4 (Elevator)

2083 Words
Sa kabila nang nangyari kahapon, puno pa rin ng positivism na pumasok si Rome kinabukasan. Panibagong araw, panibagong challenge. ‘Positive lang dapat, Rome.’ Positivity at pakitang sipag para huwag mapaalis. Minabuti nga niyang huwag magbitbit ng mga paninda ngayon. Focus muna siya sa kung anuman ang ipapagawa ni Mrs. Sanchez. Ayaw niyang magkamali at mapuna na naman. Kailangang kalkulado ang mga galaw niya. “Hi, Rome!” masayang bati ni Angie asa kanya habang nagpapahid ito ng lipstick sa bibig. Walang araw na lumilipas na hindi ito nagkokolerete. “Okay ka lna ba, girl?” Nginitian niya ng tipid si Angie. “Oo naman.” Kahit ang totoo ay hindi. Paano ba naman, siya pa rin ang usapan ng mga powerpuffs. Panay pukol ng mga titig sa kanya habang nagbubulungan. Ano ba kasing ginawa niya sa mga ito at ang init ng mga dugo sa kanya? “Ang sasama siguro ng almusal ng mga ‘yan,” nakangusong saad ni Angie na umupo sa mesa niya. Hawak pa rin nito ang lipstick na ginamit. “Pagandahin kaya kita at nang mas mahimatay pa sa inggit ang mga ‘yan.” Mabilis niyang nasalag ang kamay nito na humawak sa baba niya. “Ang kati ng mga ‘yan.” Umangat ang kilay nito. “Makati kasi mumurahin siguro ‘yong cosmetics mo. Branded ang make up ko. Sige na para may mangisay sa inis.” “Hayaan na.” Panay ang pagpupunas niya ng desk. Ayaw niya ng makalat. Inayos pa niya ang framed picture ng lola niya. “Hay, naku!” Nakahalukipkip si Angie na tinunghayan siya. “Saang lupalop ka ba nanggaling, ha, at ganyan ka kabait? Hindi k aba nahawaan ng kamalditahan ng lola mo? Eh, mukhang istriktang principal ang lola mo.” “Oi, hindi, ha. Ang bait kaya ng lola ko.” Pasimple nitong binuksan ang isang lalagyan ng chicharon na sinadya niyang itira para sa kaibigan. “Hmm, ang sarap nito. Ikaw ang may gawa?” namimilog pa ang mga pisngi nito. “’Day, ito,” turo nito sa tipak ng pagkaing natira sa pinagkagatan, “at ang iba mo pang mga luto, siguradong papasa kapag ima-market mo.” Pangarap niya talagang magkaroon ng negosyo, pero hindi muna sa ngayon. Pag-iipunan pa. Natigil ang pagtsi-tsika ni Angie nang dumating na ang boss nila. Pati ang mga powerpuff girls, napahinto sa pagbubulungan. Istrikta kasi si Mrs. Sanchez, ayaw na may naaaksayang oras. Nahuhulog na rin sila sa pagtatrabaho sa paglipas ng ilang sandali. “Romi, can you please come to my office?” Wala sa oras na napalingon siya kay Angie. Kumindat ito at nang mapadako ang mga mata sa mga tsismosang ka-officemates, umirap ito. Madalas siyang tawaging sipsip ng mga ito. Madali kasi siyang nauutusan ni Mrs. Sanchez. Pero, baka sermon na ang aabutin niya sa ngayon, o ‘di naman kaya ay paaalisin na. “Yes, Ma’am.” Kabado siyang tumayo at humakbang papasok sa private office ni Mrs. Sanchez. Bawat hakbang niya, parang naririnig na niya kung paano siya sasabihang lisanin na ang opisina dahil utos ng big boss. Kumatok muna siya ng isang beses bago narinig ang boses ni Mrs. Sanchez. “Take a seat, Miss Magpantay.” Nag-iinit ang pwet niyang naupo sa katapat na upuan. Para siyang makasalanang naghihintay ng final verdict. “Can you please, bring these to the finance department?” turo nito sa patong-patong na mga files sa ibabaw ng mesa nito. Mga ledgers iyon mula sa finance department. Nakakatawa nga, paperless na dapat pero si Mrs. Sanchez, mas preferred pa rin ang bulatlatin ang hard kaysa sa soft copy ng anumang reports. “And then, pakidaan na rin ito sa opisina ni Mrs. Melendez sa HR.” Tatlong folders ang sa tingin niya ay nakapatong katabi ang naunang files na itinuro nito. “And then, hindi ba kalabisan kung ibili mo na rin ako ng fave coffee ko? Ngayon ko lang napagtanto, nasimot na ang supplies ko,” turo nito sa mini-pantry. “Okay lang po, Ma’am.” Binitbit niya ang mga files. May kabigatan pero keri lang naman. “Thanks a lot, Romi, you have been such a great help." “Walang anuman po, Ma’am.” Tinanguan niya ang ginang at lumabas na nang opisina. Mukhang hindi balanse ang pagkakapatong ng mga files sa braso niya kaya inilapag niya muna sa desk niya at nagpatulong ka Angie. “Sure ka na ayaw mong magpasama?” “’Di na, Anj. Kailangan mong matapos ‘yang payroll na pinapagawa ni Mrs. Sanchez. Sasaglit nga pala ako sa CoffeeLeaf, wala ka bang gustong ipabili?” “Thank you na lang. May baon ako.” “Rome?” Napalingon sila ni Angie sa pinanggalingan ng boses. Ang isa sa mga powerpuffs, nakangiting nakatitig sa kanya. “Oh, bababa ka pala, can I ask you to buy me something?” Himala yatang biglang bumait ang isa sa mga maaarteng kasama niya ngayon? Pareho sila ng iniisip ni Angie. Nakakunot na ang noo nito habang nakatikwas ang mga kilay. May pagbabanta sa mga titig, lihim na sinasabing huwag siyang pumayag. “May mga paa naman siguro kayo, eh, ano? Kayo kaya ang bumaba at bumili ng mga gusto ninyo?” Kung sa katarayan lang din, hindi uubra ang sinuman kay Angie. Walang nagawa ang tatlo kundi ang sumimangot na lang. “Hoy, ano ka ba, pag-iinitan na naman ako ng mga ‘yan.” Bahagya niyang binunggo ang siko ni Angie. “My gosh, Rome! Huwag kang masyadong mabait sa demonyang sigbin na ‘yan,” parinig ni Angie sa babae. “Mga alipores ni Satanas. Mamaya maging apoy ang kape oras na nasayaran ng mga bastos na bibig ng mga ‘yan.” Natatawa niyang iniwan ang kaibigan. Pagkahatid niya sa mga files, bumaba na siya ng building para bilhan ng kape ang amo. Naiilang siyang pumasok sa coffee shop. Sa klase ng mga customer na naririto, para siyang napapadpad sa ibang mundo. Hindi siya ang tipong nai-inecure sa kahirapan pero tinubuan siya ng hiya. Pasimple niyang inayos ang buhok at ang damit at nagtungo sa counter. May isa pang nasa unahan niya kaya nagagawa niyang pag-aralan ang interior ng coffeeshop pati na ang menu board. ‘Grabe! Ang mamahal naman ng mga kape.’ Kung siya lang, three-in-one sapat na. Paglingon niya sa salaming dingding, natanaw niya ang entrance ng DC Towers. May humintong magarang sasakyan. Umibis mula roon ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng business suit. Ang boss nila. Kumabog bigla ang dibdib niya nang dahil sa kaba. Nasa malayo man pero ramdam niya pa rin ang otoridad nito. Binuksan ng guard ang passenger’s side. Bumaba mula roon ang maganda at sexy’ng sekretarya ni Mr. dele Cuesta. Kwento ni Angie, walang pangit na sekretarya ang boss at madalas, nakaka-fling pa nito. “Miss?” Inagaw ng boses ng crew ang pansin niya. Nasa anyo nito ang inis. Sa tingin niya, kanina pa nito kinuha ang atensyon niya. Ibinigay niya ang order at naupo muna sa isa sa mga bakanteng mesa habang hinihintay na magawa ang kape niya. Eksaktong paglabas niya ng coffeeshop nang tumawag naman si Angie. “Rome, makisuyo naman, oh. Baka pwede mo akong bilhan ng sanitary pad. Bigla ang dalaw ko, eh.” “Okay.” Naghanap siya ng convenience store sa malapit. Buti na lang at mabilis siyang nakalabas. Worried siya sa kape at baka lumamig na. Tyempo pa namang siksikan sa elevator. Nahihirapan siyang makasingit. Parang may kumalabit sa kanya na lingunin ang kinaroroonan ng elevator na kadalasang hindi pinipilahan. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Ang guard na nilampasan niya kanina ay may tinutulungang magandang babae. “Samantalang ako, ni hindi man lang tinulungan.” Ang isa pang gwardiya ay may kausap sa phone. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya kung doon siya sasakay. Pasimple siyang umalis sa hanay at dali-daling lumulan sa elevator. Sa pagmamadali niya ay mabilisan din ang naging pagpindot niya sa panel. “Hay, salamat!” Nakahinga siya nang maluwag nang walang nakapansin sa kanya. Sinalat niya ang styro. Okay pa, pero talagang lalamig na ang mga iyon. Kung bakit ba naman kasi nasa mataas na floor sila. Wala namang dahilan para maging aligaga nang dahil sa kape pero ‘di niya maiwasan. Sumandal siya sa malamig na pader at pumikit. Nang tumunog ang elevator ay hudyat na para idilat ang mga mata. Inayos niya ang pakakahawak sa mga dala sa dalawang kamay at lumabas sa bumukas na elevator door. Sumarado ang pinto sa kanyang likuran at humakbang siya palayo roon ngunit napahinto kalaunan. Iginala niya ang paningin sa paligid. Ganoon na lang ang pangungunot ng noo niya nang mapagtantong mali ang floor na napuntahan. Wala ang pamilyar na industrial interior ng floor nila. Sa halip ay moderno at magara ang espasyong napasukan. Malawak, makabago. Glass, metal at wood ang pinaghalong material ng mga gamit sa loob, pati na sa mga furnishings and fixtures. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya ay ang malaking puting couch. Receiving area siguro. May magazine rack sa gilid niyon. Bawat disenyo ng mwebles ay kakaiba at makabago. May bakanteng mesa na may katabing computer desk sa isang sulok malapit sa nakasaradong pintuan na may nakasabit na signage: Office of the CEO. Para siyang napapaso sa kaalamang nasa balwarte siya ng masungit na si Leandro dela Cuesta. Dapat ay umalis na siya pero kinain siya ng pagkamangha. Sa pagkakaalam niya, iba ang conference room na madalas ginagamit sa mga meetings pero may sariling conference room dito. ‘Wow.’ Lahat ng nasa paligid ay sumisigaw sa karangyaan, ng yaman. Parang nasa ibang mundo siya. Magazine-perfect ang ayos sa loob. May isang painting pa na nakasabit sa isang panig ng opisina. Wala siyang alam sa paintings pero halatang mamahalin ang isang ito. Ilang hakbang mula sa bakantengf mesa ay may tila dividing panel sa kung anuman ang nasa kabilang side. Sa kaliwa niya ay tinted glass wall. Kung may tao man sa loob, siguradong natatanaw ang pagkakatanga niya. Saka lang nag-sink in sa utak niya na hindi siya dapat naririto sa mismong penthouse ng boss. Hindi basta-basta umaakyat dito sa itaas ang mga hamak na empleyado. Nabuhayan na naman siya ng kaba. Pipihit na sana siya nang makarinig siya ng tila ungol na tila nasasaktan. Inaninag niyang maayos ang ingay. “Ah!” Ano ‘yon? “Oh, my gosh! So big!” Tila tinig ng isang babaeng nasasaktan. Mistulang nanggagaling sa likod ng divider. Walang pagdadalawang-isip na inilapag niya sa fully-carpeted floor ang mga bitbit at halos takbuhin na ang pinanggalingan ng ingay. Baka may hinimatay katulad ni Don Sebastian. Kaybilis nang naging paghakbang niya. Habang papalapit ay lumilinaw at lumalakas naman ang ingay. “Oh, my gosh! Harder…ah!” “Ohh…” May sumasabay na tila impit na nahihirapang boses ng isang lalaki. Huli na para matanto kung ano iyon. Tumambad sa kanyang mga mata ang isang nakakaeskandalong tagpo. Eskadaloso at bastos. Ang sekretarya ng CEO, nakadapa sa mesa, nakataas ang laylayan ng mini skirt. Ang mga kamay nito ay mahigpit na nakakapit sa edge ng lamesa habang sa likuran nito ay ang mismong boss, gumagalaw nang mabilis habang pigil nito at tila sinasakal ang leeg ng babae sa ilalim. Kapwa nakapikit ang dalawa. Halo ang tila hirap at sarap sa mga mukha ng mga ito. Sex. s*x. Naghuhumiyaw na actual s*x ang nakita niya. Bakit sa lahat, siya pa ang nakasaksi ng ganitong kabastusan? Ni hindi nga siya nanonood ng malalaswang mga palabas. Dapat ay umalis na siya sa kinatatayuan pero tila bigla na lang ang naging pangangatog ng kanyang tuhod. Ni hindi niya iyon maihakbang. Siya ang tila nakaramdam ng hiya sa ginagawa ng mga ito. Ang dalawa niyang kamay ay naitakip sa bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mga ito. “Jesus!” Umalingawngaw sa tahimik na silid ang malakas at gulat na tinig ni Mr. Leandro dela Cuesta. Ang mukha nito ay napintahan ngayon ng gulat. Gulat lang, walang hiyang mababakas sa habas ng mukha nito. Huli na para humakbang o ‘di kaya ay magtatakbong palayo. Sa mga oras na ito, tila tumutupok sa kanyang kaibuturan ang matatalim na mga titig ng boss. Hanggang sa nagbago ang ekspresyon nito. Kung kahapon ay napalampas pa nito ang galit sa kanya, baka ngayon ay mapaparusahan na siya. Nagsimula siyang manginig sa uri ng titig na ipinupukol nito sa kanya. Nawala sa isip niya ang presensya ng sekretarya. Ang tanging naghahari ay ang nakabibinging t***k ng kanyang puso. She is dooomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD