NAPAKISLOT NAMAN bigla si Cheryl ng tila maramdaman nito na may dumampi sa kanyang noo na mainit na labi na nasundan pa ng isang dampi muli ng halik sa kanyang labi. Ramdam ng babae ang bawat galaw sa paligid niya kahit pikit na pikit ang mga mata nito aktibo naman ang pandama niya. Sa mga sandali kasi na ito ay pati ang kakayahan niya na maidilat ang kanyang mga mata ay hindi niya kayang gawin. Ubos na ubos ang lakas ng babae.
“Sleep tight. Kailangan mo ‘yan little one. Magpalakas ka ha. Remember that you belongs to me. Sa akin ka lang.” Bulong ng lalaki na matyagang nagbantay sa babae habang natutulog. Panay rin naman ang hagod na magaan ng kanang kamay ng lalaki sa buhok ng babae. Parang tila naging dahilan naman iyon para sa babae upang makuha ang malalim na pagtulog na hindi nito makuha-kuha dahil nanatili na gising na gising lang ang kanyang diwa.
Nang mapansin naman ng lalaki ang panatag ng paghinga ng babae ay mas lalong napatitig ito sa mukha ng dalaga. Wala namang bakas ng pagsisisi na makikita sa mukha ng lalaki. Ngunit sa bawat titig nito sa dalaga ay may dalang kakaibang pinahihiwatig. Bago naman tuluyang bumangon sa pagkakahiga ang lalaki ay nakailang buntong hininga pa ito tsaka muling dinampian ng halik ang labi ni Cheryl na talagang malalim na ang pagtulog. Isa isang pinulot ng lalaki ang damit na nagkalat sa sahig. Pati damit ni Cheryl ay kinuha niya tsaka gigil na sinamyo ang amoy.
“Damn! I won't allow you to wear this kind of dress. Mauulol lahat ng makakakita sa'yo! I won't let them feast what’s mine.” May inis sa tono na sabi pa ng lalaki, bago isa isang sinuot ang kanyang mga damit.
Matapos magbihis ay in-isang lingon niya pa ang dalaga sabay labas ng silid bibit ang damit pati underwear ng babae. Mula naman sa labas ng silid hanggang sa bakuran ng bahay ay may nag-aabang sa lalaki. Buong magdamag nagbantay ang mga ito habang ang iba ay naglilinis naman ng mga kalat partikular na sa mga bisita.
“Kumusta po kayo?” Bati agad ng babae na unang tumayo sa pagkakaupo para salubungin ang lalaki.
“Mabuting mabuti naman. But I'm warning you—don't pull the string again! Baka hindi kita matansta. Wala akong sinabing isali niyo sa plano ang babae. Wag kayong gumawa ng mga hakbang na alanganin. Once na may mangyari sa kanya alam niyo na ang kahahantungan!” Malamig na sagot pabalik ng lalaki sa babae na halatang matindi ang naging epekto sa huli. Kilala niya kasi ito na kapag sinabi ginagawa.
“I will po! Pasensya na po talaga. Hinding hindi na mauulit!” Puno ng pagsusumamo na sagot ng babae.
“Fine! And one more thing. Pakihandaan ng maayos na damit ang babae. Maayos hindi tulad ng putang inang damit na ito. I really need to go, marami akong gagawin. Bahala na kayo dito lalo na sa mga taong kinuha niyo. Make sure magtatanda na sila sa mga pinaggagawa nila at siguraduhin niyo rin na lulubayan nila ang pag-aari ko! Dahil sa susunod wala ng pakiusapan at hahayaan ko na ang mga uod ang magparusa sa kanila.” Muling bilin pa ng lalaki na may kasamang pagbabanta. Alam nilang lahat na gagawin nga iyon ng lalaki sa oras na suwayin mg kung sino ang gusto nito. Isa-isa pa silang tiningnan ng lalaki tsaka parang balewala na tumalikod. Sa akto niya ay parang wala lang ang mga nangyari. Lumakad ito palabas ng bakuran ng diretso kasabay ang naghuhuniyaw na aura na puno ng autoridad. Lahat naman ng naiwan sa lugar ay tumanaw sa paalis na lalaki. Alam nila na mas lalo silang hindi pwedeng magkamali o masalisihan ngayon dahil tiyak buhay na rin nila ang nakataya.
“Pagdudusahan mo talaga ang pakikialam mo ng hindi sa'yo! Masyado kang gago, paurong pa nga yata ang wisyo mo!” Bulong ng lalaki sabay iling ng kanyang ulo tsaka mabilis na sumakay sa kotse na naghihintay sa kanya.
“Tuloy na po ba tayo?” Tanong ng driver sa lalaki.
“Yeah!” Tipid na sagot nito sabay pikit ng mata, para lang muling manumbalik ang lahat ng nangyari sa kanila ng babaeng iniwan niya na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa.
“Oh fùck! Ako yata ang hindi makakalimot at mababaliw sa'yo little one.” Kagat labi na daing at mura ng lalaki. Napa-angat tuloy ng tingin sa rear view mirror ang driver dahil kakaibang akto ng amo. Mas naguluhan pa ang driver dahil mas kakaiba ang ngisi ng lalaki.
“Eyes on the road. O baka gusto mong mawalan ng paningin habang buhay.” Malumanay na sabi ng lalaki, na gulat pa ang driver. Mas takot sila sa lalaki kapag malunay ito.
“Sorry po Sir!”
“Just drive and don't mind me!” Utos na sabi ng lalaki na sinunod naman ng driver.
*****************************
MULA SA masarap na pagtulog ay biglang nakaramdam ako ng panunubig. Dahan-dahan ko munang idinilat ang mga mata ko na tila damay na damay sa pagod na nakuha mula sa mga pinag-gagawa ko/namin kagabi ng kung sinong lalaki.
Pagdilat ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang maliwanag ng silid. Silid na hindi ko pag-aari, pero saksi kung paano ko hinayaan na makuha ng kung sino ang aking kabirhinan na iniingatan.
“Si Aeron nga kaya talaga ‘yun?” Tanong ko pa sa sarili ko dahil parang ibang tao kasi at hindi siya. O baka naman in denial ako dahil ayaw ko na siya ang makauna sa akin.
Si Aeron man o hindi ang lalaking nakasiping ko ay wala na rin namang magbabago. Dahil ang tunay na katotohanan lang sa lahat ng ito ay hindi na ako virgin. Hindi ko na panindigan ang pangako ko na kay Cinco ko lang ibibigay ang bataan. Pero sa modern era, hindi naman na mahalaga ang kadalisayan dahil mas malawak na ang pang unawa ng mga tao.
Sana ganun din si Cinco. Nag-aalala ako pero hindi naman ako basta susuko sa kanya. Dahan-dahan ko na ginalaw ang aking kanang hita pero tila may kildat na gumuhit sa loob ng katawan ko, na siyang dahilan ng matinding pagsigid ng sakit at kirot na naglalakbay ng tuloy-tuloy sa bawat kaliit-liitan na ugat ng aking buong katawan.
“H-huh! Ganito pala kasakit.” Sunod-sunod ang paghinga ko habang sinasabi ko ang mga salitang yun.
May mainit na likido na rin na umaagos sa mga mata ko na hindi ko kayang kontrolin. Damang dama ko ang naging kapusukan na ginawa ko kagabi. Nagpahinga lang muna ako ng ilang sandali at muling sumubok na gumalaw. Tulad sa una ay masakit pa rin talaga, pakiwari ko damage pati internal organs ko, pero wala akong magagawa. Kailangan kong labanan ang sakit dahil wala pa naman ako sa teritoryo ko. Nang makaya ko ng igalaw ang magkabila ko na mga paa mula sa ilang pagsubok ay marahan ko na sinubukan na itinukod ang dalawang kamay ko para patagilid na bumangon. Tagaktak na ng ang pawis ko dahil sa sakit na aking nararamdaman pero tuloy pa rin lang ako. Pero ng sa wakas ay halos makakupo na sana ako doon naman biglang may kung ano na lumagutok mula sa balakang o sa gulugod ko yata.
“Tang ina naman! Sorry Lord ang sakit l-lang t-talaga!” Malutong mura ko sabay hingi na rin agad ng tawad sa panginoon. Panay-panay pa rin ang agos ng mga luha ko. Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng silid.
“Sana siya nga!” Piping bulong ko pa. Ewan ko ba parang may gusto akong makitang lalaki na hindi ko naman alam kung sino at ano ang itsura.
“F-friend! I’m sorry. Oh my God! Anong lahi ba ang na kasama mo sa kama kagabi at parang nilapa ka!” Hindi ko lubos maunawaan ang tono ni Cecia kung nag-aalala o natutuwa pa. Sa totoo lang medyo dismayado ako. Akala ko kasi makikila ko pa ang devirginizer ko. Iba nga pala dito sa LA, dahil uso ang Fück and run. Maya-maya lang ay may yumakap na sa akin.
“Nag-alala ako sa’yo ng malala friend. Ikwento mo nga sa akin ang totoong nangyari.” Muling sabi at tanong ng kaibigan ko sa akin. Gusto ko sana siyang sabihan na halata nga na nag-aalala siya. Nakalimutan na ata ng babaeng ito na iniwan niya ako kagabi. Tapos ngayon ay halos tanghali na niya ako nakita. Parang ang hirap paniwalaan na hinanap niya ako. Pero wala naman akong galit, medyo may inis lang.
“Naiihi na ako. Tulungan mo na lang ako.” Tipid na sabi ko naman sa kanya na malayo sa mga sinabi niya sa akin.
Ano pa ba naman kasi ang ipagdadrama namin? e, nangyari na.
Nasarapan naman ako ng sobra-sobra nga lang baldado yata ako ng ilang araw muna. Hindi naman na nagsalita ang kaibigan ko tsaka ako inakay papunta sa banyo. Wala na akong pakialam kung makita niya ang buong kahubaran ko ngayon. Noon kasi kahit pareho kaming babae ay hindi pa rin ako basta-basta nagpapakita kay Cecia ng katawan.
“Iba talaga ang nagagawa ng hindi na virgin.” Bulong pa ng babae pero hindi ko naman na inimikan.
Sa kondisyon ko kasi ngayon, Less talk, less kirot. Tinulungan din ako ni Cecia na umupo sa toilet bowl. Napakahirap pala ng ganito. Wala yata akong ibang nararamdaman ngayon kundi kirot sa iba't ibang bahagi ng katawan ko, na mas lamang na lamang lang sa parte ng puday ko.
Ihing ihi ang pakiramdam ko sa mga oras na ito pero parang ayaw lumabas ng ihi, pakonti-konti lang labas pero ubod sakit at hapdi. Panay pikit at kagat labi lang ako hanggang sa matapos na ako. Akala ko ‘yun na ang pinakamahirap perong oras na para hugasan ko ang puday ko parang bigla kong naisumpa ang ari na naglabas masok sa p********e ko. Masakit at nakakapanibago. Mas lalo yata kasing tumambok ang puday ko.
“Shît! Magang maga!” Bulalas ko pa, tahimik lang naman si Cecia na nakamasid sa akin habang naglalagay siya ng tubig sa bathtub.
“Ibabad mo muna ‘yan pati buong katawan mo sa maligamgam na tubig bago maligo at magbihis. Makakatulong ‘yan sa’yo friend. Kapag okay na ang pakiramdam mo ay aalis na tayo. Ikukuha muna kita ng pain reliever at damit. Sorry talaga friend!” Seryosong sabi ni Cecia sa akin. Halatang may nagbago nga sa kanya o baka guilty nga talaga ang loka.
Sinunod ko ang payo ng kaibigan ko, tsaka nag-isip-isip muna sa kung anong pwedeng mangyari sa akin at sa plano ko na pagbalik sa Pilipinas?
“Cheryl hindi makakaapekto ang nangyari sa’yo kagabi sa mga matagal mo ng plano! Hindi naman siguro nag-e-expect o mag-e-expect si Cinco na virgin pa ka pa lalo na’t nasa late 20’s ka na.” Tila ba pampalubag loob na sabi ko sa aking sarili. Pinipilit ko talaga na kumbinsihin ang sarili ko na hindi big deal ang pagkakabengbang sa akin kagabi ng hindi ko malaman na lalaki. Kasi iba talaga. Sure ako hindi talaga siya si Aeron.
Dinama ko sa balat ko ang maligamgam na tubig pero kasabay ng bawat dampi ng tubig ay ang pagbabalik ng mga alaala ng tuluyang mawala ako sa sarili. Parang muli kong nararamdaman ang bawat gapang ng halik ng lalaki sa akin. Bawat haplos at madidiin na pag-piga niya sa katawan ko ay talagang nagpapainit agad sa akin.
“Hala…hala siya! Cheryl tigilan mo ‘yan. Hindi lang puday mo ang masisira pati bahay bata mo. Magang maga pa nga!” Bigla akong parang binuhusan ng tubig na malamig marinig ko ang kaibigan ko.
“Sus wag ka ng mag deny. Alam na alam ko ang feeling na ‘yan. Pahilumin mo muna bago mo ulit ipa-arungkal.”
“Hey! Baboy ng term mo. Pero Cecia masarap pala talaga no. Iba ‘yung lakas mo kapag nasa ganun na sitwasyon.”
“Sabi ko naman sa’yo masherep e, shuper sherep. Lalo na pag-sagad na sagad na may kasamang tampal o kaya piga sa kahit anong parte ng katawan.”
“Heh! Para kang tanga tulungan mo na nga lang ako at umalis na tayo. Pero maiba ako ano bang nangyari? May nakita ka ba na lalaki na lumabas sa kwarto o sadyang kadarating mo lang din?” Saway ko babae na natigilan naman bigla ng magtanong na ako sa kanya. Tingin ko may alam siya o may nakita siya.
“Kung may alam ka sabihin mo na Cecia? May nakita ka ba? Sino?” Muling tanong ko sa kaibigan ko sa paraan na parang inuusig.
“A-ano kasi—” putol na sabi niya habang panay ang linga sa paligid.
“Kasi?...”
“Friend ano e!”
“Ano nga?!” May inis ng tanong ko dahil inaatake na ako ng kaba.
“Ahm si Ano kasi—!”
“Cecia!”
“Si—” na putol ang sasabihin ng babae ng biglang tumunog ang cellphone niya.
“Cecia….” Tawag ko ng biglang lumabas ang babae matapos makipag-usap sa tumawag sa kanya. Wala akong nakuhang sagot sa kaibigan dahil ng umalis kami ay nagdadaldal na siya at iba ang kinuwento. Nagkaroon pala ng raid sa lugar dahil sa isa pala sa mga kaibigan ni Aeron ay supplier ng party drug. Kaya pala nagawang lagyan ng lalaki ang inumin ko.