Pag baba ng jeep nag lakad lang ng konti si Yumi para marating n'ya ang Vguard saka s'ya umakyat ng overpass na konekta na sa mismong vicinity ng loob ng compound mismo ng Vguard security agency. Kapag lumiko ka naman sa kanan edi parang tumawid ka lang ng overpass para sa kabilang lane pero kapag deneretso mo ang lakad papasok naman ng compound ng company. Nilalanghay n'ya ang polluted na hangin ng Metro Manila pero masarap sa pakiramdam na naka balik na s'ya sa dating company. Tinanaw n'ya ang malawak na compound ng agency. Ang berdeng damo na nakalatag sa buong surrounding ang mga maliliit na golden coconut na naka halera ng tanim sa gilid at mga halaman na mga na mumulaklak.
Kung titingnan mo ang naturang compound hindi mo aakalain na security agency iyon at puro lalaki ang nasa 3 palapag na building na una mong papasukan habang salikod ng 3 palabag na building meron naman na 19 storey building na binubuo ng iba-ibang mga sector na bumubuo sa Vguard security agency. 3 klase ng bodyguard ang meron sila dahil iba-ibang uri ng client meron ang Vguard. Supreme family, upper class family, middle class family at under class family.
Ang Supreme family ay binubuo ng mga royal blood na minsan na pumapasok sa Pilipinas para dumalaw at kailangan ng mga taong mag bantay sa mga ito. At ang mga uri ng guard na iyon ay yung tipong mga galing sa mga special forces at mga foreigner na iniwan na ang pag sisilbi sa bayan. Ang Upper class family naman ay binubuo ng mga taga gobyerno at mga business elite people tulad ng mga Lagdameo at Montenegro. Ang middle class naman ay mga ordinaryong tao na may sinabi pa rin naman sa buhay na nakakatanggap ng mga grave threats. Habang ang under class family ito yung pamilya na mga whistle blower or mga biktima na krimern or saksi sa krimen na may mga death threat.
Iba-iba man ang sector ng Vguard iisa pa rin ang layunin ng mga guards nila iyon at tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng kanilang mga client kahit pa buhay ng mga guard nila ang kapalit. Hindi lang sa Pilipinas meron Vguard agency meron din sa iba't-ibang panig ng bansa mapa asia man o International. Ito lang ang pinaka main headquarters ng lahat na pina mumunuan ni Skyler Mondragon kasama ng 4 pa nitong mga kaibigan na minsan na n'yang na kita sa mga event ng family ng mga Lagdameo na minsan isinasama s'ya.
"I'm finally back." usal pa n'ya na idinipa ang mga braso sabay yakap sa sarili. Agad naman na binati n'ya ang security guard na naka assign sa main entrance na natuwa rin ng muli s'yang nakita. Pag top n'ya ng daliri n'ya sa biometric tumunog pa iyon ibig sabihin empleyado pa din s'ya ng Vguard. Napapangiti naman binabati s'ya ng mga dati n'yang kakilala at nakakatandan sa kanya kahit 4 months lang s'yang nagtatrabaho roon bago s'ya hinugot ng pasaway n'yang ex-husband.
"Welcome back Ms. Quizon.' bati sa kanya ng head ng human resources ng mag report na s'ya on duty.
"Yes ma'am sa wakas na kabalik na ako. Na miss ko na po ang table ko." wika pa ni Yumi na abot tenga na talaga ang ngiti na may kasama pang kilig.
"Naku! mukhang na miss informed ka Ms. Quizon." nakangiting wika nito na ikinabura ng ngiti n'ya pero pilit pa rin n'yang ngumiti.
"From now on hindi ka na babalik ng payroll department, direct reporting ka na sa new director ng Vguard na si Mr. Cloud Mondragon. Your going to be his new secretary." literal na bumuway ang tayo ni Yumi sa narinig pakiramdam n'ya biglang nang hina ang tuhod n'ya kaya natatawang inalalayan s'ya ng kaharap.
"Are you okay Ms. Quizon, now I know why Mr. Mondragon ask me for this." wika pa nito na mula sa bulsa inilabas ang isang white flower at inabot sa kanya. Pakiramdam ni Yumi mag kakaroon s'ya ng una n'yang mild stroke dahil sa pinag gagawa sa kanya ni Cloud.
"Sigurado po ba kayo na ako ang gusto ni Sir Cloud na maging secretary n'ya? Baka nag kakamali po kayo ma'am."
"No." umiling pa ito.
"Kausap ko s'ya kanina at maaga s'yang pumasok kanina at hinahanap ka na nga."
"Maaaaa'aaaammm! CPA po ako bakit ako?" parang ng bata maktol ni Yumi na napapadyak na. Feel na feel pa n'ya ang pag susuot ulit ng uniform n'ya na kulay itim at may pulang lining sa mga hemline. Ang lakas maka flight attendant ng uniform ng taga payroll yun pala back to secretary s'ya ni Cloud. Pinasosyal lang dati personal alalay ngayon naman secretary.
"I'm sorry pero ikaw kasi ang special request ni Sir Cloud, s'ya na lang ang kausapin mo dahil hindi kita matutulungan kahit gusto mo sa dati mong department." wika pa nito.
"Sige, mag report ka nalang sa kanya muna." wika pa nito saka sinabi kung saan floor matatagpuan ang directors office.
-
-
-
-
-
--
-
-
"Tiyak na nag huhurumentado na si Ms. Yujean ngayon Sir.' wika ni Boris na mananatiling personal driver n'ya. Napangiti naman si Cloud na iimagine na rin n'ya ang hitsura ni Yujean tiyak na nag uusok na ang ilong nito. Naitawag na sa kanya ng guard kanina na dumating na daw si Yujean. Dahil ibinilin n'ya na tawagan s'ya nito pag dumating si Yujean. Na e-excite na s'yang makita ito kagabi palang na tutuwa na s'yang makita ang reaction nito sa muli nilang pag kikita. Na wala pang 24 hrs silang nag hihiwalay bilang P.A.
"Sir! Matanong ko lang bakit po si Ms. Yujean ang gusto n'yong maging secretary kahit wala naman s'yang background sa mga gawain ng isang secretary bakit hindi na lang po kayo mag hired ng bagong secretary." tumayo naman si Cloud at binuksan ang pinto ng office para silipin kung parating na ang dalaga pero wala pa rin ito baka nasa HR pa ang dalaga.
"Simple, sa babaeng yun sa kanya ko lang na ramdaman na safe ako at wala s'yang planong paibigin at pikutin ako. Hindi mo ba napansin alergic s'ya sa akin mula pa noon." napangiti naman si Boris.
"Sabagay sir, akala ko nga po ng una nag papanggap lang na hindi ka n'ya gusto pero later on napatunayan ko na rin na mukhang hindi po na talab sa kanya ang magic spell n'yo sa mga babae."
"Sinabi mo pa, saksakan pati s'ya ng ka plastican wag lang mawalan ng trabaho." tumango naman si Boris.
"At higit sa laha_____ohhhh!"
"Ohhhh!" sabay na bulalas ni Yujean at Cloud na biglang lumingon para sana muling silipin si Yujean pero nasa likod na pala n'ya ito at bahagya n'yang nabangga kaya bigla s'yang napayakap sa katawan nito ng biglang bumugway ng tayo ang dalaga. Sabay pa silang natigilan na nag katitigan. At ewan ba n'ya pakiramdam n'ya biglang huminto ang mundo habang nakatitig s'ya sa magandang mukha ni Yujean na nakatitig din sa kanya habang nakayakap s'ya sa bewang nito at naka kapit naman si Yujean sa balikat n'ya. Kung hindi pa tumikhim si Boris hindi sila matatauhan ni Yujean habang nag titigan. Malakas na napa tikhim si Cloud para alisin ang kakaibang na raramdaman n'ya sa mga oras na yun.
"Do you want coffee sir?" tanong ni Yumi sabay mura sa isip n'ya. Bakit iyon ang lumabas sa bibig n'ya na roon s'ya para murahin si Cloud. Sa elevator pa lang bumubula na ang bibig n'ya sa pag mumura dahil kay Cloud pero bigla parang natanga yata s'ya. Bakit nag tatanong s'ya kung gusto nito ng coffee.
"Coffee please." wika naman ni Cloud na bumalik na sa likod ng table nito at naupo sa magarang swivel chair nito.
"Okay! I'll get that right away Sir." ngibit ni Yumi na umatras.
"Yujean." tawag ni Cloud sa dalaga na patalikod na sana pero muling lumingon.
"Next time knock 3 times dahil iyon ang tama basic etiquettes ang tawag dun." nakagat naman ni Yumi ang dila para pigilan ang murahin ang binata.
"I'm sorry Sir, hindi na po ma uulit." patalikod na sana si Yujean ng muli s'yang tawagin ni Cloud,
"Paki sarado ng pinto. Nalabas ang lamig ng aircon." utos pa ni Cloud.
"Ahhmmp! Eherm! huuuu! Sorry." wika ni Yujean na pilit na tumikhim na parang biglang kumati ang lalamunan sa gigitil kay Cloud. Pagkahila n'ya ng pinto at magsarado agad na tumaas ang kamay n'ya sa saradong pinto ng office ni Cloud at inilabas ang dalawang middle finger n'ya sabay mura ng sa silent mode sa tapat ng pinto na biglang bumukas at ang nakangiting si Boris ang bumungad sa kanya. Mabilis naman n'yang ibinaba ang kamay at itinago sa likod sabay ngiti.
"Is there a problem Yujean?"
"ahhh! nothing sir, tanong ko lang po kung with sugar po ba o no sugar."
"With sugar." nakangiting sagot ni Cloud na enjoy na enjoy sa nakikitang hitsura ni Yujean na parang gusto na s'ya masuhin sa mukha kung meron lang itong dalang maso.
"Okay! I'll go get your coffee sir." ngiti pa ni Yujean sabay talikod na habang minumura na si Cloud sa isip.
"Mukhang exciting to boris." wika pa ni Cloud na abot tenga ang ngiti.