Printed. Malinis. Walang crumples. Maayos na nakalagay sa folders at nakalatag sa desk ni Mr. dela Cuesta. Katabi niyon ang isa pang pile ng kung anong documents. Wala pang alas otso pero nakahanda na ang hiningi nito kahapon. Maaga siyang pumasok ngayon nang sa gano’n ay matsek kung tama ba ang prinint niya. “Agamoto Investments,” pang-ilang ulit niyang basa. “Okay na nga.” Safe na ang kumain. Bitbit ang lunch tin ay naupo siya sa kanyang mesa at mabilisang kumain. Inilabas niya ang lagayan ng baunan at inayos ang baong umagahan sa mesa. Walang bagoong, sinisigurado niya. Baka magwala na naman ang boss. Kasalukuyan niyang binabakatan ang boiled egg nang dumating ang amo. As usual, wala na naman itong kangiti-ngiti. Itinabi niya muna ang pagkain at sinundan ito sa opisina. Baka may iuuto