Luna's POV.
Nagising ako dahil sa ingay sa kusina kaya kahit inaantok pa ko ay idinilat ko ang mata ko.
Anong oras na ba kami natapos ni Cloud?
Natapos maglipat!
He decided na dito na kami sa bahay na nabili nya in the same village with his brother. It is just a bungalow house pero sobrang ganda at peaceful nya.
2 weeks quickly passed after nung incident na sinampal ko si Akira and I totally regret it. As I get to know her, napakadali nyang pakisamahan. Pag nadidikit ako sa kanya pakiramdam ko ang sama kong tao dahil sa sobrang kabaitan at ka positive-an ng ugali nya.
It's like I've found a long lost sibling sa katauhan ni Akira. I also met her bestfriend Sanya na katulad nya ay nakasundo ko din.
Tanging si Thunder lang ang off sakin dahil nga siguro hindi sya makaget over dun sa nangyari pero may instances na pinapansin nya naman ako.
Dahil bukod sa maingay na sa kusina ay nakaka amoy ako ng mabangong niluluto ay nagpasya na kong bumangon.
Naghilamos muna ako, at nagtungo na sa kusina at halos mahulog ang kaluluwa ko dahil pakingshet!
Bakit naman ang sexy ng chef na to.
Kahit naka apron hindi nakabawas sa kagwapuhan nya.
Nakatalikod sya sakin but damn that sexy back of him. Bakit kasi naka topless? Bakit?
"Hindi ako ang breakfast wife" sabi nya kaya doon ko lang napansin na nakaharap na pala sya sakin. Hawak nya ang kawali at sinasalin sa pinggan ang sinangag nya.
Napalunok ako. Ano bang meron sa lalaking to at parang mala greek god na ang kagwapuhan? Bayani ba sya nakaraan nyang buhay kaya sobrang blessed sya sa physical features nya?
"Wife, stop staring, baka ma late tayo sa pupuntahan natin kapag nag make love pa tayo" sabi nito at ngumisi.
Namula naman ng husto ang mukha ko. Ano? Make love daw?
Hindi pa namin nagagawa yun, kaya kahit iniisip ko pa lang ay ibang sensasyon na ang bumabalot sakin.
Teka! Hindi naman ako s*x addict ah!
I am still a virgin pero pagdating kay Cloud, nagiging manyak ako.
"Tse! Ikaw talaga, kumain na lang tayo" sabi ko at umupo na. Tumatawa pa din sya habang naghahain.
Maya maya ay nag ring ang phone nya habang kumakain kami. Ayaw nya sanang sagutin pero ring pa din yun ng ring. Sunday ngayon ah!
"Answer it, mukhang ayaw magpatahimik nyan" sabi ko at sumubo ng pagkain.
"Hays" sabi nya at binitawan na ang kutsara't tinidor nya and then sinagot nya na ang tawag.
"Hello. Oh yes Martin for pete's sake it's sunday today! Hindi na ba mapapagpabukas yan? Ano ba yun? What?! That much?! How did that happen?! Fvck! Pano? San napunta? I check nyong maigi. Fine. Bye"
Habang nakikipag usap sya ay kinakabahan ako. Huminga sya ng malalim. I looked at him. Sobrang worried ng mukha nya and I know why. Nung nag angat sya ng tingin at makitang nakatingin ako sa kanya ay pinilit nyang ngumiti. He also turned off his phone.
"I-is everything okay?" tanong ko kahit pa alam ko na. Martin is the head of the financial department.
Muli na naman syang bumuntong hininga.
"It's Martin. May problema lang sa kompanya" sabi nito.
"A-ano?" tinuon ko ang paningin ko sa pagkain. Sobra sobra akong nagi guilty lalo na kapag nakikita ko ang mata nya.
"Hindi mo na kailangang malaman wife. Kaya ko na yun" sabi nya. He is still bothered kahit anong tago nya sa mga ngiti nya.
"I insist" sabi ko.
"Okay, may problema sa department ni Martin. Nawawalan kasi ng 500 million na kinita ng kompanya. It doesn't make sense right? Ikaw, ako at ang department lang ni Martin ang may access sa pera ng company. I'm sure na hindi tayo ang may kasalanan nun. It's the financial department's fault. Wag mo ng problemahin. Okay?" sabi nya at ngumiti. He even held my hand and squeeze it.
He is trusting me too much. Ako ang may kagagawan ng pagkawala ng 500 million. Lahat yun ay nasa account na ni Maxwell.
"By the way wife, pupunta papa tayo kila mama" sabi nya.
Nabagsak ko ang kutsara ko
"What?! Why?" gulat kong tanong.
"Chill Luna, nasabi ko na kay mama ang pagpapakasal ko sayo. Mabait naman yun as well as papa. They just want to meet you. Party bukas dahil birthday ni mama" sabi ni Cloud sakin.
"Ipapakilala mo ko? Birthday ng mama mo? Wait lang! Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin to! Wala akong regalo para sa mama mo. Anong susuotin ko? What if they don't like me? Magkwento ka naman about sa mom mo" sabi ko.
Wait? I just sound like a real wife na takot at kinakabahan sa first meeting nila ng mother in law nya. But fvck! Hindi uubra ang Luna na assassin kay Mrs. Sunshine Hermosa.
"Wife, okay na. May isusuot ka na at wag mo ng problemahin ang ireregalo mo kay mama, lahat na kasi ng bagay na gustuhin nun meron sya at makukuha nya. Our presence are more than enough sabi nga nya. My mom is a doctor. Gynecologist. She's lovely" sabi nito.
Medyo gumaan ang loob ko. Mukhang mabait naman pala ang mama nya at sana hindi ako mahirapan dito.
"Hi Luna!" bati sakin ng may mala anghel na mukhang babae pagkababang pagkababa ko ng kotse. Who else would it be? It's no other than Mrs. Akira Sapphire Montenegro.
Ngumiti ako, naiilan pa din ako pero parang sya wala na yung ginawa kong kagagahan.
"San kayo pupunta? Hindi ba kayo sasama samin?" tanong ko kay Cloud.
"May urgent meeting ang S&M. Saglit lang naman yun. You two have fun together" sabi ni Cloud sakin.
"I am warning you. Don't wear something too revealing. Okay?" Thunder
"Okay" sabi ni Akira kay Thunder.
Thunder smiled. Fvck! Ngumingiti pala to?
"Good" he said and then he planted a kiss on Akira's head. I looked at Cloud expecting him to be looking at Akira, malamang nasasaktan sya sa nakikita nya ngayon. He loves Akira.
Pero malaki ako, pag lingon ko. Cloud is looking at me intently with a smile plastered on his lips.
"Haven't I told you, you're beautiful" he whispered in my ear at gumapang na ang kuryente sa buong katawan ko. Ano to?
Hinampas ko sya ng mahina
"Umalis na kayo, baka magalit na naman ang dragon" sabi ko at tumawa. Tiningnan ko si Thunder na nakakunot ang noo.
Mabuti na lang medyo malayo kami at mahina ang pagkakabulong ko dahil baka bugahan ako ng apoy nyan.
"Tara na Cloud" tawag ni Thunder dito.
"See you wife" sabi nya bago tumalikod at sumakay sa kotse nya.
"Gusto mo atang sumama" pagbibiro sakin ni Akira ng makaalis na sila Cloud.
"Ewan. Ikaw talaga, kayo nga sweet na agad parang nung isang linggo lang" sabi ko
Nagkibit balikat lang sya.
"Ganun talaga, masyadong charismatic ang mga napangasawa natin. But enough with that, today my task is to make you beautiful, kahit na maganda ka na. You're meeting mama for the first time" sabi nya kaya muli na naman akong kinabahan.
"Nagalit ba sya nung malaman nya yung biglang pag aasawa ni Cloud?" I asked habang papasok kami dito sa boutique/salon.
"Hindi naman, nagulat lang sya pero syempre dapat ka pa ding magpa impress. Sunshine and Saros Hermosa are both popular in business and medical industry. Pero wag kang ma stresa mabait sila" Akira
Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Thank you Aki. No wonder nainlove sayo si Cloud and Thunder. You are such a great person" sabi ko.
"But Cloud loves you more, I can see and feel that, kung makikita mo lang kung pano ka nya tingnan naku" sabi nya.
Nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Mahal na ba talaga ako ni Cloud?
I wanted to be happy but there is a part of me that is aching.
Mahal ko si Cloud, I can't deny that pero yung katotohanan na kaya lang naman ako pumasok sa buhay nya ay para patayin sya is truly troubling me.
"P-pano mo naman nasabi?" tanong ko habang pumipili kami ng gown na susuotin mamaya.
Huminto sya sa pagpili ng damit at tumingin sakin at ngumiti.
"I know because I used to and still looking at Thunder like that"
Tumango na lang ako at ngumiti.
At age 25, kung kelan ang alam ko lang ay pumatay ng tao, at ang gusto ko lang ay protektahan ang kapatid ko. I've met Akira, na naging mabuting kaibigan sakin and there's Cloud whom I unwillingly fell inlove with.
"Wow Luna! Ang ganda ganda mo" pagpuri sakin ni Akira paglabas ko ng fitting room kung saan nagsuot ako ng dress. Tapos na rin kaming ayusan. Akira's wearing a cyan dress. She looks stunning!
"You look lovely Aki" puri ko sa kanya.
"If I look lovely, you should see yourself! Bilis!" sabi nya at hinatak ako sa may salamin
"Wow" yun lang ang tangi kong nasabi. Hindi ko alam na may igaganda pa pala ako.
"Oh diba? For sure malalaglag ang panga sayo ni Cloud" Akira
Natawa na lang ako. Ang ganda ko nga pero nagi guilty naman ako sa presyo ng damit na to. Ganito ba talaga kamahal to?
Kami na lang ni Akira ang mismong pumunta sa mansion ng mga Hermosa dahil nauna na daw dun sila Cloud.
Si Aki na ang nag drive dahil kinakabahan ako ng husto. Never in my life na naisip kong magkakaroon ako ng mother in law, and now I am meeting Mrs. Sunshine Hermosa.
The world's most famous gynecologist and obstetrician.
"We're here" sabi ni Aki at ipinarada ang sasakyan nya kaya lalo lamang akong kinabahan.
"Kinakabahan ako" sabi ko.
"Don't be" Akira said smiling before we got out of the car.
Napakalaki ng mansion ng mga Hermosa. Nagsusumigaw ito ng kayamanang meron sila.
Pagpasok namin sa loob ay may mga staff na nag lead samin kung nasaan ang party which is in the garden.
Sa sala ng bahay ay madadaanan mo ang iba't ibang uri ng plaque at mga awards para sa mag asawang Hermosa. They must be great talaga.
Marami rami ng tao ang nasa party ng makarating kami.
At pakiramdam ko sabay na kumunot ang noo namin ni Akira dahil ang magaling naming mga asawa ay napapalibutan lang naman ng mga malalanding babae.
Damn! I wanna shoot all of them in the head.
"Hindi ba nauubos ang babaeng aaligid sa asawa ko" sabi ni Akira while rolling her eyes.
Lumakad kami papalapit sa kanila.
I looked at Cloud at mabuti na lang mahigpit pa ang garter ng panty dahil kung hindi ay nahulog na ito sa sobrang kagwapuhan ng lalaking to.
Napahinto ako sa paglalakad dahil tumingin sakin si Cloud. A smile automatically formed into his lips.
Gwapo! Sobrang gwapo.
Natauhan lang ako ng makita kong hinila na ni Akira si Thunder kaya lumapit na ko.
"Where are you going Cloud?" maarteng tanong nung isang chinita.
"Umalis na nga si Thunder, aalis ka din?" sabi naman nung short hair girl.
"Stay for awhile Cloud" sabi naman nung babaeng halos mabura na ang mukha sa make up.
Hindi ko napigilang tumaas ang kilay ko dahil sa mga haliparot na to.
Kung pagsasaksakin ko kaya ang leeg nila.
"I'm sorry ladies" nakangiting sabi ni Cloud bago lumapit sakin at hinapit ako sa bewang. I felt my heart started to race. "Dumating na ang asawa ko. Everyone meet Luna, she's my wife" proud na sabi ni Cloud.
His proud of me
Ito na ba ang karma ko?
I am an assassin, I am not supposed to love not until I met him.
I smiled widely sa mga babaeng halos patayin na ko sa tingin dahil sa inggit.
"Mamatay kayo sa inggit" sabi ko bago ngumiti ulit. "Let's go, hubby. Bye bitches" I added before waving to them.
Subukan lang nila akong sugurin, hindi na sila sisikatan ng araw bukas.
"Someone's jealous" narinig kong sabi ni Cloud na nang aasar.
Kaya huminto ako at hinarap sya.
"I'm just protecting what's mine" sabi ko.
He's mine.
He's my target
My victim
He's my husband afterall
Nagulat ako ng bigla akong halikan ni Cloud. Mabilis lang yun pero sapat para magkarambola ang lahat ng organs ko sa katawan.
"Don't worry, I'm all yours, forever and always wife" he said.
Sasagot pa sana ako ng biglang may tumikhim.
"Pa! Ma!" pagbati ni Cloud sa lalaking parang old version nila ni Thunder. Napatingin naman ako sa babaeng katabi nito. Ang ganda sobra, mama nya ba talaga to? Parang ate nya lang kasi.
"Good evening Mr. Saros and Mrs. Sunshine" pagbati ko. Sana hindi nila mahalata ang bahagyang pag nginig ng boses ko dahil sa kaba.
"You must be Luna, I'm glad to finally meet you. Call me papa" sabi ni Mr. Saros este papa na pala dahil sabi nya.
"The pleasure is all mine sir ay papa po pala" sabi ko.
"I told you she's beautiful and lovely pa" Cloud said in confidence.
"Oo nga, para palang si Akira ito. Hindi ka talaga papahuli sa kuya mo. Kanino pa ba kayo magmamana sa pagpili ng maganda" sabi ni papa at bumaling kay Mrs. Sunshine. Tumingin naman ang huli at nagkangitian sila.
How old are they? Parang ang sweet sweet pa din nila at may sparks pa din pag nagkakatinginan sila.
I want to be like them
Kung hindi ko ba itutuloy ang misyon ko, magiging katulad kaya kami nila ni Cloud.
"Hanggang ngayon ay bolero ka pa din Saros" Sunshine at halos matapilok ako ng tumingin sakin si Mrs. Hermosa. "Luna, enjoy the party"
Hindi sya nakangiti kaya mas kinabahan ako.
"Happy birthday po" sabi ko.
"Thank you" sabi nito bago sila umalis na mag asawa to join the other guests.
"Wife, are you okay?" untag sakin ni Cloud.
"She doesn't like me!" I said in a sad voice.
Ramdam kong ayaw sakin ng mama ni Cloud and I felt defeated. Tiningnan ko si Mrs. Hermosa na ngayon ay masayang masayang kausap si Akira.
She likes Aki as her daughter in law at magiliw sya dito. Samantalang sakin ay hindi man lang nya ko masyadong kinausap.
"No! Maniwala ka gusto ka nun, busy lang sya masyado dahil maraming bisita" Cloud said in a comforting tone.
"I hope so" sabi ko na lang.
The party went well. Medyo late na sya natapos kaya nag decide na lang kami ni Cloud as well as Akira and Thunder na dito na matulog.
At 3 am na pero gising pa ko at himbing na himbing na si Cloud. Tumayo ako dahil nauuhaw ako.
Nagdiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Wala ng taong gising dito. Tulog na silang lahat kaya napakatahimik ng bahay.
"Luna"
"Oh my gosh!" sigaw ko.
"Follow me" sabi ni Mrs. Hermosa bago naglakad patungon sala. Sumunod naman ako. Huminto sya sa tapat ng mga plaque nya
Pwedeng assassin pala tong mama ni Cloud haha
"Luna, all this plaques and awards means nothing to me. I am quite famous in medicine but that is not what's important to me"
"Po?" tanong ko kasi naguguluhan ako. Napaayos ako ng tayo ng tumingin sya sakin
"My family's what important to me. Lalo na yung dalawa kong anak. I'm happy that Thunder found Akira, and I know she will take care of him for the rest of their lives. And now ang bunso ko, si Cloud. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na nawala si Thunder so all my attention is on Cloud, and now bigla bigla ay kinasal sya without informing me. That's a risky decision. Nakakapanibago dahil hindi naman sya ganun but I trust him"
Lumapit sya sakin at hinawakan ang singsing na suot ko.
"He must really love you" she added. Tiningnan nya ko at nginitian and it somehow made me feel good. "Luna, what is the real reason for entering my son's life?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong nya.
"P-po?" nauutal kong sabi.
May alam ba sya? May alam ba sya sa task sakin ni Maxwell?
"Do you really love my son? Luna, he's always a positive and happy person at ayoko ng masaktan sya ulit sa pangalawang beses na magmamahal sya, baka hindi nya kayanin. So please I am asking you, no I am begging you. Don't hurt him as a mother, as your mother in law that's all I want"
Pakiramdam ko ay bumigat ang pakiramdam ko at maiiyak ako.
The real reason that I entered his life was to kill him
Pero totoong mahal ko sya. Na mahal na mahal ko si Cloud.
I can't take it anymore. Hindi ko kaya, hindi ko na kaya.
I won't kill my husband.
"Mahal ko po si Cloud, I won't hurt him Mrs-
"Mama, call me mama and your answer is all I need for me to accept you" she smiled at me. She gently tapped my shoulder. "Welcome to the family, Luna. Goodnight"
"Goodnight po ma" I said.
I am sure now, I can't hurt Cloud.
All he did is to love me.
He doesn't deserve to be betrayed me.
I am aborting my mission.
For Cloud
For our happy ending