Chapter 2

1923 Words
Cloud's POV. "Papa! Thank you for my toys" sabi ni Celestine. She still calls me papa. "Of course you're my baby princess right? May gusto ka pa ba?" tanong ko dito. Umiling sya sakin at ngumiti. "This is more than enough papa" "Celestine, tara na maligo ka na at uuwi na ang daddy mo" sabi ni Wendy. She's Celestine's nanny. And by "Buti naman at dumalaw ka. 2 weeks kang wala after nung wedding" napalingon ako sa nagsalita. Naglapag sya ng juice sa harapan ko. She grinned at me.  I felt my heart skipped a beat. 5 taon mahigit na kaming magkakilala pero ganito pa din ang epekto nya sakin. I remember how worried she looked nung gabing na flattan sya. Sinungitan nya pa ko nun, ewan ko ba at parang na love at first sight ata ako sa babaeng to. But it turns out na asawa pala sya ng professor namin sa philosophy which I found nitong nakaraan lang na kapatid ko pala. Thunder is one lucky man for having Akira. "Uy!" nagulat ako nung pumitik sa harapan ko si Aki. "Earth to Cloud. Are you okay?" tanong nya. She looked at me worriedly. I must stop loving her. I know my limitations now, aside from that my brother would definitely kill me if I try to do anything foolish with his wife. Umiling ako at ngumiti. "Ikaw ah, siguro may girlfriend ka na! Kaya ka nawala ng 2 weeks no?" panunukso sakin ni Akira. "Silly. Kung meron man, diba I promised sayo ka agad sasabihin" sabi ko. "Okay, usapan yan ha!" sabi nya. "Aki, I really need to go. Dinala ko lang talaga yang pasalubong ko kay Celestine" sabi ko. She smiled at me at sabay kaming tumayo. Hinatid nya ko hanggang front door. "Hindi mo na ba hihintayin ang Kuya Thunder mo?" tanong nito. Umiling ako at ngumiti. "Hindi na. Lagi naman kaming nagkikita ni kuya sa mga business gathering at meeting. Nakakasawa na ang mukha nun" sabi ko at tumawa. Tumawa din sya. "Okay. Ingat! Bye!" sabi nya sakin as I walk to my car. How can I unlove her? Nagmaneho na ko papunta sa opisina ko dito sa pilipinas. I decided, no si papa ang nag decide na maglagay na ng company dito dahil masyadong maaksaya ang pag travel pa US. I almost forgot, I'm Cloud Denver Hermosa, 25 years old. CEO of Venix hotels which is a 5 star luxury hotel. Ako na rin ang namumuno sa HFC. Akira is, how do I say this. She's my sister in law, my ex girlfriend and the one who still makes my heart flutter. Pagpasok ko pa lang sa opisina ay nag greet at nag bow down pa ang ibang mga empleyado ko. I smiled to all of them. Sabi nila may pagkakahawig kami ni Kuya Thunder pero magkaiba kami ng ugali. Sobrang sungit nung isang yun. Nagbakasyon ako sa Maldives for 2 weeks dahil nalungkot ako nung ikasal na si Aki pero after that vacation, I somewhat feel better. Unti unti ko na din sigurong natatanggap. Hindi ko alam kung nanaginip ba ko o dahil sa sobrang kalasingan ko ay may kasama akong babae at pinakasalan ko pa yun. Hahaha. I'm a mess really. Papasok na sana ako sa opisina ko ng may humarang sa harapan ko. And for what reason my heart skipped a beat when I saw her.  She's smiling widely at me. "Teka, kilala kita!" sabi ko at tinuro sya. "Diba ikaw yung babae sa bar?" tanong ko. Nag pout sya and she looks so adorable! "Yun pa din ba ang tawag mo sakin? I told you my name" sabi nito. "Sorry, lasing na yata ako nun. I forgot" sabi ko at nginitian sya. "What? Don't tell me, nakalimutan mo ang lahat?" asik nya sakin. "Ha? May nangyari ba?" napahawak ako sa bibig ko. "May nangyari ba satin? Kasama ba kita sa hotel last last week?" 2 weeks ago before ako magpunta ng Maldives ay nagising ako sa isang hotel pero mag isa lang ako at habang tinititigan ko ang babaeng to, parang unti unti kong naaalala lahat. Don't tell me, sya yung kasama ko at hindi panaginip ang lahat. Huminga sya ng malalim at ngumiti. "Next time ipaalala mo sakin na wag ka ng papainumin, nagkaka amnesia ka e" sabi nito. Lumapit sya sakin at pinagpag pa ang suit ko. She looked at me and damn that smile! Is she seducting me right now? Sino ba talaga to. "Uhm. Sino ka nga ulit?" tanong ko. "Luna Serenity Valderama-Hermosa" sabi nito. "Hermosa?" tanong ko. Kinakabahan na talaga ako. "Your wife" taas nya ng kamay nya kung saan nakasuot ang singsing. Isang singsing na pamilyar na pamilyar sakin and my mom would definitely kill me pag nalaman nyang pinamigay ko lang naman ang Hermosa's heirloom. Ito yung singsing na pinapasa pasa sa mga babaeng anak or napangasawa ng isang Hermosa. "P-paano napunta sayo yan?" tanong ko. "Binigay mo sakin nung nag propose ka sa bar before tayo ikasal. Tsk. Kinalimutan mo agad. Umalis lang ako saglit sa hotel para ayusin yung bahay na uuwian natin pero pagbalik ko wala ka na doon. Pinuntahan kita sa office mo and I am shocked to know na nagbakasyon ka for two weeks. You left your wife just like that. Nalungkot kaya ako ng sobra Cloud" she said in a very sad and disappointing tone. Hindi agad ako nakapagsalita. Kung tutuusin ngayon ko palang talaga sya nakikilala dahil yung first 2 meeting namin ay lasing ako pero hindi ko maintindihan ang epekto nya sakin. Parang nung una kaming magkakilala ni Akira, ganun din ang nararamdaman ko for her but more intensified. "L-luna, I'm sorry. Lasing talaga ako sobra nun. Sorry for dragging you into this mess" I said. Mas lumungkot ang mukha nya at pakiramdam ko, anytime ay iiyak sya. "What are you trying to tell me? Hihiwalayan mo na ba agad ako? Ang saya saya ko pa naman na finally I found someone to share my whole life with dahil buong buhay ko mag isa lang ako. Wala akong pamilya and now iiwan mo din pala ako" umiyak na sya ng tuluyan. "Luna, look" sabi ko at pinunasan ang luha nya. I am so doomed. Ano ba ang ginagawa ng isang Luna Serenity sakin. "What?" tanong nya sakin. Huminga ako ng malalim. "I know, I looked like a jerk right now but I won't be like my brother. I will be responsible" sabi ko. "Responsible? Like idi divorce mo agad ako?" umiiyak nya pang sabi. Umiling ako. "I'll do everything for this marriage to work. I'll be the best husband for you" She looked at me intently. She wiped her tears and then hugged me tightly. I can't help but hug her tightly too. Maybe meeting Luna is not bad at all. Maybe god led me to her so that I can finally find my own happiness. And I will do everything for it. Aside from that I believe Luna is easy to fall inlove with. Luna's POV. "You sure? Okay lang ba talaga sayo na ikaw na?" tanong ulit sakin ni Cloud. I didn't expect it to happen like this. Akala ko mahihirapan akong papayagin sya na wag akong hiwalayan pero he just gave in like that. I smiled at him at habang patagal ng patagal ang mga ngiting binibigay ko sa kanya ay nagiging totoo na. This is creeping me out! "Yep! Easy lang naman ang maging secretary mo. Kayang kaya ko kaya to! Isa pa, ayokong nawawala ka sa paningin ko" I said. Pakiramdam ko ay nag akyatan ang dugo sa mukha ko! Luna! Saan mo napulot yun?! Nakita kong napangiti si Cloud. His ears turned red. Bakit ang gwapo ng lecheng to! Pag ngumingiti sya pakiramdam ko ay nasu suffocate ako. Delikado. Ayan ang masasabi ko. Cloud Denver Hermosa is not an easy target. He's very dangerous specially to my heart. Masyadong makalaglag panty ang hinayupak na to, and I must be very careful kung ayaw kong, ako ang mahulog. I have to kill him afterall. Nag decide akong maging secretary nya dahil bukod sa pagiging asawa nya, mas mapapadali ang pagta transfer ko ng kayamanan nya kay Maxwell kung ako naghahandle ng lahat ng negotiations nya. "Okay, okay you are one clever girl Luna. Gusto ni mama yan, ang kaso nga lang hindi pa kita maipapakilala kaagad sa kanya dahil baka atakihin sa puso yun. Alam nya kasing wala akong girlfriend, magugulat yun kapag pinakilala agad kitang asawa lalo na't kakasal lang ni kuya" sabi nito sakin. Kuya? May kuya pala sya. Wala akong nabasang ganun sa report nya. Ang alam ko namatay ang kapatid nya. Tsk! Why do I have to mind it anyway! Si Cloud lang ang prospect ko. Pero teka? Binabalak nya ba kong ipakilala sa pamilya nya? Pakiramdam ko ay may nagtatambol sa puso ko. Buong buhay ko ay wala pa kong naging boyfriend or kahit manliligaw o landian man lang. I am too busy being a assassin kung kayat kakaiba sa akin ang lahat ng ito. "Okay lang" sabi ko. Lumapit sya sakin. "Tara na, ihahatid na kita" sabi nya. "Hindi ka ba doon uuwi sakin?" tanong ko and made my voice sound sad. Kailangang nasa tabi ko si Cloud dahil pano sya mai inlove sakin kung wala akong gagawin diba? Nginitian nya ko and he held my hand. Pakiramdam ko ilang boltahe ng kuryente ang dumapo sakin. Okay what was that weird effect? "I will pero not tonight, may aayusin pa ko at kailangan ko pang makagawa ng palusot sa magulang ko, uuwi ako so wag ka ng mag alala Luna" sabi nito. Hindi na naman ako makahinga. Ang bango bango nya naman kasi! Ultimo ang hininga nya para syang kumakain ng toothpaste every second. I smiled back. Magka holding hands kaming bumaba hanggang lobby. Pinagtitinginan kami ng mga empleyado nya pero tinataaasan ko lang sila ng kilay lalo na ang mga babae. Btches! Sorry na lang pero wala sa bokobularyo ang pagiging mabait.  Kakalbuhin ko talaga ang sisira ng mga plano ko. This is all for Perseus. Mula sa lobby ay tanaw kong ang lakas ng ulan sa labas. "Wife, are you ready for a adventure?" gulat akong napalingon kay Cloud. "Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya pero mas nagulat ako ng lumuhod sya sa harapan ko at tinanggal ang suot kong heels. Tumayo sya habang hawak ng isang kamay nya ang sapatos ko at hawak pa rin nung kabilang kamay nya ang kamay ko. This is so weird. "Let's go!" sabi nya at hinila nya ko. "Wait! Wait Cloud!" sigaw ko pero huli na nakalabas na kami at tuluyan na kong nabasa ng ulan. Takbo ng takbo si Cloud habang nakangiti. Napapatakbo na din ako dahil I have to cope up dahil hawak nya pa din ang kamay ko. At unti-unti kong nae enjoy ang pagtatampisaw namin sa ulan. Hindi ko napigilang tumawa at ngumiti because of how jolly Cloud is right now. I looked at Cloud ng huminto kami. Bakit ang gwapo nya pa din kahit umuulan na. Erase! Erase! Baliw ka na talaga Luna! Nakita kong napatingin din sakin si Cloud pero lumaki ang mata nya at nagulat ako ng bigla nya kong yakapin. And damn it. Sa pagyakap nya na iyon ay parang sasabog ang puso ko. God! No! Hindi pwede Luna! Day 1 pa lang! Naramdaman kong may binalot sya sakin. Ang coat nya pala. Teka masyado ba kong nag iisip at hindi ko napansin na hinubad nya na yun. "Para san to?" tanong ko. Basa na din naman ako at basa na din ang coat nya. He chuckled. "Masyadong manipis yang pantaas mo, nabasa ng ulan kaya naging see through. I can see, red is your favorite" Sinamaan ko sya ng tingin at hinampas bago binalot ng maigi ang coat nya sakin. Red! Of course I'm wearing a red bra! "Bastos ka" sabi ko. Tumawa lang sya. "Considered na bastos pa din ba kapag asawa mo na?" he said and then winked at me And here I am kahit umuulan pa at malamig pakiramdam ko ay ang init init ng mukha ko. I am walking on a fragile line because of Cloud. And I will do everything to kill him and not to be killed by his charms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD