“Okay ka lang ba talaga rito, Rome?” “Den, okay lang ako, ano ka ba?” Puno ng pag-aalala ang mukha ni Denver na nakatitig sa kanya. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Diskuntento ito. Parang may ayaw sa kabuuang ayos niya. Umiling ito at bumuntung-hininga. “Pakisarado ng isa pang butones ng blouse mo.” Nakabukas pala ang unang dalawang botones ng itim na blouse niya. Sinunod niya ang utos nito. “Okay na,” aniyang nakangiti. Kapag ipinaparamdam niya na kinakabahan siya, magwo-worry lang ito. “’Di pa rin.” Sa mukha niya naman ito nakatitig ngayon. Ni hindi na nga nito pinansin ang sinabi ng isa pang bartender na may ipinaabot dito. “Masyado bang makapal ang nilagay na lipstick ni Rhia?” Mas makapal pa nga ang kolorete sa mukha ng ibang mga waitress dito sa bar na kinaror