Napabuga ng hangin si Cloud after ibaba ang phone after maka-usap ang binabayan imbestigador na nag hahanap kay Yumi, negative nanaman. Hindi talaga makita kung nasaan si Yumi kahit ang mismong pari na tinirahan at nag palaki kay Yumi hindi rin alam kung saan nag punta ang dalaga. Pero malakas ang kutob n'yang may alam ang pari ayaw lang talaga nito sabihin kung nasaan si Yumi sa kung anong dahilan hindi n'ya alam.
Minasahe n'ya ang batok saka isinandal sa ang likod sa gaming chair n'ya sa harapan ng computer. Kapag hindi s'ya busy nasa bahay lang s'ya mag hapon ang nag lalaro ng online games. Hindi rin kasi s'ya makalabas ng maayos dahil lagi na lang s'yang pinag kakaguluhan ng mga fans. Kapag kasama lang n'ya si Trigger saka lang sila nakaka gala ng maayos pero dahil busy ngayon si Trigger kaya nasa bahay lang s'ya. Hindi naman na n'ya maaba ang ibang kaibigan dahil puro may mga love life na kaya ang hirap ng yayain. Mas gusto na ng mga ito na yumupyup sa mga singit ng asawa at mag alaga ng mga anak ng mga ito.
Galing s'ya sa taping kanina ng noontime show na nag guest s'ya na bukas pa ipapalabas kaya maaga silang nagising ni Yujean. After taping naman pumunta sila ng isang amusement park para sa isang TV promotional ng naturang parke kaya halos gabi na din na tapos. Pag dating naman sa bahay agad na s'yang nag return call sa private investigator na inupahan n'ya. Na titiyak n'ya na konti na lang makikita na n'ya si Yumi konting tiis na lang. Huminga ng malalim si Cloud saka tumayo, ano kaya ang ginagawa ng magaling na si Yujean.
Kumunot pa ang noo n'ya ng makita na wala ang assistant sa sofa na usually na tambayan nito kapag nasa bahay lang sila. May sarili naman itong kuwarto sa condo n'ya yun nga lang kasama nito sa kuwarto ang kung ano-anong mga anik-anik na galing sa fans n'ya. Ibinili lang n'ya ito ng sofa bed na kasya lang ang isang tao. Hindi naman ito nag reklamo dahil napasok lang naman ito sa kuwarto kapag matutulog na usually nasa sala lang ito at na nonood ng kung ano-anong movie. Napalingon s'ya sa kuwarto ng dalaga tulog na kaya ito pero 9pm pa lang naman maaga pa para matulog. Unless na lang na pagod ito pero tulog lang ito sa van n'ya habang nag sho-shoot s'ya kanina. Kapansin-pansin ang pagiging antukin nito mula pa kahapon mukhang masama ang pakiramdam kaya hinayaan na lang muna n'yang mag pahinga.
Nag tungo s'ya sa kuwarto ng dalaga, kumatok muna s'ya bago s'ya pumasok pero nag taka s'ya ng wala pa rin dun ang dalaga patay naman ang ilaw ng banyo nito. Palabas na sana s'ya ng mapansin ang sandamakmak na calling card na nasa trash bin nito na tiningnan naman n'ya. Natawa pa s'yang ng makilala ang ibang calling card mga talent scout ang mga yun mukha maraming nag o-offer kay Yujean na maging artista. Hindi rin iilang beses na kinulit s'ya ng manager n'ya na himukin si Yujean na maging bagong talent nito pero wala s'ya sa mood na kausapin si Yujean at mukhang wala din interest si Yujean na mag artista. Nagagalit pa nga ito sa kanya bakit daw nag artista pa s'ya e mayaman daw naman sila. Wala naman s'ya balak na mag kuwento dito ng talambuhay n'ya.
"Yujean!" tawag pa s'ya sa dalaga.
"Yumi Jean." malakas ng tawag n'ya habang patungo sa kusina pero wala naman ang dalaga. Saan ito pumunta kahit kelan naman hindi ito lumabas ng unit n'ya ng 'di nag papaalam. 'Di kaya tumakas ito at nakipag date dun sa lalaking ipinakilala ng kapatid n'yang si Storm dito. Malilintikan talaga sa kanya si Yujean pag tama ang hinala n'ya, inis na dumeretso si Cloud sa ref para mag hanap na lang ng makakain ng mapatingin sa may parteng lababo ng makitang ang isang paa sa sahig kaya mabilis s'yang tumakbo at dun n'ya nakita ang dalagang may dugo sa noo at walang malay. Natataranta na binuhat n'ya saka nag mamadaling kinuha ang susi ng kotse.
-
-
-
-
--
-
--
-
-
Nakatingin si Cloud sa braso at kamay n'ya na puno ng dugo ganun din sa suot n'yang damit at short. Hanggang ngayon sobra pa rin ang kalabog ng puso n'ya. Kanina parang hirap na s'yang makahinga habang papunta ng hospital panay ang lingon n'ya kay Yujean na walang malay sa backseat ng kotse n'ya. Sa buong buhay n'ya ngayon lang s'ya kinabahan ng sobra pakiramdam n'ya bigla huminto ang ikot ng mundo n'ya. Huminga s'ya ng malalim ng mag hugas na s'ya ng kamay at braso may ilang minuto din s'yang nag stay sa loob ng banyo saka lumabas. Pag balik n'ya ng emergency room naka salubong naman n'ya ang doctor na tumingin kay Yujean at niyaya s'ya sa nurse information. May malay na daw si Yujean at mamaya lang daw puwede na niyang iuwi.
"How is she? and----and the baby? na uutal pa n'yang tanong sa doctor sa daming dugo inilabas ni Yujean kanina nag aalala s'ya na baka na kunan ito. Wala s'yang kaalam-alam na buntis pala ito at hindi n'ya alam ang gagawin n'ya kung magagalit ba s'ya o maawa para sa bata na possibleng nawala na.
"baby? She not pregnant." wika ng doctor na umiiling pa. Kumunot naman ang noo ni Cloud.
"Then why_____."
"That is her monthly period." turo ng doctor sa dugong nakakalat sa suot n'ya. Bigla parang gustong bumaligtad ng sikmura ni Cloud sa nalaman.
"Heavy menstrual bleeding ang tawag sa nangyari sa girlfriend mo, hindi s'ya na kunan or nag karoon ng miscarriage. Maybe meron din s'yang dysmenorrhea kaya nag passed out s'ya. Pahinga lang ang kailangan n'ya na normal na nangyayari sa ibang babae ang ganitong sitwasyon. Wala naman kaming nakitang fracture sa ulo n'ya na marahil ng mag passed out s'ya tumama ang noo n'ya sa matigas na bagay." paliwanag nag doctor puro vitamin lang naman ang nireseta kay Yujean at ibayong pahinga at bawal daw mag puyat.
******
"What the hell are you doing?" inis na tanong ni Cloud habang tinitingnan si Yujean na panay ang tingin sa mukha nito sa harap salamin sa loob ng kotse n'ya.
"Tinitingnan ko lang kung may na deformed ba sa mukha ko. Wala kasi akong maalala kung saan tumama ang noo ko ng mawalan ako ng malay." aniya habang tuloy lang sa pag tingin ng mukha sa salamin.
"Kapag sinuntok kita ma dedeform yang ilong mo." wika ni Cloud na ikinalingon ni Yumi kay Cloud.
"Sobra ka? Tinitinitingnan ko lang naman e." aniya na itinago na sa compartment ang hand mirror na hawak.
"Hindi mo ba alam kung kelan dumadating ang buwanan dalaw mo?" angil pa ni Cloud.
"Alam?"
"O anong nangyari kanina? tinakot mo ako muntik na tayong mabangga kanina alam mo ba yun sa sobrang pag-aalala ko sa'yo akala ko buntis ka at nakunan ka na. Yung pala ni regla ka lang hinimatay ka na." bulalas pa nito.
"Meron akong period kanina kaya masama ang pakiramdam ko umaga pa lang."
"Sana nag sabi ka para hindi ako nag aalala sa'yo ng sobra."
"Ikaw nag alala sa akin? Totoo ba yan sir? tanong pa ni Yumi na napapangiti.
"Anong akala mo sa akin robot na walang pakiramdam?"
"Hindi naman kaso lang medyo worried na ako sa'yo sir?" kumunot naman ang noo ni Cloud na saglit na nilingon ang dalaga.
"At bakit?"
"Kasi nung una sabi mo hindi ka nag seselos pero malinaw naman nag seselos ka sa mga lalaking lumalapit sa akin tapos ngayon nag aalala ka na, naku sir! Iba na yan pigilan n'yo ang sarili n'yo."
"kapal naman ng mukha mo." bulalas naman ni Cloud na hindi na napigilan ang matawa sa sinabi ni Yujean na habang tumatagal na papansin n'ya na pakapal ng pakapal ang mukha. Noong una takot pa ito sa kanya pero lately marunong na itong managot at mangatwiran na akala mo e kung sino na tagapag mana.
"Anong nakakatawa ha? pagkatapos mo akong gawin pasador, tumatawa ka pa d'yan." ani Cloud na nalingunan na tumatawa si Yujean na walang tunog.
"Tingnan mo nga tong damit ko, alam mo bang regalo pa sa akin to ni Jupiter noon pero dahil sa'yo puro dugo na."
"Wag kang mag-aalala Sir, ibabalik ko sa dati yan damit n'yo. Dugo lang yang madaling tanggalin yan trust me, pero ang damdamin n'yo para sa akin baka mahirapan ako tanggalin." ngiti pa ni Yujean.
"Yung totoo? San ka humuhugot ng kapal ng mukha mo?" natawa naman si Yumi. Ang totoo na tutuwa lang s'yang asarin ang amo n'ya. Napaka pikon kasi nito basta s'ya ang kausap samantalang kapag ang mga kaibigan nito ang kasama ang lakas din nitong mang trip pero pag s'ya ang nangtrip na gagalit ito.
"Wag n'yo kasing iparamdam sa akin ang mga bagay-bagay Sir, hindi naman kasi ako manhid na tao."
"Babawasan ko na talaga ang sweldo mo, ipapa car wash ko tong kotse ko na napuno ng dugo mo." tumango naman si Yumi.
"Okay lang po Sir, sige lang pag mga ganyan usapin okay lang na bawasan n'yo ang sweldo ko pero yung babawasan n'yo ang sweldo ko dahil sa ibang bagay. Hindi po tayo mag kakasundo." ngumiti pa si Yumi na akala mo e hindi ito hinimatay kanina. Ibang klase.
"Hindi ka ba na hihiya sa akin?" tanong ni Cloud.
"Kayo po hindi ba kayo na hihiya sa akin? Tapos ako ng BS Accountancy at board passer pero ginawa n'yo akong personal assistant n'yo." natawa naman bigla si Cloud.
"Then patingin ng proof pag pinakita mo sa akin ang proof na totoo ang sinasabi mo, I'm setting you free." tumikwas naman ang nguso ni Yumi, pag pinakita n'ya ang proof rito malalman nitong s'ya ang ex-wife nito never mind na lang.
"'Di bale na lang sir, masaya naman ako sa sweldo ko."
"May pinag tataguan ka ano? Sigurado peke din ang lahat ng document mo."
"Ang totoo n'yan sir, napatay ko ang asawa ko, tinadtad ko s'ya ng saksak at nag tatago ako ngayon sa kamay ng batas. Iyon ang dahilan kung bakit ako nag pa retoke ng mukha." ani Yumi, imbis na maalarma si Cloud na tawa pa s'ya sabay iling.
"Ayaw n'yong maniwala, gusto n'yo sampulan ko kayo mamaya habang na tutulog kayo." hamon ni Yumi.
"Bahala ka sa buhay mo, tiyakin mo lang na hindi ako magigising dahil oras na magising ako at makita kita sa loob ng kuwarto ko, ikaw ang sasaksakin ko at titiyakin ko sa'yo na 9 months mong iindahin ang gagawin ko." banta naman ni Cloud.