PROLOGUE

1994 Words
Naibagsak na lang niya ang palad sa lamesa niya nang makita ang email sa kaniya ng walang hiya niyang boss. "Ang kupal talaga! Maayos naman ang script ko pero pinabago pa talaga ang isang scene!" bulalas niya. Kung hindi lang talaga maganda ang kompanya ng hinayupak niyang boss ay matagal na siya umalis. Masaya naman siya sa trabaho niya at sa mga ka-trabaho niya, ang problema lang niya talaga ay ang boss niyang playboy. Naigulo niya na lang ang buhok dahil sa inis na nararamdaman. Minimal lang naman na scene ang pinapabago nito pero para sa kaniya kasi ay angkop iyong scene na 'yon sa story. "Damn you, Shawn Thompson... Malaglag ka sana sa kanal!" she muttered. Tinapos niya iyon at chineck muli ang kabuuan. Nasa pilipinas siya at mag-isa lang siya, hindi siya nakauwi sa Seoul dahil na-busy na rin siya sa ginagawa niya. New years eve na mamaya at ito siya ay ginugugol pa rin ang sarili sa trabaho. Well, she's happy with this. Gusto niya naman ang pagsusulat kaya kahit gaano siya ka-bwisit kay Shawn ay ginagawa niya pa rin ang trabaho niya. Shawn is still her boss. Napasandal siya sa swivel chair niya at saglit na ipinikit ang mata nang matapos sa ginagawa. Nag-order lang siya ng pagkain na sakto lang sa kaniya kaya wala na siyang problema sa handa. Dinalhan din naman siya ng pagkain ni Summer pati na rin si Agatha kahit nasa Canada ito. Ang dalawa niyang kaibigan ay hindi talaga siya nakakalimutan kahit anong busy pa ng mga ito sa buhay. Naidilat niya ang mata nang tumunog ang cellphone niya. Napairap na lang siya sa kawalan nang makitang si Shawn iyon. Ayaw niya sana sagutin pero dahil boss niya ito ay wala siyang magawa. May proyekto kasi sila kaya naman wala siyang choice pero kung wala ay hindi niya ito papansinin kahit boss niya pa 'to. Malakas ang loob niya na hindi siya nito basta basta tatanggalin dahil magaling siya sa trabaho niya. "Yes, SIR?" matabang na ani niya at pinagdiinan pa ang salitang 'sir'. "I received the revision, it will be review next week so good job." Napaupo siya ng tuwid at kumunot ang noo niya. "Ginagago mo ba ako? Sabi mo bukas na kailangan! Kaya mo nga ako pinapamadali 'di ba?" Sinabihan kasi siya nito na kailangan matapos ngayong gabi ang revision dahil bukas kaagad aasikasuhin kahit new year dahil malaking film ang project. Ang story niya ay magkakaroon ng adaptation at hollywood stars pa ang gaganap. "Hmm... I never thought that you would believe me—" "Jugeullae? Mi-chin nom... Yah!" (Do you want to die? Crazy bastard... Yah!) "Chill—" "Chill? Paano ako kakalma kung ini-stress mo ang buong pagkatao ko! Dapat nagsasaya ako ngayon dahil new year pero sinisira mo lang ang araw ko!" Kinuyom niya ang kamay niya nang marinig itong humalakhak. "Are you alone tonight? We can celebrate our new year together, if you want." Hindi na siya nagulat sa sinabi nito dahil sa ilang taon na boss niya ito ay alam niya na ang mga pakulo nito para ma-bwisit siya. She know how Shawn Thompson flirt. Masiyado itong matinik sa mga kababaihan at sa tingin niya ay lahat ng gumagapang dito ay pinapatulan nito. He's a biggest jackass for her. "Should we? Fine... I'll go to your pad," she smirked. "What?" seryosong saad nito na ikinangisi niya lalo. Sa tono ng boses nito ay alam niyang hindi nito inaasahan ang sagot niya. "I said, fine. Wala rin naman akong kasama ngayon sa bahay kaya naman pupuntahan na lang kita sa pad mo," ani niya pa. Gusto niyang tumawa ng malakas nang hindi ito umimik sa kabilang linya. Seryoso siya sa pupuntahan niya ito dahil wala siyang magawa. Gusto niyang sugurin ito sa pad nito at suntukin sa mukha, iyon ang balak niya. Alam niya ang pad nito sa pilipinas at sa South Korea dahil pag nagkakaroon ng meeting kasama ang secretary nito at assistant niya ay dumederetso sila sa pad nito minsan. "I'm not in my pad... I'm on my house." "Then send me the address. Dahil ginulo mo na rin naman ang gabi ko ay guguluhin na rin kita. Pag-usapan natin 'yong plano sa isang series." Siyempre, hindi siya magsasayang ng oras para puntahan lang ito at masapak, gusto niya ay may patutunguhan din ang punta niya. May isa pa kasi silang project pero hindi naman iyon rush. "Tss... Fine." Naitaas niya na lang ang kilay niya nang maputol ang tawag at tumunog ang cellphone niya dahil nag-send ito ng message. Himala, hindi ata talaga ito busy at mukhang walang babaeng tinatrabaho. Nagdala lang siya ng prutas dahil may hiya pa rin naman siya rito. Nagdala rin siya ng tissue para regalo sa binata dahil ngayon lang siya makakapunta sa bahay nito. Nakasanayan na kasi niya iyon sa Korea. Kalahating oras lang ay narating niya na ang village kung nasaan ang bahay nito. Walang traffic kaya naman mabilis lang siya. Halos wala na ngang mga sasakyan sa labas at puro fireworks na lang ang maririnig niya o kaya naman torotot. Ngayon lang naman siya mag-isa kaya okay lang sa kaniya. Madalas naman niya kasama ang mga pamilya niya pati na rin ang ninang niya na tumayong ina na sa kaniya. Maliit pa lang siya nang mawala ang ama niya. Natatandaan niya pa ang ina niya pero nang pumanaw ito ay masiyado siyang nasaktan at nangulila kaya parang may parte sa kaniya na hindi niya matandaan ang mga memorya na kasama ito. Elementary pa lang kasi siya no'n, sa pagkakaalam niya ay labis siyang na-trauma dahil iniwan siya ng ina. Her dad is korean and her mom is half korean and filipino. Ang ninang naman niya ay purong korean din pero tumira kasi ito halos dalawang dekada sa pilipinas kaya magaling ito magtagalog. Ang pamilya niya ay mahirap lang at tinutulungan lang sila noon ng ninang niya na bestfriend ng mama niya. Kaya laking tuwa niya nang makarating siya ngayon sa kung anong mayroon siya. Siya naman ang bumabawi sa ninang niya at sa pamilya nitong naging pamilya na rin niya. Pumasok siya sa garahe ng bahay dahil otomatikong nagbukas ang malaking gate. Hindi na siya magugulat kung gaano ka high tech ang bahay nito. She parked her car before she goes out. "You're too fast— f**k!" "Too fast, right?" tukoy niya sa pagsuntok niya sa pisngi nito. Nanlaki ang mata nito at napahawak sa kanang pisngi na sinuntok niya. "I know... Mabilis talaga ako," dagdag niya pa at pumasok sa loob ng bahay nito. Umupo siya sa upuan nito at nilapag sa tabi ang bitbit niyang tissue tiyaka prutas. Walang sabi-sabing nilabas niya ang Ipad sa bag niya at binuksan ang file na ipapakita niya rito. "Damn it..." "Himala, wala kang party?" she asked casually. "Excuse me? Where's the sir? You are talking to your boss, remember?" seryosong sambit nito. Gusto niyang matawa dahil nagtagumpay siyang mainis ito. Kung hindi siya nito bi-bwisitin ay madalas na mainit ang ulo nito sa kaniya kaya masaya siyang mas na-bwisit niya ito. Nakaganti rin... You deserve it jerk! "Hindi ko naman duty," pangangatwiran niya. "So? I'm still your boss and you're here to discuss about the project and it's about work." Tiningnan niya ito ng seryoso at kita niya ang pag-igting nito ng panga. "Oh... sir... boss naman kita, siguro naman nakakaintindi ka ng presentation," inabot niya ang Ipad niya rito nang makatayo siya. Kinuha niya ang dala niyang prutas at dumeretso sa kusina nito na nakita niya kaagad. Natanaw niya kasing may mga pagkain doon at dahil hindi pa siya kumakain ay makikikain siya. "What the f**k?" "Read well, Sir Shawn," she smiled. Hindi pe-pwedeng ma-bwisit lang siya sa gabing 'to, dapat ay mas mabaliw ito kaysa sa kaniya. Lumawak ang ngiti niya nang makitang masasarap ang nakahain sa lamesa. Iba't ibang putahe pero hindi naman malalaki ang serving pero para sa dalawang tao ay napakarami pa rin no'n. "Kain!" alok niya bago sumubo ng steak. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Shawn nang mapabaling siya rito. Parang nagkaroon naman ng fireworks sa bibig niya dahil masarap talaga ang pagkain. "You are crazy..." "Yeah." "You are very different woman—" "Siyempre naman... Huwag mo ako ihalintulad sa mga babae mo 'no." "Tss. Talagang sumasagot ka pa kahit nguya ka ng nguya diyaan." "Of course! Nagsasalita ka, nakakaawa ka naman sir kung hindi kita papansinin 'di ba?" Nilunok niya ang roast chicken na nginunguya bago magsalita at binalingan ito. Hindi na maipinta ang mukha nito at tinuon na lang ang tingin sa Ipad niya na hawak nito. Yes! I ruined his night! Natahimik na ito kaya hindi na rin niya pinansin at nag-focus sa kinakain. Ngayon lang siya nakaramdam ng gutom dahil kanina ay busy siya sa pagsusulat. Pag nagsusulat kasi siya ay nasa ibang mundo na ang isip niya kaya kung patuloy ang scene sa utak niya ay hindi titigil ang kamay niya kaka-type kahit pagod na siya. Uminom siya ng wine na naroroon, hindi na siya nagpaalam na bubuksan niya iyon. Sumulyap siya sa binata at kita niyang seryoso ito na nagbabasa. Tumayo siya pero hindi siya lumapit dito. "Nasaan ang cr mo?" tanong niya. "Go straight, turn left and go straight again." Napairap na lang siya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito. Sinunod niya ang sinabi nito at nakita niya ang bandang dulo na pintuan. Napakalaki kasi ng bahay nito at wala man lang ibang kasama kaya kung hindi siya magtatanong ay baka matagalan siya kakahanap kung nasaan ang banyo nito. Nakapagbanyo naman siya kaagad at nagawa ang gagawin niya. Nang makapaghugas na ng kamay ay lumabas na siya ng banyo. Habang naglalakad siya ay biglang dumilim ang paligid. "Shit... brownout?" Kinapkap niya ang pants niya at napagtanto na wala roon ang cellphone niya dahil nandoon sa may bag na nasa sofa. Kinapa niya ang daan at napahawak siya sa isang pinto. Hindi naman niya dapat pipihitin iyon pero mukhang nakaawang iyon dahil unting tulak niya lang ay bumukas. "Sir! Come here! Wala sa akin ang phone, hindi ko makita ang daan! Give me a flashlight!" sigaw niya rito. "Wait!" sigaw naman nito pabalik. Napabuga na lang siya ng hangin at hindi umalis sa kinatatayuan niya, hindi niya rin inalis ang pagkahawak sa doorknob ng pinto. Sisigaw ulit sana siya nang muling bumalik ang kuryente kaya natanaw niya na ang paligid. "Tss, okay na! Ang bagal mo!" Lumingon siya para isarado ang pinto pero natigilan siya dahil sa nakita niya sa loob ng kwarto. She gulped multiple times. Hindi niya alam na maglo-loading ang utak niya dahil sa natatanaw niya ngayon. "f**k! Why did you open that door?!" Napapitlag siya at napatingin kay Shawn na mukhang tumakbo papunta sa kaniya. Kunot noo itong nakatingin sa kaniya at mukhang galit pa ito. Hinatak siya nito at mabilis na sinarado ang pinto. "Damn it..." Napakurap siya at inalis ang tingin sa binata. Hindi niya alam kung bakit sobrang bilis ng t***k ng puso niya. What the hell is that? Is he really a s*x addict? "That's my—" pinutol niya kaagad ang sasabihin nito. "That's a lot of condom... talagang prepared ka huh?" she mocked. She tried not to stutter. Alam niya naman kasing playboy ito pero hindi lang siya makapaniwalang may isang kahon ito ng condom doon na mukhang kakarating lang. Sa sahig kasi kaagad lumandas ang tingin niya at ang box ay naka-open kaya naman kitang-kita niya iyon. Nakita niyang natigilan ito at kumunot ang noo. "Y-you didn't see clearly the room?— nevermind." Nailing na lang siya at naglakad na paalis doon. Hindi naman niya kasi nakita ang kabuuan ng kwarto dahil ang tingin niya ay natutok doon sa mga condom. Nag-init ang pisngi niya nang ma-imagine ang size nito. XL kasi ang size ng condom, kaya nga siya napatitig doon. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil hindi na mawala sa isip niya ang nai-imagine niya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD