Nakatitig si Yumi kay Cloud habang nakadapa itong natutulog habang yakap ang isang unan, hubad baro ito at tangin short na cotton lang ang suot na halatang wala itong suot na underwear sa ilalim ng suot nitong short. Kung i-ra-rate n'ya ang katawan ni Cloud in 1-10, 10 ang ibibigay n'ya. Bakit? kasi hindi naman s'ya bulag marunong s'yang mag appreciate ng likha ng may kapal. Siguro kung pinag tagpo sila sa magandang circumstances baka bet n'ya si Cloud pero na unahan s'ya ng inis rito at hindi mabura ang sinabi nito sa isip n'ya.
"Haizt! Siguro kung naging mabait ka lang sa akin kahit konti baka ginagapang nakita ngayon. Or maybe ni lips to lips na kita kaso animalicious ka kasi baka piliin ko pang makipag lips to lips sa ipis kesa sa'yo." wika pa ni Yumi.
"Hmmmmp! Tambok sarap paluin." wika pa ni Yumi na itinaas ang kamay para paluin ang matambok na puwet ni Cloud pero pinigilan n'ya ang sarili saka lumabas na ng kuwarto ni Cloud. Kinuha lang n'ya ang mga damit na hinubad nitong na lagyan ng dugo n'ya para labasahan na ng mano-mano dahil pag pinag pabukas pa n'ya iyon tiyak na mag mamantsana ang dugo kaya ngayon na n'ya lalabahan.
**************
Napadilat ng mata si Cloud ng marinig na bumukas at sumara ang pinto saka sumimangot ng tingin sa pinto bago bumangon.
"Ano kaya ang gagawin mo kapag hinalikan kita baka halik ko pa lang bumukaka ka na." ngisi pa ni Cloud sabay tingin sa alaga n'yang tahimik na natutulog na may ilang buwan ng bakante. Wala kasi s'ya sa mood na makipag one stand sapol ng malaman n'yang buhay si Yumi busy ang utak n'ya sa pag-iisip kung saan ito possibleng nag punta. Kaya walang dating sa kanya ngayon ang mga babae. Pero itong katukayo ni Yumi masyado ng pumapapel si Yumi lang dapat ang laman ng isip n'ya pero ume-epal pa ito sa isipan n'ya. Nag tataka s'ya kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit parang ang init ng dugo nito sa kanya. Pakiramdam naman n'ya hindi s'ya naging sobrang salbahe rito.
Hindi n'ya maiwasan kung ano ba ang hitsura nito noon? Bakit sinabihan ito ng asawa ng pangit. Ano din kayang dahilan bakit peneke nito ang mga documents nito bigla tuloy gusto n'ya itong pa imbestigahan kaso baka malaman nito kung ano nanaman ang isipan. Ang lakas pa naman ng bilib nito sa sarili baka isipin nito interesado s'ya rito, tama ng asawa na lang n'ya ang iniintindi n'ya. Makita lang talaga n'ya si Yumi talsik sa kanya si Yujean. Pinag tsa-tsagaan lang n'ya ito dahil kahit papaano nakakatulong ang pagiging antipatika nito sa na raramdaman n'yang frustation dahil hindi pa rin makta si Yumi.
Na didivert ang attention n'ya papunta kay Yujean dahil ayaw man n'yang aminin pero na eenjoy n'ya ang company nito dahil hayagan nitong ipinararamdam sa kanya na hindi s'ya nito gusto at parang gusto n'yang patunayan na wala pang babae ang uma-ayaw sa kanya at hindi ito na iiba sa ibang babae.
"You will fall for me." wika pa ni Cloud habang nakatingin sa saradong pinto ng kuwarto.
-
-
-
-
-
--
-
-
"Are you sure na ayaw mo ng i renew ang contract mo with us?" malungkot na tanong ng manager n'ya after n'yang personal ng mag paalam sa buong intertainment management. After ng comeback concert ni Kinsley formal na din s'yang nag sabi sa management nila na iiwan na n'ya ang mundo ng showbiz dahil he too old para sa ganun buhay. Kailangan na din n'yang harapin ang tunay na buhay na nag iintay sa kanya bilang susunod na mag mamana ng Vguard security. Sa ngayon uupo pa lang s'yang director in chief habang ang Tatay n'ya ay mananatili pa ring CEO ng natural establishment.
"I'm really sorry Mr. Ledesma my decision is final and i also want to be my own family."
"Pwede naman yun wala naman pipigil sa'yo. Para si Kinsley may pamilya na s'ya pero hindi s'ya full time naka depende pa rin kay Jigger ang mga project na kukunin ni Ley. Puwede mo rin naman gawin yun."
"I'm sorry pero mas gusto kong mag focus na lang muna sa personal kong buhay." napabuga naman ng hangin ang manager n'ya.
"Okay mukha naman hindi ko na talaga mababago ang desisyon mo pero in case na gusto mong bumalik basta ako ang una mong co-contact-in okay." wika pa nito ngumiti naman tumango si Cloud na nakipag yakapan pa rito saka nag paalam na.
"Sir nag signing off na kayo diba so hindi n'yo na ako kailangan diba baka naman puwedeng ibalik n'yo na lang ako sa Vguard." ani Yujean habang sakay na ulit sila ng Van n'ya pauwi after n'yang formal na mag paalam sa mga kaibigan sa intertainment world.
"No problem! Starting tomorrow puwede ka na ulit mag report sa Vguard. I will just call the human resources para i-absorb ka ulit pabalik." wika pa ni Cloud na nakangiti.
"Naku! Maraming salamat talaga Sir na paka buti n'yo talagang nilalang. Kung sino man po ang hinahanap n'yo na hindi n'yo makita sana makita n'yo na po." lumingon naman si Cloud rito, wala naman s'yang sinasabi rito tungkol sa hinahanap marahil na ririnig nito sa tuwing kausap n'ya ang private investigator na kausap n'ya.
"Makikita ko din s'ya sigurado ako dun at kapag nakita ko s'ya pag babayarin ko s'ya ng buong buhay n'ya." wika ni Cloud.
"Iyon ay kung makikita n'yo pa s'ya." bulong ni Yujean.
"Anong sabi mo?"
"Ahhhh! wala po sabi ko po goodluck po, singilin n'yo s'ya tama lang yun." wika pa ni Yujean abot tenga ang ngiti ni Yujean na napapalakpak pa na lumingon sa labas ng bintana.
"Boris, sa apartment muna tayo ni Yujean." utos ni Cloud sa driver ng van n'ya.
"Ha? Naku! Wag na sir, mag ta-taxi na lang po ako saka kukunin ko pa po ang mga gamit ko sa condo n'yo bago ako bumalik sa apartment ko po."
"Wag na ipapahatid ko na lang bukas sa apartment mo. Para naman maka pag beauty rest ka na rin ng maaga ngayon dahil bukas new begining na ulit ng buhay mo after 10 months working with me."
"Alam mo sir, sa totoo lang parang gusto ko biglang dumaan ng simbahan at ipanalangin ang inyong kaluluawa." ani Yujean na parang gustong ikapikon ni Cloud pero nag timpi na lang s'ya at ngumiti.
"Bakit mo naman ipapanalangin ang kaluluwa ko? Gusto mo na ba ako mamatay?" sunod-sunod naman ang iling ni Yujean.
"S'yempre naman hindi sir. Hindi n'yo alam kung ma itatanong n'yo lang kay Lord Jesus, gabi-gabi ipina-panalangin ko na sana bangungutin kayo ng magandang panaginip." natawa naman si Cloud.
"May bangungot bang maganda?"
"Oo naman sir."
"Paano mo naman na sabi bakit na ranasan mo na ba?" sunod-sunod naman na tumango si Yujean na lumingon kay Cloud na umayos pa ng patagilid na upo para makaharap sa binata.
"Ang example ng magandang bangungot yun tipong kunwari nakita n'yo ang sarili n'yo na ikinakasal sa babaeng mahal n'yo?"
"Hindi bangungot yun magandang panaginip yun ang magandang bangunot na sinasabi mo e yung. Managinip ako na ikinakasal ako sa'yo baka hindi na ako magising pag nag kataon kasi nandun ka sa panaginip ko." pilas na pilas naman ang magandang mukha ni Yujean. Natawa naman si Cloud sa reaction ng dalaga na talaga naman nakakawala ng pagod yung makita n'yang napipikon ito.
"Ma mimiss kita probably. Yujean!" bigla naman nanlaki ang mata nito na akala mo naman nakakatakot ang sinabi n'ya.
"Utang na loob sir wag po. Tama na po ang 10 buwan na pag sasama natin at alam ko na may mga pag kakataon na mag kikita pa tayo dahil ama n'yo ang magiging boss ko at tiyak na pupunta rin kayo ng Vguard kaya mag kikita at magkikita po tayo. Wag n'yo na po ako ma miss." natawa naman si Cloud sa dami ng sinabi agad ni Yujean.
"Why do I have this feeling na parang masaya kang aalis ka na sa piling ko."
"Sinabi mo pa!" napangiti si Cloud ng marinig ang pabulong na sinabi ni Yujean na may pag ngiti pang na lalaman. Kung may award sa best in ka plastikan ito na siguro ang pinaka matibay na plastik.
"S'yempre sir dahil ang payroll job talaga ang forte ko. Hindi yung pag buntot sa isang artista na halos malasag ang buto ko sa tuwing pag kakaguluhan ka ng mga fans mo. Kaya masaya talaga ako na ibabalik mo na ako sa Vguard." tumango naman si Cloud.
"Sabihin mo na kay Boris ang address mo."
"Wag na sir."
"I insist!" sagot naman nito na wala ng nagawa si Yujean kundi sabihin na lang ang adress ng apartment na tinitirahan n'ya. Actually hindi naman literal na apartment yun kundi room lang kung saan kompleto na ang lahat ng kailangan n'ya sa isang kuwarto. Di bale bukas tiyak na masaya na ulit s'ya gagaan na ang trabaho n'ya. Hindi na s'ya mag mumukhang aso na laging naka abang sa amo. Na nag kakandatutulog na sa kaiintay rito na matapos sa mga event ito.
"Hay! sa wakas." bulong pa n'ya sa isip.