NILIBOT ni Migs ang tingin sa paligid. Humupa na ang bagyo, pero makulimlim pa rin at ang hangin ay medyo malakas pa rin ang pag-ihip. Wala pa rin signal doon sa lugar na iyon dahil natumba ng malakas na bagyo ang cellsite tower at hindi pa sigurado kung kailan maaayos dahil may isa pang bagyo ang tatama sa bansa mamayang madaling araw. “Migs, kumusta kayo dito? Wala bang nasira sa bahay o sa shop?” tanong nang bagong dating na si Bebs. “Ayos naman, walang nasira. Kayo?” “Okay lang din.” “Ikaw? Kumusta ka na? May sakit ka pa rin?” “Medyo bumuti na ang pakiramdam ko kaya nakalabas na rin ako. Si Anne nga pala?” “Tulog pa.” “Hay… hindi pa tapos ang bagyo, mayroon pa mamaya,” sabi pa ni Bebs.