Chapter 18 Kia's PoV Tatlong taon na ang nakakaraan ngunit wala pa rin akong natanggap na mensahe galing kay Conor. Sadya nga bang kinalimutan na niya ako? Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Ngunit sadyang mahirap kalabanin ang panahon at pagkakataon. Marahil hindi talaga kami ang itinadhana para sa isa't isa. Ngunit gustuhin ko man na kalimutan si Conor ay pilit pa ring bumabalik ang mga masasaya naming mga alaala. Lalo na't kahawig nito si Axel habang lumalaki ito. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang naglalarong si Axel sa garden. Habang palaki ito nang palaki nagiging kamukha nito si Conor. Napakapogi ang anak ko, kanino pa ba magmamana, kun'di sa isang Mondragon. Hindi ko alam kung matatanggap ba ni Don Custudio ang anak namin ni Conor. Natatakot ako sa maaring