Isang awkward na dinner ang nangyari dahil for the first time, kasama namin na kumain si Angela. Konti lang ang mga nilalagay niya sa kanyang pato and I was waiting na insultuhin niya ang lasa ng food at sa way ng pagluluto ko pero tahimik lamang siya. It was weird at nagtataka ako ngayon kung anong pinag-usapan nila sa taas at ganito na ngayon si Angela. First time na tahimik siya at hindi niya kami inaaway. Napatingin ako kay Kieran at tahimik rin siya. Pero hawak niya ang aking kamay sa ilalim ng mesa at alam ko na pinipigilan niya ang kanyang inis. Magkatabi kaming dalawa at katabi ko naman si Harith na pinapakain ko rin. “Gusto mo bang gawan kita ng lunch bukas, dad? Pwede rin na gumawa ako ng cupcakes as a sample ulit.” sabi ko sa kanya para lang ma-break ang ice na pumapaligid sa