Chapter 6 Kia's PoV Hindi ko malaman kung matatawa ako o maawa ako sa kinikilos ni Conor. Hindi kasi ito mapakali kaya binayaran ko na lang ang inorder ko at hindi na yun kinain. Hinila ko siya palabas ng karinderya. Nagtaka ito sa ginawa ko. "Bakit mo ako inilabas di ba kakain pa tayo?" tanong nito na nagpunas ng pawis sa noo. "Naramdaman ko kasing hindi ka comportable kaya---" "Okay lang ako, Kia. Ano kasi may allergy ako sa mga hipon kapag naamoy ko na sumasama na timpla ng tiyan ko." Yumuko ito pagkatapos sabihin yun. Kaya pala siya hindi mapakali. Tinamaan ng allergy kasalanan ko yun. "Sorry hindi ko kasi alam." Imbes na malungkot natawa ako. Tinignan niya ako ng masama at inirapan pa. Ang cute niyang maasar. "May nakakatawa, Kia?" "Sorry Sir este Conor pala," sa