Ex lang pala pero mukhang pinagseselosan yata ako.
Minabuti kong maglakad-lakad sa hallway ng kumpanya at pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Bakit ba ako nagpapaapekto sa babaeng yun na kulang na lang maghubad sa damit na suot. Halos lumuwa na kasi ang dibdib nito at nakikita na ang pwet nito.
"Kita ang kaluluwa," naiinis kong bulong sa kawalan.
Buti na lang naipagtanggol pa ako ni Sir Conor dahil kung hindi baka humiram ng mukha si Beatrice sa aso.
Habang naglalakad ako nakabangga ko si Yumi ang leader ng Team Micro ang nage-export sa mga furnitures sa ibang bansa. Sa Micro dumadaan ang lahat ng quality checks bago ito ilabas sa merkado.
Nakahawak ito ng files habang nakapamewang sa harapan ko.
"Hi beautiful, Kia. Mukhang wala ka na naman sa sarili mo ah. What happened?" Hinawakan niya ako sa braso at itinungo sa lamesa nito.
Sa loob ng halos dalawang buwan ay marami akong naka-close na empleyado kasama na roon si Yumi isang babaeng palaban este binabae pala. Sa pagkakaalam ko ay matagal na itong empleyado sa kumpanya kaya siguro mataas na ang katungkulan nito. Naging kaibigan ko siya dahil pareho kaming kalog at pareho kaming mahilig sa mga guwapo. At tulad ko isa rin itong breadwinner sa pamilya kaya naging close kaming dalawa.
Nakasimangot akong humarap dito. "Nakakainis kasi ang babaeng iyon."
"Sino?" Takang tanong nito sa akin at ibinaba ang hawak nitong files sa lamesa nito.
Binuklat ko naman ang files of stockholders na ibinaba nito. At nakita ko ang pangalan ng babaeng iyon. Major stockholder pala si Beatrice Go kaya naman pala ipinahiya niya ako.
Pero kahit pa mayaman ang babaeng yun hindi niya mababayaran ang dignidad ko bilang tao.
"Si Beatrice Go!" nakasimangot kong saad.
"Siya ang ex-girlfriend ni Sir Conor. Balita ko nagkakaganyan si Ma'am Beatrice kasi hindi pumayag si Sir sa kagustuhan nitong makipagbalikan dito... narinig ko lang na tsismis kanina," sabi ni Yumi na nakataas ang isang kilay.
Napangisi ako kaya naman pala buti nga sa kaniya.
"Siya ang pinakaunang babaeng minahal ni Sir Conor at si Ma'am Beatrice ang nanloko kay Sir. Dapat nga daw ikakasal na sila kaso umalis si girl kaya mula daw noon hindi na sineryoso ni Sir Conor ang mga babaeng humahabol sa kaniya," dagdag pa nito na tumingin sa akin nang mariin.
Yun lang... Nalungkot akong bigla.
"Nakita ko nga sila kahapon, eh. Mukhang nag-aaway. Pero, Yumi, bakit niya ako idinadamay?" naguguluhan kong tanong.
Kumislap ang mga mata ni Yumi na para bang natutuwa pa sa nangyari.
"Baka kasi nagseselos sa inyong dalawa ni Sir. Magkasama kayong pumasok 'di ba?" Pilyong tanong nito.
"Eh kasi ano?" kinagat ko ang labi ko.
Ano bang sasabihin ko.
"Umamin ka nga, Kia. May gusto ka ba kay Sir?" tanong nito sa akin na nakapameywang pa.
Hot seat biglang pinagpawisan ang kili-kili ko.
"Wala no," agad kong sagot.
Tumawa ito sa sinagot ko at ako naman ay namula. Tssk, halata bang gusto ko si Conor? Hay, dapat talaga hindi na ako nagka-crush sa kaniya, e.
______
Conor PoV
Kailangan kong makausap si Kia at magbigay ng dispensa sa ginawang iyon ni Beatrice.
"Okay lang kaya siya?" Naitanong ko sa aking sarili habang nakaupo at nakahawak sa aking baba.
Hindi ko dapat siya hinayaang lumabas ng conference room kanina, nagmukhan tuloy kaawaawa ang secretary ko.
Nakasandal ako sa upuan ko nang sumilip si Kia. Seryoso ang tingin niya sa akin na parang walang nangyari kanina.
"Ipinapatawag ninyo ako, Sir?" tanong nito.
Tumango lamang ako..
"Ano pong kailangan ninyo, Sir?"
Naninibago ako sa paraan nang pakikitungo ni Kia sa akin na parang hindi kami magkasama kanina. Ano ba ang dapat kong i-expect from her?
Napailing na lang ako sa naiisip ko. "Umupo ka, Ms. Reyes."
Tumalima naman ito sa inutos ko.
"I'm sorry for what happen, Ms. Reyes." Bumuga ako ng hangin pagkatapos.
Tumango ito at tinignan ako. "Okay lang, Sir. May point naman si Ma'am Beatrice. Nakakahiya nga na ipinagtanggol ninyo ako samantalang siya na po pala ang may mataas na shares sa kumpanya."
"Nararapat sa 'yo ang project na ito, Ms. Reyes. Pagbutihin mo na lang para hindi tayo mapahiya sa board. Magpatulong ka kay Yumi kung gusto mo. I want you to win para malaman ni Beatrice na dapat igalang ka niya as my secretary," seryosong sabi ko.
"Sir... you mean?" Nanlaki ang mga mata nito.
Ngumiti ako sa kaniya. "Seven over two ang votes at tama ka pumayag ang boards sa plano mo. At good luck sa 'yo."
"Pero... Sir," sabi nitong tumututol.
"Wala kang dapat ipag-alala, Kia. I will provide everything that you need." Nginitian ko siya at saka kinindatan.
"Thank you, Sir. Lalo tuloy kayong pumupogi kapag palagi kayong nakangiti."
"Mag-focus ka sa bidding..." Ibinalik ko ang tingin sa pinipirmahang mga papel.
"Sir…?" mahinang tanong ni Kia.
"What is it?" tanong kong hindi tumitingin dito.
"Nasabi nga pala sa 'kin ni Yumi na... ex n'yo pala si Ma'am Beatrice," sabi ni Kia na tila hindi sigurado.
"Matagal ng panahon iyon, Ms.Reyes. Hindi na dapat pinag-uusapan ang mga tapos na," sagot ko rito at bahagya itong tinignan.
"Okay, Sir. Sige po babalik na ako sa trabaho ko."
Tama lang ang sinabi ko rito na hindi na kailangang pag-usapan ang mga bagay na tapos na.
Tinanguan ko na lang ito nang magpaalam. At itinuon ko ang aking sarili sa pagpipirma. Marami akong dapat tapusin lalo na't sa makalawa na ang bidding. Hindi man sumang-ayon si Beatrice ay itutuloy pa rin namin ang project para sa kumpanya. Tanging ideas ni Kia ang pag-asa ko sa ngayon.
Pagkatapos ng bidding maging successful man o hindi ay gusto kong ligawan si Kia.
Kia PoV
Tinatapik-tapik ko ang pisngi ko dahil under pressure ako ngayon dahil mamayang gabi ay sasabak ako para sa bidding.
"Relax, Kia. Huwag kang mai-stress isipin mo na lang na may one hundred thousand kang makukuha pagkatapos nito," bulong ko sa aking sarili.
Ininsayo ako ni Yumi ng kung ano-anong kaartihan na hindi naman kailangan. Kung paano lumakad ng tama sa gitna ng stage. Kung paano mag-present ng tama sa lahat. At kung paano aakitin ang puso ng mga negosyanteng pupunta sa event.
Kabilang ang Mondragon Empire sa pinakamalaking furniture supplier sa bansa. At pumapangalawa lang ang Binta Empire. Pero mula noong mapabayaan ang Mondragon Empire bumagsak ito at naging pangatlo na lang sa mga bigating furniture company ng bansa.
Nakita ko ang mga listahan ng mga pupuntang business mans and womens sa event. Mas lalo akong kinabahan. Dahil mga mayayaman at mga kilalang designers ang pupunta sa event. Panigurado ako na may mga reporters din na naroon. Dahil pagpipiyestahan kung sino ang kumpanyang may pinakamaraming investors na maliligawan.
Naupo ako sa gilid ng opisina ng Team Micro at huminga ng malalalim nang biglang may tumabi sa akin sa bench na inuupuan ko.
Si Sir Conor may hawak itong lemon tea na nasa plastic bottle.
Nabigla ako sa ginawa nitong pagtabi sa akin kaya naman napaurong ako ng upo at nilagyan ng distansya ang pagitan namin.
"Bakit... ka nandito, Sir?" tanong ko na namumula.
Ngumiti ito sa akin lumabas ang mapuputi nitong ngipin.
"Dinalhan kita nito." Sabay abot nito sa akin ng hawak nito. "Sabi nila makakatulong daw ang pag-inom ng tea para bumababa ang kabang nararamdaman. Na-try ko na kaya gusto kong i-try mo rin." Tumayo ito pagkatapos. "Iyan lang talaga isinadya kong dalhin. And I hope it would help."
Kinilig ako sa ginawa nitong iyon. Yiee nag-care si Sir. How sweet.
Pakiramdam ko tuloy I'm the most precious women in this world.
Binalingan ako ni Yumi, at kinurot pa sa tagiliran ko. Lumapit ito nang makaalis si Conor sa tabi ko.
"So ano yang ngiting iyan?" nakataas ang kilay na tanong nito.
"Ahm, wala pampa-relax daw sabi ni Sir. Hindi ka ba binigyan?" kunwari'y tanong ko habang binubuksan iyon.
"May nakikita ka bang hawak ko, Kia." Inirapan ako nito.
"Wow ah ang taray," sabi ko rito.
"May naamoy akong---"
Binatukan ko ito nang tumabi ito sa akin.
"Aray... What is that for!" reklamo nito.
"Nang-aano ka eh," mataray naman na sabi ko.
"Pasalamat ka, Kia. Mas maganda ako sa 'yo dahil kung hindi. Darn papatulan kita girl." Inirapan ako ni Yumi at saka pinaikutan ng mga mata.
Tumawa ako sa tinuran nito ang landing bakla talaga.
"So ready ka na ba beautiful, Kia?" Kumikislap ang mga matang tanong nito.
"Yes, madame!" punong kumpiyansa kong sagot kahit na nakakaramdam na ako ng nerbiyos.
"So lets go girl. Paluwain natin ang mga mata ni dragon lady," tukoy nito kay Beatrice.
"Mamaya marinig ka niya girl lagot tayo baka umusok ang tenga, ilong at bunganga niya."
Sabay kanning nagtawanan ni Yumi. Habang pinag-uusapan si dragon lady.
SA APARTMENT kami ni Yumi tumuloy at doon na rin niya ako inayusan. Habang nakaharap ako sa salamin ay pansin ko ang ginagawa nito sa mukha ko.
"Sobrang kapal naman yata ng make up ko Yumi," reklamo ko.
"Ang ganda mo nga, e, bagay na bagay sa 'yo hay." Ipinagtiklop pa nito ang palad ng sabihin iyon.
Nang matapos niya akong ayusan ay nagtungo na kami sa event place, sa Tarlac. Kung saan idinaraos ang tenth year anniversary ng hotel and restaurant ng Diamond Place .
Nasa likuran kami ni Yumi nang magsalita ang emcee na mag-uumpisa na. Nabunot ang Mondragon Empire bilang una sa mga sasabak sa bidding.
"And now I would like to introduce the girl behind this wonderful design, Ms. Kia Reyes. The secretary of Mr. Conor Mondragon of Mondragon Empire. Please stand and give them a round of applause." Pagpapakilala ng emcee sa aming lahat. Ang Team Mondragon Empire ay all white ang suot na t-shirt maliban sa business suits ng mga board members. At all red naman ang kanilang kumpanya na may nakasulat pa sa mga t-shirt na for the win.
Nasa akin ang spotlight ng gabing iyon.
Ninerbyos ako dahil sa tindi ng kabang aking nararamdaman at mas lalo akong kinabahan nang biglang hawakan ni Sir Conor ang kamay ko bago ako iwan mag- isa sa stage.
Nakangisi sa 'kin si dragon lady habang nakaupo ito sa harapan at nakasuot ng backless red gown at nakakulot ang hanggang balikat nitong buhok.
Katabi ko naman ang mga design ko na naihabol na gawin ng mga trabahador ng kumpanya. Habang ang mga design naman ng Binta Empire ay nasa tabi ni Harry. Napalunok ako dahil ang gaganda ng mga design nila.
Napatunganga tuloy ako dahil mukhang dehado na kami nito.
Kinausap ako ng mga business mans.
"Ms. Reyes of Mondragon Empire, right?" tanong ng isang kagalang-galang na businessman.
Tumango ako. "Yes, Sir."
"And you are Harry Binta of Binta Empire. Its nice to see you here," nakangiting sabi ng matanda na na nagtanong din sa akin.
Napangiwi ako lagot na may kampihan yatang nagaganap.
"Harry... Explain to us your designs. At bakit dapat ito ang karapat-dapat?" tanong ng lalaki kay Harry.
Ngumisi si Harry sa akin. Habang nangangatog ang mga tuhod ko sa kabang nararamdaman ko.
"Well, dahil sa ako ang gumawa ng designs na ito masasabi ko na mas maganda ang design ko kaysa sa ibang designs diyan. As the President and Ceo of Binta Empire hindi ko hahayaang isang secretary ang aasahan ko 'di ba? Na-inspired ako sa paggawa ng mga designs na ito dahil ito ang kailangan ng isang pamilya pati na mga negosyo. Where you can place your things in order. Aanhin mo ang upuan na adjustable kung hindi mapapakinabangan ng lahat." Buong pagmamayabang na paliwanag ni Harry. "Recommended ang designs ko sa mga offices, hotels, bars and even casinos."
Nagtanguhan ang ilang judges na puro mga kilalang tao at puro businessmans.
"How about you, Ms.Reyes. Sinong naging inspirasyon mo para gumawa ng isang design na yan! Inisip mo ba na makakatulong ang design mo para maiangat ang Mondragon Empire?" nanunuyang tanong sa akin ng matandang businessman na nasa tabi ni Beatrice.
Kinilabutan ako sa tanong na iyon mukhang pinepersonal na ako pero its okay. I can prove myself to them.
"Sir, nabuhay ako sa simpleng pamilya lamang. Pero kahit ganoon nangarap ako. Nangarap ako na isang araw makagawa ako ng isang upuan at hindi lamang isang upuan lang." Naglakad-lakad ako. "Naging inspirasyon ko ang Nanay ko sa paggawa ng upuan na ito a modern tumba-tumba na p'wedeng gawing higaan may adjustable buttons ito para tumaas at bumaba." Ipinakita ko iyon kung paano gawin. Mukhang sumasang ayon ang mga ito sa akin.
"Ito ang pinakada-best sa lahat ng materyal na bagay dito sa mundo na kailangang ibigay para sa mga magulang natin. Hindi ito para lang sa mayayaman kun'di para sa lahat. Ang price nito ay napaka-affordable lang pero sobrang ganda ng quality. Recommended din ito sa lahat, p'wedeng ipalit sa office chair, p'wedeng sandalan habag nagpapahinga." Ngumiti ako. "At habang nagkakape. Sa sobrang stress natin sa trabaho gusto rin nating mag-relax, maging comfortable at magkaroon ng konting oras sa ating sarili. This is the best gift na dapat nating ibinibigay sa mga magulang natin… at para sa sarili natin." Paliwanag ko habang nagpapalakpakan ang lahat nakita ko ang ginawang pagtatalon ni Yumi sa tabi ni Sir Conor. Kinindatan ko ang kaibigan ko.
"Nice words, Ms. Reyes. So its time to bid." Ngumiti ang emcee sa akin na tila sumasang-ayon sa sinabi ko.
Ito na iyong moment na bibilhin na ang mga gawa namin ni Harry at kung sino ang may pinakamataas na bid ang siyang magsu-supply sa International Market at sa buong Pilipinas.
May nagtaas ng kamay. "One million to Mondragon Empire!" sigaw ng lalaki na mukhang isang mayamang negosyante.
"Five million to Mondragon Empire," sabi pa ng isang matandang babae.
"Ten million to Binta Empire." Napatingin ako sa nagsalita si Beatrice bakit ito kakampi sa kalaban?
Napatingin tuloy ako kay Sir Conor.
"Fifty million to Mondragon Empire," sabi ng isang matandang lalaki na may hawak ding card para sa kanila.
Sabay-sabay kaming nagtinginan sa lalaking iyon na nakaupo sa dulong bahagi may kasama itong isang babae na kasing edad ko lang yata.
Padala yata ng langit ang matandang iyon. Natapos ang bid at nakuha namin ang simpatya ng mga bigating businessmans.
"Congratulations to, Ms. Kia Reyes of Mondragon Empire," sabi ng emcee na nagpakilalang si Drake. Hinawakan nito ang kamay ko pero agad namang hinila iyon ni Sir Conor.
Binati ako ng lahat at pinalibutan ng maraming mga tao. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil patuloy pa rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Wala akong ibang naririnig kun'di mga papuri galing sa mga mayayamang tao. At marami rin ang gustong bumili sa design na ginawa ko. May isang lalaking lumapit na tingin ko nasa twenty one pataas ang edad.
"Ms. Kia, congrats ang galing mo at napakaganda mo pang secretary," sabi ng lalaki na malagkit ang tingin sa akin.
Pumagitna si Sir Conor na masama ang tingin sa akin. "She's not talking to strangers," seryosong sabi ni Conor na ikinagulat ko.
Bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatiig sa guwapo kong boss na inilalayo ako sa mga businessmans na nagpakilala sa akin.