Chapter 66

1399 Words

Bumalik ako ng Caridad na naka-commute lang. Hindi ko pa alam kung saan sa San Antonio ipinadala ni Delgado ang kotse ko. Siguro may binayaran siya para i-drive iyon. Gaya nang dati ay balik trabaho na naman ako. Nang makarating ako sa site ay nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang kotse ko na nakaparada doon. Dito pala pinadala ni Delgado. Nasa kaniya pa ang susi nito dahil hindi naman niya binalik sa akin. Hindi ko na rin naman nakuha sa kaniya dahil nagmamadali akong umalis sa bahay niya noong sabado ng madaling araw. Nang pumasok ako sa opisina ay naabutan ko na si Mayla at Anji. Bumati lang ako sa kanila at dumiretso na ako sa table ko. Napakunot ang noo ko nang may makita akong coffee sa ibabaw ng table ko. May tatak pa ito ng isang kilalang brand. Mayroon ding dalawang cr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD