Chapter One
“MGA MUDRA, good news! Another satisfied customer! Nakausap ko ang secretary ni Mister Shin, ang sabi ay nagustuhan daw ng boss niya ang cupcakes. Parang nabitin pa nga daw sa two hundred pieces ‘yong mga bisita sa party,” masayang balita ni Angelique, ang may-ari ng pinagtatrabahuhan nilang Angelique’s Cake Shop. Baking is her hobby, kaya nga nito naisipan itayo ang Cake Shop because of her love for desserts, especiall cupcakes. She’s also a reciper master, and developer. Then later on, hinahayaan na niya ang trabaho sa mga staff.
Malaki ang utang ng loob ni Mari dito, noong bago pa lang siyang Pastry Chef at wala pang experience sa trabaho. It was Angelique who gave her a chance, bukod doon, she’s also a single mom to her five-year-old daughter named Angge.
“So, magse-celebrate na ba tayo?” nakangiting tanong ni Em, ang co-owner ni Angelique sa Cake Shop. Another single mom of her six-year-old son named Onyok. They call her the Banana Master, ang babaeng ipagpapalit yata ang lahat ng pagkain sa ngalan ng Saging. Em is not really a professional baker, nagbe-bake lang siya kapag may recipe testing.
“Ice cream!” kantiyaw nilang lahat.
“Sure! Pa-deliver na rin tayo ng pizza,” suhestiyon ni Gwen, ang single mom by responsibility. Napilitan itong maging Nanay sa pamangkin nito na si Mint na three years old. Si Gwen ang naka-assign sa mga details ng mga cakes and cupcakes, designs fondant, toppers and gumpaste. Name it, Gwen can do it. Hindi alam ni Mari kung saan nakuha ng babaeng ang tiyaga na gawin ang maliliit na detalye ng cupcakes. Sabagay, kung wala ang tiyaga nito, kumusta naman kaya sila?
“Puwede bang mag-request? Puwede ibang flavor naman para makakain ako?” tanong ni Mari saka nag-beautiful eyes kay Em.
“Aba Mari, matuto kang kumain ng saging, para magka-lovelife ka na rin. Tingnan mo ‘ko oh,” sabi pa nito, saka umikot at nag-pose na parang model at ngumuso pa.
“Madam, una hindi ko talaga type ang saging. Hindi ko gusto ‘yong lasa, at prutas ang ibig kong sabihin hindi buhay na saging,” biro pa niya.
Nagtawanan silang lahat ng malakas saka nag-high five.
“Ah basta ako, may regular supply ng saging,” sabi ni Em.
Natawa na naman sila.
“Kayo talaga, puro kalokohan,” natatawa pa rin na reaksiyon ni Rica, ang isa pang single mom sa four-year-old na anak nitong babae na si Alpha. Sa kanilang lahat doon, si Rica ang eksperto sa pagmamasa ng fondant, malakas kasi ang pulso nito kaya namamasa nitong mabuti ang fondant para sa mga cakes nila.
“Teka lang, may kasunod pang announcement ‘yon naunang sinabi ko,” singit ni Angelique.
“Don’t tell me, may follow up orders agad si Mister Shin?” hula ni Em.
“Yup, but this time, para sa twenty-fifth anniversary party ng buong kompanya nila. Sabi ng secretary nila, gusto ni Mister Shin na sa atin daw ulit kumuha ng cupcakes for the said event,” sagot ni Angelique.
Napangiti sila sa isa’t isa. Angelique’s Cake Shop has two branches, ang branch one ay naka-focus sa Café. Habang ang branch two naman ginagawa ang maramihan cakes or cupcakes para sa mga big orders ng iba’t ibang klase ng events. Working with Angelique’s is such a blessing, not only to her, pero maging sa iba pang single moms na kasama nila. Una ay naging follower sila ni Angelique through i********: account dahil mahilig itong mag-post ng mga cupcakes na bine-bake nito. And later did she know, that Angelique is also a single mom like her. Sharing the same struggles and experiences, iyon ang isang dahilan kaya siguro nagkasundo silang lahat. Hanggang sa mag-open ito ng Cake Shop, nang mabasa ni Mari na Hiring iyon ng mga staff ay isa siya sa mga nag-apply. Para sa isang bagong Pastry Chef na wala pang gaanong experience, laking pasasalamat ni Mari na binigyan siya ng pagkakataon ni Angelique, at dito nahasa ng husto ang kakayanan niya. Sino nga ba ang mag-aakala na ang dati ay sa i********: lang nag-uusap ngayon ay naging tunay na magkakaibigan?
Simula ng itayo ni Angelique at Em ang Cake Shop na iyon at ma-establish ito ng husto, at sa tagal ni Mari nagta-trabaho doon. They are at the top of their game.
Siyempre, nararanasan pa rin nila na minsan ay halos walang orders na dumarating.
Pero agad din naman nakakabawi ang Cake Shop.
“Ilan naman ang order nila this time?” tanong ni Mari.
“One thousand pieces of assorted cupcakes,” sagot ni Angelique.
Literal na napanganga si Mari sa narinig.
“Oh my gosh,” bulalas ni Gabby. Siya ang all-around girl ng Angelique’s Cake Shop. She pretty much knows how to do every station. Gaya nila, Gabby is also a single mom to her one-and-a-half-year-old daughter named Erin.
“So ano? Wala ng tulugan?” tanong ni Em.
Natawa si Angelique. “Hoy mga inay, huminga kayo! Hindi pa ito ngayon or anytime soon, mga bandang April pa,” sagot nito.
“Iyon naman eh!” sabi niya.
“Sorry na, natakot ko ba kayo? But that’s a great news, it means malaki ang tiwala sa atin ni Mister Shin para sa ganoon kalaking event. Gagawin daw yatang gve away iyon sa mga empleyado kaya ganoon karami,” paliwanag ni Angelique.
“All we can do is to give our best, korek?” sagot ni Em.
“Plangak!” sabay nilang sagot ni Gabby.
Nawala ang atensiyon ni Mari sa biruan nila ng maramdaman na nag-vibrate ang cellphone niya. Napakunot-noo siya ng makita ang message ng Yaya ng anak
niya.
“Ate, ayaw na naman kumain ni Della. Gusto sabay daw kayo, gusto daw niya tanungin kung nasaan ang Daddy niya,” sabi ni Bebang sa text message.
Napabuntong-hininga siya ng wala sa oras, nitong mga nakaraan araw. Napapansin ni Mari ang madalas na pananahimik ng anak, lagi itong nagmu-mukmok at gusto ay palaging nag-iisa. Ayaw nitong makisalamuha sa iba, bukod doon ay
parang nagiging slow ang learning process ni Della. Isang bagay na hindi natural sa bata. Her daughter is a bright child, masiyahin at malakas ang loob. Pero itong mga nakaraan araw ay unti-unting nagbabago ang behavior nito, isa pa, bigla itong na-curious kung sino ang daddy nito. Naalala tuloy niya ang araw na pinatawag siya ni Ma’am Emma, ang may-ari ng Preschool na pinapasukan ni Della para kausapin tungkol sa nagiging behavior ng anak.
“May problema po ba kay Della, Ma’am?”
“Misis, may konting concern lang ako tungkol sa kanya. Nai-report kasi sa akin ng teacher ni Della, na lately ay nagiging malungkutin ito. Hindi siya nakikipaglaro sa mga classmates niya. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ng teachers niya. Hindi rin siya nagpa-participate sa mga class discussions, di gaya ng dati na napaka-bright and very attentive si Della. Kaya tuloy ay na-apektuhan ang grades niya. Kilala ko ang anak mo, Misis. Siya ang pinaka-brightest student dito sa school, kay gaan nga ng loob ko sa batang iyan dahil sa tuwing nakikita ko ay palaging nakangiti at tumatawa. Such a pretty and smart kid, kaya nalulungkot ako na nangyayari sa kanya ito. May nai-kuwento ba sa inyo si Della na posibleng dahilan kung bakit siya nagkakaganito?”
Napabuntong-hininga si Mari. Ilang beses na nagsumbong sa kanya ni Bebang, ang yaya ng anak, na may classmate si Della na palaging tumutukso dito na walang daddy. Ilang beses na rin daw ito pinagalitan ng teacher pero sa tuwina ay umuulit pa rin.
“Not her, pero ‘yong yaya niya. Na-kuwento sa akin ni Bebang na ilang beses
na daw nitong tinutukso si Della na wala itong daddy. Kaya siguro lately, palagi akong tinatanong ng bata tungkol sa daddy niya. Sinabi ko na lang na nasa abroad ang daddy niya at hindi ko alam kung babalik pa, nakita ko siyang nalungkot. Iyon po siguro ang dahilan ng biglang pagbabago ng behavior ni Della,” sagot niya.
“Misis, kung okay lang po sa inyo. Maaari ko bang itanong kung nasaan ang daddy niya?”
Nag-ipon ng hangin si Mari sa dibdib, saka niya kinuwento ang totoo. Matapos malaman ang nangyari sa kanya noon, she saw sympathy on Ma’am Emma’s eyes for her. At nagpapasalamat siya dahil tila naiintindihan nito ang sitwasyon niya at hindi siya basta hinusgahan.
“It must have been very difficult for you,” anito.
“Sobra po, pero kinakaya ko para sa anak ko. Ayokong mag-suffer siya dahil sa mga maling pangyayari sa buhay ko noon. Ma’am, si Della lang po ang tama sa lahat ng nangyari sa akin noon,” umiiyak na sabi niya.
“I suggest that you need to give her a lot of attention. Iyong mararamdaman niya na nariyan ka para sa kanya, para naman hindi niya maisip na puro work si Mommy. Sa ngayon iyon lang muna ang kailangan natin gawin, talk to her carefully, matalinong bata si Maridella, alam ko maiintindihan ka niya sa kabila ng edad niya. Kakausapin ko rin ang teacher niya tungkol sa pangbu-bully ng classmate niya. Huwag kang mag-alala, pagtutulungan natin ito hanggang sa bumalik ang dating sigla niya,” sagot ni Ma’am Emma.
“Thank you so much, Ma’am. This really means a lot to me,” sabi niya.
Tumawa lang ito saka marahan umiling. “Naku, tungkulin ko ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kaylapit ng loob ko sa anak mo. I know I will feel bad kapag wala akong ginawa para sa kanya. Or, why don’t you find someone? Iyong lalaki na makikita niya as father figure, maybe that will help,” nakangiting suhestiyon nito.
Marahan siyang natawa. “Pag-iisipan ko po iyan,” sagot niya.
Paglabas ni Mari ng opisina ni Ma’am Emma. Naabutan niya si Bebang na kausap ang isang batang lalaki habang si Della ay nakatago sa likod nito at umiiyak.
“Ikaw ha? Bakit mo inaaway ang alaga ko? Ang kulit mo talaga, sinabihan ka ni teacher noon na masama ang nang-aaway pero inulit mo pa rin!” sermon ni Bebang.
“Totoo naman po ang sinasabi ko eh! Wala naman talagang Daddy si Della!”
giit ng bata.
“Hindi totoo ‘yan! May daddy ako!” depensa ni Della habang patuloy sa pag-iyak
“Wala naman eh! Sinungaling ka! Ah walang daddy! Walang daddy!” patuloy na panunukso ng bata.
“That’s not true! May daddy ako! Meron!” sigaw na nito sabay palahaw ng iyak.
“Aba, tingnan mo ‘tong kutong lupa na ‘to! Ayaw mo talagang tumigil!” galit na pagtatanggol ni Bebang sabay hubad ng tsinelas nito. Lalapitan na sana niya ito pero biglang tumakbo ng mabilis ang bata palayo. Mabilis na inalo ni Bebang si Della.
“Naku Bebe, tahan na ha?”
“Ang bad niya Yaya! Di ba may Daddy naman po ako? Sabi ni Mommy nasa abroad daw siya,” sabi pa nito.
Pilit pinigilan ni Mari na umagos muli ang luha. Gusto niyang pumatol sa batang iyon na nagpapaiyak sa anak niya. Gusto niyang magalit sa mundo dahil napaka-unfair nito sa kanya. Bakit kailangan mahirapan ng ganoon ang anak niya dahil sa pagkakamali niya noon? Huminga siya ng malalim, nang masiguro na niyang maayos na siya emotionally ay saka siya lumapit sa anak.
“Mommy,” umiiyak na tumakbo palapit sa kanya si Della. Kinarga niya ito, naramdaman na lang niya na yumakap ito sa kanya.
“Are you okay? Tinutukso ka pa rin nila?” tanong niya.
“Naku ate, sarap konyatan ng kutong lupa na ‘yon,” nagngingitngit na sabad ni Bebang. “Ewan ko ba sa mga magulang no’n batang ‘yon. Hindi yata tinuturuan ng magandang asal ang anak nila.”
“Hayaan mo na, Bhebz. Nasabi ko na kay Ma’am Emma ang tungkol sa pangbu-bully kay Della,” sagot niya.
“Mommy,”
“Yes?”
“Nasaan po ba talaga si Daddy? Bakit hindi na siya bumalik? Hindi ba niya tayo love? Tinutukso tuloy ako dahil wala akong daddy,” malungkot na tanong nito.
Binaba niya si Della saka ngumiti ng maganda dito.
“But you still have me, right? May bonus pa, si Yaya Bhebz! Sina Lolo at Lola kahit nasa America sila, love na love ka rin nila. We can fill Daddy’s empty spot for
you habang wala pa si Daddy. Saka sino may sabi na hindi ka love ni Daddy? Of course, he loves you. Baka busy siya kaya hindi pa umuuwi,” sagot niya na pilit pinasigla ang boses.
“Paano kapag hindi na siya umuwi?” tanong ni Della.
“Eh di… eh di… okay lang! Basta ako hindi ko iiwan ang little princess ko. Bakit? Hindi pa ba enough si Mommy sa’yo?”
Yumakap si Della sa kanya. “Basta nandito ka Mommy, I’m okay na,” sagot nito.
“That’s my girl,” bulong niya saka hinaplos ito sa buhok.
Naputol ang pag-iisip ni Mari ng maramdaman na may kumalabit sa kanya sa braso. Paglingon niya ay nakatingin sa kanya si Gabby.
“Huy, anong problema? Bigla kang nanahimik diyan?” tanong nito.
“Si Della eh,” sagot niya.
“Anong nangyari kay Della?” nag-aalalang tanong ni Angelique.
“Masyado siyang affected ng pangbu-bully ng classmate niya, nag-iba ang behavior niya pati school activities niya apektado rin. Dahil doon, tanong tuloy ng tanong tungkol sa daddy niya,” sagot niya.
“Hala… eh paano ‘yan?” seryosong tanong ni Gwen.
“Ewan ko bahala na,” problemadong sagot niya.
Mayamaya ay tumingin siya kay Em. “Madam, may kilala ka bang Daddy for hire?” tanong niya.
“Marami, gusto mo?” sagot nito sabay tawa, saka pabirong hinampas siya sa balikat.
“Ikaw talagang babae ka,” natatawa nitong sagot.
“Ang mabuti pa Mari, mauna ka ng umuwi para maasikaso mo na si Della,” suhestiyon ni Angelique.
“O sige, mabuti pa nga. Bye mudras, see you tomorrow,” paalam niya.
PAGDATING ni Mari sa bahay ay agad niyang pinuntahan si Della sa loob ng kuwarto. Naabutan niya na nakahiga ito sa kama.
“Anak,” tawag niya.
Agad itong lumingon sa kanya, at mabilis na bumangon.
“Mommy,” malungkot na sabi nito.
Lumapit si Della sa kanya saka yumakap.
“Bakit nandito ka sa room? Ang sabi ni Yaya Bhebz sa akin ayaw mo daw kumain,” tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.
“I’m waiting for you, Mommy. Gusto ko sabay tayong kumain,” sagot ni Della.
Mahigpit niyang niyakap ang anak. “Sorry ha? Busy palagi si Mommy, hayaan mo bukas ako ang maghahatid sa’yo sa school,” sabi pa niya.
Bahagya itong lumayo saka tumingin sa kanya. Kitang-kita ni Mari kung paano lumiwanag ang mukha ni Della at ngumiti ng matamis sa kanya. Parang
awtomatikong nawala ang pagod niya sa maghapon na trabaho, pero sa kabilang banda, parang nadurog din ang puso niya. Dahil kailangan niyang maging Nanay at Tatay sa anak, kailangan niyang magtrabaho ng husto. Della is growing faster, at kasabay niyon ay mas lumalaki na rin ang demands ng pangangailangan nila. At aaminin niya, may mga pagkakataon na napapabayaan ni Mari ang anak.
“Really, Mommy? Ikaw ang maghahatid sa akin sa school?” excited na tanong nito.
“Yes,” masayang sagot niya.
“Promise?”
“Promise!”
Muling yumakap si Della sa kanya. “I love you, Mommy!” sabi pa nito.
Nangilid ang luha ni Mari matapos marinig iyon mula sa anak. Gagawin niya ang lahat para dito. Hindi man niya kilala ang tatay nito, handa siyang punan ang kakulangan sa buhay ng anak. Hindi niya kailangan ng kung sino man irresponsableng lalaki gaya ng nakabuntis sa kanya.
“Ano? Kain na tayo?” nakangiting tanong niya.
“Sige po,” masigla ng sagot nito.
Habang kumakain ay panay ang sulyap niya kay Della. Marunong na itong kumain mag-isa, pero inaalalayan pa rin dahil medyo makalat pa ito.
“Mommy, kelan po uuwi dito si Daddy?” biglang tanong ni Della.
Naubo ng wala sa oras si Mari. Parang bumara sa lalamunan ang piraso ng manok na kinakain niya. Mabilis siyang inabutan ng isang basong tubig ni Bebang.
“Naku ate, ayos ka lang ba?”
Sumenyas siya ng ‘okay’ lang habang patuloy ang pag-ubo. Nang makahinga na siya ng maluwag ay saka niya ininom ang tubig.
“Anak, huwag mo nga ginugulat si Mommy sa mga tanong mo. Ano bang naisipan mo at bigla mo na naman naitanong ang Daddy mo?” tanong niya.
“Wala po, excited na kasi akong makita siya! Tapos papasyal tayong tatlo,” sagot nito.
Nagkatinginan sila ni Bebang. Napansin niya na parang hindi ito mapakali.
“Anak… eh… alam mo naman nasa abroad siya. Sinabi ko na ‘yan sa’yo noon, di ba?”
“Oo nga po, pero di ba po malapit na siyang umuwi? Saka Mommy, ang pogi pala ni Daddy,” nakangiting sabi pa nito.
Nagtaka siya sa sinabi nito. Wala siyang matandaan na may pinakita siyang picture sa anak. Ayaw niya kasing umaasa ito sa wala at sa bandang huli ay masaktan lang si Della.
“Anak, teka lang ha? Wala naman akong sinasabi tungkol sa kan—”
“Mommy, I know na po. Sinabi na sa akin ni Yaya Bhebz,” sabi pa nito.
Bigla siyang napatingin dito, kagat nito ang isang daliri at iniwas ang tingin sa kanya.
“Ano bang sabi sa’yo ni Yaya?” nagtatakang tanong niya.
Sinundan niya ng tingin si Della ng bumaba ito sa upuan at tumakbo sa sala at kinuha ang magazine na nakapatong sa ibabaw ng coffee table. Pagkatapos ay pinakita sa kanya ang front cover ng lalaking guwapo at naka-formal suit.
“Siya po si Daddy, di ba? Sabi ni Yaya sa akin, nagwo-work daw po siya sa Saudi tapos naghuhukay ng langis,” excited pang kuwento nito.
Napapikit na lang siya sa kunsumisyon sabay tingin ng matalim kay Bebang. Pinagsalikop nito ang palad at halos maiyak sa pagbulong ng sorry sa kanya ng ilang ulit.
“Pasalamat ka Bebang, nasa harap si Della kung hindi titirisin kita,” nanggigigil na bulong niya.
“Sorry na Ate, eh kasi naman ayaw n’ya tumigil sa kakaiyak… daddy ng daddy, natataranta na po ako kaya… ayon ‘yong nasabi ko para tumahan na,” paliwanag ni Bebang.
Napailing na siya saka bumalik sa anak.
“Ah anak… kasi… hindi siya ang Da—”
Natigilan si Mari ng makita kung gaano kasaya si Della ng yakapin at halikan ang picture ng lalaki sa magazine.
“I love you, Daddy!” sabi pa nito.
It broke her heart. Bigla siyang naawa sa anak, hindi niya ma-imagine kung gaano ito masasaktan kapag sinabi niya ang totoo. And it’s all her fault, lahat ng iyon ay kasalanan niya.
BAHAGYANG nagulat si Mari ng may biglang kumalabit sa kanya. Paglingon
niya ay nakakunot-noo si Gwen habang nakatingin sa kanya.
“Okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka?” nagtatakang tanong nito.
Umiling siya. “Wala, may iniisip lang,” sagot ni Mari.
“Tungkol saan? Baka gusto mong i-share? May problema ba?” tanong ulit nito.
Umiling siya. “Wala, keri ko na ‘to,” tanggi niya.
“Tingnan mo ‘to, ayan ka na naman. Sinasarili mo na naman ‘yang problema mo, sabihin mo na kaya,”
Bumuntong-hininga siya saka pilit kinalma ang sarili. Kanina pa kasi siya hindi
mapakali sa kakaisip. Hindi alam ni Mari kung paano ipapaliwanag kay Della ang tungkol sa gawa-gawang kuwento ni Bebang.
“Trouble girl, si Bebang kasi eh,” parang naiiyak na maktol niya.
“Anong ginawa ni Bebang?”
Kinuwento niya kay Gwen ang kalokohan na sinabi ni Bebang kay Della tungkol sa Daddy ng bata. Nagulat pa ulit siya ng biglang humagalpak ng tawa ito.
“Hoy, Gwen naman eh! Mamaya ka na tumawa, anong gagawin ko?” tanong niya.
“Uy ang saya nila, Sali ako! Anong meron?” nakangiting sabad ng bagong dating na si Em.
Si Gwen ang nag-kuwento ng tungkol sa kalokohan ni Bebang. Mayamaya ay nakisali na rin ito sa tawanan.
“Lukaret talagang Bebang ‘yon,” natatawa pa rin na reaksiyon ni Em.
“Isa pang sinabi n’yan kay Della, malapit na daw umuwi ‘yong Daddy niya. Kaya ‘yong anak ko, ayon! Excited!” kuwento pa ni Mari.
“But seriously, problema nga ‘yan,” sabi pa ni Gabby.
Napangalumbaba siya. “Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Ayokong ma-disappoint ang anak ko. Alam kong ikalulungkot niya kapag sinabi kong hindi totoo ang sinabi ng Yaya niya, pero hindi ko rin naman puwedeng patagalin. Ayoko din naman umasa siya sa wala.”
“Huwag kang mag-alala, Mari. I’m sure makakaisip ka rin ng solusyon diyan, kakausapin ko rin si Angelique mamaya tungkol sa problema mo, I’ll ask for her opinion,” sabi pa ni Em.
“Salamat. But I’ll be fine, mamaya kakausapin ko ng masinsinan si Della,” sagot ni Mari.
Mayamaya ay narinig niyang nag-ring ang phone niya. Agad na sinagot ni Mari ang tawag ng makita ang pangalan ni Bebang sa screen ng phone.
“Oh Bhebz, kumusta si Della?” tanong niya. Magla-lunch time pa lang, at nasa school pa ang anak niya sa mga oras na iyon.
“Naku Ate, pumunta ka dito sa school ngayon na!” tila natatarantang sagot ni Bebang.
Bigla siyang napatuwid ng tayo kasabay ng pag-ahon ng kaba at pag-aalala sa kanyang dibdib.
“Anong nangyari kay Della?”
“Naku Ate, iyak ng iyak si Della, nagta-tantrums! Ayaw magpalapit sa kahit na sino sa amin! Sumiksik sa isang sulok tapos tawag ng tawag sa Daddy niya!”
Lalong tumindi ang pag-aalala niya ng marinig ang malakas na iyak ni Della sa background.
Maridella, ang anak ko…
“Sige sige, pupunta na ako diyan!” mabilis niyang sagot.
“Anong nangyari kay Della, Mari?” nag-aalala rin tanong ni Em.
“Mamaya ko na ipapaliwanag. Kailangan ko na munang puntahan si Della, Em pakisabi na lang kay Angelique!” walang prenong sagot niya, saka nagmamadaling kinuha ang bag at tumakbo palabas ng café.
“Sige ingat ka, girl!” bilin pa ni Gwen.
PAGDATING ni Mari sa school ay nagmamadali siyang pumasok sa loob. Halos lumipad siya makarating lang kay Della. Hindi pa siya nakakarating sa room ng anak ay sinaubong na siya ng Homeroom Teacher nito.
“Teacher, kumusta na po ang anak ko? Ano po bang nangyari?” humihingal pa na tanong niya.
“Miss Mari, kalma na po kayo. Everything is under control now, tumigil na po sa pag-iyak si Della,” sagot ng babaeng guro.
Noon lang siya nakahinga ng maayos. “Oh thank God, nasaan na po siya?” tanong ni Mari.
“Nasa office po ni Ma’am Emma, ‘yong anak po kasi ni Ma’am ang nakapagpa-
tahan kay Della,” sagot ng Teacher. Ang tinutukoy nito ay ang may-ari ng preschool na iyon.
“Naku nakakahiya naman,” sabi pa niya.
Ngumiti sa kanya ang Teacher ni Della. “Ang importante na po ay maayos na si Della,” sagot nito.
“Salamat po ulit, teacher. Puntahan ko muna si Della,” paalam niya.
Agad na pinuntahan ni Mari ang anak sa opisina ni Ma’am Emma. Pagdating doon ay agad siyang nginitian ng sekretarya nito.
“Kayo po ang Mommy ni Della?” magiliw na tanong nito.
“Opo,” sagot niya.
“Dito po tayo sa loob,” sabi sa kanya ng babae at sinamahan siya sa loob ng opisina.
Pagbukas ng pinto ay agad siyang nilapitan ni Bebang. Nagtaka siya dahil parang namumutla ito.
“Naku Ate,” tila natatarantang bungad nito sa kanya.
“Bakit?”
“Lagot, lagot talaga tayo,” parang naiiyak na sagot nito.
“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong niya.
Imbes na sumagot ay tinuro ni Bebang ang lalaki.
“Sorry talaga Ate, hindi ko rin naman akalain… pero ‘yong lalaki sa magazine,” bulong pa nito.
“Liwanagin mo nga ang sinasabi mo,” sabi pa niya.
“Nabuhay ‘yong lalaki sa magazine,” sagot ni Bebang.
“Lalaki sa…”
Hindi niya naituloy ang sinasabi ng marinig niyang tinawag siya ni Della. Paglingon ni Mari ay nakita niyang karga ng isang matangkad na lalaki si Della at nakatalikod ito sa kanya. Naka-maong jeans ito at light blue na long sleeve polo at rubber shoes.
“Mommy,” anang anak.
“Hi baby,” nakangiting bati niya dito. Lalapitan sana niya ang anak pero natigilan siya sa sumunod na sinabi nito.
“Mommy, look! Si Daddy oh!” excited na sabi ni Della.
Kasabay niyon ay biglang humarap sa kanya ang lalaki. Natutop niya ang bibig
ng makita ang mukha nito. Pakiramdam ni Mari ay namutla din siya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita, totoo ba talaga ito? Siya nga! Ang lalaki sa magazine, naroon sa harap niya at karga si Della.
OMG! Siya nga ‘yon! Hiyaw niya sa isip.
“Mommy, tama ang sinabi ni Yaya Bhebz! Daddy is back!” excited na sabi ni Della.
Parang gustong maloka ng Mari ng mga sandaling iyon.
‘Yong totoo, anong nangyayari?!