Naihinto niya ang panonood niya ng thriller movie nang marinig na nagri-ring ang cellphone niya. It's from unknown number so she's hesitating if she should answer it or not but at the end she just answered it because it might be important.
"Hello?"
"Good Afternoon, is this Ms. Yeonjin Park from TOP Entertainment?" Nangunot ang noo niya nang marinig ang isang propesyonal na boses ng babae sa kabilang linya.
"Speaking..."
"Oh thank god! I actually emailed you two days ago? but you still didn't answer it. I'm Galina Volkov, I'm the secretary of director Yang from Hollywood Filming Corp."
Napatayo siya sa gulat nang marinig ang Hollywood Filming Corporation at ang pangalan ng director na namumuno doon.
"I-I'm sorry, I was busy these past few days. I didn't notice your email." Tumayo siya at kinuha ang laptop niya at binuksan iyon.
"Not a problem. I'm sorry to call you in your personal number, I just use my connections to get your digits so I can personally call you. If you have time right now, can you check my email? That's the reason why I'm reaching you."
Hinanap niya kaagad ang email nito at nakita naman niya kaagad ang work email nito. Halos lumuwa ang mata niya nang makitang invitation iyon at isang basic contract para sa kaniya.
"Oh my god! Is this for real?" she blurted out.
"Yes, Ms. Yeonjin. The director personally want you to make an erotic romance story that will be a movie or a series after you finished it. We already reviewed multiple times your novels, movies, series that you had write. Director Yang was so impressed and he can't wait to meet you personally and he also can't wait to read what you will write according to the genre we requested."
Napabagsak ang upo niya sa sofa habang hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Siguro nga para sa iba ay napaka-successful writer niya na pero para sa kaniya ay gusto niya pang makawala sa comfort zone niya sa pagsusulat.
Marami na ng story niya ang naging movies at series na successful dahil sa TOP Entertainment. Pero ang maimbitahan pa sa isang Hollywood Filming Corp, ay parang lumulutan na siya sa ulap.
She can write erotic romance novel but she's not that good. Ang kadalasan kasi talaga na sinusulat niya ay teen fiction, romance, thriller o kaya naman ay action na may romance pa rin.
She was so excited that she can't think straight right now. Natapos ang usapan nila ng secretary ni director Yang at nais siya nito imbitahan sa isang online conference bukas ng gabi para pag-meeting-an ang mga conditions nila.
Dumagsa ang mga plot na nasa isip niya pero gusto niyang pagplanuhan ng mabuti para maayos ang magiging outcome ng storya. Hindi niya na natapos ang pinapanood dahil wala na roon ang atensyon niya.
Sa sobrang saya niya ay naisipan niyang pumarty mamayang gabi kasama ang mga kilala niyang writers. Hindi naman niya kasi maaaya si Summer dahil may anak na at busy pa, si Agatha naman ay nasa Canada.
Malawak ang ngiti niya habag nagtitipa ng mensahe sa mga ibang kaibigan. This should be celebrate immediately dahil magiging busy na siya ng tuluyan. Pag nagsusulat kasi siya ng nobela niya ay hindi talaga siya maiistorbo. Ang isip at utak niya lang ay nasa mundo ng mga sinusulat niya.
Nag-ayos na siya kaagad dahil feel na feel niya ang araw na 'to. Hindi niya ma-explain kung gaano siya kasaya ngayon. Naligo na siya at kumain ng dinner bago nag-ayos. Nagsuot siya ng isang cropped tube at mini-skirt na dark brown ang kulay. Bumagay iyon sa napakaputi niyang balat.
Nagpaganda din siya lalo gamit ang makeup niya. Pinatunog niya ang labi nang matapos maglagay ng lipstick. She's in the mood on mirror selfies so she took a couple of pictures. Pinost niya kaagad iyon at ang mga fans s***h readers niya ay agad na nag-comment.
'What a beautiful Author...'
'Waiting na sa adaptation ng Hold Me Tight, Ms. Author!'
'Ang ganda at sexy! Kung cinareer mo siguro ang pagmo-model mo Author, siguradong mas sikat ka pa!'
Napahagikgik siya nang mabasa ang mga comments. She did modeling but she's not active. Sa bilang niya ay limang brands pa lang ang namo-model niya pagkatapos no'n ay hindi na siya tumatanggap dahil nga naging busy sa mga nobela niya na may mga adaptation na.
Sideline lang naman niya iyon dati pag walang magawa. Ginagawa niya rin iyon para maranasan ang buhay bilang isang modelo dahil may ginagawa siya noon na storya na ang bidang babae ay isang modelo at gusto niyang maisulat ng tama ang character.
Nang tumungtong na ng alas-otso ng gabi ay umalis na siya. Hindi naman siya na-traffic masiyado kaya kalahating oras lang ang binyahe niya.
Nang makapag-park sa labas ay agad na siyang pumasok sa loob ng HBC. Binati siya ng mga staff at mga bartender na nakakita sa kaniya.
Of course, bestfriend siya ng may-ari ng Hotties Bar Club, kaya kilalang kilala siya. Umakyat siya sa may taas dahil nagpa-reserve lang siya ng couch. Ayaw niya kasi sa VIP room para maka-join siya sa sayawan mamaya. She stopped walking when her eyes landed on Shawn who is now drinking with his bar friends.
Sa tapat ng couch nila ito naka-pwesto kaya naman kitang-kita niya.
Napabuga siya ng hangin at hindi ito pinansin, ayaw niyang masira ang kasiyahan niya sa araw na 'yon.
"Yeonjin! Oh my... you're so pretty!" Lita said. Nakipagbeso siya sa apat na kaibigan. Doon na siya napansin ni Shawn dahil nagtama na naman ang paningin nila. Hindi niya maiwasan mapatingin sa pwesto nito dahil kaharap lang nila at higit sa lahat ay tinitingnan niya ang mga babaeng kasama nito sa couch.
Kung revealing ang suot niya ay mas revealing pa ang suot ng tatlong babae.
"That's the CEO of TOP Entertainment, right? Bakit ayaw mo batiin ang boss mo," Bina laughed when they seated.
"Huwag na! Alam niyo naman ang relasyon namin public 'di ba? Aso't pusa!" ani niya.
"Sabagay... pero ang guwapo lang talaga ni Shawn Thompson! Bakit naman gano'n!" bulalas pa nito..
"Shh! Marinig ka niyan at baka ikaw ang landiin at masaktan ka pa!"
"Hmm... okay lang, single naman ako." Nanlaki ang mata niya kay Bina pero agad din nitong binawi ang sinabi at tumawa ng malakas. May mga drinks na sila sa table dahil nasabi na rin naman niya sa isang bartender kung ano ang mga drinks na order niya.
Nagsimula silang mag-inuman habang nagke-kwentuhan. Masaya naman siya pero agaw atensyon pa rin ang nasa harapan ng couch nila. Paanong hindi agaw atensyon kung ang isang babae ay nakakandong na paharap sa binata.
Nilagok niya alak ng deretso at naghiyawan naman ang mga kaibigan niya.
Kumukulo ang dugo niya dahil naiirita siya sa mga lalaking babaero at malandi kagaya ng boss niya. Isang oras lagpas pa lang sila nakaupo pero napatayo na siya.
"Let's go downstair, girls. We need to shake our booty!" ani niya dahil naramdaman niya na ang alak sa katawan. Hindi mataas ang tolerance niya sa alak kaya naman tinamaan na siya kaagad. Sunod-sunod din kasi ang pag-inom niya kaya gano'n.
She walk confidently while swaying her hips. Hindi niya nilingon ang pwesto ng binata kahit na dumaan pa sila sa harapan nito. Dumeretso sila sa baba at nakisayaw sa mga ibang sumasayaw sa dance floor.
Ang malakas na tugtog ng dj ay parang mas lumakas pa dahil doon na nakapokus ang sistema niya. Pina-shot siya ni Lita ng tatlong beses kaya mas lalong nawala ang hiya niya sa pagsasayaw. Minsanan lang naman siya magpakalunod sa alak kaya lulubos-lubusin niya na dahil pag na-busy siya ay tigil muna ang mga ganito.
"Body rock! I wanna feel your bodyrock~" pagsabay niya sa tugtog habang sumasayaw nang nakataas ang kamay. She's feeling hot and sexy right now.
"Hi, babe... Want to join me?" May yumapos sa kaniyang baiwang kaya napaharap siya sa lalaki. Naningkit ang mata niya na singkit na talaga nang mapagtanto niyang mukhang manyak ito.
The man was sliding his palm in her skin.
"No thanks." She pushed him a little. Bigla siyang nahilo dahil tumama na talaga ang alak sa kaniya pero alam pa rin naman niya ang nangyayari kahit papaano. She turned around and she only saw Bina and Lita flirting with another men. Wala na ang dalawa pa nilang kasama at hindi niya na alam kung nasaan.
They are drunk and they are getting wilder.
"Shit... I will get hangover tomorrow," she murmured. Aalis na sana siya nang hinawakan siya muli ng lalaking nagpapapansin sa kaniya.
"You're drunk... Let me take you to your pad—" Naputol ang pagsasalita nito nang napaatras ito dahil may humatak sa kaniya. Nauntog siya sa isang matigas na bagay kaya naman napapikit siya dahil mas lalo lang siyang nahilo.
"Shibal... It hurts!" gigil na bulalas niya.
"Back off before I'll punch your ugly face." Napatingala siya nang marinig ang boses nang nabangga niya. Ang unang nakita niya ay ang adam apples nito at ang perpektong panga ng isang lalaki bago niya napagtanto na si Shawn pala iyon na halos yakap-yakap niya na.
"Excuse me? Are you trying to hook up with her? Ako ang nauna kaya maghanap ka ng iba—"
"Hook up? What are you talking about? Are you trying to hook up what's mine?" mariin ang boses ng binata at nakakapangilabot. Napalingon siya sa lalaking salita ng salita, kita niya na napaatras ito ng bahagya.
"What are you looking at! Go f**k yourself! Get loss!" sigaw niya rito dahil nairita siya sa mukha nito. Tinulak niya ang binata at lalagpasan sana siya nang maramdaman niyang may bumalot sa kaniyang ibabang parte. When she looked down, she saw his jacket covering her legs.
Walang sabi-sabing binuhat siya nito na pang bagong kasal.
"What the hell! Ibaba mo ako!" Lumikot siya ng bahagya para ibaba siya nito pero hindi naging maganda ang resulta nito.
"Damn it! Stay still before I f**k you hard so you cannot walk for the mean time!" She frozed because of what he said. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig dahilan para magising siya at maproseso ang sinabi nito.
"W-what?" Bumaba ang tingin nito sa kaniya at nasalubong niya ang malamig na titig nito. Napagdikit niya ang labi dahil parang may humaplos sa sistema niya.
"Don't make me try to lose my temper and control Yeonjin... You will not like if my other side won," he whispered. His minty breath fanned to her face that brings shiver to her spine.