ANNAH: The Last Titanian
Chapter 9
Pulang rosas.
Yun ang una kong nakita nang buksan ko ang mga mata ko.
Napalibot ko ang paningin ko at nakita kong mag-isa lang akong nakatayo sa lugar na yun.
T-teka...nasaan ako?
Inilibot ko uli ang paningin ko at doon ko lang napagtanto kung nasaan ako.
Isa ba itong...hardin ng mga rosas?
Oo. Nakatayo ako sa isang mahaba at malawak na field ng mga pulang rosas.
Nakikita kong inililipad ng hangin ang mga pulang petals nito sa paligid dahilan para mapatulala ako sa ganda ng mga yun.
Hinabol ng mga mata ko ang lugar kung saan pumupunta ang mga pulang petals. At nabigla ako nang makita ang malaking mansion na nasa likuran ko.
Napakarangya ng malaking mansion na yun at napapalibutan ito ng mga pulang rosas.
At mula doon ay narinig ko ang magandang boses ng isang babae.
"Annah!" ang masayang tawag nya sa akin.
Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses and what I saw is that beautiful woman who has wavy black hair at nakasuot din sya ng isang eleganteng puting dress.
Nakangiti sya sa akin.
"Annah...halika na, nakahanda na ang pagkain" ang nakangiting sabi pa nya.
Napatulala ako sa magandang mukha nya.
Sino ka?
At bakit mo ako...tinatawag ng Annah?
*****************
Ang lamig.
Sobrang lamig.
Yun ang una kong naramdaman saka ko unti-unting binuksan ang mga mata ko. At ang unang sumalubong sa paningin ko ay ang madilim na kalangitan na yun.
Naramdaman kong may biglang naglagay sa akin ng makapal na coat.
Agad naman akong napalingon at nakita ko ang maamo at gwapong mukhang iyon ni Zeke.
He smiled at me.
Saka nya itinaas ang mga kulay pink na mga bulaklak na hawak nya. Sa pagkakaalam ko ay jasmine ang pangalan ng bulaklak na yun.
"Pumitas ako ng mga bulaklak para sayo..." ang sambit nya sa maamong boses na yun.
Pero mabilis akong napaupo mula sa pagkakahiga at nagpalinga-linga sa paligid.
Nakikita kong nasa tabi kami ng isang kakahuyan. At sa paligid ko ay ang puting kapaligiran na yun ng dahil sa makapal na snow.
S-snow...?
T-teka...nasaan ako?
At paano ako napunta sa lugar na 'to?
T-teka...nananaginip na naman ba ako ha?
Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang matandaan ko kung ano ang nangyari.
"Bea!" ang biglang naisigaw ko nang maalala kong kasama ko pala syang kinidnap ng mga bampirang ito.
Pero...
"Hmm...beh wag kang maingay..." ang sulpot ng boses nya sa tabi ko.
Agad naman akong napalingon at nakita kong mahimbing parin ang tulog nya habang nakahiga parin tabi ko.
"Mamaya pang alas-otso ang klase natin...kaya matulog ka nalang uli..." ang inaantok pa na sabi nya habang nakapikit parin at inagaw nya pa sa akin ang coat na inilagay sa akin ni Zeke. "Pahiram ng kumot beh...sobrang lamig eh. Umulan na naman ba?"
Kung wala lang siguro kami sa ganitong sitwasyon ay baka nasapak ko na sya. Talaga bang balak nya lang matulog habang nasa puder kami ng mga bampirang ito?
"WAAAAAAAAHHH!!! SINO ANG NAGNAKAW NG JASMINE FLOWERS DITO HA?! GAGAWIN KO PA YUNG JASMINE TEA PARA SA MISTRESS!" ang biglang sigaw na yun ang nakaagaw ng atensyon ko.
Agad akong napalingon at nakita ko na di kalayuan sa amin ay nakaupo habang magkakaharap ang mga bampirang iyon.
Sa nakikita ko ay may iniinom sila habang nasa gitna sila ng bonfire na nasa harapan nila.
Ang nakatayo lang sa kanila ay si Jared na parang maiiyak na habang hinahanap ang mga bulaklak na sinasabi nya.
Pero...
Nang makita ko uli ang mga mukha nila ay doon na biglang lumukob ang galit at pagkamuhi sa akin. Lalo na nang makilala ko ang lalaking nakaupo doon habang nakatalikod sa amin.
Si Alexander ...
Oo. Sya ang pumatay kay Dylan!
With rage and anger ay agad kong nilingon si Zeke na ngayon ay nakatitig parin sa akin saka ko inagaw ang dagger na nakasabit sa itim na armor nya.
And while holding it firmly ay mabilis kong inatake ang nakatalikod na lalaking yun.
"HAYUP KA! PAPATAYIN KITA!!!" ang galit na galit na sigaw ko and was about to stab him but then...
"A human like you couldn't kill a fire argon like me..." ang walang emosyong sambit nya habang nakahawak sa wrist ko ang kamay nyang iyon. "...my lady"
Yes. He is the man who killed my boyfriend!
"Alex" Raven called him. "Don't be too rude to her"
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa akin ay doon ko na nabitawan ang dagger at nahulog yun sa puting lupa ng snow.
Habang nanatili lang na nakaupo at hindi natitinag mula sa kinauupuan nila ang mga bampirang iyon.
Pero sa nanggagalaiting boses ay nagsalita ako.
"Bakit mo pinatay si Dylan? BAKIT MO GINAWA YUN HA?!" ang galit na sigaw ko.
Bigla namang tumawa si Cornelius na nakaupo lang malapit sa amin.
"Believe me" ang nakangising sabi nya. "Alex has been dying to do that since the day that human boy kissed you"
At after nya ring sabihin yun ay doon biglang nagliyab ang balikat ng itim na armor nya dahilan para mapasigaw sya.
"Urrrrgh! Jared! Bigyan mo ako ng tubig!" ang sigaw nya.
Jared just rolled his eyes saka naupo sa tabi ni Rika na tahimik lang na umiinom sa baso nya.
"An earth argon like you shouldn't pissed a fire argon like that" ang sabi nya saka naglabas ng tubig sa kamay nya at itinapon yun sa nagliliyab na armor ni Cornelius.
Agad namang naapula ang apoy.
Pero teka...
Anong ibig sabihin ng sinabi ni Cornelius?
Wala na talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari.
"The next time you'll say something like that, I'll burn your face" ang banta ni Alex sa kanya.
Agad namang nag-peace sign sa kanya si Cornelius.
"Ikaw naman Alex, masyado kang hot. Fire argon na fire argon tayo dyan ah" ang nakangising sabi ni Cornelius.
But Alex just glared at him.
"I'll shut up" ang mabilis na sabi ni Cornelius saka nilagok ang laman ng baso nya.
Nakita ko pa ang pulang dugo na kumalat sa gilid ng labi nya.
Agad na nanlaki ang mga mata ko.
Blood.
They are drinking blood.
"My lady..." Raven called me.
Nilingon ko sya.
He lowered his eyes then spoke.
"I'm sorry for your lost..." he whispered.
"Sorry?" ang hindi ko makapaniwalang sambit. "Pinatay ninyo ang boyfriend ko tapos ang sasabihin mo lang ay sorry?! At bakit nyo ba ako tinatawag ng 'my lady' ha?! Ano ba talaga ang kailangan nyo sa amin?!"
"Amin?" ang sambit ni Andromeda na nakaupo sa tabi ni Cornelius. "Ikaw lang ang kailangan namin. By the way, I think we should really kill that human girl that we took along with her"
Agad ko syang nilingon.
"You have to kill me first" I said through gritted teeth.
"Andromeda" Raven called her in that warning tone. "No one is getting killed"
Nagbaba naman ng tingin si Andromeda.
"Yes master" she said.
Then Raven's blue eyes turned to me and smiled.
At nabigla pa ako nang ilahad nya ang kamay nya sa akin.
"Come here my lady" ang sambit nya.
Natigilan ako.
Bakit nya ako...pinapapunta sa kanya?
Sa totoo lang ay natatakot parin ako sa kanila. Ang makaharap lang ng isang bampira ay nakakatakot na. Paano pa kaya kung pito na gumagamit pa ng kapangyarihan ang makaharap mo? Mas nakakatakot yun.
Tama. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano kami makakatakas ni Bea mula sa kanila.
Doon ko naramdaman ang mas lalong paghigpit ng hawak ni Alex sa wrist ko. Oo. Ngayon ko lang naalala na hawak-hawak parin pala nya ang wrist ko. At hindi ko alam kung bakit nya tinititigan ng masama si Raven.
"Don't worry, you can trust me..." Raven said habang nakataas parin ang kamay nya at nakatitig parin sa akin. "And Alex, you can trust me too"
Napatingin naman ako kay Alex na ngayon ay nakatitig parin ng masama kay Raven. And then he let go of my wrist saka sya naupo ng maayos sa kinauupuan nya.
What is his problem?
Bakit ganun sya makatingin kay Raven?
Pero kung ikukumpara mo sa kanilang dalawa ay sa tingin ko ay mas magtitiwala ako kay Raven. Kaya lumingon ako kay Raven at naglakad papunta sa kinauupuan nya.
He smiled at me at pinalo ang malaking branch na katabi nya.
"Here, sit here" he said.
Naupo naman ako dahil sa totoo lang ay natatakot parin ako.
Hindi ko sila kilala.
Idagdag pa na sila ang pumatay sa boyfriend ko at kahit ano mang oras ay pwede rin nilang gawin sa akin ang ginawa nila kay Dylan.
Napatingin ako sa paligid pero kakahuyan ang nanduon at idagdag pa ang malawak na lupa na natatabunan na ng snow sa paligid namin. Kung tatakbo man kami ngayon ni Bea ay siguradong wala kaming mapupuntahan.
Pero teka...bakit parang...
Parang ngayon ko lang nakita ang lugar na to?
At hindi ko naman naalalang may ganitong lugar sa syudad.
"Alam kong hindi maganda ang unang pagkikita natin pero this is the only thing I can promise you..." Raven said kaya napalingon ako sa kanya. "...in this place, kami lang ang pwede mong pagkatiwalaan"
Napalingon ako sa ibang kasamahan nya na ngayon ay nakaupo lang sa tabi namin.
They are all looking at me habang patuloy sila sa pag-inom ng nasa baso nila.
Si Alex naman ay nakayuko lang sa harapan ko habang nakasara ang mga mata nya na para bang nakikinig lang sa pag-uusap namin.
Napalunok ako bago nagsalita.
"Who are you?" ang naitanong ko saka ko nilingon si Raven. "Sino ba talaga kayo at anong kailangan ninyo sa akin?"
Oo. Ilang ulit ko ng itinanong ang tanong na ito pero hanggang ngayon ay hindi parin nila ito nasasagot.
Raven's blue eyes looked intently at me and spoke.
"We are the Arcadian Knights" he said.
"Arcadian Knights?" ang sambit ko.
His beautiful blue eyes looked at my face.
"We are the Argon Knights that protected and guards the Titanians for years" he said.
Mas lalo akong naguluhan.
Oo. Nalaman ko kay Professor ang iba't-ibang klase ng mga bampira. Ang Argon, na pinakamalakas na type, ang Aletheans na nanggaling sa unang ancestor ng mga bampira, ang mga Corrigans na half-human, half-vampire, at ang Titanians na direct descendant ng original ancestor. Pero wala akong narinig na Arcadian Knights at wala rin akong narinig na Argons na pomo-protekta sa Titanians.
"Titanians are the family of vampires that ruled the vampire's world ever since this world has been created" ang explain ni Raven dahil nahalata siguro nya na naguguluhan ako. "And because they are the one who ruled this world, the other three types of vampires served them and that includes our type, Argons."
Napakurap ako.
"W-wait---what? This world? Pero diba..." I cut in mid-sentenced nang may ma-realize ako.
Saka ako mabilis na napatayo at napalingon sa paligid.
Walang mahaba at madilim na forest sa syudad.
Mas lalong wala ding desyerto ng puting lupa ang lugar namin.
At mas lalong hindi umuulan ng snow maliban nalang nung mga nakalipas na araw.
Natigilan ako sa na-realize ko.
Wag ninyong sabihin na...
"Yes. Welcome to the vampire's world..." ang sabi ni Raven na nag-kompirma sa naisip ko. "...my lady"
...nandito ako sa mundo ng mga bampira?!
Meanwhile...
Tahimik lang na nakaupo sa malaking upuan na yun ang lalaking nakasuot ng itim na armor habang nakatakip sa kalahating mukha nya ang gawa sa metal na mask na yun. Hindi rin makita ang mukha nya at yun ay dahil sa malaking itim na hood na nagtatakip naman sa pulang mga mata nya.
And in front of him, marched those three vampires.
Saka sila sabay na lumuhod sa harapan nya.
"Master Lucian, they are here..." ang sabi ng isang knight sa harapan nya. "...and the girl is with them"
Ipinatong nya ang ulo nya sa kamay nya bago nagsalita.
"Interesting..." he said then an evil grin drew up on his face. "...then how about we'll give them a welcome home surprise?"
to be continued...