Luna's POV.
Nakaramdam ako ng marahang haplos sa mukha ko kaya napadilat ako.
"Wife, nandito na tayo" nakangiti nyang bungad sakin.
OMG! Gwapo na nga sa malayuan, lalo na pala pag malapitan. Napigilan ko ang paghinga ko dahil ang cute cute nya lalo na nung lumabas na ang dimples nya.
"Gwapo ba ko?" napakurap ako dahil sa sinabi nya. Tumawa sya kaya nag roll eyes na lang ako.
"Hindi ka naman gwapo! Akala mo naman gwapo ka, for sure madami na ring babaeng nambasted sayo" sabi ko at tumawa pa.
My smile faded away ng makita kong sumeryoso ang mukha ni Cloud.
"Why? Tama ako no?" sabi ko at pinilit tumawa to ease the tension I am feeling.
"Nabasted na ako ng maraming beses" he said in a serious and sad tone.
"Sabi ko na nga ba-
"Pero iisang babae lang ang gumawa ng maraming basted na yun"
"What?" kumunot ang noo ko. Isang babae lang?
He looked at me and smiled.
"Malalaman mo din kung bakit ako pumayag na bastedin nya ng ilang beses once you meet her. Sa tingin ko magkakasundo kayo, she's nice" sabi nya.
At ayoko mang maramdaman pero parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko.
Something is wrong in my heart, dapat siguro magpatingin na ko.
Who am I fooling? Nagseselos ba ko? Nagseselos ba ko dahil pakiramdam ko ay mahal na mahal nya pa din yung babaeng tinutukoy nya.
"Nagkikita pa kayo?" tanong ko. Sht Luna! You're acting like a real jealous wife right now.
Tumango sya at binalik ang tingin sa harap.
"As if I can avoid her. Habang buhay ko na syang makikita"
So nagkikita pa rin sila? Aba naman! Sino ba tong babaeng to so that I can put a bullet on her head, baka sya pa ang sumira ng plano ko.
O baka naman sumira sa happy ending nyo?
Isang parte ng sistema ko ang nagsusumigaw nyan pero hindi ko na lang inalintana.
Cloud is my mission and not my happy ending. He's gonna die in my hands.
"Luna" tawag nya sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Don't be jealous, I am getting over her don't worry! Atsaka isa pa, my wife is more lovely" he said.
At pucha! Yung pusa ko nalaglag na ata sa kalsada. Ano na? Anong nangyari? Isang buwan pa lang Luna pero parang ikaw ang mamatay na sa kilig.
"Tse! Nasan na ba tayo?" tanong ko.
Tumawa sya.
"Tara na, let's get down. I'll introduce you to everyone and by the way nasa Baguio tayo" sabi nya at bumaba na. Tiningnan ko sya habang umikot pa para pagbuksan ako ng pinto. Sabi ko naman sa inyo, napaka gentleman ng isang yan!
Pagbaba ko ay doon ko lang napansin ang magandang bahay sa harapan ko.
"Kaninong bahay to?" tanong ko.
"It used to be mine pero I'm giving it to you as my wedding gift" cool na sabi ni Cloud kaya napatingin ako sa kanya.
"Seryoso ka ba?" gulat kong tanong.
Yung bahay ay nagsusumigaw lang naman ng karangyaan na mukhang ginastusan ng ilang milyong piso tas ibibigay nya lang ng ganun ganun sakin?
Tumango sya.
"Do you like it? Pina renovate ko pa yan. I'm serious para sayo talaga to. You're my wife now, and my wife deserve all the best in the world" he said.
Hindi ko napigilang mapangiti. Si Cloud yung tipo ng lalaking itatrato kang parang mamahaling dyamante. Buong buhay ko hindi ko naranasan ang tratuhin na mahalaga ako. I am a assassin, I live by order. Sunud lang ako ng sunod and now I have a man who almost give everything just to make me smile.
Gustong gusto ko ng mag withdraw sa misyon na to pero hindi maaari, ang buhay ko at buhay ni Perseus ang nakataya.
Parang babagsak na ang luha ko dahil sa konsensya at sakit na nararamdaman ko.
Why? Why do I have to be treated like this by a Cloud Denver Hermosa? Mas okay sana kung naging masama na lang sya sakin, e di sana mas madali ang misyon kong pagpatay sa kanya.
"Thank you" sabi ko.
He chuckled.
"Ang tagal mong sumagot, kaya akala ko I love you na ang sasabihin mo" pang aasar nito sakin.
"Mahal naman kita" sabi ko. I don't know if it's a lie. It must remain a lie dahil magkakandaluko loko ang lahat kapag minahal ko sya ng tuluyan.
He smiled at me and then he pulled me in a hug. Napakahigpit ng pagkakayakap nya sakin.
"Sinabi mo yan, so kapag mahal mo hindi mo dapat iiwan, ipagpapalit, at lolokohin" he said while looking at me directly.
And it directly stabbed my heart. Lahat ng sinabi nya ay gagawin ko sa kanya.
Hinalikan nya ko sa noo at bumitaw na sa pagkakayakap sakin pero hinawakan nya pa rin ang kamay ko.
"Let's go kanina pa sila nag aantay sa pagdating natin" sabi nya bago ako hinila papasok ng rest house.
Pagpasok namin sa may tarangkahan pa lang ay may 6 na katulong 4 na security at 2 driver ang naghihintay samin. They all bow down to us.
"Greetings Sir Cloud, welcome back" sabay sabay nilang sabi.
"Hi! I'm glad to be back! By the way, I'd like you to meet Luna Serenity Hermosa, she's my wife" masayang sabi ni Cloud.
Nakita kong napasinghap ang mga tauhan nya.
Bumulong sakin si Cloud.
"First time kasing may kasama akong umuwi dito at asawa ko pa agad kaya nagulat sila pero don't worry mababait yang mga yan"
Ngumiti ako sa mga tao sa harapan ko and they smiled back at me.
"Good day Ma'am Luna. Welcome!" sabay sabay nila ulit na sabi.
"Thank you" sabi ko.
May lumapit saming isa sa mga katulong sa tantya ko ay 38-42 years old na sya.
"Luna, I'd like you to meet Ate Tere. Sya ang tumatayong mayordoma dito" pakilala sakin ni Cloud.
"Hello po" bati ko dito.
Nginitian naman ako nito.
"Pagkaganda ganda naman pala nitong napangawa mo Sir Cloud, bagay na bagay kayo" pagpuri nito sakin.
"Syempre ako pa ba ate?" tumatawang sabi ni Cloud kaya hinampas ko sya.
"O sya naayos ko na ang kwarto nyo, pwede na kayong dumiretso doon at magpahinga" saad nito samin.
"Salamat po" sabi ko at muli akong nginitian nito bago pumasok sa loob.
Sa totoo lang naglalaro na naman ang daga sa dibdib ko nung banggitin nya ang kwarto nyo
So ano share kami ng kwarto? Luna naman! Of course share kayo, mag asawa kayo e!
Napanganga ako ng makita ko ang loob ng bahay, kung maganda sa labas lalo na sa loob. Alam na alam mong may kaya ang may ari dahil ang mga gamit ay masyadong luxurious.
Matutuwa si Perseus dito kapag tuluyan na kaming nakalayas kay Maxwell.
"Magpalit ka na tapos lalabas na tayo" sabi ni Cloud sakin. Umakyat na ko at nagpalit ng damit.
Tinour ako ni Cloud sa buong Baguio. I've been here before pero dahil sa mission. Ngayon ko lang talaga na appreciate ang ganda ng lugar.
"Ayan okay na" sabi ni Cloud ng makabit nya ang mga safety gear sakin.
"Ayoko Cloud baka mahulog ako dyan" sabi ko.
Tumawa naman sya.
"Don't worry, I got you" sabi nito at kinindatan pa ko.
I sighed. Konting konti na lang dudukutin ko na yang mata nya. I wonder if ginagawa nya din yan sa ibang babae. I shook the thought dahil baka mawala lang ako sa mood.
"Tara na" nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Cloud paakyat sa kabayong to.
Yep horse back riding ang last stop ng date namin. Wala akong panahon para makipag get to know sa kabayo at matutong sumakay dito kaya pakiramdam ko anytime ay mahuhulog ako.
Pero nawala ang kaba ko nung umakyat na din si Cloud at pumuwesto sa likod ko. Nasa harapan nya ko and I am secured dahil nasa pagitan ako ng braso nya.
"Game. Hang on wife. Wag kang magpapahulog" sabi nya at sinimulan ng paandarin ang kabayong ito. Nakatagilid ako kaya kitang kita ko ang mukha nya na nakangiti habang nagmamaneho.
Baliw ba to. Lagi na lang nakangiti parang kahit kelan hindi nalulungkot. Wala syang negativity sa katawan.
I can feel his hard chest dahil sa kanya ako nakasandal. Ang bango bango nya pa. Ano kayang cologne nito? Parang pati pawis nya mabango e.
Wag kang magpapahulog
Parang double meaning yun. Wag akong mahulog sa kanya. God! If he only know konting tulak na lang sakin hulog na hulog na ko sa isang Cloud.
Habang umaandar kami ay nakukuha ko ng mag enjoy dahil alam kong nandyan si Cloud na sobrang ini entertain ako.
From fast pace ay nag slow down kami. Nagtaka naman ako.
"Look" sabi nya at pinahinto ang kabayo. Napatingin naman ako sa sinasabi nya.
It's the sun. Papalubog na ang araw at ang ganda ganda nyang panoorin. It's so peaceful and solemn.
"Wow" hindi ko napigilan ang sarili kong mamangha. Ito ang mga priviledged na hindi nakukuha ng isang assassin na katulad ko. We don't get to enjoy.
"It's my favorite scene here. I don't usually share it with other people" seryosong sabi ni Cloud.
Bihira ko lang sya makitang ganito kaseryoso. He looked at me intently. Nagulat ako ng hawakan nya ang kaliwang kamay ko.
He slipped a ring in my ring finger. Doon ko lang napansin na may suot din pala syang singsing na kaparehas ng isinuot nya sakin.
He cleared his throat.
My heart is thumping rapidly.
"Hindi ako nakikipag share unless that person is important to me and you are important to me Luna and I am officially letting you in my life"
"Cloud"
"I know it's a little late for the wedding rings pero gusto ko pa din na ibigay sayo to. Luna will you let me take care and be with you until our hair turned gray?"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagpatakan na ang luha ko. Ang hirap sa kalooban na he was so sincere about this marriage pero ako, ginagamit at gagamitin ko tong kasal na to para sa kapahamakan nya.
"Huy sumagot ka. Don't tell me babastedin mo din ako. Hindi pwede no! Mahirap at mahal kayang magpa annul ng kasal" sabi nito. He pouted and he is so cute. He wiped the tears that kept strolling down my face.
"Yes Cloud I will be with you till I am old"
LIE
A big fat lie. A horrible lie!
"May pupuntahan pa tayo Mrs. Hermosa let's go" sabi nya at muling pinatakbo ang kabayo.
It's almost 7pm ng marating namin ang lugar kung saan dinadaos ang pista dito.
Ang daming tao, may mga pilipino at foreigners. May nagsasayawan at nagkakantahan. Ang liwanag ng paligid. Napakaganda ng Baguio.
"You like it here?" tanong ni Cloud. Our hand clasped together.
"Oo naman, kaso inaantok na ko. Pwede na ba tayong umuwi?" sabi ko. Napagod kasi talaga ako.
"Of course wife. Saglit lang may bibilhin lang akong pampasalubong. Gusto mo bang sumama or mag stay na lang dito?" malambing nyang tanong sakin.
Cloud is the opposite of me. He's the Mr. Nice Guy while I'm the naughty and bad one. He's caring and loving and I am ruthless and evil.
I smiled at him at umiling. Nananakit na kasi ang paa ko.
Umupo ako sa isa sa mga bench dito.
"Okay. Dyan ka lang ah. Babalik din agad ako" sabi nya kaya tumango na lang ako. Sinundan ko sya ng tingin ng may humarang sa harapan ko.
Kinabahan ako
"Maxwell" tawag ko sa pangalan ng demonyong nasa harapan ko. "Pano mo kami nasundan dito?"
"Connections. Long time no see my dear Luna. I see you're enjoying the company of your charming target" mapang uyam nitong sabi sakin.
"N-no I'm not!" sigaw ko dito.
Ngumisi sya at umiling.
"Sana naman hindi mo nakakalimutan ang trabaho mo"
"H-hindi ko nakakalimutan Maxwell" I answered.
Nakita kong may nilabas sya sa bulsa nya. Nanlaki ang mata ko dito. It's Perseus bracelet. I gave it to him nung 18th birthday nya at alam kong hindi nila makukuha ng basta basta sa kapatid ko yan ng hindi nila sinasaktan o pinapahirapan.
Nanginig ang laman ko ganun din ang pagbuo ng luha sa mata ko.
Napatayo ako pero mabilis akong tinulak ni Maxwell.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko! Hayop ka! Hindi ba nag usap na tayo. Sumusunod naman ako!" sigaw ko. Pinilit kong huwag bumagsak ang mga luha ko. Hinding hindi ko ibibigay ang satisfaction sa demonyong to ang pag iyak ko.
"Easy now darling. Medyo nakatikim lang naman ang hambog mong kapatid dahil pinahirapan nya ang mga alagad ko sa pagkuha nito" sabi nito sakin. Nagulat ako ng pigtasin nya ang bracelet sa harapan ko. "Kagaya nitong bracelet na to, anumang oras kayang kaya kong kitilan ng buhay si Perseus"
"W-wag Maxwell maawa ka!"
"Hindi mangyayari yun basta ba sumunod ka lang. What is your mission?" tanong nya. "What is your f*****g mission Luna?!"
Napapitlag ako sa pagsigaw nya dahil hindi ako sumagot.
"To kill Cloud Denver Hermosa" sabi ko.
Lumapit sya sakin at pinat ang ulo ko na animo'y isa akong asa.
Ano nga bang pinagkaiba ko sa aso? Sunud sunuran ako sa demonyong to.
"Good girl. Now I need 10 million in my account by next week" sabi nito sakin.
Magpo protesta pa sana ako dahil sa laki ng hinihingi nya pero pinili ko na lang na manahimik dahil baka kapatid ko ang mapano. I can't let them do this to Perseus for too long.
"Yes. 10 million Maxwell" sagot ko.
Ngumiti sya at akmang tatalikod na pero muling humarap sakin.
"And by the way baka gusto mong sundan yung target mo, baka kasi nag eenjoy na ang mga alaga ko sa kanya"
"Ano?"
Hindi na sya sumagot sa halip ay tinalikuran na ko at umalis.
Nakaramdam naman ako ng sobrang kaba. Si Cloud. Nasaan si Cloud?
Kahit masakit ang paa ko at napakaraming tao dito ay hinanap ko sya.
Nasaan na ba kasi sya.
At halos madurog ang puso ko
Si Cloud binubugbog sya ng limang tao at sa itsura pa lang ng mga ito ay halata mo ng tauhan ni Maxwell.
Dali dali akong tumakbo papalapit sa kanila.
"Cloud! Tumigil na kayo!" sigaw ko. Napatingin sakin si Cloud. Kahit 5 ang kalaban nya ay hindi pa rin sya bumabagsak pero may mga tama na sya at putok na ang labi nya.
Nagtakbuhan naman ang 5 lalaki. Kilala nila ako at malamang inutusan sila ni Maxwell na tigilan si Cloud once na dumating ako. That heartless lunatic demon!
Nakita kong sinalubong ako ni Cloud at dali dali nya kong hinatak palayo sa lugar na iyon.
Hanggang makarating kami sa bahay ay hindi sya nagsasalita.
Umakyat sya sa kwarto pero bago ko pa man sya sundan ay humiram muna ako kay Ate Tere ng first aid kit.
Maingat akong pumasok sa kwarto nakita ko si Cloud na nakaupo sa kama.
Bakit ang tahimik nya? Galit ba sya sakin? Alam nya na ba? Ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko.
"Cloud" pagtawag ko dito. Tiningnan naman nya ko.
"Luna naman, alam mo bang kayang kaya ko naman ang sarili ko bakit ka pa lumapit dun. Pano kung napahamak ka at nadamay ka!" sabi nito.
My jaw dropped. Kaya ba sya nagagalit ay dahil nag aalala syang masaktan ako. Is he prioritizing my safety?
Hindi ko napigilang mapangiti. So this is how it feels to be prioritized. It feels grate and wonderful!
"Sorry na. Nag aalala kaya ako kasi pinagtutulungan ka na buti nga dumating ako kaya nagsitigil ang mga iyon" sabi ko.
I feel guilty. I kept lying and lying
"Kahit na. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo. Hays pero sige na buti na lang at nakaalis tayo dun. Ang lalakas ng trip ng mga yun! Bumibili lang naman ako ng pampasalubong ako ang natipuhang bugbugin. Pasalamat sila madami sila" sabi nito sa nagmamayabang na tono.
"O sya sige na ikaw na si superman at ako na si Lois Lane pwede ko na bang gamutin yang mga sugat mo dahil nabangasan ang gwapo mong mukha" sabi ko ng tumatawa. Tumawa na din sya. Umupo na ko sa harapan nya at kumuha na ng bulak at alcohol.
"Ayan sayo na nanggaling na gwapo ako" sabi nya kaya diniinan ko ang bulak sa sugat nya. "Aray naman wife!"
Tumawa lang ako.
"Behave hubby hindi tayo matatapos nyan!" sabi ko.
WTF Luna saan galing ang hubby?
Ngumisi naman sya pero nag steady at tumahimik lang sya alam kong seryoso syang nakatingin lang sakin habang ginagamot ko sya.
"Malusaw ako Hermosa-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil
Cloud kissed me in the lips. It was a swift but gentle and sweet kiss that electrifies all my systems and made my barriers weak.
"Mas maganda ka pala pag malapitan. Mas nakaka adik" he added that made my heart go crazy.
"Pasaway ka!" sigaw ko para matakpan kung ano man itong nararamdaman ko.
Tumawa lang sya and then he pulled me into a hug at sabay kaming humiga sa kama. I am laying in his arms. Magkatapat ang mukha namin.
Hindi ako makahinga. Ilang sentimetro lang ang layo ng labi namin sa isat isa. I am smelling his damn good smelling breath.
"Goodnight wife" sabi nya bago pinikit ang mata and pulled me closer hanggang ang mukha ko ay nasa chest nya na.
God! Ano bang ginagawa ng lalaking to sakin?
I want to save him from all harm
I want to save him from Maxwell
And I wanted to save and protect him from myself.
Nagsisimula ng gumulo ang lahat dahil nagsisimula na din akong mahulog kay Cloud.