Luna's POV.
Nagising ako dahil sa pagsaboy ng malamig na tubig sa mukha ko.
Medyo nahihilo pa ko nung idilat ko ang mata ko.
I blink dahil may naaaninag akong bulto ng tao sa harapan ko.
"Gising na pala ang ating Luna" boses pa lang nya ay kilala ko na.
"Fck off Maxwell" sabi ko. Napatingala ako nung hilahin nya ang buhok ko. Unti unti ng lumilinaw ang paningin ko.
"Talagang matapang ka pa din pala" pagkasabi nya nun ay binitawan nya ko at sinampal ng malakas.
Kahit na masakit yun ay hindi ako nagbaba ng tingin.
Naglakad sya ng pabalik balik sa harap ko. Halatang galit na galit si Maxwell.
"I thought I trained you to be a good assassin, you are my greatest weapon Luna pero anong nangyari nagpabulag ka sa pag ibig mo kay Hermosa! Malaking kabobohan!"
Hindi ako nakapagsalita.
"You fcking failed the mission, at alam mo bang pwede kitang patayin na, ano ng mangyayari kay Cloud kapag pinatay kita? Wala! Makakahanap sya ulit ng iba at ikaw makakalimutan ka ng lahat!"
Nasaktan ako sa sinabi nya, totoo expected ko na yun. After what I've done to him do I still expect him to accept me.
"Hindi ko alam na pwede rin palang assassin si Perseus. Alam mo bang nakatakas ang magaling mong kapatid?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Maxwell.
"Si Perseus?"
"Who else, he took down 10 of my men. Muntik ko na syang mahuli kaso mukhang naturuan mo at nasa poder na sya ng magaling na Cloud na yun!" he gritted his teeth. Galit na galit sya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Nakatakas si Perseus at na kay Cloud sya. Alam kong galit si Cloud sakin pero alam kong mabuti syang tao at hindi nya matitiis ang kapatid ko.
Napangiti ako dahil nasa maayos si Perseus. Nagulat ako ng muli akong sampalin ni Maxwell.
"Don't be too happy" sabi nya. Nakagapos ako ngayon sa isang upuan.
Napangiwi ako ng ibagsak ni Maxwell ang upuan kaya sumadsad ang mukha ko.
Sa pagbagsak kong yun ay hinila ako sa buhok patayo ni Maxwell at sinampal ng paulit ulit.
Hindi ko alam kung ilang minuto nila akong binugbog. Masakit pero wala iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
Kung mamatay man ako ngayon, napaka lungkot nun dahil hindi man lang ako nakapag explain at sorry kay Cloud. I haven't told him how much I love him.
Hindi nako nakagapos sa upuan. Nakahiga na lang ako sa malamig na semento at nakatali sa likod ang kamay ko. Nakatali din ang mga paa ko.
Nanghihina na ko.
"Why don't you just kill me right away, wala na kayong mapapala sakin" sabi ko, nauutal utal ako. Lasang lasa ko ang dugo sa mga labi ko.
Tumawa si Maxwell.
Kahit nanghihina ay na manage ko pa ding makaupo. I won't die, with a weak image.
"Luna, hindi ba kita na inform? Dahil tumakas ang kapatid mo, and I just can't let you die without seeing how helpless and desperate you are, I brought you a companion" Maxwell.
"W-what do you mean?" kinakabahan kong tanong.
Companion? Sino?
Sinenyasan nya ang isa sa mga tauhan nya at maya maya lang ay may pinasok itong tao.
Hindi lang isang tao kundi babae.
"Akira" sigaw ko dito.
Kagaya ko ay nanghihina na rin ito ng lubos. Nakatali ang kamay nito at puro na rin sya sugat.
I felt more guilty.
"Bakit mo to ginagawa Maxwell?! Bakit dinamay mo pa si Akira!" sigaw ko.
Tumawa lang sya.
Pabalagbag na ibinagsak sa tabi ko si Akira. She's not speaking and I am so damned worried.
"Mag reunion na kayong dalawa habang buhay pa kayo, baka kasi sa susunod nyong pagkikita, sa langit na"
"Wag mo ng idamay si Akira dito! Ako na lang ang patayin mo!" sigaw ko pero hindi nya ko pinansin at tuluyan ng lumabas.
"Aki, sorry" sabi ko.
Tiningnan ako ni Akira. She's weak.
"Okay ka lang ba?" tanong ko kahit obvious na obvioud na ang panghihina nito. "Kelan ka nila kinidnap?"
"Kahapon pa, kahapon pa ko nandito" sagot nya.
What?! Kahapon pa sya dito?! Ibig sabihin mas nauna pa syang dukutin at pahirapan sakin.
"Pasensya na dahil sakin nadamay ka pa"
Hindi sumagot si Akira sa halip ay pilit syang ngumiti.
"Alam ko na ang lahat Luna, habang pinapahirapan nila ako. Sinabi nila ang lahat at kahit gusto kong magalit, wala akong maramdaman. Actually, natutuwa ako kasi napatunayan mong mahal mo si Cloud, hindi mo sya pinatay. Cloud deserve someone like you, nasaktan mo man sya ngayon. Alam ko na magiging maayos din kayo" sabi nya.
"Thank you Aki" sabi ko. "Hindi ka ba kinakabahan?"
"Masakit lang ang buong katawan ko at pagod lang ako pero hindi ako natatakot. Thunder might look like a bad person to you, pero hinding hindi ako pababayaan ng asawa ko. I have faith in him. Hahanapin nya ko at ililigtas nya tayo dito"
Kahit na masama na din ang pakiramdam ko ay hindi ko mapigilang mapangiti. Thunder and Akira love each other so much, kita mo yan mata at mga galaw nila.
Muling bumalik sakin ang itsura kagabi ni Cloud. Para akong sinaksak sa sakit, hindi nya na ko mapapatawad. Tanggap ko na iyon, siguro kung makakaligtas man ako dito, mamahalin ko na lang sya sa malayo. Sabi ni Akira deserve daw ako ni Cloud pero si Cloud. I don't deserve him. Niloko at sinaktan ko sya.
"Done with the chit chat dear Luna?" napatingin ako, nakabalik na pala si Maxwell.
"Let Akira go Maxwell, this is between us! Wag mo syang idamay!" sigaw ko.
"No. This is between the mission and your failure. Simple ang task, pumalpak ka. You even instructed your brother where to go and because of you, nalaman kong may kapatid pala si Hermosa, the mighty Thunder Montenegro. Ubod ng yabang din yung isang yun, kaya bilang ganti sa magkapatid na yun. I'm going to kill you both"
"Damn you!" sigaw ko. Hindi ako takot na patayin nya pero yung madamay si Akira ang pinaka kinatatakutan ko.
If I die and Akira die, hindi lang si Cloud ang susumpa sa kaluluwa ko, maging si Thunder.
"You are really fearless Luna, tingnan ko na lang kung maging matapang ka pa" sabi nya.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ko napigilang maiyak ng hatakin nya palapit sa kanya si Akira. He pointed a gun on her head.
Pinikit lang ni Akira ang mata nya.
"If I die Luna, it's not your fault" sabi ni Akira kaya mas humagulgol ako.
"Ano Luna?" sabi ni Maxwell.
"Please wag Maxwell! Maawa ka. Spare her please! I beg you. Kill me instead!" sigaw ko.
"No darling, your dear friend will die today" sabi nya.
Sa sobrang kaba ko ay napikit ko ang mata ko and the next thing I heard
Is a loud bang
A gunshot.