Luna's POV.
"Wife, pupuntahan ko lang ang IT department. Kapag may naghanap sakin. Just tell them to wait in my office" sabi sakin ni Cloud.
"Sige" sagot ko. He winked at me bago sumakay ng elevator nasa 15th floor kami at nasa 7th floor naman ang IT department.
Cloud is staying at my house right now. Mas naging close na din kami and fvck! Kaunting kaunti na lang mahuhulog na ko.
Naalala ko na naman yung napag usapan namin nung isang gabi about his so called ex girlfriend na binasted sya countless of time. Ayaw nya sanang ikwento sakin pero pinilit ko sya. There is something in me that is curious about that girl.
Nagseselos ba ko dahil nakikita ko sa mata ni Cloud kung gano nya to kamahal.
So the girl is called Akira, same age daw namin. Mabait daw sobra kaya mabilis makasundo but who cares? I hate her already! Naririnig ko pa lang ang pangalan nya, kumukulo na ang dugo ko.
Napahinto ako sa pagpatay ko sa isip nung ex ni Cloud ng bumukas ang elevator at lumabas dito ang isang babaeng may mahabang itim na buhok. Mahihiya din ang labanos sa puti nya. Tama lang ang height nya at mala anghel ang mukha nya. Ngumiti sya ng magtama ang paningin namin.
Anghel nga yata to
Wala sa sarili kong inayos ang suot ko. Nai intimidate ba ko sa babaeng to?
Sumilip ako sa maliit na mirror na nandito sa desk ko. Maganda naman ako, asset ko nga daw yun as an assassin. Madali akong nakakadikit sa target ko like now, kay Cloud.
"Hi! Good afternoon. Nandito ba si Cloud?" nakangiti nya pa ding tanong sakin.
Ngingiti na dapat ako kaso ang hinahanap nya si Cloud. Sa tagal naming magkasama ni Cloud, kahit ayoko ay nadevelop ko itong possessive side ko sa kanya.
Kaya naman pinigilan kong taasan ng kilay tong babaeng nasa harapan ko, hindi porket maganda sya ay ibibigay ko na ang Cloud ko este ang target ko.
"Do you have an appointment?" sagot ko.
"Wala, hindi ako nakapag set ng appointment dahil hindi ko alam na may secretary na pala sya pero tell him na nandito ako. I just badly need to talk to him" sabi nya, naramdaman kong may bahid ng lungkot ang boses nya.
"Nasa labas si Cloud. May I know who you are so I can tell him once he get back" sabi ko.
"Akira" saad nito na nagpatigil sakin.
Akira? Akira na ex girlfriend ni Cloud na asawa ko.
The nerve of this woman to come here?! Magsasalita na sana ako ng
"Aki!" napalingon ako sa tumawag dito and fck! I can feel thousands of needle piercing my heart.
Yung tingin ni Cloud sa babaeng to, parang sya ang pinaka magandang babae na nakita nito sa tanang buhay nya. Nag iinit ang mata ko, alam kong maiiyak ako pero pinigilan ko.
I am not trained to be weak.
"Cloud, buti dumating ka na. Wala na kong option. Wala kasi si Sanya kaya ikaw na lang ang pinuntahan ko" sabi nung babae.
Bwisit! Gusto ko ng hilahin ang buhok ng babaeng to habang nakatalikod sakin. Baliin ko na lang kaya ang leeg?
"Are you okay? May nangyari ba? Doon na lang tayo sa office mag usap" sabi ni Cloud.
Hello I'm here. Hindi mo ba ko ipapakilala sa babaeng yan?
"Sige" sabi naman ni Akira. I rolled my eyes. Bago sila pumasok ay nginitian pa ko nung Akira.
Ngingiti ngiti pa sya, humanda lang sya pag nilandi nya lang ang asawa ko. Dila nya lang ang walang latay!
"What do you want tea or coffee?" tanong ni Cloud sa malanding babae.
How caring of him. Baka makapatay na ko. Mababali ko na nga ang hawak kong ballpen dahil sa inis at selos na nararamdaman ko.
Oo nagseselos ako. Sino ba naman ako para hindi makaramdam nun.
"Juice na lang" sagot naman nito kay Cloud.
"Luna, pakidala na lang ang juice" masuyong sabi ni Cloud bago sya ngumiti at pumasok sa loob.
Gusto ko sanang pigilan syang pumasok sa loob kasama si Akira pero nanaig ang pride ko sakin.
Hindi ko pa naranasang magselos at ma intimidate sa ibang babae.
Ngayon pa lang all because of that Akira. Ano ngayong kung mala anghel ang mukha nya? Ano kung maganda sya? Malandi pa rin sya. I will put a bullet on her head, huwag pa syang tumigil.
Mabigat sa loob kong nagtimpla ng juice para dun sa babaeng yun. Gusto ko sanang lagyan ng lason pero ayoko namang magalit si Cloud sakin.
Papasok na ko ng bumukas na naman ang elevator at muntik ko ng maihulog ang basong hawak ko ng may demigod na niluwa ang elevator.
Ano bang meron sa elevator namin ngayon at puro magagandang tao ang iniluluwa well except for that Akira.
I sound so bitter. This is not me!
Lalapit na sana sya sakin kaso biglang nag ring ang cellphone nya kaya sinagot nya yun.
Makapal ang kilay, matangos na ilong, matangkad, mapupulang labi, and handsome is an understatement for this human being in front of me. Demigod ba to? Pinsan nya ba si Ares? Pero teka medyo hawig sila ng Cloud ko.
Cloud ko. Inangkin ko na talaga.
Nakita kong kumunot ang noo nya at tinalikuran ako habang nakikipag usap pa din sa cellphone.
Gwapo nga kaso rude naman. Pumasok na ko sa loob at yung hawak kong baso tuluyan ng bumagsak at nabasag.
Nagulat sila sa presensya ko kaya napatayo si Cloud.
"Luna, what's wrong? Okay ka lang ba?" nabakas ko ang pag aalala sa mukha nya pero ako nanginginig na ko sa galit. Binalingan ko si Akira na nakaupo sa sofa.
Nakita kong nagpupunas sya ng luha. Ano ba to? Nagda drama sya?
Nahuli ko lang naman na yakap yakap ni Cloud ang malanding to.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanya.
Marahas kong hinatak sa pagkakatayo si Akira.
"Wait, an-
Hindi na sya nakapagsalita dahil bigla ko syang sinampal ng malakas.
"Luna!" sigaw ni Cloud. Lalapit sana sya samin pero sinenyasan ko syang huminto.
Galit na galit na ko.
Tiningnan ko si Akira. Gulat syang nakatingin sakin habang hawak ang pisngi nya. Hawak ko pa din sya sa braso.
"Ano? You btch malandi ka! Ex girlfriend ka na pero bumabalik ka pa din. Wala ka bang kakuntentuhan ha? Ano? Sumagot ka!"
"L-luna, you got it wrong" Akira
"I got it what? Kita ng mata ko kung pano mo landiin ang asawa ko!" sigaw ko sa kanya mas lalong lumaki ang mata nya. "Shock ka no? I am Luna Serenity Hermosa. Wife of Cloud. Malandi!"
Sasampalin ko na sana sya kaso huminto sa ere ang kamay ko dahil may humawak sa braso ko. Napakadiin nun. Nilingon ko kung sinong hudas ang pumigil sakin.
Nanlaki ang mata ko. Yung lalaki sa elevator.
Marahas nyang binitawan ang kamay ko at hinila si Akira sa pagkakahawak ko. Who the hell he is?
Nakita kong sinipat nya si Akira.
"Are you okay?" tanong nito kay Akira.
Tumango lang si Akira kaya binalingan ako ng tingin nung lalaki. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Luna. Ano ka ba? Why did you do that?" si Cloud. Ramdam kong galit sya.
"Who gave you the permission to hurt my wife?" malinaw pero nakakatakot na sabi nung lalaki sa harapan ko.
His voice is full of authority. It will send shiver and cold to your body. Mas nakakatakot ang boses nya kesa kay Maxwell but I composed myself. Hindi ako basta basta matatakot ng isang to.
"Wife? May asawa ka na pala pero nandito ka pa rin at pumupunta kay Cloud. Alam mo ba na yang asawa mo ay ex girlfriend ng asawa ko" sabi ko ng diretso ang tingin dito.
He smirked.
"I know" tipid nitong sagot.
Nagulat ako ng hilahin ako paharap ni Cloud sa kanya. Nagtama ang mata namin at puta nalusaw lahat ng galit ko dahil sa gwapo nitong mukha.
"Luna, bakit mo yun ginawa? Apologize to Akira" sabi ni Cloud sakin.
"Cloud, is she really your wife?" tanong nung lalaki kay Cloud.
Tumango si Cloud.
"Pabayaan mo na Thunder, mali ako, na misinterpret ni Luna yung closeness namin ni Cloud" narinig kong sabi ni Akira.
I can sense how sincere she is pero kahit na galit ako.
"No Aki. Cloud, your wife made a wrong move. Don't let me handle her cause she wouldn't like it" galit na sabi nung Thunder.
Huminga ng malalim si Cloud.
"Luna, mag sorry ka na. Akira and I are just friends. Aside from that asawa na sya ni Kuya" sabi ni Cloud.
"K-kuya? Kapatid mo sya?" kinakabahan kong tanong.
Tumango si Cloud.
"He's Thunder Rein, and Akira's his wife"
I am so fck up.
I just slapped his sister in law.