Luna's POV.
"My Luna! What a presence! What brought you here? Good news na ba to?" sabi ni Maxwell at tumawa ng malademonyo.
"Maxwell, may sasabihin ako" sabi ko.
Lumapit sya sakin.
"It better be good. Medyo wala ako sa mood ngayon"
"Maxwell, I'm quitting. Hindi ko na gagawin ang mission. Ayoko na please. Pakawalan mo na kami ni Perseus. I can ask Cloud to give you another half billion even billion. Please ayoko na" sabi ko.
Pak!
Isang malakas na sampal ang natamo ko kay Maxwell. Galit na galit nya kong tinignan pero hindi ako nagbabawi ng tingin.
Masakit ang sampal nya sakin pero hindi ko ininda. I was raised to be immuned or rather act immuned.
"How dare you! HFC ang kailangan ko at hindi lang ang bilyones ni Cloud"
"Maxwell please, hindi ko na kaya. Let us go"
"No" sabi nya napatingin ako ng senyasan nya si Hailey at lumabas ito.
"You'll regret disobeying me"
His words sends fear to my entire body. Bigla akong kinabahan.
"No!" sigaw ko pero nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at mula dito ay pumasok ang mga tauhan ni Maxwell, bitbit ang kapatid ko na puro sugat na.
"Perseus!" sigaw ko at lumapit sa kanya. Hindi ko napigilang mapaiyak. Hinang hina sya.
Pabalagbag syang binitawan sa harap ko kaya napaluhod ako.
"Ate, go" nanghihina nyang sabi.
"Ano ba?" umiiyak kong sabi. Hinawakan ko ang mga sugat nya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pawis at dugo sa mukha nya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumayo ako.
I pointed a gun on Maxwell. Galit na galit ako. I want to kill him. Sinaktan nya si Perseus!
"I'm going to f*****g kill you Maxwell!" sigaw ko.
Pero imbis na matakot ay tumawa lang sya.
"Are you sure darling?" ngumisi sya at tumingin sa kinalulugaran ni Perseus kaya napalingon ako.
Hailey is pointing a gun on my brother's head and before I knew it ay naagaw na ni Maxwell ang baril sa kamay ko.
Ikinulong nya ko sa mga braso nya. Nakabalot sa leeg ko ang braso nya at nakatutok sa sentido ko ang malamig na baril.
Hindi ako natatakot mamatay, natatakot ako sa kaya nyang gawin sa kapatid ko. He's too young.
"J-just kill me and let Perseus go" mariin kong sabi.
"Ano bang sinasabi mo ate?! No! Dapat ikaw ang umalis dito, ako ang may kasalan kung bakit nasa poder tayo ng demonyong yan!" sigaw ni Perseus sakin.
Umiling ako at pinilit ngumiti sa kapatid ko. If I'm gonna die, gusto kong manatili sa pag iisip ng kapatid ko na matatag ako.
"Perseus listen to me, if they will let you go. Hanapin mo ang Kuya Cloud mo. Tell him, you're my brother. He will help you" sabi ko.
Si Cloud, huling pagkikita na ba namin kanina sa office? Nagpaalam lang ako sa kanya na may kikitain ako this afternoon. If I have known this will be my end, I should have kissed him longer and held him tighter.
"No ate, ako lang naman ang panakot sayo ng hayop na yan, mas okay na mamatay ako para makalaya ka na. Die Maxwell!" sigaw ni Perseus.
Halos mabingi ako ng paputukin ni Maxwell ang baril. Bahagya akong nahilo dahil sa lakas nun.
Nung mabalik ang tingin ko ay duguan na ang hita ni Perseus.
"Aaaaaaah!" sigaw ng kapatid ko. And it's breaking me to hear his pain.
"Hayop ka Maxwell!" sigaw ko dito. Nanatili pa din akong sakal sakal nya gamit ang braso.
Tumawa si Maxwell,
"Kill him Hailey" utos nito kaya ginawa ko ang lahat para makapiglas dito pero mas malakas ito sakin.
Hindi ko na napigilan ang maiyak muli.
Kinasa na ni Hailey ang baril.
"No! No! Please stop. Wag, wag mong gawin to Maxwell" umiiyak kong sabi.
Nakayuko na lang si Perseus.
"Akala ko ba hindi mo na itutuloy ang mission" bulong nito sakin.
Ayoko, hindi ko kayang may mangyari sa kapatid ko. I am supposed to protect him.
"Please wag si Perseus" sabi ko.
"Then kill Cloud Hermosa" mariin nitong sabi sakin.
Sunud sunod ang ginawa kong pagtango. I thought I can save Cloud.
Pero mali ako.
"Kill him tonight Luna or your brother will die. Hindi ako nagbibiro"
Tumango ako.
I can't save him.
I can't save him from myself.
Marahas akong binitawan ni Maxwell.
"Good girl, don't disappoint me Luna" he said in a cunning voice. He handed my gun back.
Mabilis akong tumakbo papunta kay Perseus.
"Ate, hindi mo naman kailangang gawin to. I know you love him" Perseus.
"Wag mo na kong problemahin, tatapusin ko lang to at makakaalis na tayo" pinilit kong tatagan ang boses ko.
"Ate"
"Maxwell, please help Perseus, susunod naman ako" sabi ko.
"Hailey, kindly bring our dear Perseus to Dr. Park" sabi nito.
Dr. Park is our personal doctor. Magaling ito at sigurado syang hindi nito pababayaan si Perseus.
Tinulungan kong tumayo si Perseus. May mga lumapit namang tauhan at sila na ang nagdala kay Perseus sa clinic ni Dr. Park.
"I'm dead serious Luna, Cloud's life or your brother. It's your choice" sabi nito bago ako tinalikuran.
Past 7 pm na ko ng makauwi dito sa bahay namin ni Cloud.
Pagpasok ko pa lang ay sinalubong agad ako ni Cloud. He looked so worried at hindi nakabuti yun sa nararamdaman ko.
I am going to kill him any minute now.
"Wife" tawag nito sakin. Pinilit kong ngumiti at pasiglain ang sarili ko. "Bakit ngayon ka lang?"
"Medyo napasarap ang kwentuhan namin ng mga old classmate ko" sagot ko.
"Nagugutom ka ba?" tanong nito.
"Hindi, busog pa ko"
"Pagod ka ba?"
Nahinto ang pag uusap namin ng mag ring ang cellphone nya.
He looked at me.
"Sasagutin ko lang to. Magpahinga ka na if gusto mo" sabi nya before he answered the call.
Nakikipag usap sya habang paakyat sya ng hagdan.
A tear fell in to my cheeks.
Wala syang kaalam alam sa kung ano ang balak ko, pero ako pa rin ang prayoridad nya.
I love him but I can't afford to lose my brother.
Umakyat na ko sa kwarto namin. Nakita kong nakikipag usap pa din si Cloud at kasalukuyang nasa balcony. Nakatalikod sya sakin.
Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko habang kinakabit ko ang silencer sa baril ko.
I know I will regret this for the rest of my life.
Naglakad ako ng marahan hanggang sa ilang dipa na lang ang layo nya sakin. Nakikipag usap pa rin sya at mukhang hindi nya pa rin ramdam ang presensya ko.
I bit my lip to stop my sobs.
Am I really doing this.
I am ready to pull the trigger ng isa isang bumalik sa alaala ko ang masasayang araw ko kasama si Cloud.
It all started with a kiss in the bar, and then nag propose sya ng kasal dahil lasing na lasing sya dahil broken hearted ito. Kahit na accidental marriage ang nangyari ay trinato pa din sya nito ng maayos. He made her feel like she's the most precious girl in the world. Lagi itong nandyan kapag kailangan nya. He's a gentleman, caring, and loving man. Palagi itong positive at bibihira nya lang makita na malungkot ito. All Cloud did is to love her and to make her feel special pero sya ang tanging gusto nya lang gawin dito ay patayin ito.
The first man I love will die in my hands.
Nanginginig ako habang hawak ang baril pero mas nagulat ako ng pumihit paharap sa akin si Cloud. Tapos na ito sa pakikipag usap.
"Luna"
I pulled the trigger.
Umiyak na ko ng husto.
"I can't, I can't" paulit ulit na sabi ko.
"Damn!" sigaw ni Cloud.
Yes I pulled the trigger pero hindi ko pinatama sa ulo nya, kundi sa braso lamang ni Cloud.
Hawak ni Cloud ang duguang braso.
He looked straight to me. Nanginginig ang buong katawan ko.
Mas lalo akong naiyak ng makita ko ang disappointment, sadness, madness, at sakit sa tingin nito sa akin.
"Why Luna? Why?!" sigaw ni Cloud. Nagsimula ng bumuhos ang luha mula sa mata ng asawa ko at mas lalo akong nasasaktan dahil doon.
I betrayed him.
"Sorry" yun lang ang tanging nabitawan kong salita.
"I trusted you! Naniwala ako sa despite of what they are saying!" sigaw nya.
Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang naglabas ng 500 million sa kompanya. I remained quiet kasi pera lang yun. I accepted you as my wife kahit na wala ako ni katiting na alam tungkol sa background mo. I trusted you and because I love you, nagbulag bulagan ako sa katotohanan na baka isang araw traydurin mo ako, and now the day had finally came. So ito ba yun Luna? Kaya ka rin ba pumasok sa buhay ko just to kill me?"
"A-alam mo?" gulat kong tanong.
"Who sent you this time? I have to congratulate him masyadong magaling ang naging tactic nya, nakapasok ka na sa buhay ko. I even fell inlove with you. Aaaah!" sigaw nya marahil dahil sa tama ng bala.
Gusto kong lumapit pero pinangungunahan ako ng galit.
He wiped his tears.
"I thought if I love you and give you all that I can, mapapagbago kita na baka kung ano man ang gagawin mo sakin ay hindi na matutuloy pero I was mistaken" humarap sya sakin. "My love for you was not enough, you still ended up betraying me"
"Cloud"
"Mahal kita Luna, mahal na mahal na ang sakit. Mas masakit pa sa pagbaril mo yung katotohanang hindi mo ako mahal at paraan mo lang lahat to para patayin ako. It fcking aches Luna!" sigaw nya.
Huminga sya ng malalim.
"Go" malamig nyang sabi. "Go away killer!"
Gusto kong humingi ng patawad. Gusto ko syang yakapin at halikan pero hindi, hindi na pwede.
I am a traitor.
A merciless woman
A killer wife.
Tumakbo hanggang makalabas ako ng bahay pero hindi pa ko nakakalayo ng may maramdamdaman akong nagtakip ng panyo sa ilong ko.
And I fell into a deep sleep.
Cloud, can you save your own killer?