9 - Titig

2286 Words
Pata ang katawan niya kinabukasan. Ang sarap lang sana na huwag nang bumangon pero hindi niya hawak ang oras. May naghihintay s akanyang trabaho at demonyong amo. Napapikit siya. Kapag naiisip niya si Mr. dela Cuesta, binubundol kaagad ng kaba ang puso niya. Ayaw niyang marinig ang boses nito kahit gaano pa ito kaganda. “Hindi ka ba papasok?” Si Ria na kapapasok lang sa silid nila mula sa paliligo. Nakatapi pa ito ng tuwalya at kasalukuyang sinusuklay ang maiksing buhok. Tumagilid siya ng higa at ipinatong ang ulo sa braso at namaluktot ng higa sa deck. “Ree, may bakante bas a pinapasukan mo?” Nakakunot ang noong nilingon siya ni Ria. “Bakit, ayaw mo ba sa corporate world?” “Hindi naman ako nababagay do’n, ah.” “Naku, naku! Umandar na naman kawalan mo ng bilib sa sarili. Bilis mong matakot do’n sa demonyo mong amo.” Humarap ito sa kanya nang nakapameywang. “Ipakita mo ang galing mo. Huwag ka agad susuko. Tayong mga mahihirap, hindi basta nagpapatalo.” Kung pwede lang sanang hiramin ang fighting spirit ni Ria kahit konti lang. “Bangon na. Sabay na tayong mag-almusal. Ihahatid na rin kita sa trabaho. Day-off ko ngayon sa mall at may raket ako banda do’n ngayon.” May hinuhulugan itong motor. Kapag may pagkakataon, iniaangkas siya nito. Maaga pa nang ihatid siya nito sa opisina pero siksikan na ang mga tao sa hanay ng mga elevators. Maaga pa pero hindi na siya dumaan kay Angie. Ayaw niyang masabon ng boss. Laking pasalamat niya nang maratnang wala pa ito. Makakahinga pa siya nang maluwag. Nasa elevator pa lang, iniisip na niya kung ano ang unang gagawin. Pagkatapos mailagay sa mesa ang mga gamit, pumanhik siya sa pribadong opisina ni Mr. dela Cuesta. Nagpunas-punas at nag-ayos-ayos siya ng mga gamit nang may tumawag sa telepono na nasa mesa niya. Dali-dali siyang bumalik sa mesa at dinampot ang telepono. Mamaya, may ma-miss siyang tawag. “Hello,” hinihingal niyang sagot dahil pagtakbo at sa kamamadali sa pagdampot at paghahanap ng notepad ni Cristina. “Hey, this isn’t Cristina, right?” “Ahm, hindi na po rito nagtatrabaho si Miss Cristina, Sir.” “So, you’re the new girl.” New girl. Parang iba ang pahiwatig ng kausap, pati na ang pagtawa nito. Siguro, ka-close nito ang amo at ang dating sekretarya. “Hey,” untag nitong natatawa. “May tanong ako, remember?” “Bago…bago po akong sekretarya.” Para siyang nabubulunan ng sariling laway sa pagbanggit ng salita. Ang awkward sa pakiramdam lalo at marami siyang kakulangan. “May nakakanerbiyos ba sa trabaho mo?” Meron. Ang amo niya mismo. “I guess, it’s the boss.” Ang tabil naman ng lalaking ito. Pero okay na rin dahil bahagyang nababawasan ang kaba niya. “Well, anyway, don’t forget to remind your boss regarding our meeting.” Kaagad niyang isinulat sa notepad ang bilin ng kausap. Pati oras at venue na ibinigay nito. Nang matapos ang pag-uusap, madalian niyang pinasadahan ang mga pahina ng notepad. Kahit paano, may natutunan siya sa mga isinulat ni Cristina. Isa sa mga napansin niya ay ang nakasulat na schedule ng sa tingin niya ay pagsi-serve ng coffee. Malamang, para sa amo niya. Nine AM, after lunch, three PM ang nakasulat na mga oras. Mabilis niyang tiningnan ang orasan. Mag-aalas otso pa lang. “Coffe. Coffee.” Paulit-ulit niyang paalala sa sarili. Binuksan niya ang computer sa desk at nagbasa-basa sa mga files na naroroon. May mga emails na pumasok. Natataranta pa siya sa dami. Sabi ni Angie, dapat daw niyang isa-isahin ang mga pumapasok na email kaya ‘yon ang ginawa niya. Wala pang alas nueve nang dumating ang amo. Kumabog kaagad ang dibdib niya marinig pa lang ang tunog ng pagbubukas ng elevator at ng mga yabag nito. Nakaharap siya sa monitor ng computer at nasisilip niya ang kampanteng paglalakad nito. ‘Handsome devil.’ Sana naman, sinaniban na ito ng kabaitan ngayong araw. Alangan tuloy siya kung babati pero ginawa niya. Siya ang subordinate. Dapat may galang sa amo. “Good morning, Sir.” Tuloy-tuloy lang ito sa paghakbang na parang walang ibang taong nakikita sa paligid at mukhang wala itong narinig. Kahit naiins, sinundan niya ito. Dumiretso ito sa desk nito at binuksan ang laptop. Pakiramdam niya, parang lalabas na naman sa dibdib niya ang puso dahil sa sobrang kaba. Tumikhim siya at humakbang palapit sa walang kangiti-ngiting lalaki. “Sir,” tawag pansin niya rito na wala yatang balak tuminag sa kinauupuan. ‘Sana magka-stiff neck,’ mahinang bulong niya sa sarili. Muntikan na siyang mapaatras nang sa pagbaling niya ng tingin sa lalaki ay natagpuan itong nakatitig na pala ito sa kanya. ‘Narinig niya kaya? Sana naman, hindi.’ “I’ll call you whenever I need you.” “May…may tumawag ho pala.” Nagpatuloy siya sa pag-dictate sa amo kahit mistulang wala itong pakialam sa mga sinasabi niya. Basta, nasabi niya. Hindi na siya masisisi at mas lalong mababawasan ang pananabon nito sa kanya. “S-sige po, Sir. Balik na po ako sa mesa ko.” Tumalikod siya. Naiwan ang mga mata sa pendulum clock na siya lang yatang nag-iisang vintage na bagay sa napaka-modernong opisinang ito. Isang minuto na lang at mag-aalas nueve na. Tinungo niya ang mini-kitchen at gumawa ng kape. Kagabi, naturuan na siya ni Denver kung paano i-operate ang coffee maker. Sinigurado niyang hindi mapait ang timpla gaya noong dati. Maayos niyang inilapag sa nakitang bar tray sa cabinet ang tasa na nakapatong sa saucer. Kumuha siya ng table napkin at doon naman inilagay ang teaspoon. Pinakahuling elemento, ang isang pakete ng asukal na nakikita niya sa isa pang lalagyan. Nalagyan na niya iyon ng asukal pero naglagay pa rin siya ng extra. Tahimik niyang inilapag sa gawing kanan ng desk ang bitbit at siniguradong walang papeles na mababasa. Nakita niya kung paano ito napahinto sa ginagawa at napatitig sa tasa ng mainit na kape. Wala itong sinabi. Wala ring reaksyon. Kung may buhay lang siguro ang kape, kanina pa tumalon sa tasa dahil mas mainit pa yata ang mga tingin ni Mr. dela Cuesta. Hindi niya ini-expect na may kakabit na thank you mula rito kaya tumalikod na siya. Bago tuluyang lumabas ng silid nito, napalingon pa siya rito. Hindi man lang nito ginalaw ang kape. Iniisip niya tuloy na baka hindi nagustuhan pero hindi naman ito nambulyaw. Minabuti niyang ituloy ang pagbutingting sa mga files. Alas dies y medya nang may dumating na panauhin. “Miss Magpantay.” Sumugod kaagad siya sa opisina ni Mr. dela Cuesta nang tawagin nito ang pangalan niya. “Get Mr. Castillo a cup of coffee.” Wala man lang please. Humihingi ng kape pero ang sariling kape ay hindi man lang nabawasan. Para siyang naghinampo nang makitang ni hindi man lang ginalaw ng amo ang kape na tinimpla niya. Inaaba yata nito ang gawa niya. “Ano ho ba ang gusto ninyo sa kape, Mr. Castillo?” “Ikaw na ang bahala, hija.” Mabuti pa ang panauhin at ngumiti pa. Pagbalik niya ay seryoso na ang usapan ng dalawa. Expansion ang pinag-uusapan. Huminto lang ang mga ito nang ininom na ni Mr. Castillo ang kape. Inubos nito ang laman. “This is by far, the best coffee I ever tasted maliban sa gawa ng namayapa kong asawa.” “H-hindi po mapait?” naniniguro niyang tanong. Nakakmangha lang. “This is perfect, hija. Mapapadalas yata ang pagbisita ko rito dahil sa kape mo.” Napadako ang mga mata niya kay Mr. dela Cuesta. Napatingin ito sa kape nitong nanlamig na. Sakai to nang-utos. “Throw that away and make me another cup.” Kapag talaga sinabi pa nitong masama ang lasa ng kape niya, nerves na talaga ng dila nito may problema. Baka nga may sayad na ito. Hindi siya umalis sa kinatatayuan. Inobserbahan niya kung ano ang magiging reaksyon nito. Surprisingly, inubos nito ang kape. “What did I tell you?” si Mr. Castillo nang makitang naubos ang laman ng tasa ni Mr. dela Cuesta. Pero ang lalaki, ayaw siyang bigyan ng credit. “Lola’s coffee is still the best,” anitong sa screen ng laptop nakatingin. Hindi na nga nag-thank you. Ma-pride talaga. Maano bang magpasalamat? Kulang sa aruga ang amo, sigurado na siya. “Hija, mangangawit ang mga binti mo. Maupo ka dito.” Pinagpag ni Mr. Castillo ang isa pang upuan sa harapan nito. “Come on.” Naupo siya. Bahala na ang ‘demonyo.’ Nakakaaliw din naman palang makinig ng mga intelihenteng usapan. Kahit na nga ‘di niya nauunawaan ang lahat ng mga sinasabi ng dalawa. Tatlumpong minuto pa ang itinagal ng meeting at nagpaalam na si Mr. Castillo. Lalabas na rin sana siya nang bigla itong may hinanap sa kanya. “The minutes?” “P-po?” Umangat ang isang sulok ng bibig nito. May nang-uuam na ngiti o kung ngiti man iyong matatawag. Saka nito kampanteng isinandal ng lalaki ang likod sa swivel chair at tinitigan siya. ‘Yong titig na tila sinasabing inaasahan na nito ang reaksyon niya, na papalpak na naman siya. “You were here the whole time at ang tanging ginawa mo lang ay tumunganga.” Napalunok siya. Bakit ba niya nakaligtaan? Minsan talaga, nauunahan siya ng katangahan. Nakita na nga niya ang notepad ni Crsitina. Naku naman talaga. Mamaya, sipain na siya nito nang tuluyan. “Sorry po, Sir,” tungo ang ulong hiling niya ng paumanhin. Wala namang mawawala kung magpapakumbaba siya. “Another offense and you’re lifeline in this office is getting thinner and thinner.” Magbubunyi ito kapag nagkataong mapapaalis siya sa trabaho. May mga tao talagang ubod ng itim ng budhi. Isa na nga si Mr. dela Cuesta. Pero itinanim niya sa isip na hindi iyon mangyayari, kahit gaano pa kahirap. Bumalik siya sa mesa na nanlulumbay ang pakiramdam. The whole time, panay ang tawag nito sa kanya. Panay ang utos. Kahit naaabot naman nito, o kayang gawin, iniuutos pa. Gaya kahapon, akyat-baba siya sa elevator. Late na nga siyang nakapag-lunch. May ipina-type pa kasi ito sa kanya hindi pa man siya nakapagpahinga. Letter na kaya naman sana nitong gawin. Sa bagal niyang mag-encode, naiinis na naman ito. “Sandali na lang poi to, Sir!” Paano ba gagawin ang enye? Natutuliro na siya. Mas lalo pang bumagal nang inaantabayanan siya habang ginagawa ang utos nito. “Hindi pa ba tapos?” Nagdungtong na ang mga kilay nito. Inis na inis na. “H-hindi pa ho.” Yamot itong umikot sa mesa niya. “Tabi.” “Po?” Parang walang narinig na dumukwang ito sa computer niya at ito na mismo ang nag-type. May laptop naman ito, bakit kasi ‘di na lang ito ang gumawa? Heto tuloy, para siyang tuko na nakasiksik sa pagitan ng mesa at dingding at ng katawan nito. Saka niya napagtuunan ng pansin ang ayos nila ni Mr. dela Cuesta. Para siyang napapayungan ng malapad nitong katawan at mabangong amoy nito. Isang maling galaw niya lang at magbubungguan na ang mga pisngi nila. Sa gilid ng kanyang mga mata, tiningnan niya ang mukha nito. Sumagi sa utak niya ang tagpong naabutan dito at kay Cristina, dito mismo sa mesang ito. Kasamang nabuhay sa isip ang masagwang tagpong iyon sa pagitan nilang dalawa. “You wanna have a taste of me?” Parang nag-init ang kanyang pakiramdam sa naalala. Sa daming bagay na pwedeng dumaan sa utak niya, ‘yon pa talaga? In an instant, tila naging masikip ang opisina sa kanya. Parang nag-isang kumpas ang mga balahibo niya at pakiwari niya ay tumayong lahat. Ang paghinga niya ay parang naging limitado bigla. Humanap siya ng paraan para pasimpleng tumayo pero hindi niya magawa. “If you want to stick to this job, be a fast learner. Hindi ‘yong tatanga-tanga ka.” Sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita nito, bigla rin ang naging pagbaling niya ng ulo sa gawi nito. Magkasabay ang naging paglingon nila sa isa’t-isa. Nahigit niya ang paghinga nang matuklasang halos wala nang pagitan sa mga mukha nila. Halos magkiskisan na ang mga bibig at nagbungguan pa nga ang tungki ng kanilang mga ilong. Sinasabi ng instinct niya na tumayo pero parang hinihigop siya ng kakaibang pwersa at nanatiling walang tinag. At si Mr. dela Cuesta… Allergic ito sa kanya pero heto at tinititigan ang buong mukha niya. Hinahayaan nitong ganito sila kalapit na nakikita niya kung paanong gumalaw ang lalamunan nito. Habang tinititigan ang magandang pares ng mga mata nito, mas lalo namang nag-ingay ang dibdib niya. Ang takot niya lang ay baka marinig nito. Ayaw niya sa ganitong pakiramdam, masyadong nakakabahala, masyadong nakakainis. Para kasing ang hirap lang huminga. “Sir…” nakuha niyang sabihin. “Na…naiipit na ho ako dito sa dingding,” sinasabi niya na umaktong normal. Pasimple niyang binawi ang paningin at inilipat sa monitor ng computer. “Aaralin ko po, Sir, pangako po.” Ilang segundo rin ang lumipas nang walang salitang maririnig mula rito. “Y-yes…yes, you should learn better,” ang sabi nito kapagkuwan at umalis na nga sa pagkakatungo sa tabi niya. Para siyang nabawasan ng tinik sa dibdib nang tuluyan itong tumayo at umalis sa likuran niya. Wala itong sinabi. Nagsalubong lang ang mga kilay at nakakuyom ang mga kamao na parang galit sa kung anuman. Pabalibag na sumarado ang pintuan ng private office nito. Simula nang makapasok ay hindi na ito lumabas pang muli. Hindi na siya tinatawag. Wala nang ‘Miss Magpantay’ na umaalingawngaw sa buong penthouse. Tahimik lang ito pero ramdam niya ang tahimik nitong pag-aalburuto na hindi niya maunawaan. ‘Ano na naman ba ang nagawa ko na ikinagagalit niya?’ Nagkatitigan lang naman sila. Masama ba talaga 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD