3 - Encounter

2009 Words
“Nagmamarunong kasi. Masyadong epal.” “Akala mo naman kung sinong maganda na papatulan ng big boss.” “Baka sabihin ni Sir, tanga tayong lahat dito sa department.” Mas pinili na lang na palampasin ni Romina ang mga maaanghang na mga komento ng mga kasamahan niya. Kaugnay pa rin ito sa nangyari kanina. Masyado na nga siyang nalulubog sa kahihiyan, dumagdag pa talaga ang mga ito. Binudburan pa nito ng asin ang sugat. Kung maaari lang sana niyang burahin ang nangyari kanina. Nakakahiya talaga. “Rome, pabayaan mo na ang mga ‘yan, kulang sa aruga.” Ano pa nga ba ang magagawa niya? May lamat na siya sa amo kaya kailangan niyang magsipag lalo. Anytime, pwede siyang masipa. Minsan na nga lang siyang nagpahayag ng opinion, sumablay pa. "Who is this woman?” Paano ba niya makakalimutan ang tila nanghahamak na titig ng amo sa kanya? Wala itong ibang sinabi pero nasa paraan nang pagdantay ng nakaka-intimidate nitong mga titig ang panghuhusga. Abot-abot ang kaba niya habang naririto si Mr. dela Cuesta. Iba ang presensya nito, napaka-intimidating. Nakakakaba. Parang nanlalamon ng bait. Mabuti at hindi siya natumba kanina sa harapan mismo ni Mr. dela Cuesta nang bigla na lang siyang napatayo dahil sa sobrang kaba. “Siya si Romina, Mr. dela Cuesta, bago nating empleyado.” ”And what is her position again?” Walang mababakas na emosyon sa mukha maliban sa nakakangilong mga titig. Sa pakiwari niya tuloy, namamasa na ang kanyang kilikili. Patindi rin nang patindi ang dagundong sa dibdib niya. "She’s one of our clerks, Mr. dela Cuesta.” "I see,” ang kaswal na sabi nito na sinabayan ng tatlong tatlong beses pagtango ng ulo. Nabilang niya talaga. Paano ba naman ay wala na siyang ibang tinititigan pa maliban sa mukha nito. Para siyang criminal na hinaharap ang tagaparusa. “A clerk, huh?” Hindi niya eksaktong matuloy ang nababasa sa mga mata nito, ang alam niya lang, natatakot siya. Para siyang bulkang sasabog nang bigla na lang itong dumukwang palapit sa kanya. God knows kung paano siyang nawindang nang sa mismong tenga niya ay pumaypay ang mainit nitong hininga. Pakiwari niya ay nanigas ang mga kalamnan lalo at tila pinapayungan siya ng tila pamilyar na amoy na nagmumula rito. "Tell me, Miss Magpantay.” Napakahina lang ng boses nito. Pakiwari niya ay halos hindi bumuka ang bibig nito habang nagsasalita pero matindi ang naging epekto sa kanya. Napalunok siya. Tila naririnig pa niya ang ingay na nilikha nang paglandas ng laway sa kanyang lalamunan. "Tell me one good reason kung bakit ko papatulan ang isang kagaya mo?” Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita niya ang mga kasamahan na tanging nasa kanila ang buong atensyon. Kahit si Mrs. Sanchez ay hindi nakahuma. Kung may nakikisimpatiya man sa kanya ngayon, si Angie lang iyon. Ang iba, lalo na ang dalawang kasamahan, nagbubunyi na at napapahiya siya nang ganito. "Kanina ang lakas ng loob mong magsalita ng kung anu-ano.” Kumawala ang tila kalkulado nitong tawa, tawang hindi natutuwa kundi ang nang-aaba sa kanya. Bahagyang dumistansya ang mukha nito sa kanya at pumirme ilang pulgadang layo sa mukha niya. Para nang binabanat ang mga buhok niya sa anit. "Cat bit your tongue?” Wala siyang makapang anumang isasagot. Hiling niya na lang na matapos na ang araw na ito, na bumalik sa normal ang lahat. Kung sana maaari niyang lunukin muli ang mga sinabi. Nabulahaw siya nang biglang may tumunog na kung ano. Halos mapapitlag pa siya dahil nang oras na iyon ay walang ibang ingay na namamayani sa paligid maliban doon at sa malakas na pagtambol sa kanyang dibdib. A phone call just saved her… Tumuwid ng tayo ang lalaki. Bahagya siyang nabunutan ng tinik. Kay Mr. dela Cuesta pala ang cellphone na nag-ingay. Sinagot nito nang hindi pa rin inaalis sa kanya ang tila nagpaparusang mga titig. “In a minute,” ang tanging sinabi nito. Tila nagbunyi ang kalangitan nang sa wakas ay tumalikod ito at walang lingon-likod na lumabas ng departamento nila. Saka lang din kumawala ang kanina pa pinipigilang paghinga. Hapong napaupo siya sa upuan. Gusto nang kumawala ang mga luha niya pero nagpigil siya. Napapahiya na nga siya, ayaw niyang magmukhang mas kawawa kapag pinagbigyan niya ang mga tsismosa kung paano siya mag-breakdwon. . Madali siyang tumayo at nagtungo sa restroom. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ni Angie sa kanya. Pinagbigyan niya na ang sarili. Binigyan niya ng mga isang minuto ang sarili para mailabas ang mga luhang naipon sa gilid ng kanyang mga mata. Alam naman niyang napakaliit niya kumpara sa lahat ng mga nandito, pero kanina, sobrang panliliit lalo sa sarili ang ipinaramdam sa kanya ni Mr. dela Cuesta. "Tell me one good reason kung bakit ko papatulan ang isang kagaya mo?” Kagaya mo. Kagaya mo. Paulit-ulit na nag-echo sa tainga niya, nag-replay sa kanyang utak. Gumapang ang insecurity sa buong sistema niya. Tinitigan niya ang imahe ng babaeng nakatitig pabalik sa kanya sa salamin. Sino nga naman ba siya para patulan ng isang kasingtayog na katulad nito? Pumilas siya ng tissue at tinuyo ang mga mata. Nagpakawala siya ng sunud-sunod na buntung-hinga. HInamig niya ang sarili. Naghugas siya ng kamay at ilang segundo munang tinitigan muli ang sarili sa salamin. “Tiis ka lang, Romina. Wala namang ibang nagagawa ang mga katulad mo kundi ang magtiis. Nangangamuhan ka, eh, kaya, habaan pa ang pasensya.” Muli siyang bumuga ng hangin at nilagyan ng ngiti ang mukha. Hindi siya lalabas sa banyong ito na nagmumukha siyang kawawa. Ang dami na niyang pagsubok na pinagdaanan sa buhay, hindi siya basta-basta mapapatumba ng pamamahiya sa kanya. Isang episode lang ito ng buhay niya. “Walang sukuan, Romina.” *** “An undergraduate?” Leandro had a surprised tone as he scanned the documents handed to him by Mrs. Melendrez, the HR Manager of the DC Corporation. May istriktong implementing rules and guidelines para sa hiring ng employees sa kumpanya nila. They don’t hire just anybody, and certainly, that woman didn't even come close to meeting half of the standards. Halata itong naliligaw sa klase ng pinapasukan nito. She wasn’t even fashionable, hindi presentable at higit sa lahat, walang natapos na degree. “Education, huh?” She was an undergraduate in Education. Nasisigurado niyang wala man lang itong ni isang subject na may kinalaman sa accountancy. Ano ba ang alam nito sa corporate world kung ang pinakahuling trabaho nito ay tagaburda sa isang maliit na pabrika? “Education, huh?” Pabalibag niyang initsa sa mesa ang papeles at buong bigat na isinandal ang likod sa swivel chair at pinagsalikop ang mga palad sa gawing sikmura. “Whoever hired this woman?” Ni hindi man lang marunong sumagot ng direkta nang uriratin niya kanina. For Pete’s sake, simpleng pangungusap at ni hindi nito masabi nang tuwid at may gana itong magsalita nang kung anu-ano sa kanya? What the hell?! During his two years as the acting CEO, nobody had dared to speak to him in such a defiant manner. Although he wasn't typically distant, he always ensured he earned the respect of his employees. And that woman! He crossed his legs and acted bored as he waited for an answer. Tumikhim muna si Mrs. Melendez at umayos ng upo. Ipinatong pa nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng mga hita. Mas matatanda sa kanya ang lahat ng executives pero ramdam niya ang sense of command niya sa mga tauhan. "She was specifically recommended to be hired for any available position, Sir." He smirked. “Under whose authority?” “Your grandfather, Sir.” Sandali siyang natahimik. His lolo. “How was it possible? Nasa abroad ngayon si Lolo.” "I don't have all the exact details, Sir, but one day, his assistant called and requested that I arrange an interview with Miss Magpantay. It was more of a formality, to be honest." Wow! She must have been special. Apo sa labas ni Lolo Sebastian? He doubted. Hindi kagaya niya, hindi mapaglaro sa babae ang lolo. Loyal ito sa namapayapa niyang lola. "We can fire her.” “On what basis, Sir? In terms of her performance, she has demonstrated nothing but hard work during the two weeks she has been with us. Marunong daw makisama sa mga kasamahan at maaasahan ng head ng accounting. Isa pa, your grandfather gave a marching order not to fire her under any circumstances.” Napatayo siya sa sinabi ng kaharap. “That’s ridiculous, Mrs. Melendez!” Practically, retired na ang lolo niya pero heto at isang salita lang nito at sinusunod pa rin ng mga tauhan. “Not at all, Sir. Makakaapekto sa lolo ninyo kung paaalisin natin sa kumpanya si Miss Magpantay. Unless, otherwise, siya mismo ang gugustuhing umalis a trabaho.” By the looks of it, hindi nito basta-basta bibitiwan ang trabaho. They were known to be one of the best paying companies in the country. Kahit utility ay tinatrato nilang mabuti. Ang swerte naman ng babaeng iyon at nakapasok nang walang aberya sa kumpanya nila. It took her grandfather as her ticket. Ano nga ba ang ginawa ng babaeng ito at ganoon kaespesyal para sa lolo niya? “What’s the matter with Miss Magpantay, Sir? Did she cause any trouble?” Hindi niya pwedeng sabihing nairita lang siya sa babae. Masyadong unreasonable. Being irritated by her didn't necessarily mean he would fire her in an instant. Lalabas siyang immature, malayo sa imahe niya kung sasabihin niyang naapakan nito ang ego niya kaya gusto niya itong mawala sa landas niya. What that woman said was neither grievous nor dangerous. Nainsulto siya, to be honest, pero mababaw iyong dahilan. Higit sa lahat, hindi niya maaaring sipain ang babae nang dahil lang sa kumukulo ang dugo niya sa mga sinabi nito. Kanina, lumipad bigla ang temper niya. Shit! Bakit ba niya hinahayaang maapektuhan nang husto sa isang babaeng kagaya nito? She was a nobody, for Pete's sake! Yet, he allowed her to get on his nerves. “You are free to go, Mrs. Melendez. Thank you for your time.” Ano pa ba ang silbi kung palalawigin ang usapan? Magmumukha lang siyang baliw at pinag-aksayahan niya ng oras ang isang Romina Magpantay. Ilang sandaling nakatitig lang muna siya sa files ng babaeng ‘yon bago inilipat sa mga gawain ang atensyon. But whatever he did, nabubuhay at nabubuhay ang inis niya sa babaeng ‘yon. Padarag niyang isinarado ang kaharap na laptop. Niluwangan niya ang kanyang kurbata at bumuga ng hangin. Ilang sandaling nakatitig lang muna siya sa files ng babaeng ‘yon bago inilipat sa mga gawain ang atensyon. Una niyang pinasadahan ng basa ang proposal tungkol sa napipintong pag-take over ng DC sa isang maliit na investment company sa Cebu. Lahat ng transaction na papasukin, dapat ay mas makikinabang ang DC. DC is not just a corporation, it’s a legacy. Nagsimula lang ito sa isang maliit na retail business na itinayo ng lolo niya noon. Over the years, lumaki nang lumaki ang asset nito hanggang sa naging isa sa pinakamatatag na conglomerates hindi lang sa Pilipinas kundi sa global arena. Simula nang i-take over niya ang pamamahala sa negosyo, malaki na rin ang naiambag niya sa pagpapalago nito. Ayaw niyang may masabi ang lolo at ama at ang buong pamilya. Reaching this point in his career was never easy. Every day, he kept on proving his worth. Kasunod ay ang ginawa niyang pagsinuri sa iba-ibang proposals na kailangan niyang pasadahan ng basa. But whatever he did, nabubuhay at nabubuhay ang inis niya sa babaeng ‘yon. “That woman is a witch.” Naaalala niya ang naiiyak nitong imahe at ang takot at hiya sa mga mata nito. Aminin man niya o hindi, sa kabila ng yamot, nagawa niya talagang pagtuunan ng pansin ang mga mata nito na nangingislap sa luha. Kung hindi siya nakatanggap ng tawag mula sa ama, malamang na nag-breakdown na ang babae sa kanyang harapan. Why the hell was he affected? “Bullshit! Damn bullshit!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD