Chapter 17 Kia's PoV NAGISING akong masakit ang buo kong katawan pakiramdam ko sobrang nanghihina ako. Nilinga ko ang buong paligid, at nakita ko si Yumi katabi nito si Drake na tila nagdadarasal. Nakakrus ang mga palad ng mga ito habang nasa tabi ko. Nangilid ang luha ko nang maalala ang nangyari kanina. Ang baby ko kumusta kaya siya? "Yumi... Yumi!" mahihinang tawag ko sa aking kaibigan. Agad niya akong nilapitan pati si Drake ay lumapit na rin nang makita na akong gising. Nagpunas si Yumi ng luha sa pisngi nito at mata habang lumalapit sa akin. "Ang b-baby ko nasaan?" maluha-luhang tanong ko. Niyakap ako nang mahigpit ni Yumi. "Ang baby mo, Kia. Ma-mahina siya," naramdaman ko ang kalungkutan sa tinig nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa kamay. Kinabog