“Miss Magpantay!” Pang-ilang ulit na bang tinatawag ni Mr. dela Cuesta sa loob ng ilang oras ang pangalan niya. Mas naging malala pa yata ang init ng ulo nito pagkapasok pa lang sa opisina. Para nang hihiwalay ang kaluluwa niya mula sa katawan sa magkahalong kaba at gulat bawat beses na inuutusan siya nito. “Sir, andito na po ‘yong files na pinakuha mo mula sa opisina ng CEO ng DC Telecoms.” Isang subsidiary company ng DC ang tinutukoy niya. Sa araw na ito, halos nalibot niya na ang lahat ng opisina ng mga subsidiary companies ng DC. Nakakalito ang mga titulo ng mga taong pinapupuntahan sa kanya. Ang nasa mga ibabang floors pala ng matayog na DC Towers, mga subsidiary companies pala ng DC. Hindi niya maunawaan, ang lawak pala ng dapat niyang aralin. Kung siya si Mr. dela Cuesta, baka p