Chapter 2
CONOR POV
Hindi ko maintindihan ang gustong ipagawa sa'kin ni Beatrice Go, ang ex ko. Gusto niyang makipagbalikan sa akin para sa kumpanya. Pagkatapos niya akong saktan ganun-ganun na lang ba 'yun kung kailan na nakalimutan ko na siya. At nakapag-move on na 'tsaka ito babalik for what para saktan muli ako.
May malaki na pala itong shares sa kumpanya at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Hindi kaya may kinalaman doon si Dad. Plinano ba nilang mabuti ito, pwes hindi ako ganun kadaling linlangin at para isuko na lang ang prinsipyo ko.
Nasuntok ko ang manibela ng kotse ko sa sobrang inis at galit. Minamanduhan na naman ba ni Dad ang buhay ko.
Muli kong naalala ang nakaraan...
"Kailangan kong umalis para sa pangarap ko babe, pangarap nating dalawa," sabi ni Beatrice na ikinagulat ko.
Nabigla ako sa naging desisyon nito hindi man lang ako nito kinunsulta about sa plano nito.
"Paano na ang kasal natin. Paano na ang mga pangarap natin na magkasama hindi mo ba naisip yun?" Masakit sa loob kong tanong.
Highschool sweethearts kami ni Beatrice hanggang sa sinagot niya ako noong magkolehiyo na kami. At pagkatapos naming gru-madweyt ay inaya kp siyang magpakasal sa akin. Pumayag naman siya ngunit bigla itong nag-decide na gusto nitong umalis at iwanan ako.
Wala akong nagawa kun'di suportahan ito sa gusto nito dahil mahal na mahal ko siya. Naging mabuti naman ang kumunikasyon namin hanggang sa unti-unti na lamang siyang nanlamig sa akin. Wala na siyang oras sa akin, palagi nitong sinasabi na busy ito sa pagmomodelo. Hanggang sa unti-unting nagkaroon ng lamat ang relasyon naming dalawa.
Hanggang sa isang araw ay nalaman ko na lang na may kinakasama na itong iba sa America. Kaya naman mula noon ay pinutol ko na ang anumang ugnayan namin sa isat isa. Pagkatapos heto siya't ginugulo akong muli.
"Hinding-hindi na ako magpapaloko muli sa'yo, Beatrice." Iyon ang sinabi ko rito kanina nang magkausap kami.
Ako raw ang una nitong pinuntahan pagkauwi nito rito sa Maynila galing America. Ibang-iba na ang Beatrice na nakilala ko noon. Naging liberated ito at walang pakialam sa itsura, at sa pananamit nito. Kahit pa over protective ako noon bilang boyfriend nito noon ay sinusuway pa rin niya ako.
Ngunit mukhang mahihirapan akong iwasan ito lalo na't nakabilang na ito sa board of directors ng kumpanya.
Napailing na pinaandar ko ang kotse ko. Kailangan kong makausap si Director Bautista bukas na bukas para alamin dito kung may kinalaman ba si Dad dito.
Tatawagan ko na sana si Kia nang maisip ko na a-absent nga pala ito bukas. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Kia kahit na palabiro ito at palaging nagkakamali sa trabaho. Kahit ilang beses ko siyang ipinahiya ay hindi pa rin ito nag-resign. Ito na yata ang unang secretary ko na nakatagal sa ugali ko. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha nito at tama si Harry mukha nga talaga itong anghel yun nga lang may topak.
Napangiti tuloy ako nang maalala ang ginawa nitong paghahalik sa akin kanina. At hindi ko akalain na magbla-blush ako. Ngayon lang yata iyon nangyari at dahil iyon dito.
"Ano bang meron sa babaeng iyon," nakangiti kong bulong sa sarili.
Hanggang dibdib ko lamang si Kia. Balingkinitan ang katawan nito at morena. Mahahaba ang pilik-mata nito at may mapupungay na mga mata na para bang tinititigan siya palagi ng mga matang yun.
"Hay, sa sobrang kakulitan niya at kalokohan sa trabaho hindi ko pa rin siya nakakasundo mukhang malabo ang iniisip niyang idea." Bumuntong-hininga ako.
Napaka-stress ng araw na ito para sa akin. Ang gusto ko ngayong gawin ay kumain ng marami at umuwe sa bahay ko para makapagpahinga dahil bukas makikipagsabayan ako sa laro ng ex ko na may balak na makipag-close sa akin.
_______
BEATRICE POV
Hindi ko matanggap ang malamig na pakikitungo ni Conor sa akin. Alam kong nagkamali ako nagsisi naman ako, a.
Aaminin kong ako ang nang-iwan sa kaniya pero ginawa ko lang naman yun para maging masaya ang buhay ko. Natuto akong mabuhay ng mag-isa tumayo sa sarili kong mga paa kahit na mayaman ako at tulad ni Conor na galing sa prominenteng pamilya.
At the age of twenty nine ay very successful na ako. Kaya ko nang tuparin lahat ng pangarap namin ni Conor noon at alam ko namang mahal pa rin ako nito.
Mabuti na lamang at napapayag ko si Tito Custudio na tulungan akong makalapit muli kay Conor. Botong-boto ito sa akin dahil ako ang gusto nitong mapangasawa ni Conor.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang dumiretso ako sa bar kasama ng mga kaibigan ko. Ako yung tipo ng babaeng kapag akin kinukuha ko pabalik sa'kin and no one will refused.
"Hey, Sweetie," tawag sa akin ng mga kaibigan ko.
"Kanina pa ba kayo rito?" tanong ko habang nagtatawag ng waiter. Kadarating ko lang sa bar para makipag-meet sa mga old friends ko noong college.
"Nope," wika ni Thea her friend.
"So nagkausap na kayo ni Conor?" tanong naman ni Jia.
Inikot ko ang hawak kong sigarilyo habang nakangisi sa mga ito.
"Yes. At alam kong in just few days lang magiging akin siyang muli."
"That's mahh friend," sabat ni Jia.
"Aha.. And knowing Conor malambot pa rin ang puso niya sa'yo tiyak na bibigay rin yun lalo na't mas daring ka na ngayon." Tinapik pa ako sa balikat ni Thea.
"Of course kahit sino namang lalaki bibigay sa'kin lalo na si Conor," nangiting sabi ko.
Dumating ang waiter at ibinaba ang mga orders namin.
"So paano 'yan gusto mong tulungan ka namin to trap him... on your bed." Humagikhik si Jia.
"Ako na ang gagawa no'n sweetie." Inirapan ko ito. "And one thing that I know... magiging masaya ang pagbabalik ko sa buhay niya." Kumuha ako ng wine na at nakipag-toast sa mga ito.
Buo na ang plano ko at pinag-isipan ko na itong mabuti. Kung tatanggihan ako nito ay papahirapan ko siya at tiyak na magsisisi siya at luluhod sa harapan ko.
"Go sweetie, cheers," masayang sabi ng mga ito.
"Cheers to future Mrs.Mondragon," sabi ng dalawa.
Nagsitawanan kami kung may humarang man sa aming dalawa masasaktan lang. At sisiguraduhin kong makakawawa siya sa akin.
______
KIA POV
Nadatnan ko ng Nanay ko na naghahanda ng hapunan namin. Kaagad ko siyang nilapitan at kinuha mula rito ang mga pinggan.
"Nay, 'di po ba sinabi ko nang huwag kayong magpapagod." Kumuha ako ng baso at nilagyan iyon ng tubig.
"Anak, pasensya ka na kung matigas ang ulo ko alam mo namang hindi ako sanay na wala akong ginagawa."
Pinainom ko ito ng gamot at pinaupo sa silya. Ipinagpatuloy ko ang paghahanda ng pagkain na ginagawa nito.
"Nay, maaga naman po akong umuuwi rito sa bahay, e. At maihahabol ko pa ang hapunan natin, mamaya maglalaba na ako para hindi na naman kayo maglaba bukas. Nay, nag-aalala lang ako sa inyo, aba, wala pa nga kayong apo sa akin. Naku, e, mahirap na."
Tinawanan ako nito. "Ikaw talaga puro ka biro!"
"Nay, nasaan ba sina Rye at Ryle," tukoy ko sa mga kambal na kapatid ko.
"Nasa itaas naglalaro ng computer."
Tinawag ko ang mga ito. Mabilis namang bumaba ng hagdan ang dalawa. Nagtulakan pa ang dalawa habang nasa harapan ko dahil nakapameywang ako. Tandang sermon na naman ang aabutin ng kambal kong kapatid sa akin.
"Kayong dalawa puro kayo laro kaya tumataas ang singil sa kuryente, e. Dahil nakatutok lang kayo sa computer ko." Panenermon ko sa dalawang kapatid ko.
Humalik ang mga ito sa akin sa magkabilang pisngi ko. Imbes na magalit ay napangiti ako sa ginawa ng mga ito.
"Sus nanlalambing pa kayong dalawa." Nawala ang galit ko sa mga kapatid ko. "Halina kayo at kakain na."
"Ate!" tawag ni Rye habang kumakain kami.
"Ano yun?" Nagtaas ako ng tingin habang ngumunguya.
"Ate, kasi may babayaran kami sa school this week na iyong deadline," sagot ni Ryle.
"Ako na bahala diyan bukas ko na lang ibibigay ang bayad n'yo."
"Yes," masayang sabi ng mga ito. Nagtinginan pa ang kambal.
"Pasensiya ka na anak kung wala akong naitutu---"
Hinawakan ko ang kamay ni Nanay na nasa tabi ko.
"Okay lang yun, 'Nay. Hindi ba nangako ako kay Tatay na ako na ang bahala sa inyo," nakangiting sabi ko.
Nangilid ang luha ng aking Nanay. Tumayo ako at niyakap ko siya.
"Ssshh, 'wag ka nang umiyak, 'Nay baka multuhin tayo ni Tatay," nakangiting biro ko bago bumalik sa kinauupuan ko.
"Ikaw talagang bata ka. O, siya kain na." Ngumiti na ito.
Bumuntong-hininga ako at sa loob-loob ko ay para na akong nauubos ngunit patuloy ang buhay para sa pamilya para kina Nanay.
Pagkatapos ng hapunan ay naghugas na ako ng platong pinagkainan namin. Nilabhan ko na rin ang mga maruruming damit at isinabay ko na ang mga uniforms ko sa trabaho. Maga-alas diyes na ng gabi nang matapos ako.
Bago ako magtungo sa kwuarto ko at magpahinga. Sumalubong sa akin ang mga gwuapong posters ng mga crush ko. At mga paintings ko noong kolehiyo ako. May mga pencil art din ako ng mga anime characters na nasa sala namin. Naadik na yata ako sa mga machong anime characters, napakamanyak lang talaga ng utak ko.
Sina Justin Bieber, Paulo Avelino, Sam Milby at si John Cena, ang mga pandesal ng buhay ko. At mga anime characters na kinakaadikan ko tulad ng Slam Dunk at Samurai X.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama habang pinagmamasdan ang mga gwuapong nasa paligid ko sumingit sa isipan ko si Sir Conor. Ang crush ko na feeling ko nagiging mabait na sa akin.
Kinapa ko ang cellphone ko na nasa bag ko. Naisip ko na baka may text messages ito sa akin. Madalas kasi itong mag-text sa akin para ipaalala ang mga ipinapagawa nito.
Napasimangot ako. "Wala, hay, baka busy siya o di kaya'y kasama niya ang babaeng kausap nito kanina."
Nakaramdam tuloy ako ng selos. At bakit naman ako magseselos.
"Mayaman siya mahirap lang ako. Mataas ang standard niya samantalang ako masaya na sa kung anong meron ako sa buhay ko," malungkot na sabi ko sa kawalan.
Biglang nag-ring ang cellphone ko.
Tumatawag si Conor. Sa gulat ko bumagsak pa ang cellphone ko sa mukha ko. Nakangiwing sinagot ko ang tawag nito.
"Good evening, Sir." Hawak ko ang ilong ko habang kausap ito.
"Papasok ka ba bukas?" tanong nito.
Nangunot ang noo ko. May nakausap lang itong bebot na maganda hindi na nito maalala na hindi ako papasok.
"Hindi po, Sir. May aasikasuhin ako bukas, Sir. Nasabi ko na sa inyo iyon kanina, a."
Natahimik ang kausap ko. "Okay sige Ms. Reyes... sorry and goodnight," sabi nito na may himig ng lungkot sa tinig. Ibinaba nito ang tawag sa akin.
"Bakit kaya?" tanong ko sa kaharap kong poster ni Paulo Avelino na naka-boxer short lang.
"Namimis niya ako, noh?" Kinikilig kong tanong kay Paolo habang hinahawakan ang poster nito.
"Darn, Kia! Sa tingin mo sasagutin ka niyan?" Natatawang tanong ko sa sarili.
Binagsak kong muli ang katawan ko sa kama. Habang iniisip ito at ini-imagine.
"Bakit naman niya ako mamimiss kung may girlfriend na siya," malungkot na sagot ko sa sarili kong tanong. Nakatagilid ako at hindi namalayang nakatulugan ang pagpapantasya sa boss ko.
Kinabukasan...
"ATE!" malakas na tawag ni Rye sa akin. At malalakas na katok ang ginagawa nito sa pinto ng kuwarto ko.
Muntik pa akong malaglag sa higaan ko dahil sa pambubulabog nito sa akin.
Sinilip ko ito habang naghihikab. "Ano iyon kambal?" tanong ko rito. Nakangiting pumasok ito sa kwuarto ko.
"Ate, may poging lalaki sa may sala. Hinahanap ka, kanina pa nga siya nariyan sa ibaba kinakausap ni Nanay," nakabungisngis na sabi nito.
Tuptop ang bibig na sumilip siya mula sa hagdan. Si Sir Conor nga... Ano kayang ginagawa nito rito.
Naghilamos ako ng mukha ko at nag-toothbrush. Ipinusod ko paitaas ang hanggang balikat kong buhok. Bago puntahan ang prince charming kong naghihintay sa pagbaba ko ng hagdan.
___________
Conor PoV
Ikinuwento sa 'kin ang lahat ni Aling Adora ang buhay nilang mag-anak at naiintindihan ko na ngayon si Kia. Kung bakit ito palaging late sa trabaho at hindi nito nagagawa sa tamang oras ang mga ipinapagawa ko. Nakonsensya tuloy ako dahil naging istrikto ako rito. At hindi ko man lang inalam kung ano ang mga pinagkakaabalahan nito sa buhay. Tama lamang na siya ang pinili ko bilang secretary ko.
Bago pala ito pumunta ng opisina ay inaayos muna nito ang baon sa eskuwelahan ng mga kambal nitong kapatid. Lalo tuloy akong humanga sa kabaitan ng puso ng dalaga. At dahil dito nakapagdesisyon na ako na tulungan ito sa plano nito para sa kumpanya. Nagbago ang isip ko dahil sa kuwento ni Nanay Adora at sa pagpupursigi ni Kia.
"Sir, magkape po muna kayo habang hinihintay ninyo si Kia. Naku, sir, mahaba na ang naikuwento ko sa inyo pero hindi pa rin bumababa si Kia. Naku, Sir, ang anak ko kasing ’yun parang tulog mantika. Nakakahiya tuloy sa inyo," hinging paumanhin nito sa akin.
"Conor, na lang po ang itawag ninyo sa akin Aling Adora." Nginitian ko ito. Mabait ang Nanay ni Kia at nagmana ito ng ganda rito.
Nilinga-linga ko ang paligid ng kabuuan ng bahay. May medals at certificates ang nakasabit sa dingding. Nakita ko rin ang litrato ni Kia nang magtapos ito ng kolehiyo.
"Drawings po ba ni Ms. Reyes este ni Kia ang mga iyon." Turo ko sa mga artistang ginuhit nito na walang pang itaas na damit. Pati mga anime characters na tulad ng Naruto at Fushigi Yuugi ay iginuhit din nito.
Tumawa ang Ginang. "Oo, Conor, mga collection ng anak ko ang mga iyan ang sabi nga niya lahat daw iyan boyfriends niya." Tumawa ito. "Hindi pa kasi naranasang ma-inlove ng anak ko." Dagdag pa nito.
Napabuntong-hininga ako mahilig pala talaga sa guwapo si Kia. At lihim akong natuwa dahil sa nalaman kong wala pa itong naging boyfriend.
"Sir." Mula sa likuran ay may tumawag sa pangalan ko. Boses ni Kia.
"Ms. Reyes," sabi ko at tumayo paharap rito.
"May board meeting akong ipinatawag ngayong araw at kailangan mong kumbinsihin ang board para sa gagawin nating bidding." Biglaan ang meeting na ipinatawag ko dahil nag-decide ako kagabi na pumayag sa proposal ni Kia dahil kay Beatrice.
Kumunot ang noo nito. "Sir, pero akala ko hindi kayo papayag? At sir, hindi po ba pwedeng i-cancel ang meeting kasi sasamahan ko si Nanay sa clinic ngayon."
"Nak, okay lang ako magpapasama na lang ako sa pinsan mo. Mukhang kailangan ka sa opisina ngayon." Tumingin si Aling Adora sa akin.
"Pero 'Nay." Tutol ni Kia.
"Sige na... nakakahiya naman kay Conor. Isa pa mukhang kailangan na kailangan ka ng boss mo." Kumindat si Aling Adora sa anak nito.
Tinignan ko si Kia na namumula. Mas maganda pala ito kapag wala itong make up. Nagmukha tuloy itong inosente.
Ilang sandali pa ay pumayag na rin ito. "Hintayin mo ko riyan, Sir." Pagpapaalam nito bago muling tunguhin ang hagdan.
Natuwa ako dahil pumayag ito. "Huwag mo sanang bibiguin ang anak ko, Conor," sabi ni Aling Adora na bakas ang lungkot sa mga mata.
"Makakaasa po kayong hindi mabibigo si Kia dahil nagtitiwala po ako sa kakayahan niya," pagkasabi'y ngumiti ako rito.
Magagawa namin ito tiwala lang.
Pasado alas nuebe na ng lumabas si Kia sa kwuarto nito. Nakauniform ito bilang secretary ko at basa pa ang hanggang balikat nitong buhok.
Hinalikan nito sa pisngi si Aling Adora. Napakabuting anak ni Kia. Naisip ko na hindi ko na dapat siya sinusungitan pero kailangan dahil trabaho pa rin naman ang ginagawa namin puwera na lang kung ligawan ko siya.
"Halika na, Sir!" tawag ni Kia sa akin. Nakalabas na pala ito ng gate nang hindi ko namamalayan.
Inayos ko ang suit at kurbata ko. Kinakabahan ako sa kalalabasan ng meeting namin na dati naman confident akong maaprubahan. Kinakabahan ako para kay Kia dahil kapag naaprubahan ito ay malaki ang maitutulong niyon sa pamilya nito at sa kumpanya ko.
"Ate, may nakalimutan ka!" Narinig kong tawag ng isa sa mga kambal.
"Yung bayad sa school, Ate!" dagdag naman ng isa.
Parehong lalaki ang mga ito at nalilito ako sa mga pangalan ng mga ito. Dali-dali akong lumapit sa mga ito.
"Magkano ba project ninyo?" tanong ko sa mga ito.
"Two hundred sa akin, Sir!" sabi ng isa.
Yumuko ako at ginulo ang buhok nito. "Kuya na lang ang itawag ninyo sa 'kin," nakangiting sabi ko.
Ngumiti ang kambal. Binigyan ko sila ng dalawang tig limang daang piso.
"Yes!" malakas na saad ng dalawa.
Nakita ko ang pagtutol sa mga mata ni Kia.
"Thank you po Kuya! Ate, may pang-load na kami sa computer mo!" natutuwang magkasabay na sabi ng kambal.
Natawa ako sa kakulitan ng mga ito hanggang sa nagpaalam na kami.
"Bye.. Rye at Ryle." Salitan kong ginulo ang mga buhok ng kambal.
"Kuya ako po si Ryle," sabi ng may nunal sa noo.
"At ako naman po si Rye," sabi ng walang nunal sa noo pero may peklat sa pisngi na kasing laki ng piso.
Napangiti ako. "Okay sige next time na pupunta ako rito may surprise ako sa inyo," nakangiti kong sabi.
Masayang-masaya ang mga ito sa ginawa ko. Kahit sa simpleng bagay lang natutuwa na ang mga ito.
"Kiss ko!" Pahabol na sabi ni Kia sa mga ito. Hinalikan ng dalawa ang magkabilang pisngi nito. "Mag-aral kayong mabuti, a. Iyong sukli niyan baon na ninyo bukas!"
"Pero... Ate!" Tutol ng dalawa na nagkamot pa ng ulo.
"Walang pero-pero!" singhal ni Kia a kambal.
Hindi na umimik ang dalawa at tumango na lamang sa sinabi ni Kia. Mukhang takot ang dalawa kay Kia.
Habang nasa sasakyan kami ni Kia ay tinitignan ko siya nang hindi nito alam. Mayamaya pa ay tumingin na din ito sa akin.
"Hindi mo na dapat ginawa yun, Sir" mahinang sabi nito.
"Natuwa ako sa mga kapatid mo kaya dapat lang iyon para sa kanila. Bakit hindi mo sinabi ang sitwasyon mo sa inyo. Hindi na sana ako nagpapauwi ng mga paperworks sa 'yo."
"Hindi ka naman nagtatanong, Sir."
Binalingan ko si Kia. Napangiti ako sa sinabi nito. Hindi ko tuloy alam kung anong meron sa babaeng ito at nagkakaganito ako. Hindi ako ganito sa ibang tao, hindi ako ganito kalambot sa iba.
Inayos ko ang sarili ko at seryosong tumingin rito. "Secretary kita dapat lang na maging mabait ako sa pamilya mo."
Narinig ko ang pagtawa nito.
"Bakit?" Kunot-noong tanong ko.
"Wala lang, Sir. Bagay pala sa iyo iyong maging mabait paminsan-minsan... nakakaguwapo iyan, Sir."
"Ms. Reyes, ang isipin mo na lang ang presentation mo sa board mamaya. Alam ko na malaki ang maitutulong ng project na ito sa pamilya mo at pati na rin sa kumpanya," seryosong sabi ko.
Hindi na ito umimik. Hindi ko ugaling magsalita ng mga magagandang bagay sa isang babae lalo na kung wala naman kaming relasyon. At bilang boss at CEO ng Mondragon Empire hindi dapat ako umaasta ng ganito sa harapan ng isang babae. Kailangan kong ingatan ang image ko bilang CEO ng kumpanya.
"Sana, Sir, itinext mo na lang ako para ako na lang nagpunta sa office. Nakakahiya tuloy na ikaw pa nagpunta sa bahay namin."
Oo nga naman may punto ito baka isipan ako nito ng malisya.
"May... may pinuntahan kasi akong malapit sa inyo kaya dinaanan na kita," pagsisinungaling ko. Iniwasan ko ang tingin ni Kia sa akin baka kasi isipin niya na napakawierdo ko.
Twenty minutes ang biniyahe nila mula sa tirahan ni Kia. Nang makarating sila ang kumpanya. Hinayaan kong buksan ni Kia ang pintuan ng kotse ko hindi na ako nag-abalang tulungan o alalayan man lang ito.
Kailangan kong magpakapormal lalo na't nasa trabaho kami. Nakita kong pinagtitinginan kami ng lahat ng mga empleyado ko at isa-isang bumati ang mga ito sa amin.
Nasa likuran ko si Kia at sumusunod sa akin dala nito ang mga files. Gusto ko siyang tulungan pero hindi pwede baka isipin ng mga tao na may relasyon kami. Halos dahil magdadalawang buwan ko pa lamang siyang secretary. Ayokong isipan nila ng masama si Kia.
Dumiretso kami sa Conference Room naroon si Beatrice nakahalukipkip ito at matalim ang tingin kay Kia.
Ibinaba nito ang mga gamit ko sa lamesa. Inilagay nito ang files sa tapat ng mga ito isa-isa. Ako ang gumawa non at si Kia ang may ideya ng lahat ng laman niyon.
Umupo ito sa gilid katapat ng monitor. At ako naman ay tumayo sa harapan ng mga ito. Bigla akong nakadama ng kaba na ngayon ko lang naramdaman. Tumingin ako kay Kia na nakatiklop ang mga palad at nakapikit pa.