CHAPTER_1

1588 Words
Inayos niya ang gamit niya dahil paalis siya papunta sa Baguio dahil doon gaganapin ang first scene sa isang movie na isho-shoot ng film crew. Story niya iyon kaya gusto niya hands on siya sa mga mangyayari. Filipino movie pa ang inaasikaso nila ngayon. Iyong series na ifi-film nila ay gagawin pag natapos na itong film na filipino movie. Umalis na rin siya kaagad dahil ayaw niyang ma-late. Nag-grab lang siya dahil sasabay siya sa sasakyan ng abnormal niyang boss. Dapat hindi talaga siya sasabay pero nagbago na rin ang isip niya kaagad, ayaw niyang mapagod sa pagda-drive kaya sasabay na lang siya rito. Nang makarating sa office building ng binata ay nakita niya na ito doon. "You're 30 seconds late." Halos malukot ang mukha niya dahil sa sinabi nito. "Masiyado mong binabantayan ang oras, kala mo naman sobrang male-late tayo pagdating natin do'n." Inirapan niya ito at siya na mismo ang naglagay ng maleta niya sa likod ng sasakyan nito. She's confident because she knows that they are not going to be late. Sila nga ata ang mauuna kaysa sa crew. Hindi ito umimik kaya binalingan niya ito ng tingin matapos mailagay ang gamit niya sa likod. She saw Shawn looking at her intently. "Do you aware that Baguio is a cold place?" Napaawang ang labi niya. Alam niya ang pinupuna nito sa kaniya. Nakasuot kasi siya ng Malaking tshirt at maiksing short dahil naiinitan siya. "Did you forgot that I'm Korean and I'm used to a cold weather?" she mocked. Hindi niya alam kung tama ba na sumabay siya rito dahil parang magbabangayan lang sila buong magdamag. Hindi na ito nakaimik kaya naman ay pumasok na siya sa kotse at umupo sa front seat. Gusto niya sana bwisitin ito at umupo sa likod pero alam niyang hindi na sila makakaalis pag nag alburoto na ito. She can made him mad but he can also made her mad. Nang paandarin na ni Shawn ang sasakyan ay nagsimula na siyang basahin muli ang final script. Gusto niya kasi ma-feel lahat ang mga mangyayaring scene. She wants to feel the emotion of the characters. Maganda ang mga naiimagine niya kaya dapat iyon ang makita niya mamaya. Magagaling naman ang actress at actor na gaganap kaya hindi na siya masiyadong kinakabahan. Lumandas ang tingin niya sa phone ni Shawn na nakakabit sa phone holder nito. May tumatawag doon at galing sa hindi kilalang numero. Shawn answered it immediately. "Hello?" "Babe! How are you? Akala ko tatawagan mo ako?" Rinig niya iyon dahil naka-loudspeaker ang cellphone nito. "Who's this?" Shawn casually asked. Gusto niyang mapailing dahil alam niyang isa sa babae nito ang tumatawag. Everyone knows how playboy and party goer Shawn is. "A-are you for real? You said that you will not forget me because I'm so good at sucking your d**k—" Nasamid siya sa laway niya dahil sa narinig. Agad na kinuha ni Shawn ang cellphone gamit ang isang kamay at in-off ang loudspeaker. "I'm sorry, I forgot to call you. I was so busy. I'm driving right now so I'll call you soon if I'm not busy." Naitutok niya ang mata niya sa script na hawak pero ang isip at tainga niya ay nakatutok sa boss niya. Literal na nagulat siya sa narinig. Halata naman kay Shawn na active ang s*x life nito dahil nakita niya ang sandamakmak na condom nito noong new year last year pero ang marinig mismo galing sa babae nito ay hindi pa rin siya makapaniwala. Kinuha niya ang airpods niya at handa ng suotin iyon nang magsalita si Shawn. "That woman was—" Nang marinig niyang mag-e-explain ito ay agad niya ng sinuot ang airpods niya. Hindi naman niya kailangan marinig ang explanation nito dahil wala naman iyon sa kaniya. She's open minded about s*x life without relationship. Kung alam nila ang limitasyon at responsibilidad nila kung sakaling may mangyari mang isang bagay ay mas mabuti. Isa pa't matanda na sila. Wala rin naman siyang pakialam sa buhay ng boss niya kaya hindi na niya kailangan pakinggan kung ano ang ie-explain nito para maisalba ang mukha sa kaniya. Buong byahe ay nakikinig lang siya sa music. Nakaidlip na nga siya at nagising na lang nang ginising siya ni Shawn. Gusto niyang mapamura dahil sa tuwing titingin siya sa binata ay naririnig niya ang boses ng babae na tumawag kanina dito. The hell! Naalala niya pa ang XL condom nito na sandamakmak sa bahay nito. Hindi na siya nagulat nang ito ang magbitbit ng maleta niya. One thing good about Shawn is that he's a bit gentleman. Madalas man silang magtalo o madalas man nito painitin ang ulo niya sa bawat paggalaw nito pero may kabaitan pa rin naman itong tinataglay. Hindi lang halata pero marespeto naman ito. If you say that you don't want to do it because you're not comfortable in that specific situation, he will not force you. Mas marami lang talaga itong red flag kaysa sa green. "Hi ma'am!" bati sa kaniya ng isa sa mga crew. "Hi, good morning! Nag lunch na kayo?" tanong niya sa kanila. Naglakad siya sa papasok sa may loob ng hotel. Shawn rented a hotel for three nights and four days. Kailangan din kasi nila dito mismo mag-shoot. "Hindi pa po ma'am. Pero ready na raw po ang mga pagkain na ipinahanda ni sir Shawn." Tumango na lang siya at nilapitan ang receptionist para kunin ang key card ng kwarto niya. Sinundan siya kaagad ng bellman nang makapasok siya sa elevator. Kasabay niya pa si Shawn dahil mukhang ka-floor niya ito. "We'll have a lunch at exactly 11:30am." She nodded to acknowledge what he said. Lumabas sila ng elevator at napataas ang kilay niya nang kasabay niya pa rin ito. She stopped in front of her room but Shawn did too. Napatingin siya sa tapat ng room at napairap na lang siya nang mapagtanto na roon ito. She tapped her key card to open the room. Ipinasok ng bellman ang kaniyang luggage sa loob kaya binigyan niya ito ng tip. May isang oras pa naman bago siya bumaba patungo sa baba para mag-lunch sila ng sabay sabay. Magiging lunch meeting na rin kasi iyon kaya kailangan talaga sabay-sabay sila. Humiga muna siya sa kama at nag-scroll sa social media. She pursed her lips while scrolling on her newsfeed. Napatigil naman siya nang makitang may tagged post sa account ng binata. She and Shawn follow each other on social media. Noong bago kasi siya sa company nito ay hindi niya ito nakakahalubilo talaga o nakikita man lang. Two years ago lang niya ito na-meet dahil naging tutok sa TOP Entertainment. Hindi naman sila lagi nagkakasama pero nitong mga nakaraang araw ay lagi na lang siya bini-bwisit nito. Nasanay na lang siya dahil parang naging parte na iyon ng buhay niya. "With my babu..." basa niya sa caption. Halos matawa siya sa nakita. May isa na namang bagong babae ang nabiktima. May maririnig at malalaman na naman siyang na heart broken dahil kay Shawn. Well, may mga kasalanan din naman ang mga babae ng boss niya dahil sa una pa lang ay halata namang hindi pang seryoso ang binata. Natigilan siya nang may mag-doorbell sa room niya. Agad siyang tumayo para tingnan kung sino iyon. Halos lumuwa ang mata niya at lumawak ang ngiti sa labi niya nang makitang si Jayden iyon. Jayden will be act as the male lead on her story. Dahil na rin sa lalaking ito kaya siya sumama sa filming site. She has a huge crush on him. "Omg, hi!" nakipagbeso siya rito kaya gano'n din ito. Kinilig pa siya nang humawak ito sa bewang niya para yakapin pa siya. Hindi kasi nagkakalayo ang edad nila, mas bata lang ito ng isang taon sa kaniya pero mas mature tingnan dahil napaka-manly. "It's good to see you again, Yeonjin..." "Hindi tayo nakapagkita noong nakaraan, sobrang busy mo!" ani niya rito. Papapasukin niya sana ito nang biglang lumandas ang tingin niya sa harapan na kwarto. Saktong lumabas doon si Shawn kaya nagkatitigan sila pero agad niya itong inirapan. "Yes... Busy ka rin... I was going to cancel my last meeting but you already said that you also have an important meeting," napakamot ito sa batok. Pigil na pigil ang ngiti niya dahil sa narinig. She's confident on her own beauty, so she will not be surprised if Jayden fell for her charms. Natawa na lang siya sa isipan niya. Malakas lang ang loob niya sabihin iyon dahil sa isipan lang naman niya. "Pasok ka muna—" "Mr. Jayden Foresco." She nearly groaned when Shawn walk towards them. "Oh, Mr. Shawn." Jayden look surprised. Hindi kasi nito napansin kaagad si Shawn na nasa likod lang. "Nakarating ka na pala. Kasama mo na ba si Alice?" tukoy ni Shawn sa actress na magiging female lead at kapartner ni Jayden. "Uh, she's on her room now. Halos sabay lang ang dating namin." Hinawakan niya sa kamay si Jayden para yayain ito pumasok sa kwarto pero halos malukot ang mukha niya nang muling magsalita si Shawn. "Let's eat lunch now so we can start our meeting." Nabitawan niya si Jayden nang tinapik ni Shawn ito at iginaya palayo sa kaniya. Halos umusok ang ilong niya pero kinalma niya lang ang sarili. 40 minutes pa bago ang lunch nila pero bigla ba naman nagbago ang isip. Naikuyom na lang niya ang kamao at nagmartsa papasok ng kwarto para kunin ang maliit na sling bag niya na lagayan ng cellphone at key card. "Badtrip," she murmured.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD