Chapter 7

2011 Words
NAKAHINTO ang kotse nina Cold at Storm sa may tulay ng Dagupan at nakatingin silang dalawa ni Storm sa umaagos na tubig sa Pantal Bridge. Malamig ang simoy ng hangin at maliwanag ang paligid dahil sa mga led lights na nakapalibot sa tulay. Maraming mga nakahintong kotse sa gilid ng tulay. "Kumusta ka na ba, bro? Matagal na rin mula noong huling magkasama tayong dalawa. Mabuti at pumayag ka na sumama sa amin nina Hatt kanina patungo dito para sa opening ng club ni Luke. Sorry, sa nangyari kahapon, bro. Hindi namin ginusto na iparamdam sa iyo na mag-isa ka. Binigyan ka namin ng space dahil alam namin na... dumaan ka sa matinding heartbreak," seryosong ani Storm habang nakatingin sa tubig. Bumuga ng malalim si Cold at saka tumingala sa mga bituwin sa langit. "I'm okay now. Nakalimutan ko na si Rita, ang babaeng inikutan ng mundo ko sa loob ng maraming panahon. Sobra na akong nasaktan at ayoko nang masaktan pang uli dahil sa kaniya. Pasensiya na rin sa inasal ko kahapon, sobra lang akong stress sa pagpapatakbo ng farm natin sa hacienda." "Nakalimutan mo ba ba talaga siya?" pang-uulit na tanong ni Storm na tila hindi naniniwala sa kaniyang sinabi. "Pinipilit ko, bro. At alam kong hindi madali iyon dahil kasal ako sa kaniya. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay mawalan ng bisa ang kasal naming dalawa ni Rita nang sa gayon ay tuluyan na naming mapalaya ang isa't isa." "Nakikita ko nga dahil suot mo pa rin ang wedding ring ninyong dalawa. Sinubukan mo bang hanapin si Rita, bro? Kung gusto mo ipahanap ko siya sa mga tauhan ko? May mga kakilala akong detective, mahahanap natin si Rita." "Hindi ko na hahanapin ang taong nang-iwan sa akin, bro. Huwag mo na lang pakialaman ang problema ko, bro. Hindi ko hahanapin ang taong nang-iwan sa akin. Matuto siyang bumalik dahil umalis siya ng kusa." "Paano ang tungkol sa inyo ni Kyline?" Kumunot ang noo ni Cold sa sinabi ng kaniyang kaibigan. "What about her? Wala kaming relasyon ni Kyline at malinaw iyon sa kaniya. Kilala mo ako, bro. Hindi ako nakikipagrelasyon ng seryoso maliban kay Rita." "Pero hindi iyon malinaw kay Kyline, bro. Kitang-kita ko na mahal na mahal ka niya. She is better than Rita. Matagal din kayong magkaibigan ni Kyline. Bakit hindi mo bigyan ng chance ang babaeng patay na patay sa iyo, bro?" Ngumisi si Cold at siniko si Storm sa kaniyang tabi. "Pinapayuhan mo ba ang sarili mo dahil nagkakagusto ka na kay Jeni?" tukoy ni Cold sa kaibigan ni Rita. Tumawa ito ng malakas. "Alam mo ang ugali ko, bro. Wala sa vocabulary ko ang salitang "Love" hindi ako katulad ninyo na sobrang baliw sa mga babae. Kaibigan ni Rita si Jeni at matutulungan tayo ni Jeni na matunton si Rita." "That is karma, bro. Huwag mo nang idamay si Jeni dahil kami lang ng kaibigan niya ang may problema. Ayoko nang maabala pa si Jeni para lamang alamin si Rita. Iniwan niya ako kaya kusa rin siyang babalik." Humalakhak si Storm at iniba ang kanilang usapan. Sobrang busy ni Storm sa pagpapayaman nito at walang oras sa mga babaeng humahabol dito. Magiging biktima lang si Jeni ng kaniyang kaibigan. "Isasama mo ba si Kristal sa Nueva Ecija, bro?" usisa sa kaniya ni Storm. Malapit si Storm sa bunso niyang kapatid na si Kristal. Lahat ng sinasabi ng kapatid niya ay binibili ni Storm. Mula pa noong maliit si Kristal ay si Storm na ang palagi nitong kasama. "Hindi niya gustong sumama sa akin at mas pinili ka niya. Alagaan mo si Kristal, bro. Alam mo naman na kahit na magpinsan tayong dalawa hindi tayo naging close ng sobra maliban sa inyo ng kapatid ko." "Ako na ang bahala kay Kristal, bro. Kapag may kailangan ka magsabi ka lang. At huwag mo namang patagalin ng dalawang taon ang pag-stay mo sa farm ng Lolo mo. Kung ginagawa mo iyang para mag-soul searching pagbibigyan kita kung ganoon." Inakbayan ni Cold ang kaniyang kaibigan. "Hindi ko iyan maipapangako, Storm. Halika na... kailangan na nating bumalik ng Victoria." "Hindi ako uuwi ng Victoria ngayon, bro. May meeting kami ni Candice sa bahay ko." Kinindatan siya nito at ngumiti ng nakakaloko. "Candice." Pinaikot ni Cold ang susi ng kotse niya. "Mahilig ka sa letter C, bro. Noong nakaraan lang si Carol ah?" "Masiyado kasi tayong guwapo." Binuksan ni Storm ang pinto ng kotse nito at saka pinaandar ang makina. Bumusina ito bago naunang magpatakbo ng kotse. Bumuga siya nang malalim bago pumasok sa kotse niya at paandarin iyon patungong Tarlac pauwi ng Victoria. Isang oras at halati ang haba ng biyahe niya sa susunod na linggo ay aalis na siya ng Victoria para magtungo sa Nueva Ecija. Aasikasuhin niya roon ang naiwang lupa ng kaniyang Lolo Berto at ang corn farm nito. Nakalagay ang pangalan nilang magkapatid sa last will testament ng kaniyang Lolo Berto at ang kalahati ng farm nito ay mapupunta sa kanila ni Kristal. Naisip ni Cold na ipagpatuloy na lamang ang pagtatanim ng mais sa lupa na para sa kanila ni Kristal. Ngunit ibibigay iyon ni Cold sa kaniyang kapatid dahil may nabili na siyang lupa sa Victoria at malapit lamang iyon sa bahay ni Rita. Pinagpatayuan niya iyon ng sarili niyang bahay maliban sa bahay nilang magkakaibigan sa hacienda. Taliwas sa sinabi niya kanina kay Storm ang nasa puso niya. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na babalik si Rita sa bahay nito at sa buhay niya. Kaya hindi niya magawang laliman ang relasyon nila ni Kyline dahil kay Rita. Tumingin si Cold sa kaniyang singsing na nasa daliri niya. Habang suot niya ang singsing nila ni Rita ay hindi niya bibitawan ang babaeng una niyang minahal. NAGLALAKAD si Juvy patungo sa kanilang boarding house ni Jeni nang makasalubong niya si Manong Romeo ang matandang mekaniko sa kanilang lugar. May dala itong mamahaling motor na tulak-tulak nito. Flat ang gulong nito sa harapan at wasak ang head lights nito. "Manong, gabing-gabi na a," ani Juvy habang linalapitan ang matanda. "May sumemplang kasing lalaki doon sa kanto na malapit sa boarding house ninyo Juvy. Tapos lasing na lasing pa, mabuti naroon si Limuel," tukoy nito sa anak nitong binatilyo mas matanda siya ng limang taon dito ngunit nililigawan na siya nito. "Iniwan ko muna si Limuel para bantayan muna iyong lalaki na nakahiga sa may bangko roon. Mukhang mayaman iyong si Luke Santiago ang pangalan, Juvy." "Luke Santiago?" mahinang ani Juvy sa matanda. Biglang pumasok sa kaniyang isip ang boss nila ni Jeni na kaparehong pangalan no'ng taong sinasabi ni Manong Romeo. "Kilala mo ba? Sinusubukan nga naming kontakin ang kamag-anak niya sa cellphone kaso naka-lock naman iyong cellphone niya. Tinawagan na namin si Kapitan Tunying at ini-report na namin ang nangyari." "Bakit hindi na lang dinala sa Baranggay Hall para roon mamalagi, manong?" "Ayaw no'ng lalaki. Pinagtutulakan iyong mga tanod, kasama nga ni Limuel iyong mga tanod para bantayan iyong lalaki. Taga-Manila iyong lalaki, Juvy. Iyon ang nakalagay sa lisensiya niya." "Sige ho, manong. Uuwi na ako, pahinga na rin kayo Manong Romeo. Bukas na ninyo gawin iyan." "Pumutok lang ang gulong nito, Juvy. Mag-iingat ka pag-uwi mo." Bilin nito sa kaniya bago ipasok ang motor sa shop nito na nasa tapat na lamang nila. "Salamat ho, manong." Nagpatuloy si Juvy sa paglalakad hanggang sa makarating sa kanilang boarding house. Naabutan niya roon si Limuel na humihithit ng sigarilyo habang nakikipag-usap sa mga bantay na tanod. Tinignan ni Juvy ang nakahigang lalaki sa bangko at nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto na ang boss nga nila ni Jeni ang nadisgrasya. "Kilala mo, Juvy?" takang tanong ni Limuel sa kaniya. Kinagat niya ang ibaba niyang labi. "Ipasok ninyo sa loon, Limuel. Boss namin ni Jeni iyan sa club." Nagkamot ng ulo si Juvy. "Mabait siyang boss, Limuel." Nasapo niya ang kaniyang noo, nakakahiya naman kung malaman nito na hindi man lamang niya pinagkaabalahan na asikasuhin ang kanilang boss. Pinagtulungan na buhatin ng mga tanod si Luke papasok sa loob ng boarding house nila ni Jeni. Sa may sofa niya ipinahiga ito at saka tinutukan ng electric fan. "Sigurado ka ba, Juvy? Baka mamaya masamang tao iyan, a?" sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Limuel na mukhang nagseselos pa ang itsura. Mabuting tao si Limuel at kaibigan nila ni Jeni. Ito ang tagapagtanggol nilang magkaibigan at masugid din niyang manliligaw. "Limuel, boss namin iyan ni Jeni sa club. Kung gusto mo dito ka na lang matulog," nakangiting sabi ni Juvy. "Teka, nga pala. Bakit hindi ninyo dinala sa hospital?" "Hindi siya napano, Juvy. Nakita ko kung paano siya sumemplang dahil nawalan ng kontrol no'ng pumutok iyong gulong sa harap ng motor niya. Wala nga siyang gasgas dahil may mga knee at elbow pad na suot, naka-helmet pa siya. Iyon ng lamang ay lasing na lasing. Pagsabihan mo ang boss mo, Juvy. Kung mahal pa niya ang buhay niya ay huwag siyang naglalasing. Mukha pa naman siyang mayaman, mabuti kamo at dito sa lugar natin naaksidente dahil kung sa ibang lugar tiyak ako na nalimas na ang gamit niyan." Gustong matawa ni Juvy sa sinasabi ni Limuel pero tama naman ito. "Ibinigay ba ninyo sa Kapitan natin iyong mga gamit niya?" tanong ni Juvy habang nakatingin kay Luke. "Oo, ibibigay na lang niya bukas kapag nagising ang boss mo dhil kailangan pa niyang pumirma sa baranggay. Ako na ang naging witness at isinalaysay ko ang nangyari." "Gusto mo bang magkape?" alok niya sa binata na nakatingin sa kaniyang boss na tulog na tulog. Sumunod sa kaniya sa kusina si Limuel at nagkuwentuhan silang dalawa. Tungkol sa mga parte ng motor at klase ng motor na nasa shop ng ama nitong si Manong Romeo. KINABUKASAN ay nagising si Juvy na nakahiga na siya sa higaan nila ni Jeni sa double deck. Mabilis na naghilamos si Juvy pagkagising niya at saka tinungo ang kinahihigaan ng boss niya. Wala na ito roon ngunit naroon si Limuel na nakaupo sa labas ng boarding house niya at kausap ang Tatay nito. Lumabas din si Juvy habang pinupusod niya ang kaniyang mahabang buhok na lampas balikat niya. "Nasaan na ho si Sir Luke, Manong Romeo?" tanong niya sa tatay ni Limuel. "Umalis na, Juvy. Pinapasabi niya na salamat daw. Binibigyan ako ng limang libong piso dahil ginawa ko iyong motor niya. Kaso hindi ko tinanggap pero itong si Limuel, kinuha niya." Masamang tumingin si Manong Romeo sa nag-iisa nitong anak. "Tay, ang pera hindi iyan tinatanggihan. Isipin ninyo na bayad ito ng labor at ng bagong gulong." "Sira ka talaga, Limuel," natatawang aniya rito. "Pero tama naman ho si Limuel, manong. Isipin mo na lang na pasobrang bayad na iyan." "Wais talaga kayong dalawa," nangingiting ani Manong Romeo. Nagkatinginan sila ni Limuel at saka nagngitian. "Sa panahon po ngayon kapag ibinigay dapat tanggapin. Hindi naman natin hinihingi iyan e." Tumawa siya ng malakas sa sarili niyang kalokohan. "Sige ho, kailangan ko pang maglaba dahil may pasok ako mamayang gabi," aniya bago talikuran ang mga ito. "Ay, Juvy. Nagtungo nga pa kanina rito si Aling Thelma, kinukumusta iyong hulog ninyo ni Jeni," pahabol ni Limuel sa kaniya. Kinagat ni Juvy ang kaniyang ibabang labi. "O-Oo pupunta ako mamaya sa bahay niya para magbayad." Nilingon ni Juvy si Limuel na may pag-aalala sa mga mata. Hindi ipinahalata ni Juvy ang problema niya at pinilit na maging masaya. Pumasok siya nang tuluyan sa loob ng boarding house nila ni Jeni at saka isinara ang pinto. Umupo siya sa may sofa at dinukot ang kaniyang cellphone sa bulsa niya. Kakamustahin lamang niya ang kaniyang Lola Conching dahil hindi siya makakauwi ngayong buwan. Ipinahiram niya kay Jeni ang pera niya at wala siyang natitirang pera ngayon. Habang nakaupo siya sa sofa at may kuwintas siyang nakita sa tabi niya. Marahil ay kuwintas iyon ni Luke. Sumagi sa isip niya na isanla ang kuwintas ngunit umiling siya nang mabilis. May iba pang paraan at hindi niya pakikialaman ang kuwintas ng boss niya. Kailangan niya itong ibalik kay Luke mamayang gabi sa club na pinagtratrabahuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD