Chapter Three

3852 Words
          “BYE MADAM, See you on Monday,” nakangiting paalam ni Mari kay Em.           “Bye! Lingon din sa tabi-tabi, baka may matisod kang saging!” pahabol na sabi nito.           Natawa siya saka humarap muna kay Em. “Ikaw talaga Madam,” sabi pa niya.           “Eh para masaya buhay,” biro ulit nito, kasunod niyon ay narinig niyang bumukas ang pinto ng café.           “Good Evening! Welcome to—” malakas na bati niya, pero hindi na naituloy ni Mari ang sinasabi ng paglingon ay matigilan siya at makita kung sino ang dumating.    Wala sa loob na napaunat siya ng tayo. Habang tulalang nakatitig lang sa bagong dating.           “Hi Sir, good evening!” masiglang bati ni Gwen.           “Nathan?”           “Kilala mo, Mari?” nagtatakang tanong ni Em.           “H-ha? Ah oo,” kabadong sagot niya.           Nginitian nito si Gwen at Em na parehong nasa counter, pagkatapos ay tumingin sa kanya.           “Hi Mari, buti naabutan pa kita,” sabi nito.           “Paano mo nalaman na dito ko nagta-trabaho?” tanong niya.           “Kay Bebang, tinanong ko sa kanya pagkatapos namin mag-usap ni Della sa phone. I just want us to talk, kaya naisipan kong puntahan ka. Tamang-tama nabanggit ni Bebang na wala kang dalang sasakyan ngayon kaya sinundo na kita,” sagot ni Nathan.           “Tungkol saan ang pag-uusapan natin?”           “Kay Della, and other stuff,” Humugot siya ng malalim na hininga para makalma siya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung para saan ang kaba na iyon. Biglang bumalik sa isipan niya ang naganap noong nakaraan gabi, kung saan hinalikan siya nito. “Hope it’s okay with you,” “Oo naman,” sagot niya.           Napalingon siya sa dalawa niyang kaibigan ng marinig niyang may malakas na tumikhim. Matamis siyang nginitian ni Gwen at Em, sabay sulyap kay Nathan.           “Ah! Yeah, sorry! Nathan, I would like you to meet Em, siya ‘yong isa sa may-ari nitong Café, and si Gwen, siya ‘yong cake designer namin and baker. Girls, si Nathan, siya ‘yong napagkamalan ni Della na daddy niya,” pagpapakilala ni Mari.           Nakipag-kamay si Nathan sa dalawa. “Nice to meet you,” sabi nito.           “Ate Mari, puwede,” sabi naman ni Gwen.           “Puwede ngang Daddy ni bagets,” dugtong ni Em. “Anyway, nice to meet you too.”            Muling tumingin si Nathan sa kanya.           “Let’s go?” tanong nito.           “Sure,” pagpayag niya, saka agad nagpaalam sa dalawa.           “Una na kami,” paalam ni Mari sa dalawang kaibigan.           “Bye! Enjoy,” may halong panunuksong bilin ni Em.           Habang naglalakad ay pareho silang tahimik, parang kapwa nila pinakikiramdaman ang bawat isa. Pagdating sa nakaparadang kotse ay agad binuksan ni Nathan ang pinto para sa kanya. Hanggang sa nagmamaneho na si Nathan ay tahimik pa rin ito, kaya siya na ang unang nagsalita. “Ano palang sabi ni Della sa’yo? Siguro kinulit ka na naman ng batang iyon,” tanong ni Mari.           “Nah, hindi naman. Kinuwentuhan lang niya ako about sa school niya. I honestly enjoy talking to her, para siyang matanda kung magsalita. She’s such a bright child,” nakanagiting sagot nito.           “Thanks. At salamat rin dito sa ginagawa mo. Alam ko, medyo nasa-sacrifice ang time mo. Hindi mo naman kailangan sundin lahat ng gusto n’ya, hayaan mo, kakausapin ko si Della,” sabi pa niya.           “Sinabi ko naman sa’yo na handa akong tulungan. Mom actually talked to me last night, sinabi niya na kailangan ni Della ng father figure ngayon. Kaya huwag mo akong alalahanin,” paliwanag ni Nathan.           Agad ngumiti si Mari ng sumulyap ito sa kanya.           “I’ll be honest with you, Nathan. Hindi na talaga ako umaasa na babalik ka. I mean, free ka naman na hindi magpakita anytime. Hindi mo obligasyon iyon sa amin,” sabi niya.           “Ah, kaya pala parang nagulat ka ng makita ako,” sagot nito.           “Yeah, hindi ko naisip na seryoso ka pala talaga sa pagtulong kay Della,” aniya.           Ngumiti ito sa kanya. “Ngayon alam mo na, kaya expect to see more of me,” sagot ni Nathan.           Marahan siyang tumango at gumanti ng ngiti dito.           “Anyway, let’s have dinner first. Pagkatapos saka tayo mag-usap, is that okay with you?” suhestiyon nito.           “Sure, sounds great,” sagot niya.             DINALA siya ng binata sa isang restaurant along Roxas Boulevard. Doon sila kumain ng dinner. Habang kumakain ay panay ang kuwentuhan nila tungkol sa buhay nila. Siya, on being a single mom and about Della, and Nathan about his life when he was still in Singapore.           Sa paglipas ng bawat oras, unti-unti ay nawala ang pagkailang ni Mari kay Nathan. Masarap at magaan kausap ang binata, masayahin ito kaya hindi na siya nagtataka kung paano nito nakuha ang loob ni Della. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Nathan kanina, may punto ito, kailangan nilang maging close para kay Della.           Matapos mag-dinner ay niyaya siyang maglakad ni Nathan along Manila Bay. Saglit siyang tumigil sa paglalakad ay humarap sa madilim na karagatan.           “Sayang, hindi natin nakita ang sunset,” sabi niya.           “You love sunset?” tanong ni Nathan.           Nakangiting lumingon siya dito saka tumango. “Noon, sa tuwing magulo ang isip ko, pumupunta ako mag-isa sa beach. Nandoon lang ako ng tatlong araw o kung kailan umayos ang takbo ng isip ko. Noong malaman ko na buntis ako kay Della, iyon ang ginawa ko. Pero ng mga panahon na iyon, isang linggo akong nag-stay noon sa isang private beach sa Batangas. I cried a lot, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahon na iyon,” sagot niya.           “Hayaan mo, babalik tayo dito,” sabi ni Nathan, sabay turo sa dagat.           Paglingon niya ay nasa gitna niyon ang maliit na barko na kung tawagin ay Night Dinner Cruise.           “Pagkatapos, doon tayo magdi-dinner,”           Natawa siya. “That’s too fancy,” sabi pa niya.           “That’s fun! Lalo na kapag kasama natin si Della,”           Humarap si Mari kay Nathan saka pinagmasdan ito.           “What?”           “Wala naman, masyado mo lang kasi sineseryoso ang pagiging Daddy kay Della. I mean, you don’t have to pretend today. Wala naman dito ‘yong bata,” sagot niya.           Natawa din ang binata. “Alam mo ba? Mas excited pa ang Mommy ko, sabi niya, pagbutihin ko daw ang ginagawa ko para maisipan ko ng mag-asawa. I’m already thirty-one kaya panay na ang kulit niya na mag-asawa na ako,” kuwento nito.           “Bakit pa nga pala wala ka pang asawa? Wala ka bang girlfriend?” tanong ni Mari.           Nagkibit-balikat ito. “Wala lang. Una, busy pa ako sa trabaho. Pangalawa, ayoko kasing maghanap ng babae dahil lang sa edad ko. Naniniwala naman akong kusang darating ang para sa akin kapag right time na,” sagot nito.           “In fairness, bihira na sa lalaki ang may ganyan pananaw,” aniya.           “I’m done being a player, I felt like I’ve learned my lesson six years ago,” sagot ulit ni Nathan. Malungkot siyang napangiti sa sagot ni Nathan. Parang siya, she learned her lesson big time six years ago. “Nathan, ano ‘yong gusto mong pag-usapan natin tungkol kay Della? May problema ba?” naalalang tanong niya.           Marahan itong natawa saka mabilis na umiling. “Ah no! It’s not that. Naisip ko lang kasi, if I will do this for Della. I want to be comfortable with you. Alam kong biglaan itong mga pangyayari na ‘to, pareho natin hindi inaasahan ito, pero nandito na tayo. Might as well, do my best, tutal para naman sa kapakanan ng bata ito,” paliwanag ni Nathan.           “Pero hindi ko maiwasan isipin, paano kapag dumating na ang araw na kailangan sabihin natin kay Della ang totoo? Anong sasabihin ko sa kanya? Paano ko ipapaliwanag ang lahat?” seryosong tanong niya.           Parang gumaan ang nararamdaman niya at nawala ang pangamba sa dibdib ng muli siyang binigyan ng magandang ngiti ni Nathan.           “Huwag mo munang isipin ‘yon, ang importante ay masaya si Della ngayon,” sagot nito.           Napabuntong-hininga siya, saka muling humarap sa dagat.           “Hey, are you okay?” tanong ni Nathan.           Pinilit niyang ngumiti saka tumango. “May naisip lang ako,” sagot niya.           “Puwede ko bang tanungin kung ano?”           “Iyong totoong tatay ni Della, nasaan kaya ‘yon?” aniya.           “Do you mind if I ask what happened? Naghiwalay na ba kayo?” tanong ni Nathan.           Tumawa siya ng pagak. “Mabuti nga sana kung kilala ko siya,” sagot ni Mari.           “What do you mean?”           Pinuno ni Mari ng hangin ang dibdib. Hindi niya alam kung tama ba na ipaalam kay Nathan ang tungkol sa nakaraan. Pero pakiramdam niya ay kailangan nitong malaman ang lahat.           “Della’s dad is a complete stranger. Hindi ko siya kilala, resulta siya ng isang one-night stand. I didn’t even know what he looks like, nagising na lang ako nasa hotel at nag-iisa,” kuwento niya.           Hindi nakapagsalita si Nathan, alam niyang hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kanya.           “I was only eighteen back then. Matigas ang ulo, happy-go-lucky, palibhasa bunso at lahat ng luho ko ay binibigay ng parents ko. I became careless. Noon, I love to go to party with my friends. Noong una, okay lang sa parents ko. Pero ng nagtagal, naging sakit na ako ng ulo ng pamilya namin. Until that night, sa despidida party ng isang kakilala ng bestfriend ko, the next day, it changed my life,” sagot niya.           “Pinagbawalan na ako ng parents ko na pumunta doon sa party, pero dahil matigas ang ulo ko. Pumunta pa rin ako kahit ayaw nila. Nag-ayos ako para hindi mahalatang eighteen years old lang ako noon. Sa isang fancy hotel ginanap ang party. That night was so much fun, we drank a lot and met a lot of new faces. As far as I can remember, may isang lalaking palaging nakadikit sa akin. That moment, umalis muna ‘yong kasama ko kaya naiwan akong mag-isa doon sa party. Noong una, friendly lang siya hanggang sa kalaunan, palagi na siyang nakaakbay sa akin. Pagkatapos, he offered me a drink. It was just a ladies’ drink, pero ng ininom ko iyon. I felt dizzy a little later. Kahit hilong-hilo ako noon, narinig ko ang boses niya, niyaya ako ng lalaki somewhere pagkatapos nararamdaman ko na hinahalikan na niya ako.          And then, biglang nagkagulo. I just remember, may isa pa akong boses ng lalaki na narinig. Pero hindi ko matandaan ang sinasabi niya. Halos wala na akong matandaan sa mga sumunod na mangyari. Pero may isang umalalay sa akin, he is asking me kung saan ako nakatira pero hindi na ako makasagot ng maayos. Hindi ko na rin matandaan ang boses niya ngayon, I mean, it’s been six years. Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako. After that, I don’t know what happened anymore. Wala na ako sa sarili noon dahil sa sobrang hilo, ladies’ drink lang naman ‘yon huling ininom ko pero pakiramdam ko noon ay parang lasing na lasing ako,” kuwento pa niya.           Narinig niyang huminga ng malalim si Nathan.           “There are blurred moments that I can remember. Hindi ko alam kung iyon lalaking bumuhat sa akin ang huling kasama ko. But I remember kissing that man, alam ko rin na hindi niya ako pinilit. Alam ko lahat ng nangyari sa pagitan namin ng lalaking iyon. But I didn’t see his face, bukod sa hilo pa rin ako dala na rin ng kalasingan at madilim na paligid kaya hindi ko nakita ang mukha niya, ni hindi ko na ulit siya narinig magsalita. The last time was when he asked for my address, since then I only heard him moan. After that, nakatulog ako agad, pero pagkagising ko kinabukasan, ako na lang ang mag-isa sa hotel. I was a virgin when that man took me, at wala akong ibang naka-relasyon matapos ang gabing iyon. Kaya sigurado ako, ang lalaking iyon ang ama ni Della.”           Napansin ni Mari na matagal bago ito nakapagsalita. Marahil ay hindi ito makapaniwala sa nangyari sa kanya.           “Sinubukan mo bang kausapin ‘yong kakilala ng kaibigan mo? Or nagpa-imbestiga ka man lang tungkol sa kanya? Or nagreklamo man lang?” tanong pa ni Nathan.           “I tried, lahat ng puwedeng paraan ay ginawa na namin. Pero nakaalis na papuntang America si Paolo Sanchez, kaya wala na kaming nagawa. Hindi na rin siya ma-contact ng kaibigan ko. For the first time, nasampal ang ng Daddy ko ng malaman niya ang nabuntis ako ng hindi kilalang lalaki. Gusto ng parents ko mag-file ng complaint pero sino ang ire-reklamo namin? At paano ako magrereklamo kung alam ko mismo na hindi niya ako pinilit. Kung ako nga hindi ko nakilala ang lalaking gumalaw sa akin,” sagot niya.           Matagal ulit bago nakasagot si Nathan, tulala ito at tila malalim ang iniisip. Pero kailangan niyang sabihin dito ang totoo para maintindihan nito kung bakit walang ama ang kanyang anak. Hindi naman niya iyon kinakahiya, dahil iyon naman ang totoo.           “Iyong nakabuntis sa iyon? Wala ka nang nabalitaan sa kanya?”           Marahan siyang umiling.           “Kung ako lang, ayoko na siyang makita. Hindi ko kailangan makaharap o makausap ang isang lalaking walang kuwenta gaya niya. I hate him so much! He ruined my life! Gusto ko siyang sampalin ng paulit-ulit para maramdaman niya ang hirap na pinagdaanan ko noon. Duwag siya, pagkatapos niyang makuha ang gusto sa akin. Hindi siya magpapakita, and worst, basta na lang ako iniwan sa hotel,” galit na sagot niya.           Tumikhim si Nathan.           “I’m sorry to hear what happened to you,” sabi nito.           Ngumiti siya saka tumingin dito pagkatapos ay marahan siyang umiling.           “You don’t have to feel sorry for me. Dahil para sa akin, blessing in disguise ang nangyaring iyon. Kung hindi dahil doon, wala akong cute at bibong anak ngayon. Dahil kay Della, nalaman ko ang gusto kong gawin sa buhay ko. Della was already one-year-old that time, wala pa akong matino na trabaho matino noon. Umaasa pa rin ako sa suporta ng parents ko. One day, sobrang nagta-tantrums si Della, iyak siya ng iyak at walang makapagpa-tahan sa kanya. Kahit karga ko na ay wala pa rin siyang hinto sa pag-iyak. Noong makita ko ‘yong blueberry cupcakes na pasalubong ng Mommy ko. I gave her one, the moment she held that little cupcake, bigla siyang huminto sa pag-iyak, tapos mayamaya ay nakangiti na siya. Blueberry creamcheese cupcake became her favorite. And it helped me to find what I want to do in my life.           Pinag-aralan ko ang pagbe-bake ng blueberry cupcakes na iyon, hanggang sa ma-master ko na siya. That’s when I found out my love and interest in baking. I went back to school, I studied Culinary Arts and concentrate on making cakes and pastries. Doon nagsimula ang magandang buhay ko. Doon ako nagsimulang magkaroon ng direksiyon sa buhay. Parang blueberry chessecake cupcakes lang, nagkakaroon ng mas masarap na flavor ang blueberry when you combine it with cream cheese.  Like Mari, she didn't realize that after having Della, she finally became a better person. Minsan na akong nakagawa ng malaking pagkakamali sa buhay ko, gusto kong bumawi sa pamamagitan ng pagiging mabuting ina sa anak ko. Kaya lahat ng pagmamahal ay binibigay ko sa kanya. Ayokong maramdaman ng anak ko na produkto siya ng isang gabing pagkakamali,” paliwanag niya.           “Nakakasiguro akong hindi iyon mangyayari, nakita ko kung gaano mo kamahal si Della at ganoon din siya sa’yo,” sabi ni Nathan.           “Kung puwede nga lang na gampanan ko pati ang pagiging tatay sa kanya, gagawin ko,” dagdagan pa niya.           “Mari, siguro kaya nangyari ito ay para mabawasan ang iniisip mo. We might still be a stranger to each other, pero makakasiguro ka na tutulungan kita. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, but there’s something in your daughter that keeps me wanting to see her. Magaan ang loob ko sa kanya, kaya hindi ako nagdalawang isip na pumayag na tulungan ka at magpanggap na daddy niya. After all, ang priority natin dito ay ang kapakanan at happiness niya. Unti-unti, maipapaliwanag din natin sa kanya ang totoo. Hindi natin kailangan biglain ang bata, baka iyon pa ang maging dahilan para ma-depress siya,” paliwanag ni Nathan.           Hindi napigilan ni Mari na maiyak.           “Oh bakit ka umiiyak?”           “Hindi mo alam kung gaano ako nakahinga ng maluwag. For the first time, nakita ko ang kakaibang saya sa anak ko habang kasama ka niya. Iyong walang kulang sa pagkatao niya, iyong kumpleto siya at totoong masaya siya. That’s when I realized, hindi ko kayang ibigay sa kanya ang bagay na tanging ang daddy lang niya ang makakapagbigay.”          Bahagya siyang natigilan ng hawakan ni Nathan ang kamay niya. Napatingin siya sa binata.           “Habang hindi mo pa siya nahahanap, let me play the role of her Dad for the mean time,” sagot ni Nathan.           Muli na naman bumilis ang pintig ng puso niya ng umangat ang kamay nito saka pinahid ng daliri ang luha sa kanyang pisngi.           “Thank you, Nathan,” wika niya.           “Saka ka na magpasalamat kapag natapos na ‘to,” natatawang sagot nito.           Nakangiting tumango siya sa binata. Gaya ng pagdating ni Della sa buhay niya, biglang dumating si Nathan sa buhay nilang mag-ina ng hindi inaasahan. Kahit paano, kahit pansamantala lang, matutupad ang isa pang pangarap niya para sa anak. Ang mabigyan ito ng kumpletong pamilya at kumpletong pagmamahal.             “SALAMAT sa paghatid, Nathan,” sabi ni Mari paghinto ng kotse ng binata sa tapat ng bahay niya.           “You’re welcome. I hope hindi pa ito ang una at huling paglabas natin. I mean, iyong ganito. Tayong dalawa lang,” sagot nito.           Parang may tumalon sa puso ni Mari matapos marinig iyon. Hindi tuloy niya maiwasan na mapangiti.           “Oo naman, just let me know when, or surprise me again like what you did,” sagot niya.           “Sure,” mabilis na sagot ni Nathan.           Napalingon siya sa bahay ng namatay ang ilaw sa loob ng kuwarto niya.           “Tulog na si Della for sure,” sabi niya.           “Ikaw rin, magpahinga ka na rin,” sagot nito.           Marahan siyang tumango. “Sige, una na ako,” paalam niya.           “Oh wait,” anito saka nagmamadaling bumaba at umikot sa side niya at pinagbukas siya ng pinto.           “Salamat,” sabi pa niya.           Napalingon silang dalawa ng marinig ang malakas na tunog ng paparating na mga motor at maingay na sigawan.           “Itong mga kabataan na ‘to! Iyan ang nirereklamo namin dito sa—”           Hindi na naituloy ni Mari ang sasabihin ng bigla siyang itulak ni Nathan kaya napasandal siya sa kotse nito, pagkatapos ay hinarang nito ang katawan sa kanya. Kasunod ng mabilis na pagragasa ng mga motor na muntik ng makahagip sa kanila.           “Are you okay?” narinig niyang tanong nito.           Hindi makuhang sumagot ni Mari matapos niyang makita ang posisyon nila. Napapagitnaan siya ng mga braso nito habang nakadikit ng husto ang katawan sa kanya. Paglingon ni Nathan ay halos kaylapit ng mukha nito sa kanya. Sa pagkakataon na iyon ay ang dibdib naman niya ang nag-ingay. Kumabog iyon ng malakas na parang sasabog ano man oras dahil sa bilis ng pintig ng puso niya.           Hindi siya sigurado kung gaano na katagal silang nakatingin sa isa’t isa. Basta ang alam niya parang walang gustong umiwas ng tingin. May kung ano sa bawat tingin ni Nathan na umaakit sa kanya. Natauhan lang sila pareho ng biglang kumahol ang aso sa kapitbahay nila. Tumikhim ito saka pilit na ngumiti at lumayo sa kanya.           “Are you okay? Muntik ka ng mahagip ng mga motor na iyon,” ulit nito sa tanong.           “Oo… ah, pasensiya ka na dito sa lugar namin. Matagal na namin nire-reklamo iyong grupo ng mga kabataan na iyon, ang lakas ng trip kung kailan gabi na,” sabi pa niya.           “You should take care, baka mamaya ma-tiyempuhan ka at madisgrasya ka,” sabi pa nito.           Tumango siya. “I will, thanks,” usal niya.           “Um, sige, una na ako,” paalam ni Nathan.           “Okay, ingat sa pagmamaneho,” sagot niya.           Pagpasok ni Mari sa bahay ay sumilip siya sa bintana, hinintay pa siyang pumasok nito bago umalis. Huminga siya ng malalim, hanggang sa mga sandaling iyon ay kay gaan pa rin ng pakiramdam niya. Hindi maintindihan ni Mari kung bakit hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Marahil ay dahil kay Nathan.           Ang usapan nila ay itutuloy ang pagpapanggap nito para sa ikasasaya ni Della, pero bakit parang pati siya ay napapasaya nito?             “O ANAK, nandito ka na pala,” bungad sa kanya ng ina pagpasok pa lang sa bahay.           Agad na nilapitan ni Nathan ang Mommy niya saka humalik sa pisngi.           “Hi Ma,” bati niya.           “Tamang-tama kakain pa lang kami, sumabay ka na,” anito.           “Busog na ako, Ma. Nag-dinner kami ni Mari pagkatapos ko siyang sunduin sa trabaho,” sagot niya.           Kumunot ang noo ng ina, mayamaya ay gumuhit ang nanunudyong ngiti mula dito.           “Anak, akala ko ba magpapanggap ka lang na daddy ni Della. Bakit mukhang balak mo rin magpanggap na asawa?” nagdududang tanong nito.           Natawa siya ng malakas.           “Mommy talaga, hindi ah! What I mean, hindi ba complete package ‘yon? Kapag nagpanggap ako na daddy ni Della, automatic sa harap ng bata, mag-asawa kami, tama?” katwiran ni Nathan.           Sunod-sunod na pumalatak ang Daddy niya na kadarating lang saka naupo sa bakanteng silya.           “Aba Emma, mukhang sa wakas ay magkakaroon na tayo ng mamanugangin. May bonus pang apo,” natatawang sabad ng Daddy niya.           Napailing na lang siya habang natatawa.           “Kayo talaga, ang tsismoso at tsismosa,” pabirong sabi niya.           “Oh eh bakit? Ayaw mo ba kay Mari? I know her, mabait siyang bata at maganda pa. Kahit na ganoon ang nangyari sa kanya ay maayos niyang naitaguyod si Della. She’s a good person,” sabi naman ng Mommy niya.           Napangiti siya ng maalala si Mari. Kahit bago pa lang silang magkakilala, hindi kayang itanggi ni Nathan sa sarili ang katotohanan na sinabi ng kanyang ina.           “Uy Kuya, dalhin mo naman si Della dito! Balita ko kay Mommy ang cute daw niya!” excited na sabad ng bagong dating nakapatid niya na si Andrea.           “Ang kulit n’yong lahat. Diyan na nga kayo, magpapahinga na ako,” paiwas na sagot niya saka tumalikod at umakyat na sa kuwarto.           Paghiga niya sa kama ay parang na-imagine ni Nathan ang maamong mukha ng dalaga. Wala sa loob na napangiti habang inaalala ito.           She has round expressive eyes, parang palaging nangungusap iyon, at sa tuwing sumisilay ang magandang ngiti ni Mari ay umaabot iyon sa mga mata nito. Medyo matangos ang ilong nito at manipis ang mga labi nito. She has a white flawless skin, at mahaba ang kulay tsokolateng buhok nito, medyo maliit ito sa kanya. Kung tutuusin, hindi ito mukhang may anak na at parang College student lang. She’s too beautiful to be a young mother. Hindi na siya nagtataka kung bakit magandang bata rin si Della, ito ay dahil kay Mari.           Ngunit napansin niya na medyo mailap pa ito. Parang masyado nitong pino-protektahan ang sarili, sabagay, hindi na niya masisisi si Mari. Minsan na itong nasamantala. Bumangon si Nathan at naupo sa ibabaw ng kama. Mari have that beautiful and innocent beauty, just like the first time he saw her.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD