ATOH_ 7 PAGBABAGO‼️

1854 Words
CHERYL MABILIS NA lumipas ang mga araw. Bahay at trabaho lang ang naging routine ko. Magmula ng araw na umuwi ako sa bahay namin mula sa lugar kung saan ko pinawasak ang kadalisayan ng aking p********e, pansin ko na tahimik lang si Granny. Himala na hindi niya ako tinatanong ng kung anu-ano ora mismo ng pag-uwi ko, lalo na’t hindi ako umuwi ng gabi, tapos kinabukasan pa ng hapon ako nakauwi sa bahay. Something has changed. Ang tanging sinabi niya lang sa akin ay magpahinga ako ng mabuti at uminom ng gamot. Sinalat kasi agad ni Granny noon ang noo at leeg ko ng dumating ako sa bahay. Parang alam niya na agad na may nangyari sa akin, tipong alam niya na naiwala ko na ang puring iningatan ko ng matagal na panahon. Naging normal naman ang lahat sa amin. Ang hindi lang normal ay hindi na nangungulit si Granny tungkol sa love life at mga apo na hinihingi niya sa akin. Kung ano man ang dahilan ng biglang pagbabago ni Granny ay hindi ko alam. Kahit naman si Cecia sa mga unang araw parang iwas din sa akin, pero kalaunan balik din siya sa dati, pero sa mas malalang version. “Hey friend!!! Kinakabahan ka na ba?! Wait….Mali ako ng tanong sa'yo. Kinabahan na ba ang tinggil mo?!!! Huy…dapat ready ka na kasi pwede na ulit yang ipasundot ng ipasundot ulit! Magaling na magaling na ‘yan diba. Excited ako for you friend.” Speaking of the devil. Ito yung new version na sinasabi ko. Nagbabaga na umarangkada na naman ang bibig ng kaibigan ko na walang pinagbago,dahil diretso na naman kung pumasok sa loob ng opisina ng may opisina. Inirapan ko lang siya tsaka muling sinilit ang lay out ng project na tatapusin ko bago ako umalis ng LA papunta ng Pilipinas. “Huyyy! Grabe ka sa akin! Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Sabi mo naman nasarapan ka e. Patawarin mo na ako dahil sa akin nakaranas kang tumuwad ng tumuwad. Huy Che! Friendship naman….Sorry na talaga. Parang nalugi ka pa sa nangyari. Ayaw mo ba noon, at least hindi na sarado ang butas langit mo. Pwedeng pwedeng i-welcome at makidigma sa Cinco ng buhay mo.” Muling parang batang ungot na sabi ni Cecia na nauwi na naman sa kasalaulaan niya. The best ito sa mga panbubuyo basta usapang iyot. Pero honestly, sa nangyari sa akin ng gabing iyon ay marami talaga ang nagbago. Mas parang naging aware ako sa mga taong nasa paligid ko. Kung maganda o masama ba ang intensyon nila sa akin. Mas nagmature rin ako sa pananaw ko sa buhay. Nasa punto rin ako ng buhay ko ngayon na susugal na ako ng ubusan pero kapag naubos na ako at wala pa ring magandang nangyayari ay bibitaw na rin ako agad para magpatuloy ng bagong simula. Ayokong matali sa sakit, hindi ko na kasi alam kung paano mabubuhay kung mabibigo ako sa unang rason o dahilan kung bakit ako nagpatuloy. “Naririndi na ang tainga ko sa'yo Cecia. Araw-araw na lang ng ginawa ng D'yos, ang pasmado ng bibig mo. Puro ka kamunduhan. Oo na! Sige na! Kinakabahan nga ako dahil ilang araw nalang aalis na ako ng LA. Kinakabahan ako hindi dahil sa hahanapin ko si Cinco kundi kinakabahan ako dahil baka pagbalik ko dito ay sarado na ang firm na ito. Ikalma mo muna ang puday mo dai. Kota ka na naman di’ba sa landi kaya ako muna ngayon. Hayaan mong ako na muna ang magpasilip ng langit.” Seryosong sabi ko sa una na nauwi rin sa pagtawa dahil kuhang kuha ko na ang istilo ng pananalita ni Cecia. Ito rin ang isa pa sa naging epekto ng gabing iyon. Mas tumibay ang samahan naming mag kaibigan, tapos parang mas naging totoo ako sa kilos at mismong sarili ko. Malaya at walang pagpapanggap. “Grabe ka naman sa akin! Kayang-kaya naman kaya na i-manage ng puday ko dai ang lahat ng kaharutan ko no! Iba naman ang firm na ito at puday ko. Babagsak ang bahay bata ko o manlulugo ang mga bulbol ko pero ang firm natin na sabay binuo mas lalakas at lalago. Magiging tanyag tayong dalawa sa propesyon na pinili at minahal nating dalawa. Itaga mo pa ‘yan sa singit mong punong puno noon ng kiss mark noon. Wag mong itanggi ha! Kahit puday mo dai nakita ko nakangibit nga sa akin.” Tuloy-tuloy na sabi ni Cecia na tanging hagalpak lang ng tawa ang naisagot ko. Napaka-in-character kasi tumalak ng isang ito. May libreng pa demo pa siya sa bawat mga words na catchy ng attention. Sino nga ba ang mag aakala na si Architect Celestina Gracia ay nuknukan ng balahura? Sa labas kasi ay very firm and proper ang bruha na ito. Tila hindi makapatay bangaw. “O ano ka ngayon? Ihit ka sa tawa. Ito seryoso na friend. Mag ingat ka doon ha, tawagan mo ako kapag may problema ka dahil lilipad ako agad papunta sa Pilipinas para sa'yo. Alam.mo naman na kahit iba ang nanay ang pinanggalingan natin ay parang kambal tuko tayong dalawa. Dama kita at dama mo ako. Hindi kita sinamahan at minahal sa loob ng labing limang taon para lang paapi at paargabyado sa mga tao sa Pinas. Always remember, friend na may pamilya ka sa piling namin ni Granny. Kapag napapagod ka na doon, lagi mo lang tandaan ang goal at mga pinagdaanan mo bago mo suungin ang pagsubok na pinili mo. Marami man akong kalokohan na ginagawa sa'yo lalo na ang pambubuyo sa'yo kung kani-kanino. Pero ang totoo ayokong mapahamak ka Che. Ayokong masaktan ka, kaya hanggat kaya ililigtas kita at ilalayo sa mga taong hanggad lang ay sirain ka. Nakita ko lahat sa loob ng labing limang taon, sapat na iyon na dahilan para pakialaman kita kapag naliligaw ka ng desisyon. Mahal na mahal kita friend. Kayo na lang ni Granny ang meron ako kaya mananatili ako sa inyong mga tabi. I Love you friend.” Mula sa pagiging balahura ay muling nagbalik ang Cecia na nakilala ko noon. Ganitong ganito ang nangyari noon sa amin ayon sa sinasabi niya. Prino-protektahan niya ako laban sa mga bully, sa una ginagawa niya yun dahil nalaman niya na ako ang naglalagay sa desk niya ng pagkain. Pero kalaunan ginagawa niya daw yun dahil mahal niya ako. Mahal niya ako kasi kaibigan at pamilya na kami. Ganito nabuo ang samahab namin. Ang Cecia noon na laging matapang kahit inaapi ng lahat ay mas lalong tumapang pa ngayon. “Mahal din kita Cecia. Salamat dahil hanggang ngayon nandito ka pa rin!” May nginig na sa boses ko ng sumagot ako sa aking kaibigan. Tumayo ako at yumakap sa kanya. “Gaga! Pangit mo pa ring mag emote Che.. Ako lang talaga ang may talent sa atin. Wag mong ipapakita iyan kay Cinco for sure turn off agad ‘yun sa'yo.” Ganting sagot na pabiro na naman ni Cecia sa akin na halatang naiiyak na rin. Kung paano nabuo ang pagkakaibigan namin noon kailanman ay mahirap na mahirap kalimutan. “Tama na to! May antihistamines ka ba? Allergy ako sa drama natin!” Banat ulit ni Cecia kaya tumawa na kami ng sabay. “Basta Che wag kang ubod ng gaga sa Pilipinas. Ang alam ko labing tatlo lang ang martir sa Trece, pero sa dami ng bulag sa pag-ibig dumami na ang rebulto doon. Wag ka ng dumagdag gaga ka, dahil konsumido na ang Mayor nila dahil wala ng paglagyan ng mga bagong martir na humabol!” Seryosong sabi pa ni Cecia habang eye to eye contact pa kami. Nakailang kurap pa ako pero ang gaga humagalpak na ng tawa. “Ewan ko nga sa'yo! Lumabas ka na ng matapos ko ang ginagawa ko. Gusto mo iwan ko to na hindi tapos?” Kunwari iritang sabi ko na may pagbabanta, natigilan ang babae kaya ako naman ang tumawa. “Magaling ka na ah! Sige na nga lalabas na ako. Tandaan mo mga sinabi ko Che. Biro man ang pagkaka-deliver ko pero totoo ‘yun. Tapusin mo ‘yan ha!” Nakangsing talak naman ni Cecia pabalik tsaka tumalikod na pero bago siya makalabas ay tinawag ko pa ito. “Cecia! Salamat sa pag-dating sa buhay ko. Hindi lang kita Bff na loka kundi kapatid na rin. Tatandaan ko ang mga sinabi mo sa akin. Oh siya sige na layas!” Halos mangilid pa mga luha ko ng sabihin ang mga katagang ‘yun kaya naman hinaluan ko rin ng kabargasan. “Magaling ka na nga. Mana ka sa akin! Kung iniisip mo na blessing ako sa'yo—para sa aking mas libong blessing ka. Labas na nga ako, hindi ko na kayang tagalan ang pangit mong mukha, na pang matanda ang taste!” Hindi pa man tapos ‘yun sabihin ni Cecia ay tumakbo na agad. Nailing na lang ako dahil sanay na sanay naman na ako sa kanya. “Anong magagawa ko? E, sa tanders ang bumihag at nagmamay-ari ng puso ko!” Bulong na sabi ko pa, sabay biglang balik sa alaala ko ang pagkikita namin ni Cinco sa araw ng burol ng mga magulang ko. “Kung nasa tamang edad kaya ako noon, iba kaya ang naging takbo ng desiyson niya? Hayst wala na nga pala ‘yun. Ang mahalaga ay ang ngayon!” muling tanong ko sa sarili ko na ako rin naman ang sumagot. SAMANTALA “H-hello!” Sagot agad ng babae ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. “Kumusta ang lahat?” Tugon ng nasa kabilang linya. “Mabuti naman po!” Sagot muli ng babae na kakikitaan ng tila pagkabalisa. “Ang bilin ko sa'yo tandaan mo lagi. Wag na wag ka na ulit lalampas sa limitasyon, kung ayaw mong kalimutan ko na ikaw ang anak ng pinaka-mabuting kaibigan at kasamahan ko noon. Mahal kita at mahalaga ka sa akin pero alam mo rin kung ano siya sa buhay ko! May kanya-kanya kayong pitak sa buhay at puso ko.” Pagpapaalala ng nasa kabilang linya sa babae, na nagsisimula ng tumulo ang mga luha dahil sa kinikimkim na galit. Alam niya na magsisimula na ang tunay na problema at laro. “Tandang tanda ko po lahat pati mga ginawa ninyo para sa akin. Pero sa ngayon po ay may sariling isip na rin ako. Nagmamahal din po ako, lalo na sa mga taong mahal at tanggap ako. Sana ganun din po kayo. Wag kayong mag alala dahil alam na alam ko ang purpose ko sa mundo. Paalam po!” Sagot ng babae sa kausap sabay patay ng cellphone. “Hindi ako basta tatahimik lang, magiging kalaban mo ako kapag kinanti mo ang mahal ko!” Bulong pa ng babae bago dali-daling lumabas para doon hayaan umagos ang kanyang mga luha. Sahindi kalayuan ay may pares ng mata nakabantay sa babae. Mga matang nalulumbay at nagnanais na mahawakan muli ang babae sa kanyang bisig tulad ng unang beses nilang mag kasama sa ibabaw ng kama at pagsuluhan ang kakaibang init na tanging sa isa't isa lang nila nadama. "I won't lose you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD