“Why can’t you f*****g find a way to meet the deadline? Beforehand, you made a promise to finish the installation of all cell sites by the end of next month. Any delay is on your part. I don’t f*****g care kung ano ang gagawin ninyo. You signed a contract for Pete’s sake! Ayusin ninyo ang trabaho ninyo or I will outsource from another dependable company.” Ang amo niya, nag-aalburuto na naman. Kawawa ang kausap. Mapait na nilagang itlog at hindi napigang ampalaya siguro ang almusal kaya sobrang bitter kahit umaga pa lang. “Just do your f*****g job, damnit!” Malutong ang binitiwan nitong mura. Pati siya napaigtad sa lakas ng boses nito. Napaangat siya ng mukha nang wala sa oras. Direktang tumama ang paningin niya sa mukha ng nayayamot na amo. Halos wala nang pagitan sa dalawang kilay ni