Chapter 3

982 Words
Luna's POV. Maagap kong hinawakan ang baril sa ilalim ng unan ko ng maramdaman kong may taong pumasok sa bahay ko. Pinikit ko ang mata ko at nagtulugtulugan dahil baka isa ito sa mga kalaban namin. Narinig ko ang pag ikot ng door knob. Sobrang kinakabahan na ko.  Ilalabas ko na sana ang baril ko ng maramdaman kong umupo sa kama ko ang kung sinumang pumasok sa kwarto ko. But I frozed when "Luna" Si Cloud. Napakalambing ng boses nya. I felt him removed the strand of hair na tumatabing sa mukha ko. Pinilit ko pa ring magtulug tulugan. And when I felt his lips on my forehead my heart sank. 2 weeks na nya kong secretary at sa loob ng panahon yun. I get to know him more. Mabait si Cloud, he's a real gentleman. Hindi sya bossy type na lalaki. Kung nagkaka diskusyon man kami, sya ang unang nagsu surrender. Hindi pa rin kami nagsasama sa isang bahay that's why sa office ko lang sya madalas makasama but still I am this much affected by him. Damn! Bakit naman kasing napaka perpektong tao ng nilalang nito, kahit sa ugali at mukha ay wala kang maipipintas. Kung hindi lang ako nagtutulug tulugan ay malamang tinapik ko ang ulo ko ng maalala kong binigyan ko pala ng spare key si Cloud so he could go home here anytime. "Luna" tawag nya sakin ulit. Dinilat ko ang mata ko at kunyaring nag unat para maging kapani paniwalang kakagising ko lang talaga. Ramdam ko pa rin ang pintig ng puso ko dahil sa simpleng halik sa noo na yun! At ayoko, ayoko ng epekto nito sakin. "Cloud" bati ko sa kanya. "Good morning sleepy head" sabi nya sakin ng nakangiti. That smile. Oh! Damn that smile! Tumawa ako ng bahagya dahil sa tinawag nya sakin. Nakakatakot, sobrang nakakatakot dahil inilalabas ni Cloud ang isang parte ng pagkatao kong matagal ng patay simula ng maulila kaming magkapatid at pasukin ko ang pagiging assassin. Cloud kept on resurrecting the happy and jolly person inside of me and I must stop him. Hindi ako kailanman dapat maging masaya. I'm made to be the coldest and ruthless assassin, I killed dozens of people wala akong karapatang maging masaya. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya. "Ang pagkakaalam ko kasi dito nakatira ang napangasawa ko, she also said that I can live here" sabi nya. Tumaas ang kilay ko at nakangiti pa din. "Maganda ba yang misis mo?" Humawak sya sa baba nya at tila nag isip pa kaya hinampas ko sya. "Ouch! Teka iniisip ko kung maganda sya e" nang aasar nyang sabi sakin kaya pinaghahampas ko sya. "So, hindi pala ako maganda ganun?" naka pout kong sabi. My heart beats started to race ng hawakan ni Cloud ang magkabilang pisngi ko. He looked at me and I feel suffocated. Pinipigilan ko ang sarili ko sa paghinga. "So, you're my wife" he smiled. "Sobrang ganda. Napakaganda ng asawa ko" he said sincerely. At wala na! Wala na kong paglalagyan ng kilig na patuloy na isinu supply ng ulap na ito. Mabilis akong umiwas at tinanggal ang kamay nya sa mukha ko bago pa ko tuluyang malunod sa katangahan Tumikhim sya kaya napatingin ako. Pinilit kong ngumiti para mawala ang awkwardness! Luna! Ikaw ang magpapa inlove. Hindi ikaw ang maiinlove! I know that Cloud is doing this because he promised to be a good husband to me at totoo namang ginagawa nya and he is doing it perfectly well. "Did you forget kung anong meron ngayon?" tanong nya sakin kaya kumunot ang ulo ko. "Ano?" tanong ko. Napahawak sya sa noo nya at tumawa. "I can't believe it Luna, you're really unique. Usually babae nga ang nakakaalam nito. I can't believe you forgot. It's our first monthsary as married couple" sabi nito. Natutop ko ang bibig ko. Damn it! Seryoso ba sya? Tanda nya kung kelan kami kinasal samantalang ako? "Sorry, sorry Cloud. Masyado kasi akong naging busy as secretary mo kaya nakalimutan ko. Sorry!" sabi ko. Totoong naging busy ako dahil bukod sa paper works at schedule ni Cloud ay pinrocess ko na din ang paglipat ng 2 million kay Maxwell. Hindi pa agad malalaman ni Cloud o ng kompanya ang nawalang perang iyon and by the time na malaman nila, Cloud is already dead and his company is under Maxwell. Parang kinurot ang puso ko. Can I really kill this guy? Itong lalaki na walang ginawa kundi alagaan at pasiyahin lang ako. Can I kill him? Damn Luna! Hindi question kung kaya mo. You MUST kill him for Perseus. "Luna" untag sakin ni Cloud. "Oh sorry what was that?" tanong ko because I spaced out. "Ang sabi ko okay lang if you forgot. Madami pa naman tong ise celebrate na ganyan hanggang pagtanda nating dalawa" nakangiti nya pa ding sabi sakin. Hanggang pagtanda? No Cloud hindi tayo magkakasama hanggang pagtanda because I only entered your life just to end it. I faked a laugh. "Asus naman ang sweet sweet naman ng mister ko. No wonder, isang tambak ng babae ang nagkakandarapa para lang mapansin mo" sabi ko. Well totoo naman kasi talaga yun. Yung mga babae sa opisina namin ay halos maghubad na kapag dumadaan si Cloud. Pasalamat sila hindi ko maipagsigawan na ako ang ipinakasalan. Do I sound possessive right now? Ugh! Stupid Luna! "Magbihis ka na" he said to me. "Why? San tayo pupunta? Wala namang pasok sa opisina ha? Sunday po ngayon Sir Hermosa" sabi ko. Inaasar ko lang naman sya. I insist calling him Sir Hermosa during working hours pero hindi sya pumayag. "Ayan na naman ba tayo? Sige isa pang tawag mo sakin nyan hahalikan na talaga kita" I frozed. I know he's just teasing me pero tangina iba ang epekto sakin nun. "Baliw ka. San nga tayo pupunta" tanong ko trying to kill those mouse that is playing inside my chest. "I'm taking you on a date my lovely wife" sabi nya at hinalikan pa ang kamay ko bago tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko. By kissing my hand he just implanted a bomb in my system that will explode anytime and will definitely destroy my mission. Cloud Denver Hermosa! I am officially starting to regret accepting this mission. This is suicide! -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD