Chapter 67

1294 Words

Bumalik ako sa pwesto ko at nagsimulang magtrabaho ulit. Bahala na si Delgado sa buhay niya. Hindi ko namalayan na lunch break na pala dahil masyado akong tutok sa trabaho ko. May pinabaon naman sa aking pagkain si Aling Pacing kaya hindi ko na kailangan pang lumabas. Ako na lang at si Eng. Romualdez ang natira dito dahil nang tingnan ko sa baba ay wala ng tao. Marahil ay kumakain na sila ng lunch. Si Eng. Romualdez kasi ay palaging may baon dahil nga masarap daw magluto ang asawa niya. Niligpit ko muna ang mga nakakalat na mga gamit ko sa table ko bago ko kinuha ang dala kong baon. Nakita ko naman si Eng. Romualdez na bumaba, siguro ay sa pantry siya kakain. Nagsimula na akong kumain nang mapatingin ako sa opisina ni Delgado. Mula nang magkausap kami kanina ay hindi pa siya lumalabas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD