Matapos ang mahigit kalahating oras ay bumalik si Dwayne sa kotse kung nasaan kami ni Rebecca. Bakas ang pag-aalala nito para sa kaibigan ko, lumapit pa ito kay Reb na umiiyak at pinunasan ang luha nito bago ito hinalikan sa noo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakita ko. Masaya ako na nandito si Dwayne, may aalalay kay Rebecca. Alam kong hindi niya pababayaan ang kaibigan ko. May tinawagan lamang ito pagkatapos ay mabilis nitong pinatakbo ang kotse. Muli akong napalingon sa lugar ng sunog. Naapula na ang apoy at tanging ang mga sementong bahagi na lamang ang makikita sa lugar. Wala na ang dating ayos nito. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa aking labi bago ako humarap kay Rebecca na nasa kalapit ko. Marahan kong iginaya ang ulo nito sa balikat ko. Hindi na ito umiiyak pero naririn