“s**t!” Sunud-sunod ang pagkawala ng malulutong na mura sa bibig ni Lean. There was a sharp and throbbing pain in his head. Mas lalong sumigid ang nanghihiwang sakit sa kanyang ulo nang subukan niyang muling ibuka ang mga mata. “Damn hangover!” Naitakip niya ang unan sa kanyang mukha. f**k alcohol. Nakailang bote rin siya kagabi. Alcohol ang napagbuntunan niya ng init ng ulo at prustrasyon at inis sa tatanga-tanga niyang sekretarya. That woman… He hissed. That woman had caused him a lot of trouble. Hiyang-hiya siya nang sa pagbuklat ni Mr. Agamoto ng files na confident niyang iniabot rito, hindi proposal ang binabasa nito kundi mga nakaipit na printed correspondence at memoranda. Kita niya ang disappointment ng lalaki. “This must be a joke, Mr. dela Cuesta.” He burst in embarras