Chapter 7 Conor's PoV NAIINIS ako sa inaasta ni Kia. Akala ko pa naman gusto niya ako, e, hindi pala. Mas pogi naman ako sa Drake na yun. Baka kapag sinuntok ko iyon hindi na gumising, eh. Kakauwi ko lang sa bahay at ipinapasok ko na lang sa maid namin ang mga gamit sa loob ng kotse ko. Nakita ko si Mama sa kusina na busy sa pagluluto ng paborito kong sinigang. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "Maaga ka ngayon iho," sabi ni Mama. Paano naman kasi kung minsan hating gabi na ako umuwi dahil marami akong tinatapos sa opisina. Umupo ako sa mesa at nangalumbaba. Ako na lang ang kasama sa bahay nito dahil wala pa akong asawa. Si Ana ang bunso kong kapatid ay ipinakasal ni Papa sa isang businessman para maisalaba ang aming kumpanya noon. "Nag-away na naman ba kayo ni Beatrice, iho