Luna's POV.
"Still, it is not right for her to slap Akira!" galit na sigaw ni Thunder.
Nakakatakot sya. Kapatid ba talaga to ni Cloud? Opposite silang dalawa sa ugali.
Pakiramdam ko ay naumid ang dila ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako matatakutin pero there is something about him na magpapasunod sayo sa kanya.
"Tama na Thunder, nagulat lang siguro si Luna, na mis interpret nya lang ang sitwasyon. Ako ang may kasalanan. Hindi ko alam na may asawa na sya kaya ako nagpunta dito. I stepped in the line. It's my fault and would you stop shouting love. Mas naiinis lang ako sayo" sabi ni Akira sa asawa nya.
Cloud is looking at me intently.
Parang nanuyo ang lalamunan ko at kahit hirap na hirap na ko ay pinipigilan ko ang luha kong magbagsakan.
"Excuse me" sabi ko at dali daling tumakbo palabas.
"Luna!" rinig kong sigaw ni Cloud.
"Look what you've done Thunder!" Akira
"What? It's my fault now?" Thunder.
Naririnig ko pang nagtatalo sila pero sumakay na agad ako sa elevator. Bago sumara ang elevator ay nakita ko si Cloud na lumabas at mukhang susundan ako. Luckily sumara ang pinto.
Mabilis kong tinungo ang parking lot at pinaandar ang kotse ko.
Habang nagmamaneho ay doon ko lang pinabayaan ang sarili kong umiyak.
Nasasaktan ako dahil alam ko kung gano kamahal ni Cloud si Akira pero mas masakit sakin yung katotohanang sumampal sakin
Ang katotohanang she's worth loving. Hindi na ko magsisinungaling.
Akira is the type of woman that every man would die to have.
Isa nga yata syang anghel magmula sa itsura hanggang sa pag uugali.
Sinaktan ko na sya yet she stood up to defend me even against her husband. Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil bigla na lang akong sumugod doon at parang isang babaeng pinalaki sa palengke.
I am just so jealous. Alam ko at ramdam ko how much Akira loves Thunder pero hindi ko kayang makitang may ibang babaeng didikit kay Cloud. I am being too possessive.
Target ko lang sya.
Victim.
I'll kill him someday.
His blood will be in my hands.
Hindi ko sya dapat mahalin.
Hindi.
Hindi pwede!
Pero kahit ilang beses kong idukdok sa utak ko na wala lang lahat ng nararamdaman ko ay kabaliktaran nun ang sinisigaw ng puso ko.
I am falling.
And falling is not part of my plan.
Inihinto ko ang kotse ko sa tapat ng hideout ni Maxwell. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinakalma ang sarili ko. I need to see someone.
Pagkababa ko ay nagtinginan sakin ang sandamakmak na tao ni Maxwell pero dahil kilala na nila ako ay hinayaan na nila akong magtuloy tuloy.
Nagdiretso ako sa opisina ni Maxwell, mabuti naman at nandito ang walang hiyang lalaking to.
"Oh my Luna, what brought you here? Ibibigay mo na ba sakin ang posisyon ng HFC?" nakangising tanong ni Maxwell.
"I'm still working on it. Just give me time" sagot ko.
"I am not a very patient man, Luna. Baka magulat ka na lang may pugot na ulo sa harapan ng bahay mo" pagkasabi nya nun ay humalakhak syang parang demonyo. Kinilabutan ako dahil doon.
"Don't you dare!" sigaw ko sa kanya. Galit na galit ako sa kanya. Matapos ko lang ang misyon ko sa kanya at kung magkakaroon ako ng tsansa ay ako ang papatay kay Maxwell.
"Luna, Luna. Ganyan ka pa rin. Bossy as ever. Hindi pa ba sumasaksak dyan sa kokote mo na ako ang boss. Sumunod ka lang at walang mangyayaring masama sa kapatid mo pero kapag nagkamali ka, parehas ko kayong papatayin and I will also find another way to kill your husband" sinamaan nya ko ng tingin.
Huminga ako ng malalim. Ayokong makipagtalo kay Maxwell dahil marami syang kayang gawin dahil sa pera at koneksyon nya. Demonyo ang lalaking to.
"Nasa bank account mo na ang sampung milyon na hinihingi mo" pag iiba ko ng usapan.
Sumungaw naman ang ngiti sa mga labi nya. Mukha talaga syang pera. Greedy as ever.
"Good girl Luna, I expect millions in my account every week then?"
"That's absurd!" galit kong sabi.
Sumusobra na sya. Mabuti at hindi pa naghihinala si Cloud sakin dahil may tiwala sya pero alam ko sooner or later ay malalaman nya ito kaya kailangang patayin ko na sya before he finds out that I am a traitor.
I am betraying him since the beginning. I'm hopeless.
Ayoko. Ayoko sanang gawin to. Kung may iba lang paraan para mailigtas ko si Perseus at Cloud without sacrificing one of them.
"Hindi ka ba susunod?" galit na sabi no Maxwell kaya tumango na lang ako. I had enough of stress to last a lifetime. "Good. Yun lang ba ang pinunta mo dito?"
"No. I want to see Perseus"
"I knew it. Since you're a good girl, I already brought him here to see you" sabi nito.
Pagkatapos ituro sakin ni Maxwell kung nasaang kwarto si Perseus ay nagmamadali akong pumunta doon.
I badly missed my brother.
I have to check if he's fine.
I have to talk to him.
"Ate!" sigaw nya ng makita ako. Tumakbo ako para yakapin sya at nung humiwalay ako ay tinitigan ko sya ng maigi.
Halos apat na buwan ko din syang hindi nakita pero pagwapo lang na pagwapo ang binatang to.
"Perseus, kamusta ka na?" tanong ko habang umuupo kami sa couch dito.
"Ikaw ang kamusta? Are you out in another mission again?" tanong nya.
He's just 18 pero parang napaka matured nya na minsan nga parang matanda pa sakin. Maybe kaya sya ganyan dahil sa mundong kinabibilangan namin at dahil siguro sa mga mapait naming naranasan.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya. Bumigat na naman ang loob ko.
Habang tumatagal ako sa poder ni Cloud, mas lumilinaw sakin ang lahat.
I don't want to kill him.
My mind want to finish the mission but my heart is stopping me.
"So you are. Sino na naman ang papatayin mo ate para sa demonyong Maxwell na yun" mababakas mo ang galit sa mukha nya. Nakakuyom din ang mga palad nya. "Kung hindi lang ako nagkasakit at hindi pinatay sila mama, hindi mo papasukin ang trabahong to. Hindi mo sana gagawin ang mga karumal dumal na bagay na. Sorry ate. It's my fault"
"No Perseus it's my choice. Kapatid kita kaya responsibilidad kita! Naiintindihan mo ba?" lumunok ako. "If I kill Cloud, makakalaya na tayo. We can start anew"
Pinigil kong umiyak sa harapan nya. Mahirap para sakin ang lahat at ayokong sisihin pa ng kapatid ko ang sarili nya.
"Cloud? Are you talking about Cloud Denver Hermosa?" seryosong tanong nito.
"How did you know about him?"
"Who wouldn't ate? He's one of the richest and well handsome bachelor in the whole world" sabi nito.
"Well, he's no longer a bachelor. I married him" sabi ko kaya mas lalong nanlaki ang mata nya.
"Why? Utos ni Maxwell? Pinakasalan mo si Kuya Cloud tas papatayin mo?"
Kuya?
He's already calling him Kuya. Nararamdaman din ba ni Perseus on how good Cloud is?
Tumango ako.
"Wala na akong choice. Kailangan ko syang" hindi ko natuloy agad dahil parang maiiyak ako. "kailangan ko syang patayin para makaalis na tayo sa impiyernong to"
"Pero hindi dapat ate! Wala syang kinalaman dito. Nakikita kong nahihirapan ka. Is it because you like him? Or is it because you love him already?" binigyan nya ko ng mapansiyasat na tingin.
"Mahal ko man sya o hindi. Ako pa rin ang papatay sa kanya. Mas mabuti ng ako, kesa sa iba ipagawa ni Maxwell. He should die in my hands in a swift and painless way kesa pahirapan sya ng husto hanggang mamatay" pinagmumukha kong matigas ang loob ko pero parang anytime ay bibigay na ko.
"Hindi ate, makinig ka! Kuya Cloud is a powerful person. Tumakas na dito. Ito na ang chance mo, he can protect you from Maxwell"
"And how about you?! Sa tingin mo pababayaan kita dito?!" galit kong sabi. Nagbagsakan na ang mga luha ko.
"Malaki na ko ate, stop worrying about me. All your life ako lang ang iniisip mo. Think about yourself! Alam kong mahal mo at sasaya kay Kuya Cloud. So you must take this chance. Kaya ko ang sarili ko. Hahanap ako ng paraan para makaalis dito" Perseus.
I want to say to him na kapag hindi ko nagawa ang misyon ko ay buhay nya ang kapalit but I don't want to scare the hell out of him. Ayoko rin syang maguilty about Cloud.
Pinunasan ko ang mga naglandas na luha sa pisngi ko.
"No. Mali ka Perseus. Hindi ko mahal si Cloud. He's just a mere victim to me! I will kill him" I firmly said.
"Ate"
"That's my mission and I will finish it"
Nagtagal pa ko sa hideout dahil gusto kong makasama si Perseus kaya nung makauwi ako sa bahay ay magtu 12 am na. Pinark ko ang kotse ko sa tapat ng bahay at nung bumaba ako ay halos lumabas ang puso ko.
Cloud is standing in front of the house. Nakatingin sya sakin and he looked so damn worried.
Mabilis syang lumapit sa direksyon ko at sa isang iglap ay hinatak nya ko para yakapin.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.
"Where have you been wife? Fck I am so scared! Akala ko hindi na kita makikita ulit. Sorry, sorry for what happened sa office. You got it wrong. Dapat kinampihan pa din kita. Sorry" paulit ulit nyang sabi.
Nararamdaman ko ang mumunting halik nya sa ulo ko.
"Sshhhh wag ka ng umiyak. You're killing me"
Am I killing you?
Or you are killing me?
"Cloud. I'm sorry. Sorry sa lahat. Sorry dahil wala akong magagawa para protektahan ka kahit kaninuman or even to myself"
Hinarap ako ni Cloud. He looked at me and smiled. Pinunasan nya ang mga luha ko.
"Ano bang sinasabi mo? You don't need to protect myself from you" Cloud.
"Masasaktan kita"
"So what? Stop worrying about things that will never happen. Okay? I trust you. You're part of me now. At hanggat kaya kong tiisin kung pano mo ko sasaktan Luna, titiisin ko so that you will stay by my side. Please don't do this again. Akala ko mababaliw na ko!"
Mas lalong nagbagsakan ang luha ko sa sumunod na sinabi nya.
"I am falling Luna, no I think I am in love with you"
He closed the gap and kissed me.
This is Cloud ruining the walls surrounding my principle.
This is Cloud invading my heart and mind.
Ano ng gagawin ko?
Kaya ko pa ba?
Kaya ko pa bang patayin ang taong mahal ko.