Malakas na naitulak ng secretary ang nakadagan ditong si Mr. dela Cuesta. Hindi maipinta ang emosyong bumalatay sa mukha ng babae. Partly, dahil sa hiya. Maaaring galit din ito sa kanya gaya ni Leandro. Hinila nitong pababa ang laylayan ng palda na halos singit na lang ang natatakpan sa ikli. Cristina ang pangalan nito. Kung may panty pa ito sa loob, hindi niya alam. Nakaka-overwhelm lang na isiping may mga babaeng pumapayag na basta na lang tratuhing mababa ng isang lalaki.
“What the hell are you doing here?!”
Nalipat sa lalaki ang pansin niya nang umalingawngaw muli ang dumadagundong na boses ni Leandro. Kasalukuyan nitong inaayos ang nakabukas na slacks. Wala ni katiting na hiya ang makikita sa mukha nito. Confident lang na nakatitig sa kanya at umaktong walang anuman ang nasaksihan niya.
“I said, what the hell are you doing up here?!”
Mas mataas na ang tono ng boses nito, mas kababakasan ng galit at tinablan siya.
Sa gulat ay napaatras siya at natabig ang vase na nasa isang tabi. Natumba iyon at natapon sa carpet ang lamang tubig at mga bulaklak. Kumalat ang tubig sa mamahaling carpet. Kita iyon sa pagbabago ng kulay nang bahaging nadaluyan. Natataranta niyang isa-isang dinampot ang bawat stem. Namasa ang kamay niya dala nang magkahalong pawis at kaba. Hindi na niya malaman ang gagawin. Nanginig ang kamay niya.
Sino ba ang mag-aakalang ang napakainosenteng araw ay mauuwi sa ganito?
Napatili siya nang daklitin siya ni Leandro sa kanyang braso daan upang mapatayo siya nang sapilitan. Natanto niyang wala na ang assistant nito. Kung saan man nagtungo, hindi niya alam at wala siyang balak alamin. Ang nais niya lang ngayon ay ang makawala sa tila umuusok na bulkang amo.
“Bingi ka ba? Pipi?”
Nahintakutan siya nang mas dumiin ang kamay nito sa kanyang balat. Paano ba niya magagawang sumagot kung sinisindak siya nito? Pinamahayan ng takot ang dibdib niya? Para siyang kinakain ng buhay at hinahalukay ang sikmura. Tila kasi naglalagablab sa apoy ang gait sa mga mata nito.
“I’m running out of patience, woman,” nagngangalit ang bagang na dagdag nito.
Mas sumiklab ang kaba sa puso niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Sa lapit nilang dalawa ay dumantay sa mukha niya ang mainit at mabango nitong hininga. Hindi kulob gayong galing ito sa pakikipaghalikan.
Ang tanga-tanga niya talaga. Pumapasok pa sa utak niya ang ganoong bagay.
“A-ano po, Sir…n-nagkamali lang po ako ng pindot sa…sa elevator.”
Balewala rito ang nginig sa boses niya at ang takot sa kanyang mukha. Mas dumilim pa ang anyo nito habang pinasadahan ng tingin ang mukha niya. Sana man lang ay masilip nito ang takot niya. Sana man lang ay tubuan ito ng awa at hayaan na siyang makawala.
Pero ang isang kagaya nito, malayo sa pagiging maawain.
“Ubod ka talaga ng tanga. I wonder how you played tricks para lang mapasok sa kumpanyang ito. Hitsura mo pa lang, bobo na.”
Nakakainsulto ang mga sinabi nito. Nakakasakit ng kalooban. Otomatikong nangilid ang mga luha niya pero sinikap niyang walang malaglag ang mga ‘yon. Iba ang dating na nanggaling sa lalaking ito ang masasakit na mga salita. Totoo ngang masama ang ugali nito.
“I could fire you any time kahit pa malakas ang backer mo.”
Fired.
Sisanti.
Jobless.
Tumimo sa utak niya. Isipin pa lang ay sangkaterbang takot at pangamba na ang nabuhay sa dibdib niya. Mahirap maghanap ng trabaho kaya gagawin niya ang lahat huwag lang siya nitong palayasin. Kung kinakailangang lunukin niya ang pride, gagawin niya. Bago pa man niya namalayan, nakaluhod na siya sa harapan nito. “Sir, please, parusahan ninyo na lang po ako. Kahit ano gagawin ko. Hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho. May sinusuportahan po akong pamilya.”
Hindi siya sigurado kung pakikinggan siya nito pero sumubok siya.
“Get up, you, idiot. Get up!” Mahina ngunit may diing ang pagkakasabi nito.
Kanina pipi at bingi, ngayon naman, idiot. Hindi nauubusan ang lalaking ito ng mga salitang nakakainsulto. Ang sama ng tabas ng dila. Pero, teka, bakit ba siya nagpapakababa nang husto at hinahayaang basta na lang siya insultuhin? Wala siyang kasalanan. Pinalis niya ang mga luha at tumayo at taas-noo itong hinarap. Sisisantihin na rin lang siya, mas mabuting masabi niya ang nasa isip.
“Hindi ko po kasalanang nakita ko kayo sa malaswang ayos, Sir. Bakit ako ang pagbubuntunan ninyo ng galit?”
Umangat ang sulok ng bibig nito. Ngumiti nga, ngiting nang-uuyam naman. Napaatras siya nang humakbang ito patungo sa kanya na ang mga mata ay nakapako sa mukha niya. Kahit gaano man pinamahayan ng kaba ang dibdib, sinikap niyang salubungin ang mga titig nito. Kahit takot na takot siya. Hanggang sa bumangga ang likuran niya sa glass wall ng pinakaopisina nito. Nasa mismong tapat na niya ang demonyong amo. Na-corner siya. Umangat ang dalawang kamay nito at ibinakod sa pagitan niya. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon, para siyang kuting na nagng priso ng matitipuno nitong mga braso sa tagiliran at sa malapad nitong katawan sa harapan. Sa liit niya ay nagmistula siyang duwende sa harap ng isang kapre.
Nakita niya kung paanong dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. Nanigas siya, naging tensyondao ang buong sistema niya nang wala nang isang dangkal ang agwat ng mga mukha nila. Halos maduling siya sa sobrang lapit. Ang t***k ng puso niya ay biglang nagwala nang wala sa oras. Basta, kumabog na lang nang kumabog.
“S-sir…” nahihintakutan niyang sambit.
Ano ba kasi ang binabalak nito? Ito ang unang beses na napalapit siya nang ganito sa isang lalaki. Hindi pala madali, parang hindi kakayanin ng dibdib niya. Hindi niya maunawaan ang mararamdaman. Nakaka-frustrate. Nakakainis.
“You know I could punish you right now.”
Halos paanas na ang pagkakabigkas nito. Ang paninigas ng katawan ay mas lalong sumidhi nang paraanan nito ng likod ng mga daliri ang pisngi niya. Tila may boltahe ng kuryente ang nanulay mula sa balat nito patungo sa kanya. Ang paghinga niya ay parang natigil. Tila may bara sa lagusan ng hangin. Nawiwindang siya lalo nang ilapit pa nito ang mukha. Sobrang lapit na isang maling galaw at siguradong maglalapat ang mga labi nila.
“But I got some taste.”
Nag-iinit ang kanyang pisngi. Tahasan nitong isinasampal sa harapan niya kung gaano siya ka-unattractive bilang babae.
“I bet you’re waiting for something.”
Mas lalong nagwala ang puso niya nang dumapo ang daliri nito sa pisngi niya at tila mabagal na pinaglandas sa contour ng panga niya. Ayaw niya sa kilabot na bigla na lang nabuhay sa katawan niya.
“You wanna have a taste of me?”
Hindi naman siya ganoon ka-bobo para hindi makuha ang ibig nitong sabihin. Below the belt na ang mga sinabi nito. Inaapakan nito hindi lang ang pagkab*b*e niya kundi ang buong pagkatao niya.
Sobra-sobra na ito.
“Kung inaakala ninyong ang lahat ng tao o ang lahat ng mga babae ay luluhod sa paanan ninyo, nagkakamali kayo.”
Nagulat siya sa ipinamalas na tapang. Maging ang kaharap. Kinuha niya ang pagkakataon para makawala. Ubod-lakas niya itong itinulak at walang lingon-likod na lumayo sa malupit na lalaking ito. Nagpupuyos ang dibdib niya. Nagsilaglagan ang mga luha sa kanyang pisngi pero nagawa pa niyang bitbitin ang nanlalamig nang kape na inilapag niya sa carpet kanina. Ni hindi na niya namalayang may nakabangga siya. Ang mahalaga lang ay ang makalayo sa walanghiyang ‘yon. Naririndi siya sa pang-iinsulto nito.
“Sorry po.”
Tuloy-tuloy siya sa elevator. This time ay sinigurado niyang tamang numero na ang napindot.
"Ang kapal-kapal ng mukha niya."
Ibinuhos niya ang lahat ng galit nang mapag-isa sa loob ng lift. Pati luha niya ay walang amapt ngunit maagap niyang tinuyo.
“May araw ka rin sa akin, Leandro dela Cuesta.”