ATOH_6 LA?‼️

1213 Words
CINCO KAILAN KAYA mapupuno ng ingay ang buong kabahayan namin na ito? Kahit mga apo na lang ang pumuno ng ingay ay okay na okay na sa akin. Apo na sarili ko at galing sa lahi namin, hindi yung nakikihiram lang kami. Nakakaurat na rin kasing marinig ang kantsaw ni Teo na panis daw ang t***d ng lahi ko. Sadyang mahihilig lang sila ng mga anak niya kaya nadami agad ang lahi nila. “You look so tired, Uncle Cinco!” Napalingon ako sa gawi ng pinanggalingan ng boses, na walang iba kundi ang kararating lang na si Cain. Every time na tatawagin niya akong Uncle may guiltiness at pain na sabay na gumuguhit sa puso ko. Ayoko noon na malaman niyang ako ang ama niya pero ngayon inaani ko ang consequence ng desisyon ko. “Not really. How are you?”Tipid na sagot ko tsaka ko siya tinanong at tinitigan sa mukha niya. Halatang mas pagod siya kaysa sa akin. Gustuhin ko man na sabihin na magbago na siya at mas lawakan ang pang unawa ay hindi ko magawa. Mahirap palang maging Uncle lang ng sarili mong anak. May limitasyon ang lahat sa amin, dahil Uncle lang ako. “Really? Para kasing na padigma kayo. Anyway, Nasaan po pala kayo ng mga nagdaan na araw? Sabi kasi sa akin ni Lorrie may biglaang lakad daw po kayo. Sabi rin niya hindi mo daw po klaro naidinetalye sa kanya kung saang lugar ka pupunta kahit ang ng pakay ng pag-alis mo ay wala ka rin daw sinabi. For me that's odd. Bukod sa akin, si Lorrie laging may alam ng lahat ng mga lakad at gagawin.mo Uncle Cinco. May emergency ba na hindi ko alam? May dapat ba akong malaman?” Tila hindi kumbinsido si Cain ng sinabi ko sa kanya na ayos lang ako. Nagulat pa ako ng alam niya rin pala na nawala ako ng ilang araw. Talagang hinanap niya pa ako dahil nag tanong pa ito kay Lorrie. Nakakatuwa naman na hinahanap ako ng anak ko. Kung sabagay ay kami lang naman dalawa ang nagmamalasakit sa isa't isa. “Ahh yun ba? I just had a quick vacation. Alam mo na kapag medyo tumatanda na ay naghahanap na ng peace sa paligid. Yun bang me time lang muna, kaya na isipan ko na lumayo saglit.” Paliwanag ko naman na sabi kay Cain na lumalim ang gitla ng noon. Hindi ko yata siya lubos na mapapaniwala. “I get it! Ganun naman talaga. Pero Uncle hindi ka pa matanda para ngang magkapatid lang tayo.” Kontra na sagot naman ni Cain. Aminado naman ako na parang nasa early 40's palang ako kung titingnan. Alagang alaga ako ang sarili ko dahil alam ko kailangan pa ako ni Cain. “Mukha lang akong bata pa pero ang totoo hindi na ako bata Cain!” May pahiwatig na sabi ko kay Cain. Nais kong mabatid niya iyon pero mukhang iiwasa lang din siya. “Balik tayo sa topic. Saan po pala kayo nagpunta? Local or international?” Iwas na iwas na tanong nito pabalik sa akin. Anak ko nga talaga si Cain. “Sa LA ako galing!” Sagot ko naman na tila gumulat sa lalaki. “Los Angeles?” Tanong ni Cain pabalik. “Ha? Hindi sa ah! LU pala, nagkamali lang ako.Sa La Union lang ako galing!” Sagot ko naman sa kay Cain, medyo nalito ako sa part na 'yun. Sa tingin ko ay normal lang naman ang naging sagot ko sa kanya. “La Union? Ang lapit lang naman noon dito sa atin Uncle Cinco. E, teka po anong naman ang ginawa mo po doon? Pagod na pagod ka kasi tingnan, pero may iba.You looks so happy though.” Lito na tanong at pag-analisa ni Cain base sa pagod na nakikita niya sa akin. May mali ba sa sinabi ko at mga ginawa ko? Hindi na ba pwedeng makaramdam ng pagod kapag galing lang ng La Union? Masyado yatang mahigpit mag imbestiga ang isang ito sa akin? “Why so Tsismoso, Cain? Pangit na ugali ‘yan lalo't ama ka ng lalawigan natin. Nag-enjoy ako ng sobra sa pagpunta ng LU kaya lahat ng pamamasyal ginawa ko kaya siguro ako halatang pagod pero masaya. Hindi ba’t being happy is the most important thing. Am I right! Mabuti pa ay uminom na lang tayong dalawa para magkaroon naman ng kwento ang kwentuhan natin na ito.” Binago ko ang tono ng pag-sagot ko kay Cain ng sa ganun mahalata niya na ayaw kong pag-usapan ang mga naganap ng mga nakaraan na araw na wala ako. Wala naman kasing espesyal para sa kanya ang linakad ko. “Okay! Sige po. Nagtatanong lang naman ako, baka kasi alam niyo na. Oo nga po pala si Rina pala Uncle ay nag-desisyon ng makipagkita sa parents niya at sa iba pa. I really need your opinion and advice about this matter. I don't know what to do Uncle, para mag stay na lang sila sa buhay natin. I love them so much. Pero hindi ko sila buong buo mapapasaya sa piling ko.” Mabilis na nawala sa akin ang focus ng usapan ng magsimulang buksan ni Cain ang tungkol kay Rina at Tyrone. Siguro nga ay sadyang may kanya-kanyang katangahan period or stage talaha ang lahat ng mga tao. Kailangan na daanan iyon bilang proseso para malaki o malakas ang impact na magawa sa buhay at ng para mas mag iwan ng maraming aral na babaunin sa pag-usad ng panahon at taon. Hindi man ako mahusay at perpektong tao pero dahil ako ang nagpalaki kay Cain kabisado ko siya. Alam ko rin na naman kaya siya ganito umakto ay dahil sa nakaraan namin ng kanyang Ina. Kung naging mas maingat sana ako noon—Pero kung hindi ko naman ginawa ‘yun wala sana akong Cain sa buhay ko. Salamat pa rin sa putang inàng kaibigan ko na si Teo Allejo. Kung hindi ako nakinig sa kanya siguro noon pa wala ng direksyon ang buhay ko. Cain gives me responsibility in a very great and wonderful way. Ang pagdating niya sa buhay ko ang nag-ayos ng lahat sa tamang direksyon. Sana siya rin mahanap niya ang tamang direksyon. Nasa kanya na ang sagot pero pilit niyang inilalayo sa kanya. Natuloy kaming uminom na dalawa. Hinayaan ko lang muna na mag kwento ang anak ko sa akin. Tsaka ako nagbigay ng opinyon o masasabi tungkol sa sitwasyon nila. Sa totoo lang matagal man naming na kasama si Rina at Tyrone hindi pa rin pwedeng sabihin na may karapatan na kami sa kanila. Sadya sigurong parte lang kami ng paghubog at pagpapatag ng buhay na sisimulan nila kasama ang tunay na pamilya nila. Dahan-dahan ko na ipinaunawa iyon kay Cain. Binuksan ko rin sa isip niya ang konsepto ng pagmamahal na hindi sakim. Mabuting tao ang anak ko kaya alam ko malulunasan niya sa puso at isip niya kung ano man ang tamang gawin. Sana ganun din sa pagitan nila ng taong nagmamahal sa kanya ng lubusan. Matapos ang pag-uusap namin ay nag-kanya-kanya na kaming punta sa aming mga silid. Naligo lang muna ako ng mabilis tsaka tumuloy sa kama para mag pahinga. Kailangan ko ito dahil sa sobrang pagod at puyat na inabot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD