Cloud's POV.
"Ano ba talagang nangyayari?" tanong ni mama. Halos mag hysterical na ito.
"Ma, wag ka ng mag alala baka mapano ka pa nyan" sagot ko.
"Aba paanong hindi ako mag aalala?! Nakidnap si Akira, you have a gunshot. Nasaan ba si Luna?" mama.
I sighed. Sumasama na naman ang loob ko kahit mabanggit pa lang ang pangalan nya.
Nasasaktan ako, masakit na nagawa nya talaga akong saktan at lokohin. I thought my love would change her but I failed. I am not enough.
At mas tumindi pa ang galit ko ng malaman kong kinidnap si Akira. I am thinking na kasabwat si Luna dito. Why would she take Aki? Wala naman tong ginagawang masama ka nyan.
Walang wala ang tama ng bala sa balikat ko sa sakit na nararamdaman ko.
"Wala pa rin ba? Hindi nyo pa din ba nati trace?! Ang kukupad nyo! Kapag may nangyari sa asawa ko, ako mismo ang papatay sa inyo!" galit na sabi ni kuya bago binaba ang tawag.
Lumabas si kuya kaya sumunod ako.
"You better pray, I don't get a hold of your wife Cloud, baka mapatay ko sya. How dare she do this to Akira!"
"Sorry kuya, hindi ko alam"
Nasa labas kami ng mansyon nila mama at natigil ang pag uusap namin ng may tumigil na taxi sa harapan namin.
Mula dito ay may bumabang lalaki na medyo iika ika pa. He's younger than me, I think nasa 18 pa lang sya.
"Kuya Cloud" nagulat ako ng tawagin ako nito.
"How did you know me?" tanong ko.
Nakatingin lang samin si kuya.
"Ako si Perseus kapatid ako ni Ate Luna" sabi nya.
"Don't bring up your sister, wala akong oras. I despise her!" sabi ko.
"Pakisabi sa ate mo, ibalik nya si Akira yung asawa ko before I take her my own way" galit na sabi ni kuya.
Galit ako kay Luna. Sobrang panloloko at p*******t ang ginawa nya sakin pero hindi ko maitatanggi sa sarili kong mahal na mahal ko sya.
Fck I love her even more than I used to love Akira. She became my world pero she destroyed me.
I sighed tatalikuran ko na sana sya ng
"Kuya, makinig ka hindi masamang tao si ate. Tulungan mo ko, we need to save her please, malamang hawak na sya ni Maxwell at nung Akira na sinasabi nyo" Perseus.
"Who's Maxwell?" tanong ko.
"Sya ang nag utos kay ate na patayin ka kapalit ng kaligtasan ko. Maniwala ka kuya, my sister loves you, I know how painful it is for her, hindi ka nga nya nagawang patayin diba? Gusto nya lang akong iligtas. Wala syang option"
I was stunned.
Parang nanuyo ang lalamunan ko.
"Totoo?" tanong ko.
Tumango si Perseus parang gusto kong maiyak. I judged her.
"Wala tayong oras para mag drama baka anong gawin nung Maxwell na yun sa asawa ko at asawa mo, we need to go" sabi ni kuya.
I'm sorry Luna. I'm really sorry wife.
Luna's POV.
Pinikit ko ang mata ko and then I heard a loud bang, a gunshot.
Pero napadilat ako ng hindi lang isang putok ng baril, sunod sunod. Maraming putok ng baril.
"Fvck!" sigaw ni Maxwell. Marahas nyang binitawan si Akira. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang nangyaring masama kay Akira.
Patuloy pa din ang putukan ng baril.
"Lock them in, bantayan nyo tong dalawang to!" sigaw ni Maxwell sa mga tauhan nya bago lumabas.
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ano bang nangyayari?
"Aki, sorry, sorry!" sabi ko.
"Luna, don't worry, we're gonna be safe" sabi nya bago nawalan ng malay, kaya mas nataranta ako.
"Akira, Akira wake up!" sigaw ko.
Naiiyak na ko dahil patuloy pa rin ang pagbabarilan pero wala akong magawa, pano na lang kung dito na magbarilan, hindi ko man lang mapo protektahan ang kaibigan ko.
"Damn!" sigaw ko ng may mag barilan sa loob ng kwarto kung nasaan kami ni Akira.
Niyakap ko si Akira to cover her.
Nakayuko lang ako.
For the first time in my life, I prayed that god save Akira. Hindi sya dapat nadamay dito. Bumabagsak na ang luha ko.
Maya maya lang ay tumigil na ang putukan. May footstep na mabilis na lumalapit samin. I hugged Akira tighter.
"Luna" napa angat ako ng ulo ng marinig ko ang pamilyar na boses.
"Thunder" sabi ko umupo ito sa harap natin.
"Fck. What happened?! Love, love wake up" tawag nito kay Akira. "I am definitely going to kill them all"
"Sorry Thunder, kasalanan ko lahat to. Sorry" I said between my sobs.
Pinatalikod ako ni Thunder. Tinanggal nya ang pagkakatali sa akin at kay Akira.
"If you're really sorry, tulungan mo kong mailabas kayong dalawa ng ligtas dito. My brother will kill me kapag namatay ka dito" masungit na sabi nito sakin.
Gusto kong matawa dahil kahit sa ganitong sitwasyon, dragon pa rin ito.
He handed me a gun, binuhat nya si Akira.
"Cover us, pero wag kang magpapatama ng baril, wag kang magiging tanga ngayon. I trust your shooting skill since assassin ka diba?" Thunder.
"How did you know na nandito kami?" tanong ko habang naglalakad na kami palabas.
Hindi pa kami nakakalabas ay may humarang na tatlong lalaki samin. Sinipa ni Thunder yung isa kaya tumilapon ito.
Walang kapawis pawis ko namang pinatumba yung dalawa.
"Si Perseus, he came to us. Wag na nga tayong magkuwentuhan. Bilisan mo na" sabi nito.
Napayuko kami dahil may nagpaputok ng baril. Gumanti naman ako ng putok. Lakad takbo kami.
At napahinto ako ng makita ko si Cloud na may nasa gilid. Hindi nya ko nakikita dahil focus na focus sya sa pakikipag barilan.
I never knew he is this good with guns.
Heck what can I expect from someone who owns HFC
"Pwede Luna, mamaya mo na manyakin yung kapatid ko, I need to get Akira out of here please, humihina na ang pulso nya" napatingin ako kay Thunder. He looked so worried.
Napalunok ako at tumango.
Ilan pang palitan ng putok ang nangyari bago kami nakalabas ng matiwasay ni Akira.
Nagulat ako na ang daming bodyguards sa labas.
"Delta, make sure your Akira will safely go to my mother's hospital"
Hindi ko na inantay ang mga binibilin ni Thunder sa mga tauhan nya, tumakbo na ulit ako papasok.
Delta team, Ibig sabihin may mga alpha pa. I underestimated him and Cloud mukhang may alam at kapangyarihan din sila sa underground business.
"Luna! Bumalik ka nga dito!" rinig kong sigaw ni Thunder sakin pero pumasok pa din ako.
At na freeze ako ng may humanging bala ng baril sa mukha ko. Muntik na ko dun!
"Damn it, get down!" nagulat ako nung may magyuko sakin.
At halos maiyak ako ng makita kong si Cloud yun.
"Cloud" tawag ko dito. He looked at me, his holding a gun. May nagpaputok sa direksyon namin, gumanti rin ng putok si Cloud.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Diba dapat nasa labas ka na?! Bakit ka pa bumalik?" sabi nito, muli na naman itong bumaril.
"I'm worried. Baka mapano ka dito" sabi ko sa kanya.
"Heck, I won't leave until that Maxwell is dead. He want me dead, okay lang pero yung pagtangkaan nya ang buhay mo, I won't let it pass" he shot another bullet. Nagpalit sya ng magazine.
Gusto kong maiyak sa sinabi nya.
"I'm sorry, sorry for betraying you. Sorry for shooting you but believe me, I really love you. Mahal kita" sabi ko dito.
"I know wife, this shot tell me so" turo nya sa tama ng bala sa balikat nya.
Naguluhan naman ako.
"If you really want me dead, hindi dapat ako dito tinamaan, sorry if I got mad, nadala lang ako ng galit but let's fix things after this mess"
Napangiti ako at tumango pero halos lumabas ang kaluluwa ko ng makita kong may nakatayong tauhan ni Maxwell ang maghahagis ng granada sa direksyon namin ni Cloud.
"Cloud move!" sigaw ko.
Mabilis kaming naghiwalay, tumakbo sya sa kaliwa at ako naman sa kanan.
Nakapag cover up ako bago marinig ang nakakabinging pagsabog. Sunod doon ay walang humpay na palitan ng bala.
Naramdaman kong may bumabaril sa direksyon ko kaya nag cover ako at gumanti ng pagbaril.
Dahil sa pagsabog ng granada ay mausok pa nahihirapan akong makita kung okay si Cloud.
I shot another bullet at tinamaan ko yung bumabaril sakin.
Sht. Naubusan na ko ng bala. Kamalasan naman.
I looked around. I have to find Cloud.
"Cloud!" sigaw ko.
Nagulat ako ng out of nowhere ay lumabas si Cloud at may binaril sa likod ko.
Pero hindi pa ko nakakabawi ay nakita ko sa likod ni Cloud si Maxwell. Kinasa nya ang baril nya and pointed it to Cloud.
Damn bullet
Cloud's POV.
"Cloud!" narinig kong sigaw ni Luna.
Nakita ko syang nakatayo. Imposible talaga itong babaeng to, may nagbabarilan pero akala mo naglalakad lang sa park.
Sobrang kinabahan ako ng makita kong may nagtutok ng baril kay Luna, nasa likod nya ito kaya hindi nya nakita. Mabilis akong tumakbo sa kanya.
I shot the bastard.
"Luna, ano ka ba?!" sigaw ko dito.
Nagulat ako ng manlaki ang mata nya at parang maiiyak nya kong tiningnan.
She plastered a smile.
"Don't forget about me, take care of Perseus" sabi nya
And the next thing she did, turn my world upside down.
Tinakpan nya ang mata ko at mabilis na pinagpalit ang pwesto namin.
And then I heard a shot.
Unti unting bumagsak ang kamay ni Luna nakatakip sa mata ko, kasama nun ay ang pagbagsak ng katawan nya. Mabilis ko iyong sinalo.
Naiyak ako ng makita ko ang masaganang dugo sa kamay ko.
Sinalo ni Luna ang bala para sakin.
Napatingin ako sa lalaki sa likod ni Luna. He's Maxwell. Nakita kong tinutok nya ang baril sakin.
I want him to shoot me.
Pero may bumaril dito at bumagsak.
It's Thunder.
"C-cloud" nanghihinang tawag sakin ni Luna.
"Wife, hold on please. Hold on" umiiyak kong sabi.
Nanghihina na sya ng sobra pero nagawa nya pa ding ngumiti.
"Hubby, thank you for letting me in your life" umubo sya, there's blood coming out from her mouth. "Sorry if I can't stay any longer. I love you"
"Ano ba? Pakakasalan pa kita! Wag kang magsalita ng ganyan. Please wag mo kong iwan"
Magsasalita pa sana sya kaso ipinikit nya na ang mga mata nya.
"Luna!" sigaw ko.
Is this really the end?
Am I never gonna see my Luna smile again?