Naka-focus siya sa monitor habang tinitingnan ang ang acting ni Alice at Jayden. Tatlong araw na sila sa Baguio at bukas na ang uwi nila.
She's very satisfied on their acting. Nagagawa ng dalawa ang gusto niyang makita. Actually, when it comes to filming her stories, she is strict. Ayaw niya kasing hindi maisabuhay ng gaganap ang actor at actress ang mga ginawa niyang character.
Hindi siya papayag kung ang gaganap ay hindi maayos trumabaho.
"Let's wrap up!" the director said. Sumang-ayon naman si Shawn na nasa tabi niya at ito na ang unang tumayo. Nasundan na lang niya ito ng tingin nang makitang may kinakausap na ito sa telepono.
"How was it?" tanong sa kaniya ng director.
"I'm satisfied. I know this will going to blow up. May bago na namang movie ang magte-trending," mayabang na sambit niya at tumawa.
"We all know how good your stories. Well, it's not that good because it's the best!" Tinapik siya nito sa balikat nang tumayo na rin ito.
Nagpasalamat naman siya rito pati sa mga filming crew. Nag-ayos na ang mga ito sa lugar kung saan sila nag-film. Tumulong siya sa kaya niyang gawin.
"Let's just meet on Friday... Yes, at the hotel... Sure... See you babe." She automatically rolled her eyes. Hindi naman sa nakikinig siya pero narinig niya lang talaga ang mga sinabi ng binata sa kausap nito sa telepono.
Alam niya na babae iyon dahil narinig na naman niya ang salitang 'babe'.
Yuck.
Nagtama ang paningin nila ni Shawn kaya mabilis niya itong inirapan.
"What's with your look? You look disgusted," kunot noong tanong nito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin ang kinuha ang kopya niya ng script. Lumiwanag naman ang mukha niya nang makita si Jayden na papunta sa gawi niya.
"Ang galing mo!" she immediately complimented him.
"Talaga? Thank god... I was so distracted. Nape-pressure ako kanina dahil naka-focus ka sa scene namin," he laughed.
"Why? Hindi ka dapat ma-pressure sa akin 'no!" nanlalaki ang mata niya at natawa na lang dahil sa nalaman.
"Yes. You shouldn't be pressure with her." Nawala ang ngiti niya dahil sa pakikisabat ni Shawn na mas lumapit pa sa kanilang dalawa. Nakita na naman niya ang blankong mukha nito. "You should be pressure at me, I'm the boss, remember?"
Hindi niya inaasahan iyon kaya mabilis niyang tinapakan ang paa nito ng pasimple. "He's just kidding!" ani niya kay Jayden na parang naguluhan.
"It's fine... Sir Shawn is a boss so I understand he's being strict with us."
"f**k. What was that for—" pinutol niya kaagad ito.
"Huh? Oy, ang ganda naman no'n!" ani niya at napatingin sa likod ng binata. Agad naman itong lumingon din kaya ginamit niya ang tiyansa na 'yon para hawakan sa kamay si Jayden at hatakin ito papalayo sa binata.
"Where are we going? Hindi ba magagalit satin si sir Shawn?" Jayden asked.
"Tss. 'Wag mong tawaging sir ang taong abnormal," bulong niya sa sarili.
"Huh?"
Mabilis niya itong nilingon at malawak na ngumiti. "Ang sabi ko, maraming nakahandang pagkain. Nagugutom na ako kaya kita hinahatak na!" she chuckled.
"Miss Yeonjin, bakit parang mas malakas pa ang chemistry niyo ni Jayden kaysa sa aming dalawa?" Napahinto siya sa paglalakad dahil nadaanan nila si Alice na galing sa van nito.
Nabitawan niya kaagad sa kamay si Jayden dahil bigla siyang nahiya. "Ano ka ba! Mas bagay nga kayo! Kung wala ka lang boyfriend siguro shinip na kayo!"
Mas bata si Alice sa kaniya at alam niyang may boyfriend na ito dahil nag-trending ito last year nang malaman ng lahat kung sino ang boyfriend nito. Soloist idol kasi ang boyfriend nito at talagang sikat din.
"Sana nga ma-ship kami ng ma-ship para naman mabilis kumalat ang movie at maraming makapanood," hagikgik nito. Natawa tuloy siya dahil ang movie ang nasa isip nito.
"Let's try hard. Dapat mapakilig talaga natin sila para mas maisabuhay natin ang love story ng mga characters," ani ni Jayden. She felt proud. Bilang isang writer, nakakatuwa marinig na talagang gumagawa ng paraan ang mga ito para magampanan ang mga characters na isinulat niya.
Hindi na natapos ang pag-uusap nilang tatlo dahil nag tuloy-tuloy na 'yon. Halos kalahating oras ata sila nagkwentuhan doon habang hinihintay ang ibang crew matapos magligpit.
Nang matapos ay dumeretso na sila sa hotel para doon na kumain. Mas gusto pa kasi nila na doon na lang sa hotel para pagkatapos ay deretso na sa kwarto kung sino ang gustong magpahinga. Lahat naman pagod sa araw na 'yon. Napuyat din sila sa pagfi-film, maski siya rin dahil gusto niyang i-monitor lahat.
Nakaharap niya sa table si Shawn na walang imik at masama ang mukha. Alam niyang inis ito sa kaniya dahil tinapakan niya ang paa at niloko niya pa kanina para lang matakbuhan.
Tanga ba naman kasi. Sinabi ko lang na may maganda, lingon naman kaagad!
Hindi niya na lang tinuon ang pansin sa seryosong mukha ni Shawn. Hindi niya talaga ito mabasa madalas. May mga mood kasi ito na sobrang seryoso at napakalamig pero mayroon din naman na tinutukso siya nito para sirain ang araw niya.
"You should eat more," pansin sa kaniya ni Jayden nang makita ang plato niya na kaunti lang ang nakalagay. Nag-snack kasi siya kanina kaya hindi naman siya gutom na gutom.
"I'm fine, 'di naman ako masiyadong gutom," paliwanag niya dito at ngumiti. Natigilan siya nang maramdaman na may paa na tumama sa kaniya, at dahil ang nasa harapan niya ay si Shawn, alam niyang ito iyon. Wala namang ibang paa na tatama sa paa niya kun'di ang binata lang.
Sinamaan niya ito ng tingin nang tinapunan siya nito ng malamig na tingin. Inirapan niya ito bago muling ituon ang pansin sa pagkain niya.
Nagsimula siyang kumain habang nakikipag-kwentuhan din sa iba. Ang halos kausap niya ang direktor at ang mga artisa. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga senaryo at doon sa mga bloopers simula noong nakaaraang araw.
They laughed while talking. Sa gitna ng pagke-kwentuhan nila nang matapos na silang kumain lahat ay naunang umalis si Shawn dahil may tumawag na naman dito.
"Ang tinik talaga ni sir Shawn sa mga babae. Hindi na naubusan, mapapa-sana all ka na lang!" sambit ng isang camera man.
"Ganiyang talaga pag guwapo at may maipagmamalaki!" ani naman ng isang babaeng staff.
"Oo nga! Tsaka halata namang malaki!" Napailing na lang siya nang naghiyawan at naglokohan na ang lahat dahil sa sinabi ng baklang staff. She know what he means. Hindi naman siya inosente sa mga ganiyan. Wala man siyang experience pero dahil sa mga nababasa niyang mga erotic novels ay nalalaman niya na rin.
Isa pa't may mga stories din siya na mga erotic romance. Hindi nga lang siya magaling sa genre na iyon dahil nangangapa pa siya sa mga ibang bagay at sa mga ibang bokabularyo pagdating sa gano'n.
Mayamaya ay nagsitayuan na sila para bumalik sa kaniya-kaniyang kwarto. Kailangan na nila magpahinga dahil lahat sila ay pagod at puyat.
"Miss Yeonjin, pabigay po kay sir Shawn. Naiwan niya po 'yan sa upuan niya kanina," ani ng isang staff sa kaniya at inabot ang isang folder. Binuklat niya iyon at nakita niyang iyon ang mga summarize copy ni Shawn sa mga schedule na trinabaho nila sa baguio.
Nandon din ang mga important notes nito na mga napansin sa lahat na dapat pa i-improve.
"Thanks, iaabot ko 'to sa kaniya." She smiled before she bid goodbye to the staff.
Nagpaalam na siya muli sa lahat pati na rin kila Jayden at Alice. Umakyat na siya sa taas kung na saan ang kwarto niya. Hindi naman na niya nakita si Shawn kaya baka bumalik na ito sa kwarto.
Dumeretso siya sa harap ng pintuan nito at nag-doorbell pero pagkapindot niya ay wala siyang tunog na narinig. Inulit niya iyon ng ilang beses at tinry sa kaniyang kwarto pero nakarinig naman siya ng tunog.
"Mukhang sira ang doorbell ng room niya ah," bulong niya sa sarili.
Kakatok sana siya nang biglang bumukas ang pinto. The door wasn't even lock. Mabuti na lang talaga ay safe sila sa hotel at sila-sila lang ang tao roon maliban sa mga hotel staffs.
"Ito talagang lalaki na 'to!" gigil na sambit niya. "Sir? Ibibigay ko lang sana 'yong folder na iniwan mo." Pinagdiinan niya talaga ang 'sir' dahil gustong gusto nitong tinatawag na sir.
Halos malukot ang mukha niya dahil mukhang wala naman pala ito sa kwarto kaya mabilis siyang pumasok sa pinakaloob at doon niya nakita sa kama nito ang mga damit na hinubad. Binaling niya ang tingin sa pinto ng shower room at napagtanto na baka nasa loob ito no'n.
Nilapag niya ang folder sa side table at aalis na sana nang makaisip ng kalokohan para lang pangganti sa boss niyang paiba-iba ang mood kada minuto o oras.
"SIR! SUNOG! SUNOG! SUNOG! SIR! SIR—"
"f**k! Where is it?" Tumambad sa kaniya ang basang itsura ng binata. Kunot noo itong nakatingin sa kaniya at hahakbang pa sana ng isang beses para malapitan siya nang siya na mismo ang umatras.
"Are you f*****g kidding me?" bulyaw nito sa kaniya nang hindi siya umimik. Umawang ang panga niya nang lumandas ang tingin sa ibabang parte nito.
Naitaas niya ulit ang tingin sa mukha ng binata at kita niyang kumunot ang noo nito at naibaba ang tingin.
"Tangina," he whispered.
Dali-dali itong tumalikod at pabagsak na sinarado ang pinto ng banyo. Siya naman ay halos manginig ang tuhod at bumagsak dahil shock pa rin sa nakita sa totoong buhay.
"The hell... is that a-alive?" she murmured. Napatakbo na lang siya palabas doon at siya na mismo ang nagsarado ng pintuan nito bago makapunta sa kwarto niya,
Nang makapasok sa sariling kwarto ay halos ibaon niya ang mukha sa unan nang mapahiga doon. She wanted to scream because of frustration.
Did she just saw a huge hotdog in real life?!
"Shibal... Please... This is just a dream right? there's no freaking d**k that big, right?!" Nasapo na lang niya ang palad sa noo nang matulala sa kisame ng kwarto.