Episode 5- Daddy

1652 Words
"May anak ka sa labas?" biglang bulalas naman ni Cleo na nag palipat-lipat ng tingin kay Skyler, Cloud at sa isang magandang babae na hila-hila ng anak. "Ha! Wala ano? umayos ka neng, pag ako na patalisik ng bahay sisilaban kita kahit maganda ka." wika nanamn ni Skyler alanganin naman na ngumiti si Yumi na nag peace sign sa dalawang matanda. "Diba pa po kayo ang parents ni Sir Cloud." "Bagong girlfriend mo?" tanong ni Cloe s anak. "Hindi po soon pa lang po." wika naman si Yumi na hinila naman ni Cloud sa buhok sa likuran. "She's not Nay, P.A ko lang s'ya." "P.A ganyan ka ganda?" wika pa ng Nanay ni Cloud na napalingon pa sa kanya para naman s'yang dalagang Pilipina na kinikilig. "Parang familiar ka sa akin Neng, nagkita na ba tayo before." "Yes po! Ako po ang soon to be daughter in law n'yo." ani Yumi. "Ano ba Yujean hinda na nakakatawa ang biro mo." galit ng wika ng binata na hinarap s'ya. Ngumuso naman si Yumi na umirap saka bumaling sa dalawang magulang ni Cloud. "Pasensya na po Ma'am, Sir. Ako po si Yujean not so long ago na personal assistant po ni Sir Cloud." "Ahhh! Ikaw yung nasa simbahan na kausap ni Storm nung kasal ni Jansen tama ba ako." wika ni Cleo. "Yes, po ma'am." tango ng dalaga. "Bukod dun parang nakita na kita hindi ko lang matandaan kung saan e," "Payroll personnel po ako sa Vguard ng 4 na buwan po bago po ako naging P.A ni Sir Cloud." "Ha?" sabay na usal ng mag-asawa na nag yaya na pumasok na muna sila sa loob ng condo ng anak. Inutusan pa si Yumi na maupo ng dalawa habang si Cloud ay naka upo sa backrest ng sofa sa likuran n'ya na panay ang pasimpleng kinukurot s'ya ni Cloud sa likod. "Linawin mo nga sa akin na payroll personnel ka sa kumpanya ko bago ka naging P.A ng anak ko? Paanong nangyari yun ng 'di ko alam." salubong ang kilay ni Skyler na nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Siguraduhin n'yo lang na parehas ang sagot n'yong dalawa Cloud." ani Cleo. "Sino gusto mong unang sa sumagot sa atin dalawa?" tanong ni Cloud ng umikot ito at naupo sa tabi na naka upong de kuwatro pa na may pag akbay pa sa kanya. Makahulugan ang tingin nito sa kanya na ngangahulugan lang na kapag nag kamali s'ya ng sagot tiyak na ilalag s'ya ng damuhong ito. "Narinig ko po kasi si sir na nag hahanap ng assistant at maganda po ang offer na sweldo kaya nag try po ako na mag apply. Then I got a job." "Asan nanaman ang assistant mo?" tanong ni Cleo sa anak. "I fired her Nay, she kissed me habang na tutulog ako." "Wala ka ng tumagal na assistant Cloud." iling ng ama. "Ikamamatay mo ba na mahalikan ng assistant mo?" "Nope! pero ayoko na hinahalikan ako ng babae na hindi ko naman______." nagulat na napaatras si Cloud na napahawak sa pisngi. "Baliw ka ba?" bulalas ni Cloud ng halikan s'ya bigla ni Yujean sa pisngi. Napangiti naman ng lihim si Cleo habang nakatingin sa dalawa. Natatawa s'ya sa reaction ng anak na akala mo naman ay teenager pang ninakawan ng halik ng kalaro. Na aalala tuloy n'ya noon bata pa ang anak ng nakawan ng halik ng kababata nitong si Yumi na iniyakan pa nito dahil na didiri. "Sesante na ba ako sir?" Tanong pa ni Yumi. "P.A ka lang ba talaga ng anak ko?" tanong pa ni Skyler habang nakatitig sa kanilang dalawa. "Opo, sir! Pero kung gusto n'yo naman po akong maging manugang wala naman pong problema sa akin." lakas loob na wika ni Yumi, pero sinabi lang n'ya yun para inisin si Cloud. "Walang problema sa amin kung ikaw ang gustong pakasalan ng anak ko." sagot naman ni Cleo dahil kilala n'ya ang anak n'ya alam n'ya ang dahilan kung bakit hanggang nagyon nasa showbiz pa rin ang anak dahil umaasa pa rin ito hanggang ngayon na makikita pa rin nito si Yumi. "I will not!" "I will not? Ano sir, terminate me o marry me?" tanong ni Yujean. "Both kaya tumigil ka na hindi ko alam kung anong mang masamang espirito ang naka sanib sa'yo ngayon pero paalisin mo na dahil konti na lang kokota ka sa akin." banta ni Cloud na bumaling na ulit sa mga magulang. "Bakit nga po pala kayo pumunta." "Debut ng kapatid mo sa susunod na linggo, galing kami sa Hidden Plaza resort to check the venue kaya dito na kami dumeretso. Lilinawin ko lang ang schedule mo ikaw ang escort ng kapatid mo kaya tiyakin mong malinis ang schedule mo para sa 2 days natin celebration." wika ni Cleo. "Check mo nga ang schedule ko, hindi yung naka-upo ka lang d'yan." tumikwas naman ang nguso ni Yujean na tumayo para kunin ang tablet ni Cloud para tiningnan ang schedule nito. "Bakit kayo nag hahabulan kanina?" tanong naman ni Cleo ng tumalikod ang dalaga. "We're not." "It seems na tinakbuhan ka ng assistant mo at inabutan mo lang iyon ang napansin ko kanina." "Yes, na pansin ko din yun? Anong meron." na alala naman ni Cloud kung bakit sila nag hahabulan nito kanina dahil sinabi nitong may fungi daw ang tit* n'ya. Bigla tuloy bumagsak ang self-confidence n'ya dahil sa sinabi nito. Pakiramdam n'ya nakaramdam s'ya ng sobrang hiya. Hindi rin naman n'ya alam kung bakit hati ang kulay ng alaga n'ya pero wala naman kaso yun sa ibang mga babae, karaniwan pa nga na cu-cutan kasi kakaiba ang kulay. Ang importante daw malaki s'ya at na aabot n'ya ang gspot ng mga nakakatalik n'ya. Pero si Yujean nilait nito ng sobra ang alaga n'ya, may an-an daw at tinawag pa nitong fungi sinong hindi magagalit nun. "It's nothing Tay, nothing serious." sagot naman ni Cloud ng bumalik naman si Yujean muli na ulit itong naupo sa tabi ni Cloud habang sabay nilang tiningnan ang record ng schedule nito. "Sigurado ka bang wala kang anak sa labas Skyler." bulong ni Skyler na tulad ng asawa nakatitig rin sa anak at assistant nito. "E bakit parang mag ka hawig silang dalawa?" "Yun nga din ang ini-isip ko sa totoo lang." "Ilang taon ka na hija?" biglang tanong ni Cleo. "30 po?" "30 ka na?" bulalas naman ni Skyler na nagulat na halos kasing edad rin pala ito ng anak. "Tapos wala ka pang asawa?" tanong pa ni Cleo. "Meron po akong asawa." "Ano?" shock pang bulalas ni Cloud na patingin kay Yujean. "May asawa na ako." "Ilan na ang anak mo hija?" tanong naman ni Skyler habang masama ang tingin sa anak. "Actually po, divorced na po ako at wala po kaming anak." sagot ni Yujean. "Divorced? Ibig sabihin hindi ka dito nag pakasal?" tanong naman ni Cleo. "Yes po ma'am." "Do you mind if I ask kung bakit kayo nag divorced ng asawa mo?" ngumiti naman si Yujean saka huminga ng malalim. "Pangit daw po ako." "Anong pangalan ng lalaking yan at ibabayad ko na ang buhay n'ya." biglang bulalas ni Skyler na parang na buwisit bigla sa sinabi ng dalaga. "Wag kang malungkot hija, hindi kawalan ang mga ganun klaseng lalaki may karma din sa kanya ang ginawa n'ya." wika naman ni Cleo. "Anong ginawa mo after n'yang sabihin sa'yo yun?" tanong ni Cloud. "Wala, anong gagawin ko e totoo naman." "Kaya ka nag pa retoke dahil sa ex-husband mo?" tanong pa ni Cloud. "Nag paretoke ka?" sabay pang tanong ng mag-asawa. Ngumiti naman na tumango si Yujean. "Alin ang pinaretoke mo?" tanong pa ni Skyler. "Ilong, labi jawline po." pag sisinungaling ni Yumi. Hindi na n'ya sinabi ang buong katotohan dahil parang inamin na n'ya kay Cloud na s'ya ang asawang hinahanap nito. Napatango naman ang mag-asawa habang marahas naman na napabuga ng hangin si Cloud. "Hindi mo kailangan mag paganda para sa ibang tao. Hindi porket iniwan ka at sinabihan ka ng pangit kabawasan na yun bilang babae mo. Dahil wala sa ganda kung totoong mahal ka ng asawa mo, mas katanggap tanggap pa kung sasabihin mo na nag pa retoke ka dahil gusto mung gumanda para sa sarili mo. Hindi dahil gusto mo lang ipamukha sa asawa mo na maganda ka na ngayon at mag sisi s'ya kung sino ang iniwan n'ya. Tandaan mo gumanda ka lang dahil sa modern technology pero ang tunay na ikaw nand'yan pa rin sa likod ng magandang mukha mo." mahabang lintanya ni Cloud na parang tumagos hanggang sa kaibuturan ng puso ni Yumi. "I like her." wika ni Cleo habang inihahatid sila ng anak sa elevator. "Bakit?" tanong naman ni Skyler. "She's pure hindi naman n'ya kailangan maging honest sa atin puwede s'yang mag sinungalin pero sinabi pa rin n'ya ang totoo." "Sabagay! At obvoiusly hindi n'ya gusto itong anak natin. Even though dinadaan n'ya sa biro halatang-halata na walang dating sa kanya si Cloud." wika ni Skyler napangiti naman si Cleo na napansin din n'ya ang isang bagay na yun na hindi man lang nang ninining ang mata ng dalaga habang nakatingin kay Cloud. Di tulad ng karamihan ng babae na lantaran ang ipinakikitang pag ka gusto sa anak n'yang panganak. "Hindi pa lang s'ya na huhulog sa akin Tay, dahil hindi naman ako nag e-eeffort. Wala pang babaeng hindi nag kagusto sa akin." "Meron ng isa kaya wag kang mag paka-kampante. Babae din ako kaya alam ko ang babaeng mag kakagusto sa'yo o hindi." "She kissed me nakita n'yo naman." "To tease you, walang ibang kahulugan yun." "What was her name again?" tanong ni Skyler ng nasa harapan na sila ng elevator. "Yujean po, as in YUJEAN." pag sspeling pa ni Cloud na napapangiti. "Short for Yumi Jean." sabay pang nagulat na napalingon ang magulang na ikinatawa naman ni Cloud. "Yumi Jean Quizon, Nay! Kapangalan lang n'ya pero hindi s'ya, coinsidence lang." pag didiin pa ni Cloud.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD