ANNAH: The Last Titanian
Chapter 10
"Yes. Welcome to the vampire's world...my lady" Raven said.
I froze.
Kung ganun...nasa mundo kami ng mga bampira?
Ang mundo na narinig ko lang dati kay Professor Santiago ay nandito na sa harapan ko?
Napatingin ako sa mga kamay ko.
P-pero...paanong...
Paanong...
"OH MY GOD! REALLY?! NASA MUNDO KAMI NG MGA BAMPIRA?!" ang tili na yun mula sa tabi namin ang nagpagising sa iniisip ko.
At nakita naming gising na pala si Bea.
Nakita kong mabilis nyang kinuha ang bag na katabi nya at naghalungkat doon.
Uh...anong ginagawa nya? Hindi ba sya nasa-shock sa grupo ng mga bampira na kasama namin ngayon?
Nakita kong inilabas nya mula doon ang cellphone nya at mabilis na tumayo at naghanap ng signal.
"OH MY GOD BEH!!! ITO NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO!" ang pagwawala nya habang nakataas parin ang cellphone nya.
Agad ko naman syang nilapitan.
"Wag kang mag-alala beh, makakaalis---"
Pero agad nya akong nilingon at parang naiiyak na nagsalita.
"WALANG WIFI!!!" ang iyak nya.
Samantalang napanganga naman ako sa kinatatayuan ko.
Like...
Seriously?
Nasa ibang mundo kami.
Kasama namin ang mga bampirang ito na kumidnap sa amin. At oo, BAMPIRA. Bampira na pwede kaming kainin any moment now.
At idagdag mo pa na muntik na syang patayin ng mga ito pero yun pa ang unang iisipin nya?
Na walang wifi?
"ATSAKA OMG!!" she gasped. "MAY DATE PA KAMI MAMAYA NI PAUL! WAIT! IBALIK NINYO AKO SA PILIPINAS! IBALIK NINYO AKO SA EARTH!! IBALIK NINYO AKO!"
Nakita kong hinawakan ni Andromeda ang espada nya at nagtitimping tumingin kay Bea.
"Can I kill her now?" she asked.
Agad naman syang tinignan ng warning look ni Raven.
"Yes master" she said saka binitiwan na ang espada nya.
Tama.
Kailangan na naming umuwi ni Bea.
Kailangan naming bumalik.
Ang mga taong katulad namin ay hindi nararapat mapunta sa mundong ito.
Kaya doon ko nilingon si Raven.
"Kailangan naming makaalis sa lugar na 'to at makabalik sa mundo namin..." ang sabi ko. "...alam ninyong walang lugar ang mga katulad naming tao sa mundo ninyo pero bakit ninyo kami dinala dito?"
Pero hindi makatingin sa akin si Raven. At ganun din ang anim na bampirang kasama nya ngayon.
Teka...bakit parang nag-iba ang atmosphere? Bakit parang hindi sila makasagot sa tanong ko na yun?
But then Raven sigh and his blue eyes looked at me.
"The thing is..." he said. "...you're not what you think you are...my lady"
Nabigla ako sa sinabi nyang iyon.
I'am not what I think I'am? Ano bang ibig sabihin nya doon?
But then Raven spoke.
"There is something you need to know---"
"Raven" Alex cut him off. "Kailangan na ba talaga nating sabihin sa kanya?"
Raven turned to him and spoke.
"There is no way we could hide it from her especially now that we found the first esylium" ang sabi ni Raven.
Ano ba ang pinagsasabi nila?
At esylium?
Agad na nanlaki ang mga mata ko.
Tama! Ang esylium na sinabi ni Professor na kailangan kong protektahan at...at si Raven ang...
Nagtaas ako ng mukha at nagsalita.
"Nasaan ang esylium?!" ang sigaw ko. "Ang sabi ni Professor ay kailangan kong protektahan yun!"
I heard Cornelius smirk and then spoke.
"It's gonna freak her out once she'd known where is that esylium right now" he said.
But Raven and Alex both glared at him dahilan para matahimik sya at mapayuko.
"I'll shut up" he said saka lumagok uli sa baso nya.
Samantalang nanatili lang akong nakatayo doon habang nasa tabi ko rin si Bea na katulad ko ay naguguluhan narin.
Freak me out?
Ano bang...pinagsasabi nya?
Nakita kong tumayo mula sa kinauupuan nya si Raven at napalunok pa ako nang humarap sya sa akin.
And then those blue eyes looked intently at me. Saka ko narinig ang malumanay na boses nya na yun.
"The esylium..." he started.
Napatitig naman ako sa kanya.
"What?" ang sambit ko at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa pwede kong marinig. "Where is it? Where is the esylium?"
His blue eyes looked at me directly in the eyes.
"It's in your head..." he said.
My brows met.
Anong ibig sabihin nya doon?
Nasa ulo ko ang esylium?
At paano naman mapupunta---
"Because esylium is not a thing...it's a memory..." he said that made my eyes widened with shock. "...esylium is your memory..."
******************************
"Esylium is your memory..." he said.
Napakurap ako.
At hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko.
W-wait...a-anong...anong sabi nya?
Ang esylium...ay ang memory ko? Pero paano naman...
Paanong...
But what he said next froze me from where I stood.
"And you're not a human. You're a vampire...like us" he continued.
Doon na ako mabilis na napatitig sa mukha nya.
At hindi ko alam kung natutulog parin ba ako ngayon at nananaginip ng isang nakakatawang panaginip.
Ano daw?
Isa akong bampira?
"T-teka..." ang nasambit ko habang nakayuko saka ko nasabunutan ang buhok ko.
"I know it's a little hard to believe..." si Raven habang nakatitig parin sa akin. "But it's the whole truth. You're not a human. You're a vampire. And esylium is your memory"
"T-teka lang..." ang hindi ko parin makapaniwalang sambit. "H-hindi talaga eh...h-hindi talaga..."
"Ano ang napanaginipan mo kanina?" ang tanong ni Alex.
Napatingin naman ako sa kanya.
Napanaginipan?
"At ano naman ang connect ng panaginip ko---"
"What did you saw in your dream?" he asked me again at this time ay nakatitig na sa akin ang emerald eyes nyang iyon.
Pero doon na naman bumalik ang galit ko sa kanya.
Oo. Hindi ko kakalimutan ang fact na sya ang pumatay sa lalaking mahal ko.
"To hell with you" I hissed.
"Please..." ang biglang sambit naman ni Raven. "You can tell us..."
At nakita kong nakatitig na silang lahat sa akin ngayon na para bang interesado silang lahat na marinig kung ano ang panaginip ko.
Kaya napayuko nalang ako at kahit na ang hirap paring paniwalaan ang lahat ng sinabi nila ay nagsalita ako.
"Red roses..." ang sambit ko.
Isang nagtatakang tingin ang ibinigay nila sa akin.
"Red roses?" ang takang ulit ni Raven.
"Oo" ang sambit ko saka tumitig sa kanya. "Nanaginip ako ng isang malawak na hardin ng mga pulang rosas. At sa gitna nun ay may nakatayong isang malaking mansion..."
"Cytherea..." ang sambit ni Zeke na noon ay nakatayo na pala sa tabi ko.
Ha?
Cytherea?
"It's the home of the Titanians..." si Andromeda. "...that mansion is called Cytherea where our old masters lived a long time ago..."
At hindi ko alam kung bakit may naaaninag akong lungkot sa mga mata nya habang sinasabi ang bagay na yun.
"Pero..." ang sambit ko. "Pero bakit ko naman mapapanaginipan ang Cytherea? Ano bang kinalaman nun sa akin?"
Nabigla pa ako nang sabay silang nagtaas ng mukha at lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon.
B-bakit...
B-bakit nakatingin silang lahat sa akin?
But then Raven looked at me and spoke.
"Because it's not a dream. It's your memory..." Raven said. "...and Cytherea is your home"
Agad na nanlaki ang mga mata ko.
T-teka...
Hindi ko na talaga maintindihan...
P-pero ang Cytherea ay tirahan ng mga Titanians...k-kaya paanong...
Paano ako...
But then my eyes widened from what I realized at agad akong napataas ng mukha at napatitig sa blue eyes na yun.
"K-kung g-ganun..." ang hindi ko makapaniwalang sambit.
His blue eyes looked intently to me.
"Yes. You're a Titanian..." he said that froze me.
Tuluyan na akong nanigas mula sa kinatatayuan ko.
T-teka lang...
Ang hirap talagang paniwalaan ang lahat ng ito eh.
Paano naman ako magiging isang bampira?
At paano ako magiging isang Titanian?
"And we are the knights that protected and guarded you through these years that's why you can trust us" ang dugtong pa ni Raven saka sya humakbang patungo sa akin. "My name is Raven. The heir of the the Tybalt clan and the leader of the Arcadian knights. I'am a fire argon and I'am pleased to serve you, my lady"
Saka sya biglang yumuko sa akin dahilan para mapaatras ako sa kinatatayuan ko.
"Ako si Zeke at isang water argon" ang sabi naman ni Zeke sa tabi ko saka sya yumuko. "I'am pleased to meet you my lady"
"T-teka lang---"
"At ako naman po si Jared!" ang nakangiting sulpot naman ni Jared sa harapan ko. "Isa akong water argon at mahilig akong magluto at---"
"Ako naman po si Rika" ang sulpot ng batang boses na yun sa harapan ko at naramdaman ko ang paghawak nya sa jeans ko. "Isa akong wind argon..."
Parang napikon naman si Jared sa pagputol ni Rika sa kanya kaya doon sya nagwala.
"Teka Rika! Hindi pa ako tapos magpakilala sa mistress kaya---!"
"My name is Andromeda" ang putol naman sa kanya ni Andromeda saka sya yumuko. "...I'am a wind argon and I'm so pleased to meet you my lady"
"Hoy Andromeda!" ang pikon naman na baling sa kanya ni Jared. "Hindi nyo ba alam na rude na putulin ang taong---I mean, bampirang nagsasalita ha?! Nasaan ang manners---"
"At ako naman si Cornelius and I'am an earth argon" ang biglang sulpot ni Cornelius sa harapan ko at nabigla pa ako nang hawakan nya ang kamay ko at hinalikan yun. "It's so nice to see our young lady again..."
Napalunok naman ako lalo na't isa-isa na silang nagpapakilala sa akin pero hindi ko parin mapaniwalaan ang mga sinabi nila sa akin.
Nabigla pa ako nang biglang may nabuhos na tubig sa buhok ni Cornelius at sa paglingon namin ay nakita namin ang nagbabagang tingin na yun ni Zeke sa kanya.
"Don't touch the mistress..." Zeke said while glaring at Cornelius.
Napa-smirk lang si Cornelius saka maarteng inilagay ang kamay sa noo.
"Hay ang hirap maging gwapo...ang daming naiinggit sa akin..." ang nakangiting sabi nya at nabigla pa ako nang lumingon sya sa akin at kinindatan ako. "...diba my lady?"
"ARRRRRGGGHHH...! WALA BANG NAKIKINIG SA AKIN HA?!" ang pagwawala parin ni Jared sa isang sulok. "HINDI PA AKO TAPOS MAGSALITA PERO---"
"Well I think, isa nalang ang hindi pa nagpapapakilala sa ating lahat..." ang putol na naman ni Cornelius sa sasabihin ni Jared saka nya nilapitan at inakbayan ang tahimik na nakaupo lang na si Alex. "...ba't hindi ka magpakilala sa mistress, Alexander?"
Pero nang makita ko sya ay doon na naman bumalik ang galit ko.
Samantalang nanatili lang syang nakaupo doon na para bang wala syang pakialam sa nangyayari.
"I don't have to...because afterall..." he said at hindi ko alam kung bakit natigilan ako nang bigla syang lumingon sa akin. "...she'll gonna remember me soon..."
I gritted my teeth and with so much rage, I spoke.
"Yes..." I said through gritted teeth. "...I'll always remember that you're nothing but a filthy murderer!"
But he just stared at me saka sya lumingon sa ibang direksyon bago nagsalita.
"If that's what you want" ang sambit nya lang.
Pero galit na galit ako na para bang umiinit na ang sulok ng mga mata ko.
Galit na galit ako at nasasaktan nang dahil sa ginawa nyang pagpatay sa ka-isa-isang lalaking minahal ko.
Nasa ganuon kaming posisyon nang bigla nalang syang tumayo mula sa kinauupuan nya.
At hindi na ako nakagalaw nang mabilis syang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Bitiwan mo ako!" ang galit na sigaw ko at magwawala na sana ako pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bala ng pana na yun na nakasaksak sa braso nya.
A-anong...
But before I could speak ay biglang sumulpot ang mga nakapulang mga taong yun sa itaas ng mga sanga ng mga puno na nasa tabi namin.
And before I could think, ay biglang sumigaw ang nakayakap parin sa akin na si Alex.
"The Aarvaks!!!"
To be continued...