“Sinong daddy???” Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng aking mother-in-law. Lumingon ako at nakita kosiya sa may pinto. Halatang kakauwi pa lang nito pero iba na ang suot nito. Akala ko pa naman hindi na siya uuwi ngayong araw dahil na rin sa mga nangyari kaninang umaga. Sayang naman, gusto ko pa namang masolo si Kieran ngayong gabi. Medyo nainis ako dahil umuwi siya, hindi ko na lang pinahalata sa kanya na ayaw ko siya na nandito sa bahay. Pero ano nga bang magagawa ko kung asawa pa rin siya ni dad. “Ma, andito ka na pala…” sabi ko sa kanya. “Bingi ka ba? Narinig mo ba ko. Yasmin? Sinong daddy sang tinutukoy mo?” inis niyang tanong. “Uhm… Si-si D-dad po… Gusto niya kasi na ‘yo ang itawag sa kanya ni Harith. Masyado raw kasing matanda ang Lolo.” tinaasa niya ako ng kilay. “Hi