ANNAH: The Last Titanian
Chapter 11
"The Aarvaks!!!" Alex screamed.
And before anyone of us could move ay bigla kaming pinaulanan ng arrows ng mga nakapulang mga taong yun.
Agad naman akong itinago ni Alex sa likuran nya bago sya nagsalita.
"I'll protect you. I promise" he said na dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.
And from there, I saw those red horizontal marks on the right side of his face na isa-isang lumabas bago nya itinaas ang dalawang kamay nya at lumabas mula doon ang apoy.
Bakit...may lumalabas na marka sa mukha nya?
But before I could speak ay inihagis nya ang mga apoy na nasa kamay nya sa mga arrows na papunta sa amin.
Mabilis naman akong napalingon kay Bea na noon ay halos hindi na makapagsalita sa takot na nasa likuran ko.
"Bea!" I called her saka ko sya niyakap ng mahigpit.
Napayuko nalang kaming dalawa nang maramdaman namin ang pagkakahulog ng mga nasunog na mga arrow na yun sa mga ulo namin.
And then the raining of arrows stopped.
Kaya dahan-dahan akong napataas ng mukha mula sa pagkakayakap kay Bea pero...
Pero...agad na nanlaki ang mga mata ko sa sumunod kong nakita.
Because right now...
The nine of us is surrounded by those army of growling vampires. Nakita kong sila din ang mga nakapulang mga bampirang kanina ay nagpaulan sa amin ng mga arrows. I can see their sharp pointed fangs that's been snarling to us and those sharp nails that is now ready to attack us.
Napalingon din ako sa pitong bampirang kasama ko at nabigla ako sa nakita ko.
Red eyes.
Oo, ngayon ko lang nakita ang pulang mga mata nilang lahat na ngayon ay nakatitig lang sa kalaban habang pinapalibutan nila kaming dalawa ni Bea. They crouched and I can hear their loud growl.
I heard Alex snarled before talking.
"Aletheans..." Alex said while growling. "I can see it from the sign on their arrows. They are Alethean Aarvaks who was sent by Lucian..."
Aletheans?
Pero bakit...
Bakit nila kami gustong patayin?
At ano bang Aarvaks ang pinagsasabi ni Alex?
And who is Lucian?
"We are here to take the Titanian..." ang sabi ng isang nakapulang lalaki habang naka-crouch din and I could hear his growl from way up here.
T-teka...gusto nila akong...g-gusto nila akong kunin?
I heard Raven growl and I can see his sharp pointed fangs that's snarling to the red man.
"I 'am afraid we couldn't give what you want..." Raven snarled.
The red man growled at him.
"Then suffer Master Lucian's punishment..." ang sabi ng nakapulang lalaki at doon biglang nanlisik ang pulang mga mata nya. "...and that is DEATH!
And then in a blink of an eye, they attacked us.
"PROTECT THE MISTRESS!" ang sigaw ni Raven.
"YES MASTER!" ang sigaw ng mga kasamahan nya maliban kay Alex na agad ng nagpalabas ng apoy sa dalawang kamay nya.
Nakita kong hindi parin natatanggal ang pulang marka na nasa kanang pisngi nya.
"B-beh...! I'm scared!" ang umiiyak na yakap sa akin ni Bea.
"Ssshh..." ang alo ko naman sa kanya saka ko sya niyakap ng mahigpit kahit na parang maiiyak narin ako sa takot.
Oo. Takot na takot ako.
Hindi ito ang unang beses na makakita ako na laban ng mga bampira pero hindi ko parin maiwasang matakot.
And then the war started.
Six Argon vampires versus an army of the very fast and the very strong Aletheans.
I saw Jared, Cornelius, Rika, Zeke, and Andromeda fought with their powers in the middle of those army of Aletheans.
Samantalang naiwan sa tabi ko sina Alex at Raven na nanatiling nakapalibot sa aming dalawa ng umiiyak na si Bea.
Pero kung akala ko ay magiging madali ang laban dahil may kapangyarihan ang mga Argons na mga kasama ko ay hindi pala magiging madali yun, lalo na't nakikita ko na kung pagbabasehan ang bilis at lakas ay hindi hamak na mas lamang ang mga Aletheans.
They are so fast and strong at idagdag mo pa ang kakaibang strategy nila sa laban kaya nahihirapan ang pitong Argon na kasama ko sa pagtira sa kanila ng mga kapangyarihan nila.
"They are so fast!" ang sigaw ni Rika habang naglalabas ng hangin sa kamay nya.
"Nakakapikon na kayong lahat ha" I heard Cornelius said kaya napalingon ako sa direksyon nya.
At nakita ko nalang ang pagsuntok nya sa lupa dahilan para mahati ang lupang yun at mahulog doon ang mga Aletheans na nasa harapan nya.
Samantalang nanatiling nakatayo parin sa tabi ko sina Raven at Alex na naglalabas din ng kapangyarihan sa mga kamay nila at itinitira yun sa mga naglalapitang Aletheans.
Nakikita kong nagiging pula na ang kulay puting lupa ng snow ng dahil sa dumadanak na dugo na nanggaling sa mga bampira.
Pero...biglang tumigil sa pag-atake si Raven at napatingin sa kalangitan.
And then...I saw him smirk.
"He's here" he said.
Huh?
He's here? Sino?
Agad naman akong napataas ng tingin at nakita ko ang itim na uwak na yun na lumilipad sa langit.
Eh?
Itim na uwak?
But then...
I was so shock when suddenly, I felt the ground shake at bigla nalang lumindol ng napakalakas. Sa sobrang lakas nun ay mas napayakap ako kay Bea na biglang natigil sa pag-iyak.
"Oh what now?! LINDOL?! Ayoko na! Mommmyyy...!!! Gusto ko ng umuwi!!! Mommmyy...!!!" she wailed.
And then mula sa kakahuyan ay narinig ko ang malakas na ingay na yun.
Sabay naman kaming napalingon sa pinanggagalingan ng ingay at agad na nanlaki ang mga mata ko sa sumunod kong nakita.
Dahil mula doon ay tumatakbo ng mabilis ang isang napakalaking lalaki. Sa sobrang laki nya ay itinutumba nya lang ang mga punong nakaharang sa kanya habang tumatakbo papunta sa direksyon namin. He's wearing the same black armor as Raven's. He has this long black hair and emotionless red eyes.
"Oh c'mon!" I heard Bea yelled. "Kanina bampira and now, KAPRE?! YOU'VE GOT TO BE KIDDING ME!!"
At nang makarating sya sa laban ay nabigla ako nang isa-isa nyang pulutin ang mga Aletheans na nakakasalubong nya. And my eyes widened when I saw of how he easily ripped them off apart.
Oo. Sa sobrang laki nya ay nagmimistulang maliit na laruan lang ang mga kalaban nya.
Then I heard Raven smirk.
"That's my boy" he said.
Agad na nanlaki ang mga mata ko.
Kung ganun...
Kung ganun...kasama namin ang malaking lalaking yun?!
At ilang minuto rin ang nakalipas ay wala ng natirang buhay at buo sa mga Aletheans na nakasagupa namin dahil lahat sila ay hinati na sa dalawa ng malaking lalaking yun.
Sa sobrang brutal ng pagpatay nya ay parang gusto kong masuka habang nakatingin sa nagkapira-pirasong mga bangkay ng mga bampirang pinangpatay nya.
Ganun ba...
Ganun ba talaga sya kalakas?
Nang mapatay na nya ang kahuli-huliang Alethean ay inihagis nya lang ang nagkapira-pirasong katawan ng bampirang iyon sa naging kulay pula ng lupa ng snow.
Saka sya humarap sa amin.
"BOGS!!!"
At nabigla pa ako nang masaya syang nilapitan nina Jared at Rika at niyakap sya sa bewang.
Oo. Sa sobrang laki nya ay hanggang bewang nya lang ang dalawa.
Doon ko naman nakita ang ngiti sa labi nya saka nya binuhat ang dalawa at niyakap ng mahigpit. And in that deep and large voice, he spoke.
"Bogs..." he said.
Eh?
Bogs?
Bakit bogs ang sinabi nya?
Nakangiti naman syang nilapitan ni Raven.
"Maraming salamat sa pagdating, Bogs" ang nakangiting sabi sa kanya ni Raven.
Nilingon naman nya si Raven habang yakap parin ang dalawang kasama at yumuko.
"Bogs..." he said again.
Doon ko naman narinig si Cornelius.
"Hays...ilang taon din tayong hindi nagkita Bogs pero hanggang ngayon ay Bogs parin ang tanging alam mong word na banggitin?" ang natatawang sabi ni Cornelius.
"Bogs..." ang sagot lang ni...uh...Bogs.
Grabe. Bogs lang ba talaga ang kaya nyang banggitin na word? -____-
Pero napalunok pa ako nang bigla syang lumingon sa akin. At hindi ko alam pero sa totoo lang...mas natatakot ako sa kanya kesa sa pitong unang bampirang nakilala ko...
At mas natakot ako nang bigla nyang binitiwan sina Jared at Rika saka sya naglakad papunta sa direksyon ko. Sabay pa kaming napaatras ni Bea mula sa kinatatayuan namin.
"Oh my God beh! Lalapitan tayo ng kapre!" ang naiiyak na sigaw ni Bea.
And then...he finally stood in front of us habang nakatitig sa akin ang pulang mga mata nyang iyon.
Nakakatakot sya, promise. Ang laki-laki nya at idagdag pa ang nakita kong paraan ng pagpatay nya.
Pero...
Nabigla ako nang bigla syang lumuhod at yumuko sa akin. And in that deep voice, I heard his voice again.
"Bogs..." he said habang nakayuko.
Napakurap naman ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Then I heard Raven's voice.
"Don't worry my lady, he's with us" ang nakangiting sabi ni Raven. "He is an Earth Argon"
For a moment ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko lalo na't nanatili syang nakayuko. Nakita kong dumapo sa balikat nya ang itim na uwak na kanina ay nakita kong lumilipad sa kalangitan.
"Ah eh..." ang sambit ko. "Sige na...tumayo ka na"
"Bogs..." ang sabi nya lang saka sya tumayo.
At napaatras pa ako nang bigla syang naglakad at nilampasan ako.
Nasundan naman namin sya ng tingin at nakita kong pumasok sya sa may kakahuyan at may hinila syang lubid.
At nabigla ako nang makita ko ang siyam na kabayong yun na ngayon ay hila-hila nya.
Teka...may kabayo din pala dito?
"Very good Bogs" ang nakangiting sabi ni Raven saka sya lumingon sa amin. "By now, kailangan na nating umalis sa lugar na 'to dahil alam kong magpapadala uli si Lucian ng mga bagong tauhan"
Doon naman ako biglang napatayo mula sa pagkakayakap kay Bea at nagsalita.
"No" ang sagot ko. "Kailangan na naming umuwi ni Bea. Sigurado akong nag-aalala na ang mga magulang namin---"
"My lady..." he cut me off and then his blue eyes looked intently to me. "I'm sorry but there is no way you can go home right now..."
to be continued...